Chapter 3

Gulat kong tinignan si Gabriel. Tama ba yung narinig ko? Gusto na niyang matapos yung... alitan namin?

"Anong sabi mo?" tanong ko, naninigurong tama ang narinig.

"Sabi ko, gusto mo na rin matapos yung detention na 'to?" pag-uulit niya. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay susuko na siya.

"Syempre, sino ba namang hindi?" sagot ko.

"Parang may binubulong ka kanina bago ako magising. Ano yun?" tanong niya.

"Wala yun," sagot ko, hindi ipinapahalata ang kaba. Kung narinig niya ang sinabi ko, malamang sa malamang ay patay na ako. Baka kung ano isipin niya at akalain niyang sumusuko ako kahit hindi naman.

"Ms. Tyler, Mr. Winters, you're free to go," sabi ng Guidance nang pumasok siya sa pinto. "Sana hindi na 'to maulit, ha? May meeting kasi kami kaya hindi ako nakapagbigay ng disciplinary action pero sana okay na kayo. Tandaan niyong seniors na kayo, hindi maganda kung makikita ng lower levels lalo na ng grade 7 na nag-aaway kayo," pangaral niya.

Tumango na lang kami ni Gabriel bago tumayo at kinuha ang mga phone namin sa box. Binati ko yung Guidance namin bago umalis. Si Gabriel naman ay umalis na lang nang hindi man lang nagpapaalam. Napakabastos kahit kailan!

Matapos ay naglakad na ako pauwi. Walking distance lang ang bahay namin sa school kaya naging madali para sa akin ang makauwi.

☔︎・☔︎・☔︎

"Pupunta ka naman, 'di ba?" tanong ni Stella na tinutukoy ang back to school party ni Bianca. Friday na ngayon at naisip ni Bianca na mag-party as a start of the school year marker. Sure ako na after ng party niya, marami na rin ang susunod.

"Syempre," sagot ko. "Party ni Bianca yun at for sure, nandoon ang boyfriend mo kaya gusto mo pumunta so sasamahan kita. That's how supportive I am," pagmamayabang ko kaya natawa siya.

"Pupunta ba si Jaden?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi, eh. Wala daw sa mood pero pupunta daw si James," sagot ko. Identical twin ni Jaden si James. Naging close kami simula nang maging magkaibigan kami ni Jaden.

"If you don't want to go, don't go," sabi niya.

"Pupunta ako. Sabay naman tayo, eh at ihahatid ka pa nila Tito so goods na goods ako sa arrangement natin, mhie," sabi ko na tinawanan lang niya.

"Okay, okay. Magbibihis na ako. You should too."

"Yes, Miss Ma'am. See you later," sagot ko bago pinatay ang tawag. Naglakad na ako palapit sa closet ko at naghanap ng masusuot. I settled for a simple black party dress. Kila Bianca lang naman ang party kaya hindi ko na kailangang bonggahan. Simpleng ayos lang din ang ginawa ko sa buhok and makeup.

As if on cue, dumating sila Stella pagkatapos ko magprepare. Nagpaalam lang ako kay Mom bago sumakay sa sasakyan nila.

Hindi nagtagal at nakarating din kami sa party house nila Bianca. May party house ang pamilya nila Bianca dahil ayaw nila nagugulo ang bahay nila kapag nagcecelebrate sila.

Marami na ang tao nang makapasok kami. Lahat yata ng seniors ay ininvite ni Bianca. May mga kakilala rin siya na taga-ibang school so baka inimbitahan niya rin ang mga ito.

"Lianna ko! Stella ko!" sigaw ni Bianca nang makita niya kami ni Stella. Lumapit siya para yakapin kami. Amoy na amoy na ang alak sa kanya.

"Are you drunk?" tanong ko.

Tumawa siya. "Little bit," sagot niya.

"May minors pa dito, Bianca and alam ba ng parents mo na nagpapainom ka?" tanong ni Stella.

"Hindi naman nila kailangan malaman. I have this under control," sabi ni Bianca bago sinubukang tumayo ng maayos pero muntikan na ring matumba kaya sinalo namin. "Kayong dalawa, enjoy the party, okay?" sabi niya sa amin bago iika-ikang naglakad palayo.

Napailing-iling ako. "Bakit nga ba natin naging kaibigan ang isang yun?"

"Hindi ko na rin alam," sagot ni Stella at pareho kaming natawa.

