CHAPTER TWO

Perya—2nd Encounter

Maligalig kami nag-eenjoy ni Dessa dito sa perya. Hindi ko talaga alam na may ganito pala. I have never experienced this kind of fun—I am having it now. It was totally fun talaga lalo na sa mini roller coaster but they called it a caterpillar? I don't know the name pero iyon daw ang tawag doon.

"Ate Casia, doon po tayo sa Vikings!" masayang turo ni Dessa. "Hmm sige, pero tanong natin kung puwede ka ba kasi may limit iyan sa edad," I said. "Sige po Ate," masaya niyang saad.

Nagtanong naman ako kung puwede do'n si Dessa dahil alam kong may age limit ang ganito. Nang sinabi nilang bawal ay okay lang daw sa kaniya dahil may iba pa naman daw puwedeng sakyan na puwede siya. Napahanga ako ng batang 'to dahil marunong maka-intindi.

I miss my younger brother. Si Dain, sa tingin ko ay kasing-edad lang siya ni Dessa kung sakali. Hindi ko man gusto na umalis doon pero my parents made me do it if only they wouldn't force me to be a lawyer. It doesn't suit me well. The fuck. I'm sick and tired of complaining and arguing with them.

"'Nak baka mapagod mo si Ate Casia, hinay hinay ka lang sa pag-aaya," sambit ni 'Tay Danny. "'Tay, okay lang po, nag-enjoy po ako dito. Huwag po kayo mag-alala," saad ko. "Mabuti naman kung ganoon, hayaan mo sa susunod. Sa Parke naman tayo pupunta," sambit ni 'Nay Sallie. "'Tsaka na po iyon, kailangan ko na rin po mag-ipon baka hindi maging sapat ang aking pera kapag nangupahan po ako," saad ko.

"Nako, huwag ka na mangupahan, doon ka na lang sa amin. Huwag kang mahiya. Mag-ipon ka na lang para sa pagbili ng pangangailangan mo," saad ni 'Nay Sallie. "Pero nakaka—" 'Tay Danny cut off my words. "Hindi iyon nakakahiya, tinuturing ka na namin pamilya. Wala ka na dapat ikahiya pa," saad ni 'Tay Danny.

"Tutulong na lang po ako sa abot ng aking makakaya kung ganoon," suhestyon ko at hindi na nila hinadlangan kasi gusto ko talagang makatulong sa kanila, kahit sa ganitong paraan man lang.

Ayoko rin naman maging pabigat sa kanila. Tinulungan na nga nila ako magiging pabigat pa ba 'ko? Kumain na lang kami at hindi na muli nag-usap usap pa muna.

Saktong alas-diyes ng gabi ay umuwi na kami dahil masiyado ng gabi kung mag-tatagal pa kami doon, besides sasama pa 'ko kay 'Nay Sallie bukas upang malaman ko kung puwede pa ba ako do'n sa pinagta-trabahuhan niya.

"Mag-pahinga ka na at bukas ay medyo ma-aga aga tayo dahil pupunta tayo sa hacienda," 'Nay Sallie said. Nag-paalam naman na ako sa kanila pagka-tapos kong maligo.

Nang mahiga ako naramdaman ko na na-mimiss ko na ang kapatid ko. He was only 6 years old. Gaya din ni Dessa, wala silang muwang kung bakit ako nandito at kung bakit ako umalis ng bahay ko.

Hindi ko naman talaga 'to ginusto at kahit kailan hindi ko gugustuhin pero gusto kong lumaya habang bata pa ako, gusto ko pang mas matuto sa ibang bagay, hindi lang iyon. Hangga't hinahadlangan nila ako, hindi ko makakamit 'yon habang nandoon ako. 26 years of existence—walang nangyayari sa buhay ko. 

I hope Dain was fine, sana sa pagbalik ko maramdaman ko na 'yung pagmamahal na hindi ko man lang naramdaman noon, sana maging okay ako—kasi nakakapagod ng sabihin na okay ako kahit hindi naman talaga.

I'm tired making myself happy kahit hindi naman ako masaya.

The next day. I woke up exact 4 AM, kahit naman hindi ako katukin nila 'Nay Sallie ay iyon na ang gising ko talaga. I prefer myself waking up early in the morning habang tulog pa magulang ko dahil ayoko silang makasabay sa hapag kaininan kasi lagi na lang may tensyon tuwing nag-kukrus ang landas namin nila Mommy.

Hindi ko alam kung stress ba sa work iyon o sadyang mainit lang talaga ang ulo sa akin ni Mommy. Nothing new, ganoon naman talaga siya. Sinanay ko na sarili ko pero nakakapagod pala umintindi.

"Oh hija, napaka-aga mo atang nagising," saad ni 'Nay Sallie na naghahain na ng umagahan. "Opo eh sanay na po ako gumising ng maaga, good morning po," I greeted her. "Bumili lang saglit ng pandesal ang mag-ama, teka—alam mo ba iyon?" tanong niya. "Opo, iyon po kasi usually kinakain ko sa office, doon na po ako minsan nag-uumagahan sa office," sambit ko.

