Chapter X

Chapter X

Araceli woke up feeling sore all over her body. Pakiramdam niya ba ay first time niyang pumunang gym dahil masakit ang braso niya, pati ang hita at tuhod niya. She's not even bothered that it's quarter to eight. Tinatamad siyang pumasok. Mas gusto niyang mahiga magdamag at matulog.

With her eyes half close, she texted her friend Jecca na hindi siya makakapasok dahil masama ang pakiramdam niya. Naabutan din siya ng kaniyang Ina na nakahiga pa sa kaa kaya nag-alala ito.

"Gusto mo bang bumalik sa doctor para mapatingnan kita? Kasi naman, Ara. Dapat nagpapahinga ka pa ngayon. Hindi ka muna dapat bumalik sa trabaho," nag-aalalang pangaral sa kaniya ng Ina.

"Mama, ayos lang po ako. Ipagpapahinga ko lang ito. Bukas maayos na ako," nakangiti niyang sabi rito.

"Oh, siya. Hahatiran na lang kita ng pagkain mo para hindi ka na bumangon," sabi nito at hindi maalis ang pag-aalala sa anak.

"Opo, Ma,"

Naiwan ang dalaga na mag-isa sa silid. Pinilit niyang bumangon at tumayo pero agad namang napaupo nang maramdaman niyang nanginginit ang tuhod niya. Kailangan niya pang humawak sa pader para makapunta sa CR ng silid niya.

Nangiginig na sinipat ni Ara ang mukha niya sa harap ng salamin. Her body may be feeling tired but her face is somewhat blooming. Namumula ito maging ang labi niya.

Nagbaba naman ang tingin niya sa leeg niya at dahan-dahan ay ibinaba niya ang collar ng pantulog niya. Halos mapasinghap siya nang makita niyang may namumulang pantal sa baba lamang ng collar bone niya. Her eyes squinting to see the mark vividly. Kinapa niya ito pero hindi naman masakit.

"Saan naman kaya ito galing?" tanong niya sa sarili niya.

Isinantabi ng dalaga ang pagtataka at napagdesisyunang maligo. Hinubad niya ang kaniyang kasuotan at doon niya nakitang hindi lang isa ang pantal sa katawan niya. Mayroon din sa magkabilang dibdib niya, sa tiyan, sa puson, at sa hita niya.

Nanghihinang pumasok ang dalaga sa shower cubicle at agad na binuhay ang shower. Staring at her unknown marks make her feel hot. Pakiramdam niya ang may nanunumbalik na ginhawa sa katawan niya na hindi niya maalala kung saan niya nakuha.

"Tell me you want this too, Araceli. Tell me you ache for my touch."

Napamugalat siya nang biglang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.

'These marks came from that dratted dream again!" she said unbelievably.

Nagmamadali siyang naligo at lumabas ng CR. Pumunta siya sa kaniyang closet at kinuha ang unang damit na nakita. Nag-ayos siya ng sarili bago kinuha ang bag at lumabas ng silid.

Nang bumaba siya ay nadatnan niya ang kaniyang ama na palabas galing dining hall. Bahagya pa itong nagulat na makitang siya nakagayak.

"Saan ka pupunta? You're mother told me you're not going to work," sabi nito.

"Hindi nga po, Papa. Pero may pupuntahan ako," nakangiti niyang sabi.

"And where are you going, if I may ask?" nakakunot-noo nitong sabi.

"Sa dati ko pong school, Pa. May aasikasuhin lang po ako," she half-lied.

"School credentials? Magre-review ka na ba para maging CPA?" nagagalak nitong sabi at wala siyang choice kundi ang tumango.

"O-opo," sabi niya at agad na nag-iwas ng tingin.

"Then eat your breakfast first. Ipapaakyat na sana ng Mama mo ang pagkain mo,"

"Sige po. Ingat sa work, Pa," sabi niya bago humalik sa pisngi nito.

Pumuntang dining hall ang dalaga at nakita niyang may dalang tray ang Mama niya na alam niyang sa kaniya ito dadalhin.

"Ma, dito na lang po ako kakain," she said and her mother's brow furrowed.

"Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?"

"May pupuntahan po ako. At saka okay na pakiramdam ko nang makapaligo ako," sabi niya at narinig niya ang mapang-asar na tawa ng kapatid.

"Kulang ka lang pala ng ligo, sis, eh," natatawang sabi ni Mason at sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Oh, siya. Kumain ka na. Umalis pala ang Mama at Tita Belen niyo. Dito ka ba kayo manananghalian?" tanong ng Mama niya sa kanilang dalawa ng Kuya niya at agad naman siyang napailing.

"Baka po abutin ako ng hapon, Ma," sabi niya kaya tumingin ito sa Kuya niya.

