Chapter II
Chapter II
This is what Araceli hates so much. Kapag nagloloko ang xerox machine. Marami pa naman siyang communication na ipapa-receive sa ibang department. She tried to kick the machine pero siya lang ang nasaktan. Mabilis siyang mainis dahil nga may dalaw siya. Ayaw niya sa lahat ay iyong naaabala ang trabaho niya.
"Sa HR mo na lang kaya iyan ipa-xerox? 'Di ba urgent iyan?" sabi ng katrabaho niyang si Joan.
Napatingin si Araceli sa folders. Apat na folders na tig isang ream of bond papers. Kailangan niyang makapagpa-photocopy ng tig-apat para sa office of the CEO, COO, Sales and Marketing, at Planning. There is no way in hell na ipapa-receive niya ang mga papel na iyon!
"Kasi naman si Jerry, eh! Bakit ba siya hindi pumasok? Trabaho niya ito!" naiirita niyang sabi.
"Hayaan mo na at mapepektusan ko rin iyon," singit ni Krizza na isa ring accountant.
May pitong empleyado lang sa accounting department kasama na ang supervisor nilang nasa separate na office. Apat na accountant at dalawang clerk. Kaya naman kapag may absent, lagi silang namo-mroblema lalo na kapag maraming trabaho.
"Mae, tulungan mo si Ara na mag-deceminate ng mga communication," utos ng kanilang supervisor na kalalabas lang sa office niya. Si Miranda Hallare. An epitome of Ms. Minchin. Her bestfriend Jecca gave her a codename of Witch dahil sa totoo lang, kulang na lang ng broom at pointy hat ang matadang dalaga bago tawaging wicked witch.
"Opo, Ma'am," sagot ni Mae na isa sa mga Clerk.
"And Jecca, stop texting or else..."
"Sorry po, Ma'am! Emergency lang kasi," sagot ng kaibigan niya.
Tumalikod si Miranda at hindi nakaligtas kay Araceli ang pag-irap ng kaibigan. Lihim lang siyang napangiti. Sanay na sanay na siya sa ganoong ugali ng kaibigan. Sa kanilang dalawa, ito talaga ang may katarayan.
***
Napapangiwi si Araceli kapag biglang sumasakit ang puson niya. Her heels in not even helping dahil masakit na ang mga legs niya. She should have worn her slippers under her table pero policy sa kumpany na bawal ang tsinelas kapag nasa labas ng office or cubicle.
"Okay ka lang ba, Ara?" tanong sa kaniya ni Mae.
"Deni-dysmenorrhea ako, eh," sagot niya.
"Hala! Sige na bumalik ka na sa office. Ako na bahala nito. Sa CEO at COO na lang naman, eh,"
"Sure ka?"
"Mmm. Kaya sige na. Ang putla mo na pati."
Sinipat niya ang kaniyang pisngi at ramdam niya ang panlalamig nito. Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. When she was in college, kapag may dalaw siya ay nag-a-absent talaga siya lalo na kung alam niyang wala namang exam o quiz. But she can't do that right now dahil iba na ngayon. Isa na siyang working girl. At hindi ito kagaya ng college na you just have to show your excuse letter at okay na.
Bumalik si Araceli papuntang accounting office. Nasa Marketing department siya at wala rin siyang balak gumamit ng stairs. She was cupping both of her cheeks when the elevator opens. Agad siyang sumakay at pinindot ang 9th button where their office is located.
Nasa ik-12th siyang palapag nang bumukas ang elevator. Umusog siya pakanan para papasukin ang apat na lalaking papasok. They were all wearing a suit. They're all talking about business. Kahit nga nasa gilid lang siya at imposibleng hindi siya nito mapansin. Para bang invisible siya sa paningin ng mga ito.
"What about the chief said?"
"He doesn't say anything but I doubt it. He knew..."
"Do you think—"
"Let's not talk about it."
Araceli stiffened from her post. Nakayuko lang siya pero ramdam niya ang mga matatalim na tingin nito sa kaniya. This is the first time she felt like she was a prey. Para bang nasa loob siya ng kulungan ng mga leon.