Hinanap namin sila Khaila at nasumpungan namin sila sa couch. Inom ng inom si Khaila habang nagchichikahan si Tori at Hope.

Napakagulo ng paligid. Nagkalat ang mga red cups sa sahig, may mga naglalaro ng kung ano-ano, mga magjowa na naghahalikan, at may ibang lupasay na sa sahig.

Siguro iniisip ng karamihan na prim and proper kami dahil galing kami sa private school but in reality, we're not all that. Karamihan dito, feeling nila masyado silang pinipigilan ng parents nila sa mga gusto nilang gawin kaya tumatakas sila, nagpapakawild, at nagpapaka-rebellious.

"Hindi kayo iinom?" tanong ko kay Hope at Tori habang sinasalinan ng alak ang baso ko.

"Nope, bawal umuwing lasing," sagot ni Tori.

"Takas," maikling sagot ni Hope.

Natawa naman ako bago sumimsim ng alak sa baso ko. Thankful ako na hindi mahirap mapapayag si Mom sa mga ganito. May certain rules lang na bawal akong umuwi na wasted or mag-uwi ng lalaki sa bahay.

"Attention, everyone!" tawag ni Bianca sa atensyon ng lahat. Nakatayo siya sa kitchen counter at hawak ngayon yung mic na kinuha niya sa mga nagvivideoke kanina. Hininaan nila ang tugtog para pakinggan si Bianca.

"Nag-eexpect kayo ng speech?" tanong ni Bianca bago natawa. "Meron dapat kaso nilasing niyo ako, mga gago!" sabi niya kaya natawa ang mga tao. "Gabriel, yung pinsan ko, hoy! Pumunta– Ay, kabayo!" sigaw ni Bianca. Napailing-iling na lang ako habang pinapanood siya. Muntik pa siyang malaglag sa counter.

"Muntik pa tuloy akong mamatay. Gabriel, ang tagal mo!" sabi ni Bianca bago bumaba ng counter. Naglakad siya papunta sa kinauupuan namin bago humiga at hinagis ang microphone. Buti nasalo ko bago bumagsak sa sahig.

Nagpunta na si Gabriel sa harapan at kung ano-anong corny na pagpapakilig ang sinasabi. Yayayain na yata niyang maging girlfriend si Sandra na ni minsan ay hindi ko nakitang niligawan niya nang maayos.

"Will you be my girlfriend, Sandra?" tanong ni Gabriel matapos ang mahaba niyang litanya. Nagulat si Sandra, nagkukunwaring hindi niya inasahan. Tumango siya bilang tugon sa tanong at lahat sila naghiyawan.

"Ang drama nila," bulong ni Stella sa akin.

"Nakakasuka. Knowing the both of them, maglolokohan na yan bukas. Bagay nga sila kasi parehong cheaters," sagot ko bago natawa. Nagtaka naman ako nang nabaling ang tingin ng lahat sa akin. Doon ko narealize na hawak ko nga pala yung mic ni Bianca at nakabukas pa yun!

Napaismid si Gabriel. "The audacity of people sometimes," sabi niya kaya napatayo ako.

"I mean, totoo naman, 'di ba? Naikot niyo na nga lahat ng tao sa school." Nagkibit-balikat ako.

"Nakita niyo? 'Yan yung sinasabi niyong anghel niyo? Kung makapagsalita kasi parang demonyo," sabi ni Gabriel habang umiiling-iling pa. "Hindi ka ba tinuruan ng maayos ng mga magulang mo?"

Natigilan ako. "Alis sila dito, Gabriel."

"Hindi ba sinabi sayo ng nanay mo na mali ang pangbabackstab?"

"Gabriel, tama na," sabi ko, may pagmamakaawa sa tono.

"And your dad. Hindi niya ba sinabi sayo na mali ang manira ng tao? Wala ba siyang tinuro sayo?" sabi niya at doon  na ako napuno.

"P*TANGINA, SINABING TAMA NA!" sigaw ko. Namumuo na ang luha sa mga mata ko. "Gago ka talaga," nanghihinang saad ko bago ibato ang mic at tumakbo palabas.

"Fucking Gabriel! Wala siyang puso, t*ngina!" frustrated na saad ko habang naglalakad papunta sa bench malapit sa pool. Hindi ko mapigilang maiyak na lang habang nakaupo doon.

Alam nilang lahat na sensitive topic sa akin ang usapang pamilya lalo na kay Dad. Napakatanga at inhumane ni Gabriel para idamay sila sa away naming dalawa.

Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko pa kaya at kung minamalas nga naman, umulan pa!

Hindi ako tumayo dahil wala akong gana. Niyakap ko na lang ang sarili at hinayaang mabasa ako roon. Umiyak lang ako roon, umaasang sa ganoon ay magiging maayos ako.

Masyado akong nagpadala sa emosyon na hindi ko namalayang may naghahawak na ng payong para sa akin. Tinignan ko kung sino at nagulat ako nang makita si Gabriel. Siya ang huling taong gusto kong makita.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry," he said in the sincerest tone.

Gulat ko siyang tinignan. "Nag-aapologize ka sa akin?" Hindi pa rin ako makapaniwala.

Tumango siya. Nababasa ko sa mga mata niya na nagsisisi siya sa mga nasabi kanina. "Ano? Suko ka na?" tanong ko, pertaining sa away namin.

"Sinabihan lang ako ni Damon na kausapin ka in behalf of Bianca. Hindi ko na rin pinalabas mga kaibigan mo dahil mababasa pa sila ng ulan. Ang lakas din kasi ng trip mo, 'no?" sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama. "At hinding-hindi ako susuko. Cease fire lang 'to," sagot niya sa tanong ko.

Inirapan ko siya. "Whatever," sagot ko bago tinitigan ang pool. "Ano nang nangyayari sa loob?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Back to normal."

Napaismid ako. "Na parang walang nangyari?"

"Lasing na sila kaya hindi na nila maalala lahat, okay?" sabi niya kaya napatango ako. "Pumasok ka na ulit."

"At makikita nila tayong magkasama?! Neknek mo!" saad ko.

"So, gugustuhin mong mabasa buong gabi?" tanong niya.

"Mas okay na yun kaysa makasama ka!" sagot ko.

"I-uuwi na lang kita," offer niya.

"Ayoko magkautang na loob sayo," pagtanggi ko.

"Isipin mo na lang na ito yung way ko to apologize," pamimilit niya.

"Ayoko," mariin kong saad.

Bumuntong-hininga siya. "Hawakan mo." Inabot niya sa akin yung payong na kinuha ko naman unconsciously.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong binuhat. Muntik ko pang malaglag yung payong!

"Hoy! Gago ka! Ibaba mo ako!" sigaw ko habang sinusubukang makababa. Hindi nakinig ang loko at naglakad na papunta sa sasakyan niya.

Isinakay niya ako sa shotgun seat at isinara ng malakas ang pinto bago naglakad papuntang driver's seat.

"I hate you," bulong ko nang makasakay siya.

"Matapos kitang buhatin at ihatid pauwi? Salamat, ah," balik niya bago ini-start ang kotse at nagmaneho.

"Hindi naman kita pinilit na gawin yun. Wala akong pakialam kung iwan mo akong nababasa sa ulan doon," sagot ko.

"I was trying to be nice for once, geez!"

"I don't want you to be nice!"

Napailing-iling siya. "Malala ka na."

"Bakit kasi hindi ka na lang bumalik doon at trabahuhin yung girlfriend mo, and while you're at it, isama mo na rin mga kaibigan niya," sabi ko kaya napaismid siya. "Totoo naman, 'di ba? That is what you love to do."

Tinigil niya ang sasakyan at hinarap ako. Lumapit din siya sa akin kaya napaatras ako. "Why do you always assume the worst of me?" seryoso niyang tanong.

"Hindi ba ganoon naman talaga dapat kapag magkaaway?" tanong ko bago nag-iwas ng tingin.

"Alam mo kung bakit nasabi ko yung mga yun kanina? Kasi ganyan ka. Below the belt din yung mga hirit mo," sabi niya bago lumayo.

Huminga ako nang malalim bago siya tignan. "Pero hindi ko dinamay yung pamilya mo," saad ko kaya natigilan siya.

Tumingin ako sa labas at napansing nasa bahay ko na pala kami. Nakahinga rin ako nang maluwag kasi tumila na ang ulan.

Hindi pa rin makapagsalita si Gabriel. Kung dahil sa hiya ay hindi ko na alam.

"Alam mo, kung paulit-ulit mo akong murahin, ayos lang. Kahit tawagin mo pa ako sa ibang pangalan, wala akong pakialam pero ibang bagay na kapag pamilya ko ang iniinsulto mo," sabi ko bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya at lumabas.

"Salamat sa paghatid," huli kong sambit bago siya tinalikuran at nagtuloy-tuloy papasok ng bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top