Chapter IV
Chapter IV
"Are you in love?"
Ara was startled with Jecca's question. Why all of the sudden ay bigla na lang na tatanungin ng kaibigan niya ang ganoon na bagay.
"A-ano bang pinagsasabi mo diyan?" patay malisya niyang sabi habang nag-e-encode.
"Is it Clay?" dagdag pa nito kaya mas lalong napailing ang dalaga.
"Bakit naman nadamay si Clay?"
"Eh, kasi nanliligaw siya sa'yo?"
"Hindi ko siya pinayagan na manligaw,"
"What? Ara..."
"Clay is a good man. Maloko lang siya pero alam kong mabuti siyang lalaki. But...he is not for me." she said. Naalala na naman niya kung paano niya ni-reject ang kaibigan.
"Give him a chance..."
"A chance para umasa siya? Ayoko."
Hindi niya alam kung ano ang reaction na binibigay sa kaniya ni Jecca dahil natatakpan ito ng cubicle wall. Pero alam niya na iniisip na naman nitong ang old lady niya.
Matapos ang lunch break ay ipinagpahinga ni Ara ang kaniyang mata sa pag-gamit ng computer. Kinuha niya ang kaniyang scratch paper at lapis to release stress.
"Wala ba tayong balak mag bakasyon, Ara?" tanong ni Jecca sa kaniya. Kampante itong nakaupo sa swivel chair niya. Palibhasa ay wala si Miranda.
"Bakasyon saan?" she asked while doodling.
"Kahit saan. Avail tayo ng mga barkada package. Marami sa facebook," sabi pa nito.
"Kailan?" tanong niya at bigla na lang dumungaw ang kaibigan niya sa cubicle niya na para bang gulat na gulat ito sa sagot niya.
"Talaga? Gusto mo?" sabi nito.
"Oo naman. Sino kasama?"
"Tayo lang!"
"Barkada package tapos tayo lang?" natatawa niyang sabi.
"Oo! Uso naman 'yan ngayon, 'di ba? Iyong mga bessy goals," sabi nito at pareho silang natawa.
"Baliw. Mas masaya kapag marami,"
"Sabagay. Isama natin si..." hindi naituloy ni Jecca ang sasabihin nang makita nito ang nasa papel niya. "Who is Raguel Asmodeus?"
Napatingin din si Ara sa papel niya at lihim na nagulat nang makita ang pangalan na iyon sa doodle niya.
"Sino si Raguel?" tanong pa nito kaya agad niyang kinumos ang papel.
"W-wala..." sagot niya sabay tapon ng papel.
"You're hiding something from me na?" Jecca said pouting.
"Wala iyon," sabi niya.
"Crush mo?"
"Hindi, 'no!"
***
"We have accumulated three thousand souls for this week, Chief," said Thamuz who belongs to the third hierarchy of domain.
"Good. Now, give me your prospects," he said.
From Thamuz' back, a 4th class demon shows up with a black scroll on his hand.
"Here is our prospects, Chief," he offered the black scroll while looking down.
The Chief opened the black scroll. He read the names written inside and Thamuz saw his forehead creased.
"Twenty-three females?"
"Yes, Chief."
Ibinalik niya ang black scroll kay Thamuz at mayroong dalawangpu't dalawa na lang ang natira sa listahan.
"That is my victim. No one is allowed to get her soul unless I say so."
He said void with any emotion. He wave his hand to dismiss his followers.
He stood up from his throne and went to his bascinus that has water. He dipped his finger on it that made a ripple on the water. An image was shown over it.
"Mamamasyal lang naman tayo, Ara, eh,"
"Ayaw ko nga. I want to go home early,"
"Kahapon ni-reject mo na si Clay na ihatid ka. Pati ba naman ngayon? Treat naman niya raw, eh,"
He immediately dismissed the water that creates another ripple. He should make a move...immediately!
***
"Walang malisya, promise!"
Pauwi na sana si Ara at Jecca nang biglang dumating si Clay. Nang-iimbita ito na kumain sa labas.
"Sige na nga," she said and Jecca shrieked.