Halos tumakbo si Araceli palabas sa elevator nang magbukas ito. She doesn't care if her dysmenorrhea is killing her. She'd rather suffer from it than be trapped with those men. Their aura is so intimidating and eerily chilling.
"Oh, bakit parang takot na takot ka?" tanong sa kaniya ni Jecca nang makaupo siya sa cubicle.
"Masama lang pakiramdam ko," sabi na lang niya.
"Gusto mo bang pumuntang clinic?" Jecca said with concern.
"'Wag na. At saka, ang dami kong gagawin ngayon," she answered staring at her monitor.
"Sige na. Ang putla mo na kasi. Kahit bumalik ka na lang after lunch,"
"Baka magalit si Ma'am Miranda—"
"Araceli, go to the clinic. Ako na ang mag-e-explain kay witch," she said frowning.
"Okay, okay."
She went to the clinic sa 7th floor. Katabi lang ng board room. Naabutan niya roon si Leilani na company nurse. Nakangiti itong sinalubong siya.
"You look so pale, Ara," sabi nito sa kaniya at pinaupo siya sa visitors chair para i-check ang blood pressure.
Inilabas nito ang sphygmomanometer pati ang stethoscope.
"Low blood ka, Ara." The nurse said to her.
"Puwede po ba akong mag pahinga muna? Masakit kasi talaga ang puson ko,"
"Sige na. Isara mo na lang ang curtain,"
What she likes about the company because it has facilities for sick employees. Mayroon ding fitness gym. Though hindi naman siya nag-a-avail niyon.
Nahiga si Araceli sa hospital bed. Napahikab siya kasabay nang pagpikit ng mga mata niya.
***
Araceli's eyes opens and was blinded by the dark. Mabilis na gumapang ang kaba sa dibdib niya nang ma-realize niyang wala siya sa hospital bed.
"Nurse Leilani!" she called pero nag-echo lang pabalik ang boses niya.
Babangon sana siya nang maramdaman niyang may mabigat na bisig ang pumulupot sa bewang niya. Mas lalong dumoble ang kaba sa dibdib niya.
"S-sino ka..." nanginginig niyang tanong.
"It's me," said the man.
It was him. The stranger on her dream. Therefore, she's dreaming? Pero umidlip lang naman siya sa clinic, ah?
"P-panaginip ka lang... Panaginip ka lang..." paulit-ulit na usal ng dalaga.
"Until now, you can't accept that this is real, Araceli?"
Niyakap siya ng lalaki. Napasubsub ang mukha niya sa dibdib nito. The guy isn't topless neither she is. If she knew better, it was as if they were cuddling. Is it because she has her red days?
Tumingla siya at pilit na inaaninag ang mukha ng lalaki.
"C-can we turn on...the lights?" she asked quietly.
"If I do that, you'll wake up,"
"Then I'm right. You're just a dream," bulalas niya at narinig niya ang mahinang tawa ng lalaki.
"It doesn't matter. I'd rather you believe this is a dream than be scared of me,"
Napaukonot noo siya. Bakit siya matatakot rito? Is he a nightmare who visits someones dream?
"Show me your face," she demanded.
She felt him kissed her forehead and sniffed her hair that gave her tingle reaction from her heart. Hindi niya maipaliwanag pero nagustuhan niya ang ginawa nito.
"It's time to wake up, Araceli,"
"Wait! What's your name?" she asked but something was pulling her from herself.
"See you tonight,"
"But I need to know your name!" she shouted pero walang boses na lumalabas sa kaniya.
"Araceli?" she heard someone.
She opened her eyes and she saw Jecca's concern face.
"Jecca, what are you doing here?" tila namamalat niyang sabi.
"It's past lunch time na. You haven't eaten yet," sabi nito.
Bumangon siya at tumingin sa orasan. Tatlong oras din pala siyang nakatulog. Medyo okay na ang pakiramdam niya. Hindi na rin masakit ang tiyan niya.
"Kumain ka na ba?" she asked her pero umiling lang ito.
