Chapter I
Chapter I
"Ay, Ateng! What happened to you?" salubong sa kaniya ng kaibigan na si Jecca. Hindi niya ito pinansin at naupo lamang siya sa kaniyang cubicle.
"May kape ka? Inaantok pa ako," she said pouting as she massages the back of her neck.
"Malamig na, eh. Sa pantry mayroon pa. Gusto mo ipag-timpla kita?" tanong nito at umiling naman siya.
"Ako na," sabi niya sabay tayo.
She felt her friend follow her inside the pantry. Pasalamat siya at wala pa ang ibang katrabaho nila dahil kung nagkataon, alam niyang mag-uunahan ang mga ito para magtimpla ng kape. Hindi naman kasi kalakihan ang office pantry nila at ang ayaw niya sa lahat ay ang makipagsiksikan sa loob.
Araceli Felices works in the most prestigious advertising company. She is under the accounting department as one of the accountant. It was just six months ago when she graduated in college. Ni hindi pa nga siya nakakapag take ng CPA exam which she plans on taking next year.
"Ito, oh, three in one coffee," itinuro sa kaniya ni Jecca ang mga pakete ng kape pero hindi niya ito pinansin.
"Gusto ko ng brewed. Inaantok talaga kasi ako," sagot niya rito habang iniinit ang kape sa coffee maker.
"Okay ka lang ba, Ara? Ano ba'ng ginawa mo kagabi?"her friend asked frowning.
Ngumiti ng pilit ang dalaga at tumingin sa kaibigan. She knew na hindi sanay si Jecca na ganito siya. After all, Jecca is her friend since first year high school. She actually consider her as her best friend dahil wala naman siyang kaibigan noong high school na kaibigan niya pa rin ngayon. Si Jecca lang talaga ang nagtatiyaga sa kaniya.
"Okay lang ako. M-medyo napuyat kasi ako kagabi panunuod ng palabas sa TV," she said casually as she averted her eyes down the tiled floor.
She's not used to lying even the white lies. At lalong hindi siya sanay na may tinatago sa kaibigan. Pero itong bagay na itinatago niya ay hindi niya maaaring i-kuwento sa kaibigan o kahit na sino man.
"Haay, naku. Nanuod ka na naman ng PBB. 'no?" natatawa nitong sabi.
"Oo nga, eh," pagsisinungaling niya sabay na ngumiti.
White lie. Hindi naman iyon masama, 'di ba? Dahil para kay Ara, mabigat na para sa kaniya ang mga ganitong klaseng pagsisinungaling.
Araceli was raised by a religious family. And for her, a lie is a lie despite how heavy the lie is. Kaya tutol ang dalaga sa ginagawa niya o maging sa nangyayari sa kaniya.
***
Natapos ang araw ni Araceli ng maghapon na nakaupo sa kanyang cubicle habang nakaharap sa kaniyang computer. She knew, hindi naging productive ang araw niya ngayon. Bukod sa hindi niya ma-balanse ang ledger niya, ay lagi niya ring naiisip ang panaginip. Pilitin man niyang maging abala sa trabaho pero wala 'atang minuto na hindi ito papasok sa isipan niya.
"Ara, let's go na? Ang lakas pa naman ng ulan," Jecca said peaking on her cubicle. Magkatabi lang kasi ang cubicle nila.
"Umuulan sa labas?" gulat niyang tanong.
"Duh?" pa-taray nitong sabi sabay turo sa likod niya.
Lumingon ang dalaga sa malaking bintana sa likod. Ala singco pa lang ng hapon pero ang kulimlim na ng langit kasabay ng malakas na ulan. Mabuti na lamang at dala-dala niya ang kaniyang payong.
"Hindi ko napansin," sabi niya.
"Halata nga," sabi ng kaibigan niya sabay tingin sa mga papeles na nakatambak sa harapan niya. "Need my help?"
"Naku, 'wag na. Kaya ko na ito,"
"Don't tell me mag o-overtime ka para diyan? Hindi pa naman iyan deadline,"
Napaisip si Araceli. Walang masama kung mag-o-overtime siya. Sa ganoong paraan ay hindi siya aantukin agad. But the thought of staying late at her office, alone, while raining gave her an eerily vibes. Hindi niya kayang mag-isa sa office nila.
Una, dahil mapapagalitan siya ng kaniyang Lola kapag nagpagabi siya nang walang paalam. At pangalawa, ayaw niyang maabutan ang president ng kumpanya. Hindi niya pa ito nakita pero ang alam niya, madalas daw itong mag-overtime.
