Chapter III
Chapter III
Lunes at halos mabingi si Ara nang salubungin siya ni Jecca habang tumitili. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos ng kaibigan. Para na naman itong bulate na inasinan.
"Bakit ka kinikilig?" nagtatakang tanong niya.
"May nasagap akong chismis!" sabi nito at pinalo ang braso niya. Simple siyang napangiwi.
"Lunes at chismis agad?" napapailing niyang sabi at inilapag ang bag sa ilalim ng cubicle niya.
"Noong Friday daw, nakita ng mga taga printing office ang may-ari nitong kumpanya. Hindi ko alam kung exagge lang ang pagkakasabi nina Thalia pero sobrang guwapo raw. As in!"
"Paano niyo naman nasabing siya nga iyon?" pagbabara niya at iirapan lang siya ng kaibigan.
"Tinawag daw siyang President ng head ng printing office. Nakadungaw daw kasi ito sa bintana tapos biglang lumingon. Kaya 'ayon, laglag ang panga ni ateng Thalia sa sobrang kaguwapuhan ng bossing natin!" natatawang sabi ni Jecca sa kaniya.
"So hindi pa matanda ang may-ari ng kumpanyang ito?" she asked and her friend nodded.
"Baggets pa raw tingnan, eh. Mga nasa 30's, ganoon,"
"Talaga? Siguro minana niya lang itong company sa family niya. Come to think of it, when we were hired, no one told us about the company history, only that it was established since 1809." She said.
"Kaya nga, eh. I wonder what his name is. Siguro ang yummy din. Sana makita rin natin siya."
"There must be a reason why he chose to be mysterious. You know, for safety purpose?"
"You're right. Pero ngayon, panatag na ako na handsome looking ang bossing natin. Given na may rumor na masama ang ugali niya. Maybe he is just strict,"
Napangiti lang si Ara. And now her friend is defending their boss dahil lang sa guwapo raw ito. Hindi naman niya ito masisisi. Even she is curious about the looks of their boss. Pero nire-respeto niya kung bakit ayaw nitong nagpapakita. Marahil ay gusto nito ng privacy.
"I wonder if he's married," Jecca said.
"Kung guwapo siya, kagaya ng sinasabi ni Thalia, malamang may asawa na iyon. Handsome men these days are either married or gay," she said and her friend gasped with widened eyes.
"Oh, my God! Baka bakla siya!" tili nito kaya natawa siya ng malakas.
"Ano naman kung bakla? Uso na iyan ngayon, 'di ba?" natatawa niyang sabi at marahas namang umiling ang kaibigan niya.
"Hindi puwede! I will convert him again! Siguro naman maaakit siya sa alindog ko, 'di ba?" mas lalong natawa si Ara nang mag chest-out si Jecca at nag pout.
Her friend is beautiful. Aminado siya roon. Matangkad, kayumangi beauty, maalon-alon ang itim na buhok, matalino, at mabait kahit medyo kalog. Sino nga ba ang hindi maaakit kay Jericca Hugo? Idagdag pa ang malaking hinaharap nito na best asset kuno ng dalaga, walang kahit na sinong lalaki ang hihindi sa kaibigan niya, kahit pa bakla ito.
"Ay! Paparating na ang witch!" bulong sa kaniya ng kaibigan kaya sabay silang napaayos ng upo.
Ara opened her desktop and start to pretending she's busy. It is Monday at ayaw niyang pag-initan siya ngayon ng head nila. Besides, end of the month ngayon at kailangan niyang gumawa ng report for the month October.
"Kailangan ko na 'atang magpa-salamin," she heard Jecca mumbles while staring at her monitor with forehead creased.
"Masakit na naman ba mata mo?" she asked.
"Hindi pa naman. Pero hindi ko na mabasa ang texts sa monitor kapag less than 12 ang fonts,"
"Hmm, ipa-check-up mo iyan. Baka mataas na ang grado mo," she advised.
