CHAPTER EIGHT

Mind or Heart: Confession

Sa paglipas ng araw, doon ko na-realize at nag-sink in ang lahat sa akin. I can't imagine that I liked him, for real. But It still bothers me; I feel so anxious-Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang dapat kong maramdaman.

We're friends and bawal kaming lumagpas doon pero I broke-wala eh kusa kong naramdaman 'to. Hindi ko naman mapipigilan 'to-pero the more I get closer, the more I think I should stay away so that my feelings will fade, and the friendship we created remains.

"Hoy Aling Casia, malalim na naman ang iniisip mo, ano na naman ba iyan? Ilang araw ka ng tulala ha," Lara stated. "Wala lang 'to, huwag mo isipin-trabaho ang atupagin," I teased her. "Kahit kailan ka talaga lagi mo na lang binabaliko ang usapan kapag tinatanong ka sa ganiyan," she argued, which made me laugh. "Wala nga lang 'to, don't mind me, okay? Kaya ko 'to. Si Casia pa ba?" pagbibiro ko. Napa-iling na lang siya.

Kaya ko nga ba? O pinipilit ko lang ang sarili ko na kaya ko nga talaga, sobrang gulo na. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin o kung ano nga ba talaga ang dapat ko sundin. Ang puso nga ba o ang isip?

Parang katulad lang sa kanta ni Kz Tandingan na mahal ko o mahal ako, ang hirap pumili sa dalawa-hindi mo alam kung sino ba talaga ang gusto mong piliin. I was stuck in that kind of situation, but my life was battling what I would choose, either my heart or my mind.

Ano ba kasi 'tong pinasok ko?! Ako mismo ay naguguluhan na talaga. Gusto kong umiwas kay Ron, pero hindi ko magawa dahil alam kong magtataka siya. Ayoko rin malayo sa kaniya. Si Callahan, siya na mismo ang umiiwas sa akin. I was in the middle of my messy life.

"Hoy, pansin ko hindi ata kayo in good terms ni Sir Callahan?" Jenny suddenly interrupted. "Ha? Hindi naman, okay pa naman kami, baka busy lang kaya hindi kami makapag-usap ng maayos ngayon," I lied. "Pero sana binabati ka niya 'di ba?" she was like a detective like Lara!

"Ganoon lang talaga siya, masungit na-alam mo naman," I laughed. "Ay oo nga pala nakalimutan ko iyon ah. Hindi lang talaga ako makapaniwala-kasi ang sweet niyo pa 'tapos pag-gising namin kinabukasan, tapos na. Mala-libro lang ang peg kungbaga- dito na nag-tatapos ang ating kwento, maraming salamat sa lahat at sa iyong pagmamahal, aking mahal," she joked.

I burst into laughter. Hindi ko alam na may nalalaman pa pala siyang ganito.

"Kung saan-saan mo napupulot iyan mga kabaliwan mo, Jenny," natatawa kong saad. "Eh kasi naman ganoon ang peg niyong dalawa," saad niya. "Wala eh, napagod kasi ako kaya ganoon, kailangan namin mag-hiwalay, para mapaghilom ang mga sugat na natamo ng pagmamahalan namin, not all lovers are happy, Jenny. Oo masaya nga kami kung tutuusin 'di ba? But kabaligtaran no'n kami. Lagi kaming nagtatalo and nakakapagod iyon kahit anong gawin mong pag-intindi," I said.

Muntik ko ng masabi ang rason ng aming pag-aaway sa araw-araw. Yeah, we fight a lot and that's also the reason I ended the contract. Masasabi ko rin na siguro nga si Ron rin ang isa sa dahilan bakit hindi ko magustuhan si Callahan.

"Pero sayang rin kayo," she said. "Ganoon talaga ang buhay, may darating na taong magbibigay lamang ng aral sa atin," saad ko. "Hoy! Bakit ang lalim ata ng pinaghuhugutan mo diyan? Broken na broken kay Sir?" she teased.

Napa-iling na lang ako at hindi na siya pinansin. Gusto ko ng matapos ang trabaho ko ngayong maga nang sa gayon ay makapag-pahinga ako para sa mamayang hapon naman.

"Mamaya mo na ako daldalin, Jenny. Kailangan ko na 'tong matapos baka pagalitan na naman tayo ni Sir Callahan, sige ka," I warned her. And that made her stop from gossiping. Natawa naman ako dahil doon. "Oo na, sabi ko nga gagawin ko na eh," natatawa niyang saad at pinag-patuloy na ang kaniya ginagawa.

Lately ramdam ko ang pagiging masungit sa amin ni Callahan, which I totally understand. Hindi ko rin naman siya masisisi bakit naging ganoon siya? At bakit bigla na lang nag-bago ang lahat.

Kasalanan ko rin naman kung bakit nanagyare 'to, If I didn't exist here maybe their both life would be okay? And Ron said that napapadalas ang pag-inom ni Callahan and also hindi na rin maganda ang pakikitungo niya kay Ron.

I was totally fucked up! Tangina, sana hindi na lang pala ako pumayag. Ipit na ipit na si Ron sa sitwasyon namin.

At kasalanan ko kung bakit siya naiipit. "Oh ayan! Tulala na naman siya, magpahinga ka na nga lang at ako na ang tutuloy niyan," singhal ni Jenny.

Sumunod na rin ako dahil ramdam ko ang bigat sa saloobin ko. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang dapat unahin ko. Hindi na sana ako nanghimasok sa buhay ng iba.

Nagkanda-leche leche na ata ang lahat.