Good thing she didn't bring her car dahil hinatid siya kanina ng Kuya niya.
Dinala ni Clay si Ara at Jecca sa Embarcadero. Nag take-out lang sila ng pagkain at saka kumain sa sea-side.
"Akala ko ite-treat mo kami sa fine dining. Shawarma at pizza lang pala ang kaya mo!" pang-aasar ni Jecca kay Clay.
"Kung magfa-fine dining man ako, siyempre si Ara lang ang isasama ko hindi ka invited!" Jecca retorted and Ara can't help but chuckle on how her two friends banter.
"Hindi talaga kita ilalakad kay Ara!"
"Eh, 'di sariling sikap na lang,"
Masayang pinagmasdan ni Ara ang dalawa.
"I'll just buy some water," she said but the two didn't hear her. Busy ito sa pikonan.
Umalis siya at pumunta sa isang stall na nagtitinda ng mga iba't-ibang inumin. She bought three bottled mineral water and a candy.
"Sukli sa Gatorade," said the vendor to a man.
Bahagyang napatingin si Ara sa lalaki at lihim na nanlaki ang mga mata niya. She knew him. He is the guy in the elevator.
"Do I know you?"
For the second time she flinched as he spoke. He's not even wearing an all black suit and tie but it was enough for Ara to be intimidated.
"H-hindi... I'm sorry," she said looking away. Nagbayad lang siya sa vendor bago tumalikod.
"Wait..." he heard him say kaya lumingon siya.
"Bakit?"
"You're from...Abbys advertising company, right?" tanong nito at tumango naman siya.
"Kilala niyo po ako?" she asked.
"No. I just recognize you from your...uniform," sabi nito.
Pakiramdam ni Ara ay magha-hyperventilate siya. Ang guwapong lalaki na dalawang beses niyang nakita sa elevator ay kinakausap siya ngayon. She was too awkward kaya sana hindi sa kaniya ma-weird-uhan ang lalaki.
"N-nagtatrabaho rin po ba kayo sa...sa Abbys?" she asked. She felt like a high schooler talking to her crush.
In her teenage life, dalawang beses lang siya nagka-crush. Her seatmate when she was a 6th grader and her math teacher when she was in high school. And now, talking to the intimidating elevator guy gave her a nostalgic vibe.
"Kind of," he answered. He didn't smile pero parang lumukso sa tuwa ang puso niya.
"Ah," was her reply. She wanted to slap herself. Why does she have to be so timid and boring?
Muli siyang naglakad palayo. Mabagal lang. Umaasang tatawagin siya uli ng guwapong lalaki. Pero hindi...
"Miss!"
Abruptly, she turns around.
"Naiwan mo ang binili mo," sabi ng tindero.
"Ah...sorry," agad niyang kinuha ang mineral water.
Hinanap niya ang lalaki pero hindi na niya ito nakita. Nanlulumong binalikan niya ang dalawang kaibigan na hanggang ngayon ay nag-aasaran.
***
It was Saturday. Dahil walang pasok ay inutusan si Ara ng kaniyang lola na magdala ng pagkain sa umahan. Nandoon kasi ang kaniyang Papa at Kuya nagsu-supervise ng mga trabahador.
Lumulan siya sa kaniyang kotse dala ang dalawang basket. She checked her face on the mirror before driving. Fifteen minutes lang naman ang layo ng umahan nila. Puwedeng lakarin pero mainit ang panahon.
Nakarating siya sa umahan. Sa malayo ay nakita niya ang kaniyang Kuya na nagsasaka kasama ng mga trabahador. Ang kaniyang ama naman ay nagmamasid lamang.
Malaki ang umahan ng mga Felices. Sapat para maging isa sa mga supplier ng bigas sa mga malalaking kumpanya.
In front of the rice field is a two- storey house that has become their warehouse. Doon ini-stock ang mga palay na minolino. Sa second floor ay ang tulugan ng mga trabahador kapag nag-o-vertime. Sa tabi ng warehouse ay maliit na kubo. It was semi open. Napapalibutan din ng puno ang lugar kaya kahit mainit ang panahon ay may limlim pa rin.