"I will. At ikaw rin. You always complain about headache. Baka sa mata na rin iyan,"
"Oo nga, eh. Ikaw ba naman laging babad sa computer-"
"You two!"
Halos mapatalon si Ara at Jecca sa kanilang kinauupuan nang biglang tumambad sa harapan nila si Miranda na nakahalukipkip. Nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa habang nanlilisik ang mga mata nito.
"You have lots of time gossiping, Ms. Felices and Ms. Hugo. Tapos na ba ang inyong mga reports?" Miranda said reprimanding. Napayuko lamang si Ara kahit sa totoo lang ay naiinis siya sa pagiging unreasonable ng head nila.
It's just a petty talk. Kumbaga, pampa-gaan ng trabaho. Pero wala na 'atang mas tatalo sa pagiging killjoy ng head nila.
"I want the reports by ten-thirty, Ms. Felices," sabi nito dahilan para mabilis siyang mapaangat ng tingin at umangal.
"Ma'am, I'm not even starting with it-"
"Hence, stop talking with your officemate! Now work!"
Lumapatak ang heels nito palayo sa cubicle nila at bumalik sa office nito. Napapikit ng mariin si Ara sa sobrang pagpipigil ng inis. She may be raised as a religious God fearing girl, but she is entitled to get pissed especially if her department head is provoking her. Hindi naman siguro siya banal para hindi makaramdam ng inis, hindi ba?
"I hate her to death!" she heard Jecca said.
She wanted to say likewise. That she feels the same way. Pero mas pinili niyang manahimik at ipagpatuloy ang trabaho.
Tiningnan niya ang office ni Miranda at naka-bukas ang venetian blinds nito sa bintana.
"Remind me again bakit ako nagti-tiyaga sa trabahong ito?" Jecca asked her while typing on her computer.
"High salary?" natatawang sagot niya habang nakatingin din sa monitor.
"No, because you're here. Just one word from you that you quit at aalis din ako rito!"
Pa-simple lang siyang napangiti sa kaibigan. Sabay na na-hire ang magkaibigan sa kumpanyang kanilang pinag-tatraba-uhan ngayon. And as an inseparable friend, it was natural for them to follow each other lalo na't pareho silang walang balak mag-abroad.
***
Ara was holding the computer printer while giving the wall clock a quick glance.
It's ten thirty-five A.M at natatapos niya pa lang ang report niya. And to her dismay, may topak ang printer niya dahil kinakain nito ang lahat ng bond paper na isinasalang niya so she have to hold the paper para hindi mag jam ang papel.
"Ilang pages ba iyan?" Jecca asked, concerned.
"One hundred twenty-eight pages. One copy from the witch, one copy to records office, another to audit office, and lastly, a copy from the president." She answered. And now that she mentioned it, mas lalo tuloy siyang kinabahan dahil late na siya sa deadline ibinigay ng terror niyang head.
"Hindi ba, naka-LAN ang computer natin? Print ka na rin sa printer ko para mas madali," sabi pa ni Jecca na agad naman niyang ginawa.
"I hate cramming," she murmured.
"Ms. Felices, are you done?" she heard the witch asked and she couldn't help but pray to the Lord na sana ay bigyan niya ng kahit ilang porsyento ng pasensya ang wicked witch.
"Printing na lang po, ma'am," she answered.
"Good. Did you make the summary in powerpoint?"
"Yes, ma'am,"
"Send it to my e-mail. I have a meeting in ten minutes at mauuna na ako sa board room. Isunod mo ang reports. Don't be late or else..."
"Okay po, ma'am,"
Pigil niya ang hininga niya nang lumabas sa office nila si Miranda. Her officemate gave her a sympathetic look. Hindi lang naman sa kaniya ganoon ang trato ni Miranda kundi lahat sila. But since it's her job to consolidate all the reports by months, siya ang busy ngayon. End of the month is not just lucky for her.
