PA, NAAALALA KO PA
NAAALALA ko minsan mo lang ako pinalo noong bata pa ako, kauuwi mo lang galing trabaho may dalang litson manok para sa hapunan, nag-inarte ako dahil hindi ko gusto yung ulam, siguro sa pagod kaya napalo mo ako ng sintron pero pagkatapos nun inamo mo pa rin ako.
NAAALALA ko noong graduation si mama kasama ko umaakyat sa stage kapag inaabot ang diploma pero ikaw ang kasama ko kapag sinasabit na ay medalya.
NAAALALA ko yung una at huling sali ko sa amateur singing contest sa cavite ikaw lang ang nag-iisang tagasuporta ko, natalo man pero masaya tayong umuwi na may 200 pesos.
NAAALALA ko ni hindi man lang kita naihatid sa airport kapag umaalis ka ng bansa, ngunit yung unang pagkakataon na sunduin kita wala ka ng buhay sa isang magarbong balikbayan box.
A/N: PAPA YOU WILL ALWAYS BE REMEMBERED NO MATTER WHAT... I LOVE YOU AND I MISS YOU BIGTIME!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top