"Sa palayan ako kakain, Ma," sabi nito dahilan para mapasimangot ang kaniyang Mama.

"I should have agreed to your father na gawin kayong tatlo noon. Now I'm alone," nagtatampo nitong sabi kaya napangiti naman si Ara.

"Eh, bakit ba hindi niyo ako sinundan ni Papa noon? Sana pala may younger sister ako ngayon,"

"Or brother..." her brother supplied and she nodded.

"I almost lost you, Ara, when you were still on my womb so I was traumatized," sabi nito na ikinagulat niya.

"I didn't know that," she said and her brother snorted.

"You're a pain even on womb, sis," pang-aasar nito.

"Heh! Tumigil ka!" sita niya sa kapatid.

"Mason, ihatid mo si Ara sa pupuntahan niya," her mother said.

"Huwag na, Ma. I will drive," she said as she stood up from her seat.

"Oh, hindi ka na kakain? Kumain ka muna—"

"You worry too much, Ma. I'll be fine," she assured her mother. "Alis na po ako, Ma, Kuya,"

"Mag-iingat ka sa pag-drive. Huwag masyadong mabilis," narinig niyang paalala ng kaniyang Ina bago siya makalabas ng dining hall.

***

She entered to gate of her former college when the rain started pouring. Parang kanina lang paglabas niya ng bahay ay mainit pa ang panahon tapos biglang uulan. Napaka-unpredictable na talaga ng panahon.

She parked her car in front of the academic building and went directly to her former professor. Someone who is very close to her heart when she was still in college.

Nasa harapan na siya ng opisina nito habang nakatitig siya sa pangalan nito sa pinto.

Prof. Sigrid A. Evangelista, MBA, Ph.D. College of Arts, Sciences, and Education.

She made a three soft knock before opening the door. She peaked inside at agad niyang nakita ang dating guro na nakatayo sa bay window ng opisina. Nakatingin ito sa garden ng university kung saan tanaw na tanaw sa kinatatayuan nito.

"Professor Evangelista?" mahinang sabi niya at nakita niyang tumagilid ang ulo nito.

"I'm not in the mood to teach your class—" lumingon ito at natigilan nang makita siya. "Ara!" biglang lumapad ang ngiti sa labi nito pagka-kita sa kaniya.

"Are you skipping your class again, Professor Evangelista?" nakangiti niyang sabi.

"What brings you here? Aba, mas lalong gumanda ang paborito kong estudyante, ah," lumapit ito sa kaniya at nagmano naman siya.

"Dumadalaw lang po," she said smiling genuinely.

"I'm so glad to see you. Last time we talked is when you were having a clearance for your transcript of records," pinaupo siya nito sa may receiving area kung saan may sala set.

"Kaya nga po, eh," natatawa niyang sabi.

The office looks ancient surrounded by books.

She stared at her former professor. She didn't change a bit. Her age may contradict her appearance dahil walang maniniwala na ang isang professor na 'tulad nito ay nasa early fifties na. She's graceful, smart looking woman, and has a beauty of a regent.

She became her professor when she was in her third year college with a Psychology subject. Kahit isang semester niya lang ito naging guro ay napalapit siya rito kaya madalas niya itong dalawin kapag wala siyang pasok.

"Wala ka bang pasok ngayon? Teka, saan ka na nga ngayon nagta-trabaho?" tanong nito at biglang tumayo. "Coffee or tea?"

"Tea would be nice," she answered beaming. "Sa Abbys Advertising Company po ako since I graduated. Kasama ko nga po si Jecca,"

"Sa Abbys?" nakakunot noo nitong sabi habang nagsasalin ng mainit na tubig sa tea cups.

"Opo. Accountant po ako ro'n,"

"Hindi ka pa magbo-board exam?" tanong nito.

"Hindi pa po. I enjoy my work kaya hindi ko pa naiisip mag-exam,"

"Ayaw mo ba magtrabaho sa bangko? Or you can study again to become an accountant lawyer,"

"Hindi ko pa po iyan naiisip. At saka po, okay naman sa Abbys. Nagagamit ko ang pinag-aralan ko,"

"Well, I've known Abbys since I was just a child and believe me, Ara. The name of that company sounds depressing," sabi nitong natatawa.

"Si Prof talaga," napapailing niyang sabi.

Lumapit ito sa kaniya at inilapag ang tray sa lamesita kaharap ng maliit na sofa para sa mga bisita. Sa platito ay may mga cookies na galing sa cookie jar nito na naka-display sa bookshelves.

"Talaga bang dinalaw mo lang ako ng walang dahilan, Ara?" nagdududa nitong sabi. The woman knows her too well. Magaling itong magbasa ng tao lalo na 'pagdating sa kaniya.