"Oh ang lalim naman ng iniisip mo?" Lara entered the maid's room. "Lara, can I ask?" I asked.

"Hmm, sige ano ba iyon?" She sit beside me. "Have you ever been in love with someone who doesn't know you like him?" I asked. She gasped. "Hmm, siguro ata? Pero bakit mo natanong?" she asked again. "Wala lang," natatawa kong sambit.

"Pero kung papipiliin ka? Puso o isip?" I asked. "Syempre hindi mo rin naman masasabi kung ano ba talaga ang gusto mong sundin, pero sa akin 'yung puso kasi 'yung isip? Puwedeng maka-sira iyan pero 'yung puso? Puwede kang diktahan sa pagmamahal," she said.

"Kung naguguluhan ka man ngayon, lagi mo lang isa-isip kung ano nga ba ang nagawa sa iyo ng taong iyon, or may magandang ginawa nga ba talaga siya sa iyo, basta sundin mo kung ano 'yung nasa loob mo. Huwag mo lang harangan," she smiled and left me dumbfounded.

I don't know what to say...it made me more confused. I'm still dumbfounded. I am left hanging on the bridge. Hindi alam kung saan ba talaga tutulay.

Tangina mababaliw na ata ako!

Should I confess or shouldn't?

Ang hirap mamili, hindi ko alam kung ano ba susundin ko. Some part of me-eager to choose heart, some part of me also-eager to choose mind.

Kaya ko naman siguro mag-confess? Kung rejected, bawi sa susunod. Lesson siguro at kung hindi rejected-yey, masagana ang pamilya.

Later, I'll confess though I am still battling. How should I confess kasi it's my first time? I've never experience this kind of situation kasi 'yung mga boys mismo ang lumalapit sa akin. Ngayon ako naman. Naging reverse card.

"Uh, Ron. Can we meet later? Sa dagat ulit?" I asked. "Yeah, sure what time?" he asked. "Maybe around 6?" I'm still doubting. "Hm, okay. Parang kinakabahan ako diyan ah," natatawa niyang saad. "Baliw," I laughed. And I feel nervous in my whole body.

Nag-paalam naman ako sa kaniya na gagawin ko pa ang pang-hapon ko. Pabalik na ako sa loob ng bigla kong nakasalubong si Callahan. "Casia, can we talk? For a minute?" he asked.

It feels like he wasn't in the right state of mind pero mukhang hindi naman siya lasing pero halata ang eyebags sa ilalim ng kaniyang mata.

"Yeah, sure," I tried to smile. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan? Pakiramdam ko hindi maganda 'to? Or sadyang nag-hahallucinate lang ako.

"May problema-" "I liked you, Casia," he confessed, and I suddenly felt my throat aching. "N-nagbibiro ka ba?" I asked.

He gave me a bloodshot "I'm not," he was persistent. "S-sorry, I can't like you back," I tried not to break my voice. Alam ko na kasi ang kakahantungan nito. "Yeah, I know. You liked someone else, and that is my cousin," a bitterness in his voice when he said that.

"I-I'm sorry," that's the only words that came out from my mouth. "Bakit kasi hindi na lang ako? Bakit siya pa?" he cried and it made me broke when I heard his sobs. "Dahil ba mas matimbang siya kaysa sa akin? Dahil ba siya ang lagi mong kasama? Siya ba talaga ang rason, Casia?" He tried to calm his voice. But I saw the resentment in his eyes.

"Hindi ko naman 'to ginusto, Cal. Kusa ko na lang 'to naramdaman," I murmured. "Hindi ko naman ginusto lahat ng 'to-pakiramdam ko, ako ang makakasira ng relasyon niyo kaya dapat siguro lumayo na lang ako? Kasi ako rin, Cal. Nahihirapan. We just met a few months ago, in those days had passed-I felt so confused and I don't know what's going on with me. Hindi ko alam paano pa nga ba ako uusad o makaka-usap pa nga ba talaga ako? Alam mo 'yon kabod ko na lang naramdaman 'yung pagod," I cried.

Hindi ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin. Hindi ko naman inaakala na ganoon na pala ang tingin niya sa akin. "Kung papipiliin man ako, Cal-hindi ikaw iyon...I'm sorry that I made you fall in love with me when I am not, gusto mo ako kasi ako 'yung nandiyan no'ng panahon kailangan mo ako, sa loob ng apat na buwan, pinaramdam mo sa akin kung gaano ako ka-importante. Yeah we fight a lot and it made me suffocate, kaya 'ko tinigil ang contract kasi ayaw kong lumalim iyan," turo ko sa kaniyang puso.

"I can't lie, pagod na akong mag-sinungaling, Cal," I wiped the tears on my face. "I-i'm sorry," he apologized. "No need to be sorry, Cal. I was the one who needed to say sorry," I smiled.

"I'm sorry for not loving you back-the way you do to me, sorry for making you feel like that," I said. "Okay lang, tanga ko lang talaga kasi-umasa ako. Umasa ako na baka mayroon akong pag-asa pero wala pala, talo pa din talaga ako," he bitterly laughed.

I saw the pain in his smiles. At ako ang rason no'n. Hindi ko inaakala na hahantong sa ganito ang lahat-na may masasaktan ako.

Hindi ko 'to ginusto-sadyang pinaglaruan ako ng tadhana.

Hindi ko na alam ang dapat at nararapat kong gawin sa sitwasyon. I hurt the feelings of Callahan for the sake of my feelings for Ron. It was just stupid thing I have right now.

This wasn't the confession. This wasn't love.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top