Okay lang naman sana kay Araceli na makita ito. Ngunit ang balita niya, ang sama raw ng ugali nito.
"Hindi ako mag-o-overtime, Jec," she said as a matter of fact.
"Tama 'yan! Baka mamaya maabutan mo si Lucifer!"
Napangiti si Araceli. Iyon kasi ang codename ng kaibigan niya sa boss nilang hindi pa nila nakikita maging ang anino.
"Hindi ka ba curious kung ano hitsura ng big boss natin?" tanong niya at umirap naman ang mukha ni Jecca.
"I'm not interested, dear. Besides, base sa mga naririnig ko sa mga taga back office, he is a paragon of monster. I can almost imagine his face, 'no! Baka nagre-reflect sa masama niyang ugali ang mukha niya!" wika ng kaniyang kaibigan sabay ismid.
"Pero hindi ka ba nagtataka? Bakit sa back office lang siya nagpapakita? Even Leila and Valerie who is working here in our department for almost three years, hindi pa nila nakikita ang boss natin. Isn't it weird?"
"Hello! Syempre kasi ikinahihiya niya ang sarili niya!"
Nagkatinginan ang dalawa sabay tawa ng malakas.
"Ang sama mo, Jec!" tawang-tawa na sabi ni Jecca.
"I know, right?" biro pa nito at natawa na naman sila.
***
Tahimik na pumasok si Araceli sa kanilang bahay. Naabutan niya ang kaniyang Lola sa kusina na nagluluto ng hapunan.
The Felices family belongs to a middle class family. Her late grandfather is the former Governor in the province kaya kahit papaano ay tinitingala ang pamilya nila sa lipunan.
Si Lola Soledad Felices ay isang retired Principal. Hindi halata na saisenta y nuebe na ang matanda dahil sa mestisahin ang hitsura nito na namana naman ni Araceli.
"La? Bakit ikaw ang nagluluto? Saan si Mama?"
Napalingon naman ang matanda at ngumiti sa kaniyang nag-iisang apong babae. Naamoy naman ni Araceli ang paboritong lutuin ng Lola niya...ang chicken pastel.
"Kasama ng Tita Belen mo nagpuntang mall," sagot nito at tumango naman siya.
Her Tita Belen is the only sister and sibling of her father. Wala itong sariling pamilya kaya sa bahay nila ito nakatira. Wala naman iyon sa kanila dahil isang malaking mansion ang tinirhan nila na bahay pa ng mga ninuno ng Felices .
"Si Papa po?"
"Pinapaayos ang truck sa talyer. Naunsiyame nga ang pag-deliver niya ng mga bigas sa NCR dahil hindi gumagana ang makina,"
The Felices family is the number one supplier of rice in the province of Albay. Minsan ay nag-aangkat din sila sa labas ng probinsya. Araceli's older brother is the one helping his father runs their business. Wala naman kasing interes ang dalaga na magpatakbo ng business nila. Ni hindi nga siya bumibisita sa farm nila.
"Kasama si Kuya?"
"Hindi. Nasa taas ang Kuya mo inaalagaan si Euki."
Mason Felices is a widower at the age of 29 and was left with his only daughter Euki. Ever since his wife died because of heart failure, his attention was focused on business and his daughter.
"Akyat lang po ako, La." She said and her Lola nodded.
Felices' mansion has grand twin stair case. The usual colonial-style-house with mahogany, narra, and stone. It has twelve bedrooms but only four bedrooms are being used.
The good thing about their family is that they don't have maids despite how massive the mansion is. Mayroon silang labandera pero hindi naman stay-in. Lola Soledad is very hands-on on house chores.
Mason's room is just adjacent to her room. She slowly opens his room and heard a giggle. Agad siyang napangiti nang makita ang kapatid niya at si Euki na tumatawa.
Her niece is only fourteen months old. Ni hindi man lamang nito nasilayan ang kanyang Ina. But Ara is relieved to see her brother doing okay. Ilang buwan din kasi bago nito natanggap na tuluyan nang wala ang asawa nito.
"Kuya!" masigla niyang bati at sabay na napalingon ang dalawa.
"You're early, Ara,"
"Oo, eh. Puwede bang tabi kami mamaya ni baby Euki?" she asked but her brother abruptly shooked his head.
"Baka madaganan mo si Euki. Besides, hindi ba maaga ang pasok mo? Baka mapuyat ka sa kaniya kapag nagising siya nang madaling araw,"
"I see," tangi niyang sagot.