Inilagay niya ang documents sa folder at madaling lumabas ng office. Sumakay siyang elevator at pinindot ang 7th floor. May mga nakasakay siya at ang iba roon ay mga department heads. Umatras siya and chose to be a wallflower.
When the door opens ay agad siyang pumuntang board room. nakayukong lumapit siya kay Miranda na nasa podium busy sa laptop niya. Maybe reading the powerpoint she sends.
"Ma'am, heto na po iyong reports," sabi niya at inilapag sa side table ang folders.
"Set-up the projector for me," utos nito sa kaniya na agad naman niyang sinunod.
Ikinabit niya ang connector sa laptop at saka inayos ang projector pointing on the white screen.
"Okay na po, ma'am," she said and Miranda just gave her a small nod.
"Ibalik mo 'to sa table ko then you can go,"
Dala-dala niya ang ilan sa documents ni Miranda saka lumabas sa board room. Nakasalubong niya ang mga kasama sa board meeting kaya tumakbo siya papasok sa clinic. Naabutan niya roon si Leilani na inaayos ang hospital bed.
"Masama na naman pakiramdam mo, Ara?" tanong nito.
"Hindi. Nandiyan kasi ang mga bosses. Tumatago lang," she said then gave an awkward laugh.
"Ah, oo nga. Pero bakit ka tumatago? Takot ka ba sa kanila?" tanong nito.
Napaisip naman siya. Wala naman siyang ginagawang masama, 'di ba?
"Hindi naman kita masisisi kung intimidated ka sa kanila. Maski ako ay naiilang din sa kanila lalo na sa may-ari ng kumpanya,"
"Nakita mo na siya?" gulat niyang tanong.
"Hindi pa. But I've heard his voice. Hindi ko maintindihan. But he has this aura of a dangerous leader. Basta nakakatakot!"
Napangiwi lang si Ara lalo na nang maalala niya ang kuwento sa kaniya ng kaibigan. Marahil ay guwapo nga ito pero hindi maganda ang ugali.
"Sige, aalis na ako. Mukhang nakapasok na sila lahat," she said.
"Balik ka. You know naman, I'm always alone here," sabi nito sabay tawa.
"I will. Isasama ko si Jecca," Ara said beaming.
"Do that. Maraming iku-kuwento sa akin ang babae iyon,"
Lumabas si Ara nang mapansin niyang wala nang tao sa labas ng board room. Agad siyang tumakbo papunta sa elevator. She pressed the open button kasabay nang pagbukas nito.
Napatulala siya nang may papalabas na lalaki. He wasn't looking at her at mailap ang mga mata nito. Then she remembered it was the same guy na nakasakay niya rin no'ng Friday.
He has black slanted eyes and spaced evenly apart assembled below thick eyebrows that is deceivingly perfect arch. His lips were tightly pursed. He has definitely sharp features that could intimate anyone.
"Move,"
It was one four letter word that made Ara flinched. She moves aside abruptly while staring at him. She was tauntilized by him. Parang hindi niya kayang bumitaw.
Naglakad ang lalaki at nilagpasan siya. Ang dalaga naman mabilis na sumakay sa elevator. Nanginginig ang kamay niyang pinindot ang button. Bago tuluyang sumara ang elevator door ay nakita niyang tumingin ito sa gilid at gumalaw ang mga mata nito sa gawi niya.
"Phew!" napabuntong-hininga siya ng malalim. Hindi mapigilan ng dalaga na magtaka kung bakit ganoon na lamang ang naramdaman niya sa lalaki. Puno ng takot at the same ay paghanga.
***
"Flowers!"
Ara stepped back as she was greeted with a bouquet of roses from the exit of the building. Tumambad sa kaniya ang nakangiting si Clay. Her eyebrow arch on him.
"What is that for?" she ask not minding her co-workers eyeing them. She was even thankful dahil hindi niya kasabay na umuwi si Jecca dahil panay ang pang-aasar na naman nito.
