Para sa aking Kaalitan
Nagsimula lang sa pagkakaibigan
Nauwi na sa iringan at bangayan
Nangakong 'di maghihiwalay kailanman
Subalit ngayon bakit ako'y iniiwasan
Nagtataka kung bakit magkasama pa
Hanap ang sagot sa tanong, "bakit kaya?"
Ang sasagot pala sa tanong ay ikaw
Dating damdamin, ngayo'y nag-uumapaw
Bakit nararamdaman ko ulit ito
Ang puso ko sayo ay nagsusumamo
Maling naisin kong bumalik sa dati
May iba na tayong minamahal kasi
Ikaw na pinakakinaaayawan ko
Ay mamahalin ko rin pala ng buo
Tandaan mo mula sa araw na ito
Nalaman mong mahal ko ang kaaway ko
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top