"Well...ang totoo niyan," she clears her throat.

The professor is the only person whom she can trust about what is happening to her right now. Yeah, there's Jecca, her bestfriend. Pero alam niyang wala itong maitutulong sa bagay na ito.

"Tell me, hija. You know me. I'm an open minded person," she said warmly that made Ara feel comfortable.

"I'm having this weird dream lately," she started at the Professor's face just eyed her with concern.

"What kind of dream?" tanong nito.

"A-about...it's about sex," sabi niya at biglang napayuko. Pakiramdam niya ang namumula ang pisngi niya sa kahihiyan.

"How long have you been dreaming about it?" tanong ng propesor na para bang wala lang sa kaniya at sinabi ng dalaga.

"I can't remember. Probably when I started working? Sa totoo lang ay pakiramdam ko ay normal naman siya. A harmless dream," she said. Tinitingnan siya ng kaniyang dating propesor na para bang inaanalisa ang lahat ng sinasabi niya.

"Do you think it is? Harmless?" she asked and she felt unsure.

"I thought so. Not until...not until I was comatosed for a week," sabi niya na ikinagulat ng babae.

"You were comatosed?" she asked in horror. "Why, I didn't know that!" nag-aalala nitong sabi.

"Walang sanhi ang pagkakaparalisa ko. Akala nila patay na ako. Pero sa isang linggo na comatosed ako, hindi ko man lang naramdaman na nawala ako ng matagal. Hindi ko gaanong maalala ang lahat, pero para bang...para bang dinala ako sa ibang demensyon ng mundo? There's this man who is always in my dream. I felt like I know him pero kapag pinipilit kong inaalala kung sino siya, parang mas lalong nawawala ang alaala ko. And then last night happened..."

"What happened?"

"A dream again...about sex. I could feel his touch...I could feel his lips. I could feel it in every fiber of my being. As if...we're really doing it."

"Do you like it? Did you enjoy it?" tanong ng propesora pero agad naman na nag-iwas ng tingin ang dalaga.

"Kilala mo ako, Professor. I was raised with a church-oriented family. Pero kahit ganoon, hindi ko man lang naisip na mali ang mga panaginip ko. Kasi ang panaginip ay hindi totoo. Nasa isip lamang ng bawat tao..."

"What made you think otherwise?" the professor said.

"Because of this," ibinaba ng dalaga ang collar ng damit at ipinakita ang marka. "I may be naïve but I know what this is,"

"A love mark," the professor said concluding.

"Professor, hindi ko po alam kung imahinasyon ko lang ang lahat. May mga pagkakataon din na akala ko ay totoong nangyayari ang lahat. And then suddenly, panaginip lang pala,"

The professor stared at her as if the answer to Ara's question is written to her face. Mas lalo tuloy siyang kinakabahan dahil hindi niya alam kung ano ang iniisip nito sa kaniya.

"Are you in love right now, Ara?" tanong nito dahilan para mapakunot-noo siya.

"I don't think I am, professor," seryoso niyang sagot at tumango lamang ang babae.

"Humans dream of what they desire consciously or unconsciously. Some, specialy those person who is like you, brings their deepest darkest fantacies to their dream,"

"What do you mean like me, Professor?"

"You were raised by your family based on religion. You are a God-fearing person and were expected to be righteous and a role model. I think...you're dreaming that dream because you've been day dreaming of it...well subconsciously. In psychology, part of your being wants it. And since you can't do anything about it because it is against your values, it is being conjured in your dream where you can freely do anything and no one can judge you. Your Id is dominating you in your dream."

Napatulala lamang ang dalaga sa propesor. Gusto niyang umalma at itanggi ang sinabi nito. No. She knew better. The professor is only talking base on science and psychology where she is an expert.

"You don't believe me, don't you?" sabi ng professor dahilan para mapatingala siya rito.

"You've judged me based on science, professor. Why don't you say something that is out of your league? Judge me base on the most unnatural law," paghahamon niya.

The professor's face turned dark and stood up. Pumunta ito sa may bookshelves at may hinanap na libro. Kinuha nito ang pinaka-lumang libro at ibinigay sa dalaga.

The book of Cæleste.

"Libro ito para saan, Prof?" nagtataka niyang tanong.

"That book could answer your questions," she said. "But please, Ara. Don't let that book consume you. Huwag mong paniwalaan ang lahat ng nakasulat diyan,"

Tinitigan ng dalaga ang libro. It was so old. The spine of the book is almost ripping apart. The pages look fragile that you have to flip it with care para hindi mapunit.

"You can keep it if you want. I really don't own that now," she heard the professor said but her attention is on the book.

She runs her fingers to the embossed letters of the front cover. And that moment, she knew, she'll have her answers.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top