"Hindi pa. Wala ka kasing kasabay, eh," sagot nito.
Napangiti naman si Araceli. Minsan natutuwa siya sa ka-sweet-an ng kaibigan. Kahit kasi maingay ito at madalas ay maraming tao ang kinaiinisan ay iba ito sa kaniya.
"Gutom na nga ako. Let's eat. I'll treat you,"
"Talaga?" nagniningning nitong sabi kaya natawa ang dalaga.
"Oo. Kaya order ka ng marami, ha? Ngayon lang ito,"
***
"Nakakainis! Nakakainis talaga! Bakit kung kailan hindi ko dala ang payong, saka naman umuulan!" pagrereklamo ni Jecca sa kaniya nang palabas na sila nang building.
"Dapat pala dinala ko na lang talaga ang kotse ko," nakanguso niyang wika.
"Bakit nga pala hindi mo na dinadala ang car mo?"
"Jecca, you know the reason right?"
"Eh, ano naman? Bakit ka mahihiya? Eh, sa can afford ng family mo bumili car for you, duh!"
"Si Ma'am Miranda nga nagko-commute lang tapos ako naka-kotse? Alam mo iyon?"
"Pakialam ko sa witchy na iyon!"
Natawa lamang si Araceli. Tinatanaw lang nila ang mga ka-opisina na nag-aabang ng jeep sa waiting shed.
"Mag-hanap na kasi tayo ng pag-ibig, Ara. Para may taga-sundo tayo!" humahagikhik na sabi ni Jecca.
"Hindi iyan hinahanap, kusa iyan dumadating,"
Just as she says that, biglang may pumaradang sasakyan sa harapan nila. The window from the passenger seat rolled and a man peaked from inside.
"Ara, Jecca! Hop in!"
"Clay?!" the two said in unison.
Nagkatinginan muna ang dalawa bago muling tiningnan ang lalaking bagong dating.
"Is that really you?" hindi makapaniwalang sabi ni Jecca.
Bumaba ang lalaki sa sasakyan at mas lalong napanganga ang dalawang dalaga.
Muling inalala ni Araceli ang dating hitsura ng lalaki noong nasa high school pa lamang sila.
Clay was their bully classmate. A jock, and always caused trouble inside their classroom. Pero ibang-iba na ang itsura nito ngayon. Black trousers, blue long sleeves with black neck tie, and a checkered vest. Jock aura is long gone. He looks like a successful handsome man who did nothing from his high school days but study—which is not.
"Mayayamanin na tayo, ah," sabi niya at nakipagkamay sa kaniya ang lalaki. Inabot niya ito at nagulat siya nang hilain siya nito palapit sa lalaki at niyakap siya.
"Hi there, first love."
Napangiwi siya. Okay, Clay Ponce once pursued her. But for some reason, hindi niya ito pinayagan na ipagpatuloy ang panliligaw dahil sa maraming dahilan.
"Eww, Clay! Can't move on?" umiirap na sabi ni Jecca nang bumitaw ito sa kaniya.
"Kayo pa rin magkasama? From highscool up until now? Hindi ba kayo nauumay sa isa't-isa?"
"Palibhasa wala kang true friend!" her friend sneered and she can't help but giggle. Five years and they still banter with each other just like highschoolers.
"How are you, Clay?" she said beaming.
"I'm fine. I'm always fine." Pagmamalaki nito. "Ihatid ko na kayo. It seems that you both were trapped," he said then smirked.
"Ang yabang mo pa rin!" Jecca blurted and Araceli chuckled.
She checked her bag to get her phone then she remembered, she left it under her desk while charging.
"Teka, Jec. Akyat lang ako. Nakalimutan ko ang phone ko."
"Bilisan mo. Ihahatid pa tayo ng ating big time na classmate!" Jecca said emphasizing every word.
"I will,"
Mabilis siyang bumalik sa building at sumakay sa elevator. She pressed the 9th button and was thankful dahil wala siyang kasabay. Nang makapasok sa office ay agad niyang kinuha ang phone niya at tumakbo palabas. Again, she pressed the down button. Tiningnan niya ang panel ng elevator at galing sa 13th floor ang carriage.