"Bakit sa opisina ka na nag-uumagahan? Maaga ba talaga pasok mo at wala ka ng oras mag-umagahan sa inyo?" she's curious. "Opo—nasanay na din po ako kasi strict po ang amo ko," pag-sisinungaling ko.

Hindi nila pa puwedeng malaman ang rason kasi ayokong kaaawaan ako or whatsoever.

"Good morning Ate Nica!" masiglang bati ni Dessa at niyakap pa ako sa leeg. "Good morning, baby," I smiled. "Nako, naglalambing na naman sa Ate Nica niya," natatawang iling ni 'Tay Danny. "Hayaan niyo na po, sanay na po ako sa ganiyan since ganiyan na ganiyan din po ang kapatid ko," I smiled.

"May kapatid ka?" he asked. "Opo—hindi po kasi alam nila Dad na masusundan ako after 16 years," I said. "Ang laki ng agwat pero alam mo masaya ang may kapatid, sayang lang at hindi na namin nasundan si Dessa dahil delikado na si Sallie kapag nag-buntis siya," sambit ni 'Tay Danny.

"Bakit po?" I asked. "Nag-50-50 sila ni Dessa sa hospital, ang laki ng nagastos namin. Nalubog pa kami sa utang dahil sa pagkaka-panganak niya kay Dessa," paliwanag ni Mang Danny. I want to help them.

"Hanggang ngayon, hindi pa din kami maka-ahon sa utang ramdam namin na mas nadadagdagan pa nga dahil sakitin si Dessa," agad naman ako napatingin kay Dessa na masiglang kumain at walang alam sa pinag-uusapan namin. "Hindi namin ito sinasabi para kaawaan kami kung hindi para malaman mo kung ga'no kahirap ang buhay, kaya ma-swerte ka kasi nakukuha mo ang gusto mo samantalang kami ay hindi namin mabigyan ng magandang buhay si Dessa," 'Nay Sallie said.

She was right...hindi nga talaga madali ang buhay pero pilit na lumalaban para sa pamilya at kung sino man ang nag-sisilbi mong lakas ngayon. It was hard after all.  And fate was too cruel for them.

Maswerte nga kami ng kapatid ko pero hindi ko naman maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang.

Dad and I have been close since the day I was born. Si Mommy? Hindi ko alam pero nang mai-panganak niya na ako nagpahinga lang siya ng ilang araw at kumuha na sila ng katulong na puwedeng mag-alaga sa akin.

Dahil sa trabaho...lagi na lang sila trabaho. Dad always makes time for me but Mom didn't. Hindi ko iyon kinimkim pero nasaktan ako doon.

Hindi ko man lang maramdam ang pagmamahal ng isang ina. When I started going to school, she puts a pressure on my shoulder—sa sobrang pressure hindi ko na namamalayan na napapabayaan ko na pala ang aking sarili.

"Bakit ba tayo nag-dadrama dito? Gumayak na nga kayo," natatawang putol ni 'Tay Danny pati kami ni 'Nay Sallie ay natawa na rin.

Gumayak na ako. Simpleng damit lang ang sinuot ko. Pang-karaniwan ko lang sinusuot kapag nasa bahay ako. Hindi ko rin alam kasi kung ano puwede kong suotin baka ma-judge pa ako.

Sa pagkaka-alam ko hindi rin naman ganoon karangya ang buhay dito. Base sa mga nakikita ko na bahay dito at puno lamang ng pananim na palay.

"Naninibago ka?" saad ni 'Nay habang naglalakad kami papunta hacienda na sinasabi nila. "Hindi po ako mag-sisinungaling, totoo pong naninibago ako pero masasanay din po ako pagdating ng araw," I said. "Masasanay ka rin kung sakali na magtatagal ka dito sa Villacosa," she said.

"Bakit nga po pala tago ito?" I suddenly asked. "Hindi naman siya talagang tago sadyang hindi siya pasok sa atraksyon ng mga tao, kaya hindi rin kilala ang Villacosa," she explained. "Ganoon po? Sayang, ang ganda pa rin naman po dito kahit pa-paano, maaliwalas at masarap ang simoy ng hangin," naka-ngiting saad ko.

"Kaya nga eh, buti nahanap mo 'tong lugar na 'to? Saan mo 'to nahagilap?" tanong niya. "Naghahanap po ako sa google maps sa cellphone ko na puwede kong tuluyan habang lumalayo ako sa parents ko," saad ko.

"Bakit mo naman kasi naisipan lumayo? May ginawa ba silang hindi maganda sa iyo?" she asked. "Wala naman po, 'Nay—pero nakakasakal po, they put a pressured on my shoulder when I started schooling," I explained. "Ha? Ano? Bakit ka na-ingles?" nagtatakang tanong ni 'Nay Sallie.

Agad naman akong natawa sa kaniyang sinabi, oo nga pala hindi sila nakaka-intindi ng ingles. Kaya tyagaan na lang talaga buti mas maalam din ako sa tagalog. I was born in New York, hindi lang halata pero ang magulang ko ay tumira doon habang pinagbubuntis ako.