"For you, milady," mapanglarong sagot sa kaniya ng binata habang nakangiti ng maluwang.
"Bakit mo ako bibigyan niyan?" tanong niya pa.
"Because you're a lady ought to receive a flower, isn't that enough?" he retorted playfully.
"Clay..." she said reprimanding.
"Okay, okay," Clay said giving up. "Nandito ako...bilang isang lalaki, na nagnanais na ligawan ang isang magandang dilag na nasa harapan ko," he said trying hard to be a makata.
Napahalukipkip naman ang dalaga at tiningnan ng masama ang kaibigan.
"Clay! You know me well. At ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pinagti-tripan ako!"
"Pero hindi kita pinagti-tripan!" agap nito sa kaniya.
"Clay..."
"Just accept it, Ara. May basbas na ako kay Jecca and she was okay with it," sabi pa nito at hindi niya mapigilang hindi mapailing.
'Si Jecca talaga,' she thought.
She hesitantly accepts the flowers and Clay smiles at her gleefully. Napansin niya rin na parang nakahinga ito ng maluwang. Of course, ayaw niya ring ipahiya ang kaibigan. It's just a mere flower and it wouldn't hurt her if she accepts it.
"T-thank you," she said sincerely, beaming at him.
"Ihatid na kita. Hindi ba pauwi ka na?"
"Oo, pero...dala ko kasi ang kotse ko, eh," sagot niya at hindi maikaila ang pagka-dismaya sa mukha ng binata.
"Then I'll convoy you home,"
"Clay..."
"Okay, I'm sorry. Maybe next time," sabi nito at tumango naman siya.
Nang umalis si Clay ay saka lang sumakay ng kotse si Ara. Napapailing habang nakangiti ang dalaga nang tingnan niya ang bulaklak.
Si Clay lang talaga ang lalaking nagbibigay sa kaniya ng bulaklak. Para bang trademark na ito ng lalaki sa kaniya. Too bad she wasn't feeling anything towards him. Friendship lang talaga ang kaya niyang ibigay sa lalaki.
***
Ara woke up. She could feel the familiar warmth of his caress as she was lying on the bed.
She's dreaming again, she knew. And her subconscious mind has been waiting for this. And she hates how she reacts from it.
"It has been days, Araceli," said the man while nuzzling her neck.
Gusto niyang magsalita pero pinili niyang manahimik. This was her dream but she doesn't have the power to stop it nor control it.
Naglakbay ang mga kamay ng estrangherong lalaki habang siya ay napapasinghap sa sensasyon na dinudulot nito.
Mahigpit na napahawak siya sa kumot nang siilin siya nito ng halik.
Ang lapit ng mukha ng lalaki sa kaniya ngunit kagaya ng dati ay hindi niya maaninag ang mukha nito.
'Who are you?' paulit-ulit na tanong ng isipan niya.
Unti-unti ay kinalas ng lalaki ang damit pantulog ng dalaga. She didn't protest unlike before. Hinayaan niya lamang ito.
Her body can feel every inch of his touch electrifying on her skin. Umibabaw ito sa kaniya ay alam niyang maging ito ay wala na ring saplot. Her hand touched his shoulders and she could feel the man stiffened as if he didn't expect it from her.
Naglakbay ang kamay niya sa dibdib nito pababa sa tiyan nito. She can feel the tight and firm stomach. Nararamdaman niya rin ang malalim nitong paghinga. Para bang hirap na hirap ito sa ginawa niya.
"You are not allowed to touch me," he said.
"And you are?" she retorted.
"Araceli..."
"Who are you? What are you doing this to me in my dream?" she asked. And this time, she knew and she can, hindi siya gigising hanggang sa hindi niya nalalaman ang pangalan ng lalaking katalik sa panaginip.
"Raguel...my name is Raguel Asmodeus."
":[{"co�8S� �0
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top