Speaking of, ngayon lang siya naka-encounter nang buiding na may 13th floor. Alam niya kasing kahit ika-13 ang bilang ay nilalagpasan ito at ginagawang 14th dahil sa pamahiin ng mga tao na malas daw ang 13.
Tumunog ang elevator at bumukas. Nakayukong pumasok ang dalaga dahil may isang lalaki sa gitna. Kinuha niya ang phone niya at tinext si Jecca na pababa na siya.
"Good evening,"
Napaangat ng tingin ang dalaga. Tiningnan niya ang mukha ng lalaki pero hindi man lamang siya nito tinapunan ng tingin. Deretso ang tingin nito sa unahan.
"Uhm, good evening din po," she replied.
Naka-side view sa kaniya ang lalaki kaya hindi niya ito gaanong makita plus the fact that he was tall.
Nang bumukas ang elevator ay nagbigay daan ang lalaki para mauna siyang makalabas. There's this huge urge inside her to look back para matingnan ang lalaki pero pinigilan niya ang sarili. Mamaya mahuli siya nito at kung ano pa ang isipin nito sa kaniya.
"Ara, bilis!"
Napalingon siya sa gawi ni Jecca. Tumatawa ito habang sinusuntok sa balikat si Clay.
"Para kayong mga bata," napapailing niyang sabi.
"Sabihin mo nga kay Ara iyong sinabi mo sa akin, dali!" tawang-tawa pa rin na sabi ni Jecca.
"Ayoko!" natatawa ring sabi ni Clay.
Hinayaan niyang mag-asaran ang dalawa at tiningala niya ang kalangitan. Madilim pa rin pero tumila na ang ulan. Mabuti 'ata kung uuwi na siya lalo na't naalala niyang gusto ng kaniyang Ina na umuwi siya ng maaga.
"Umuwi na tayo," sabi niya at napatingin sa kaniya ang dalawa.
"You're no fun, Ara," her friend told her while pouting. Hindi niya ito pinansin dahil sanay na siyang ganoon ang kaibigan.
"It's Friday, Ara. Let's have fun. Later, sa Padis point?" Clay said and she abruptly shook his head.
"Hindi ako papayagan," she reasoned.
"What? Hello! Ara, nasa edad ka na para mag bar hopping!" dismaying sabi ng kaibigan.
"Ipagpapaalam kita kay kina Tita at Tito. Kung gusto mo, pati sa Lola mo," sabi naman ni Clay.
"Hindi naman sa hindi ako papayagan. Gusto ko lang kasi matulog ng maaga. Kanina pa kasi talaga hindi maganda ang pakiramdam ko."
"Ay, oo nga pala," segunda ng kaibigan niya.
Araceli lied. She felt okay. Hindi na rin masakit ang tiyan niya. Hindi niya lang talaga gustong lumalabas kapag gabi. She'd rather curled herself to sleep than be drunk.
"Then let me ride you home. Please?" Clay said pleading. Ara let out a small chuckle as she nodded.
"That would be nice," she said beaming.
***
Ara goes home safely. Clay and Jecca ends up eating dinner on her house dahil inimbitahan ito ng Lola niya. They had a little chit-chat bago umuwi ang dalawa.
"Aren't you watching movie with us?" her brother asked while holding Euki.
Napatingin si Ara sa telebisyon at agad na umiling.
"Maaga pa ako bukas," she said feigning a beam.
"Bukas? Sabado naman, ah?"
Natigilan siya. Bakit niya nakalimutan na wala siyang pasok? And why, it seems that she is too excited to go to sleep. One thing she thought is maybe she's going insane. Believing that her dream was real when it's not.
"Pagod kasi ako, Kuya. Gusto ko sanang magpahinga ng maaga," she reasoned.
"Hayaan mo na ang kapatid mo, Mason." She heard her aunt Belen said.
"Akyat na po ako," sabi niya at dumeretso sa sariling silid.
She hurriedly went to her bed and closed her eyes. But to her dismay, the man on her dream didn't visit her.
�
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top