My Mother was half American and half filipino, and my Dad was pure Filipino. We lived in NYC for five years until they decided to settle here.

Kaya mas na-enhance ako sa pagtatagalog kaysa mag-ingles. Ganoon na rin si Mommy nasasanay na rin siya sa pagtatagalog kahit may pagka-slang pa din siya minsan kasi do‘n siya lumaki kasama ang grandparents ko.

Mga ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa hacienda na pinag-tatrabahuhan ni 'Nay Sallie. Iniwan niya na muna kay 'Tay Danny si Dessa para makapag-focus daw siya sa pagta-trabaho. Wala pa naman itong pasok kasi bakasyon na nila.

"Huwag ka mag-alala mababait ang tao dito, lalo na ang amo namin," she encourage me. "Diyan ka na muna...kakausapin ko ang amo ko sandali sasabihin ko na nandito ka na," paalam nito at iniwan ako sa isang garden.

Naglakad-lakad ako sandali at ang sarap ng simoy ng hangin na tumatama sa akin balat.

Malawak pala ang hacienda na pinag-tatrabahuhan ni 'Nay Sallie. Madalas na akong nakakapunta sa ganito pero hindi ko sukat akalain na ganito pala sa siya kalawak kumpara sa mga napupuntahan namin kapag may event.

Madalas kasi na ang mga partners nila Mommy ay taga-probinsiya at minsan sa probinsiya nila ginaganap ang mga events na inivited sina Mommy. "Are you enjoying the view? Can I do my job now?" someone appeared behind me. "Ay tukong kabayo!" gulat na sambit ko.

Agad naman ako napahawak sa dibdib ko sa sobrang bilis ng kabog. Muntik na ako mahulog sa damuhan at buti na lang nasalo niya ako.

He quickly grabbed my waist. Agad na naman nagtama ang aming mata. Iyon ulit ang pumukaw sa aking mata. His cold hazelnut eyes.

"Done staring?" he asked. "It's you again?" I asked. "Have we met before?" he asked.

Ay ulyanin.

"Hindi," agad kong sagot. "Now, if you let me excuse myself, I have to work now," he said.

Umalis na siya agad sa harap ko. Ay masungit bwiset!

"Oh nandiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," 'Nay Sallie approach me. "May trabaho na po ako?" I asked. "Oo puwede ka na daw magsimula ngayong pareho lang kita ng trabaho, halika at tuturuan kita," masayang sambit ni 'Nay Sallie.

Agad naman lumawak ang aking ngiti sa aking nabalitaan. Masaya ako dahil doon, makakapagsimula na ulit ako ng bagong yugto ng aking panibagong buhay at sana hindi peste sa buhay ko 'yon lalaki na iyon! 

I don't even know why I hate the presence of that guy. Wala naman siyang ginagawa pero naiinis ako kasi sobrang hangin ng utak niya! 

Pero mukhang malungkot ang buhay niya pero wala na akong pake doon kasi buhay niya iyon, hindi ako marunong manghimasok sa buhay ng iba kasi hindi ko naman ugali iyon. "Buti naman may ka-vibes na ako dito!" maligalig na sambit ni Jenny, natawa naman ako sa kaniya habang focus ako sa aking pagtatrabaho, naging madali lang naman ang lahat sa akin dahil mabilis lang naman ako matuto. 

"Bakit naman?" natatawa kong tanong. "Paano kasi si Lara minsan kj!" singhal niya. "Lara?" I asked. "Ay day off pala niya ngayon kaya hindi kita mapakilala ngayon pero ayon nga, kj iyon minsan! Mahirap maka-bonding," reklamo niya at natawa naman ako dahil do'n. 

"Paano kung pareho kaming kj?" I joked. "Huwag naman," singhal niya. Natawa naman ako sa kaniya. "Ilan taon ka na?" I asked. "19, ikaw?" she said. Nagulat ako sa nalaman ko. "26, hala ang bata mo pa pala," gulat na sambit ko. "Ay hala, Ate na pala kita," sabay kamot niya sa kaniyang ulo. "Okay lang, hindi ba ako mukhang 26?" natatawa kong tanong, "Hindi po," nahihiyang sambit niya.

"May tanong ako, matagal na ba iyong lalaki na iyon dito?" I asked, at tinuro iyon Ron. "Opo Ate, tagal na rin dito ni Kuya Ron mga 4 years na po ata siya dito. Hindi ko lang po alam kasi bago 2 years palang po ako dito," she explained. 

"Ang bata mo pa, bakit ka nag-tatrabaho?" I asked. "Salat kami sa pera, hindi na rin kaya nila Nanay na pag-aralin ako ng college, kaya wala po akong choice kung hindi ang tumulong na lamang sa kanila," she sigh. I feel the sadness in her voice, halatang gusto niyang mag-aral pero wala siyang magawa dahil kapos sila. I understand her. That's life, we can't do anything, if destiny dictates it we have to face it. 

Maybe soon Jenny will pursue her dreams, and I will claim it. 

Farm Villacosa will be my new home. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top