"Papa!" she called as she walk towards him.
"Oh, why are you here?" nagtataka pa nitong sabi.
"Pinadalhan kayo ni Lola ng pagkain. Nasa sasakyan pa po," sagot niya saka nagmano.
"Ganoon ba? Dapat ipinahatid na lang niya sa iba. Masyadong mainit ang panahon," sabi nito at nginitan lamang siya ni Ara.
"Si Papa talaga. Wala 'to, 'no. Si Kuya nga nagsasaka na. Iitim na naman 'yan,"
"He wants to learn kaya hinayaan ko na. Kumain ka na ba? Gusto mo bang sumabay kumain sa amin?"
"Hindi na po, Papa. At saka, pupunta po ako sa mall. Magkikita po kami ni Jecca ngayon," sabi niya at tumango lamang sa kaniya ito.
"Umuwi ka agad. Ayaw kong nagagabihan ka sa labas, Ara," his father said, gloomy.
"Dala ko naman po ang sasakyan, Pa,"
"Kahit na," sabi nito. "But, Ara, wala ka bang balak umalis sa pinagta-trabauhan mo? I really don't like where you're working now,"
"Papa..."
"Hindi maganda ang kutob ko sa lugar na iyon, Ara. You should feel it...I mean, you should find some other company...sa banko,"
"Pag-iisipan ko po, Papa," nakangiti niyang sagot.
"I want you to concentrate on your review para maging CPA ka na. Are we clear, Ara?"
"Opo," she answered.
Ara was too nice to say no. To say she wanted to stay longer. To say she can review while working.
Umalis si Ara sa umahan at nag-drive papunta sa mall. From Daraga, she went to Legazpi. Sa Ayala mall ay naghihintay sa kaniya si Jecca. They planned on buying books dahil maraming sale sa national bookstore. Hindi naman sa mahilig magbasa ng libro ang kaibigan niya. Pero nahawa na lang ito sa kaniya dahil ito ang hilig niya.
Jecca texted her na nasa food court ito. She replied 'Ok' as she parked just across the mall.
Bumaba siya dala ang handbag ang phone. Oblivious of the stare she was getting as she walk inside the mall.
Araceli, unaware of her charm, waved at her friend who was walking towards her.
"Ganda natin, ah?" puna sa kaniya ni Jecca pero napanguso lamang siya.
"Hindi rin," she made face. Hindi kasi talaga siya kumportable kapag nakakatanggap siya ng praises kahit na kanino man.
Araceli may be petite but her face looks plumpy. A mix of Asian and Spanish. Her round doe-eyes compliments her asian fair skin. Her long-eyelashes that she inherits with her grandmother look innocent everytime she gave you a stare, and her full rosy lips.
Sinamahan ni Ara si Jecca na mamili ng libro at damit. Wala naman kasi siyang hilig mag-shopping at madalas, ang kaniyang Ina ang bumibili ng kaniyang damit.
"Wala ka bang bibilhin?" tanong sa kaniya ng kaibigan.
"Wala," was her reply.
"Ang kuripot mo naman. Give yourself a break. As if naman may sinusustentuhan ka,"
"Nag-iipon lang,"
"Para sa?"
"Future!"
"Wala ka ngang boyfriend!"
Pareho silang nagtawanan. Hindi naman na-offend si Ara. Natatawa na lang siya dahil pati ang pagkawala niya ng love life ay pino-problema ng kaibigan niya.
"Good things happen to those who wait," she said but Jecca just gave her a snort.
"Tatanda kang dalaga,"
"Hindi rin,"
"Bakit? May manliligaw ka ba?"
"Wala. Pero may boyfriend ako," she lied half-laughing.
"Sino?"
"Secret!" she exclaims then laugh.
"Baka boyfriend mo lang sa panaginip?" pang-aasar sa kaniya ni Jecca at tumawa lang siya.
"Sa panaginip ko, we've done things you can't even imagine," she kidded and Jecca squeals with excitement.