Maraming dahilan kung bakit gusto ni Araceli nang katabing matulog.
First, her bed is too big for her, let alone her room. Kung nagkataon ngang bakasyon ng mga pinsan niya sa mother side niya ay lahat ito patutulugin niya sa kuwarto niya. Hindi naman takot sa dilim si Araceli. She's not even afraid of being alone. But this past few months, it is giving her enough reason not to be alone...especially when she's asleep.
And that comes with her second reason. Ayaw na niyang mapanaginipan ang estrangherong lalaki. Ayaw niyang makulong sa ideya na totoo ito. She's not afraid of him. She knew he wouldn't hurt her. But the fact that she's unconsciously waiting for him scare the hell out of her.
Because Araceli Felices doesn't dream of falling in love with a man on her dream...literally.
***
Araceli wakes up from a dream she can't remember. Inaantok na inabot niya ang kaniyang alarm clock at pinatay ito.
Naupo siya sa pagkakahiga at napangiwi nang biglang sumakit ang puson niya. Kinapa niya ang tiyan niya down to her undies.
"Oh, great!" she groaned when she saw a stain of blood on her fingers.
Oo nga pala at buwanang dalaw niya. Ayaw na ayaw niya kapag mayroon siya dahil talagang sobrang sumasakit ang puson niya. Minsan nadadala sa gamot. Pero pinagbabawalan siya ng kaniyang Lola na umasa sa gamot. Hayaan niya lang raw ang sakit dahil natural iyon sa mga babae.
Fortunately, her slumber was peace. She doesn't dream of that man. Ni wala nga siyang maalala na panaginip. Iniisip na lang niyang blessing in disguise ang red day niya.
Naligo at nagbihis si Araceli bago lumabas ng kuwarto. Kinuha niya ang bag niya at ID bago dumeretsong dining room. Naabutan niya roon ang kaniyang buong pamilya.
Her father is drinking on his cup of coffee while reading a newspaper. Her mother and her aunt Belen is busy talking about some recipe while her brother is rocking back and forth while carrying Euki.
"Good morning, Ara." Her Tita Belen greeted her as she kissed her cheeks.
"Umuwi ka nang maaga mamaya, anak. We have a surprise for you," sabi ng Mama niya at agad na nangislap ang mga ni Ara.
"Ano iyon, Ma?"
"It's a secret," she said beaming.
Lumabas ang kaniyang Lola galing sa kusina dala ang platter na may sinangag. Agad na kumulo ang tiyan ng dalaga. Hindi siya nakakain ng maayos kagabi kaya gutom na gutom siya ngayon.
"Papa, ihahatid niyo po ba ako?" tanong niya at ibinaba ng kaniyang Ama ang diyaryo at tumingin sa kaniya.
"What happened to your car?" tanong nito.
"Ayaw ko na pong mag-drive, Pa. Nahihiya kasi ako sa mga ka-opisina ko. At saka po, mga boss lang po ang may kotse sa office kaya sa kanila lang din naka-reserve ang parking lot. Lagi po akong nakikiusap na maki-park sa katabing bangko ng building."
"That's why I don't want you working there, Araceli. Maraming bangko ang puwede mong pasukan pero bakit sa advertising company ka pumasok?"
"For experience lang po, Papa. Kapag CPA na po ako, papasok ako sa bangko," sabi niya.
Hindi naman istrikto ang Ama ni Araceli. Infact, he's one supportive father. Kahit gusto nitong kumuha siya ng Political Science para maging abogado ay hindi ito nagreklamo when she decided to be an Accountant.
Narinig niya ang malalim na buntong hininga ng kaniyang Ama bago ito tumango.
"Sumabay ka sa akin papuntang centro," he said.
"Thank you po,"
Wala pang isang buwang ang kotse ni Araceli sa kamay niya. It was her late graduation gift. Dati ay nagko-commute lang siya pero traffic kasi sa Daraga City kung saan siya nakatira to Legaspi City kung saan siya nagta-trabaho.
"Ako na lang din magsusundo sa'yo mamaya, Sis," sabi ng Kuya niya.
"Pupunta kang Legaspi, Kuya?"
"Oo. Dadalawin ko lang ang pamilya ni Emma."
Natahimik silang lahat. Sensitive na topic ang yumaong sister-in-law niya. Maaaring pinapakita ng kapatid niya na naka-move on na ito pero alam nilang hindi pa. He's too proud to admit that he's still hurting.
.................................
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top