"Uyy, si Ara, marunong na. Hindi ka na Saint Ara,"
Napangiti lamang siya. Iyan ang laging joke sa kaniya ng kaibigan—ang pagiging saint-like niya. Pero compare nga noon, medyo binago na rin niya ang sarili niya. She remembered one time when she was in high school, laging may rosary sa bulsa niya. Akala nga ng mga classmates niya ay may balak siyang mag madre. But she knew better, gano'n lang talaga siya pinalaki ng pamilya niya.
Nang mapagod ang dalawa ay kumain sila sa paboritong restaurant ni Ara. She likes Japanese food especially tempura and sushi. She likes how it was prepared with finesse and art.
"Dala mo ba kotse mo?" tanong sa kaniya ni Jecca nang matapos silang kumain.
"Yeah. Magpapahatid ka ba?" tanong niya pero umiling lang ito.
"May pupuntahan pa kasi ako. I'm relieved na may dala kang service para hindi naman ako ma-konsensya,"
"Why? Saan ka pa pupunta?"
"Secret!" sagot nito sabay napahagikhik.
"Saan nga!" pamimilit niya pa at napanguso lamang sa kaniya ito.
"Nag-text kasi iyong medyo ka-flirt ko. Magkita raw kami," kinikilig nitong sagot and Ara just grimaced.
"Ka-flirt?"
"Medyo lang," sabi nito.
"Tsk. Mag-ingat ka sa ka-flirt mong iyan. Wala akong tiwala sa kaniya!"
"Ang judgemental ni friend!" Jecca kidded pero hindi man lamang natawa si Ara.
"Ayaw ko lang mapahamak ka," sinsero niyang sabi.
"I know that. But don't worry, I can protect myself. Kaya 'wag ka nang mag-alala, okay?"
"Fine. Umuwi ka agad," paalala niya at tumango naman ito sa kaniya.
"Let's part ways here. Mag-co-commute pa ako, eh,"
"Ihatid na kita sa pupuntahan mo,"
"Huwag na," tumingin ito sa cellphone saka ulit tumingin sa kaniya. "Mauna na ako. He's already waiting for me. Bye, Araceli!" kumaway ito sa kaniya palayo at halos itago ng dalawa ang pagngiwi.
Madilim na nang lumabas siyang mall. She hurriedly went to her car where it was parked. She was about to enter inside when she felt goosebumps on her arms. Pakiramdam niya may nakatingin sa kaniya.
She looked around only to see few busy people outside the mall. Sumakay siyang sasakyan at nanghihinang napahawak sa dibdib.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla siyang kinabahan all she wanted to do is to drive home.
***
Nakauwi si Ara ng ligtas sa bahay niya. It was actually the first time she drives recklessly.
"Are you okay?" tanong sa kaniya ni Mason nang makita siya nitong papasok sa sarili niyang silid.
"I'm fine, Kuya, Why wouldn't I be?" nagtataka niya pang tanong.
"Ang putla mo kasi," lumapit ito sa kaniya at sinalat ang noo niya. "Are you cold?" kunot-noo nitong tanong.
"M-medyo," sagot niya. Ang totoo, nangangatal ang labi niya. Maging siya ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman.
Mason stared at her as if he was reading her.
"Gusto mo bang katabi muna si Euki matulog?" tanong nito.
"Medyo masama kasi pakiramdam ko, eh. Baka hindi ko maalagaan ang pamangkin ko," pagdadahilan niya pero ngumiti lang sa kaniya si Mason.
"Think of Euki as your little guardian angel. Pagagaanin niya ang pakiramdam mo," nakangiting sabi ng kapatid niya at hindi mapigilang mapangiti ni Ara.
Maybe her brother is right. After all, ever since Euki came to their life, wala itong ibang dinala kundi kasiyahan.
After dinner ay dinala na ni Ara si Euki sa loob ng silid niya. The baby keeps on giggling. Nakayapos ang maliliit nitong kamay sa leeg niya.
Aamin niya, gumaan ang pakiramdam niya. She felt more relaxed. Euki indeed, is an angel in her life.
2l
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top