Whiskey
Ciaran Rodriguez
Matapos namin ihatid si Mondragon sa hideout nito, sa isla Agrianthropos, ay dumiretso ako sa sarili kong mansyon dito rin sa isla. Hatinggabi na nang makarating kami at ayaw kong ibyahe pabalik ng Maynila si Anne kaya dinala ko siya sa mansyon.
My house is just a few blocks away from Keyller. It's huge, but empty. Hindi ako laging namamalagi rito.
Alam kong kasama ni Keyller si Freesha at balak kong pagtagpuin ang dalawang dalaga bukas upang may kasama si Anne mamasyal habang kami ni Keyller ay didiretso kay Kit upang parusahan ito. Pero sa klase ng pagtrato sa akin ni Anne ngayon ay malabo iyong mangyari.
"Where are we? Hindi mo ba ako ibabalik sa Maynila? Sir Mondragon had already been settled. What are we still doing here?"
Huminto ako sa akmang pagpasok sa kusina upang kumuha ng maiinom nang biglang magsalita si Anne. Buong biyahe ay wala itong imik. Pinigilan ko ang galit ko na huwag itong bulyawan at baka kung ano pa ang magawa ko rito na pagsisihan ko sa huli.
"Gabi na. Wala nang biyahe palabas ng isla. Even if we can borrow Keyller's chopper, no one is still available to pilot us. Magpahinga ka na lang dito. Bukas na bukas din ay babalik tayo sa Maynila. Eto," inabot ko kay Anne ang USB na kinuha ko sa bulsa. Galing ito kay Zebal, mga impormasyon na nakuha nito tungkol kay Anna.
Bumalik sa sala si Anne at umupo habang ako ay dumiretso sa kusina saka kumuha ng maiinom. Pagkabalik ay may dala akong bote ng mineral water at beer para sa akin.
"Here." Ibinigay ko sa kanya ang tubig saka umupo sa upuan na kaharap nito.
Tahimik niyong inabot ang bote at tahimik na iniinom. Her eyes were still avoiding mine. Gusto kong suyuin ito, alam kong nagtatampo siya sa akin, pero hindi ko alam kung paano siya amuin. I only knew how to torture girls, but not coax them.
Tumayo ako. "Let's go. I'll bring you to the study to check the USB's content saka kita dadalhain sa magiging kuwarto mo."
Tahimik na tumango si Anne at sumunod sa akin. Pagdating namin sa study ay saka lamang ito nagtanong matapos kong i-set up ang computer. Dahil hindi pa rin siya umiimik ay hindi na rin ako nagsalita.
We were silent the whole time while watching and studying the file Zebal had given us. Matapos ang natuklasan namin ay nilingon ko si Amme na wala pa ring imik. Alam kong hindi ito makapaniwala sa natuklasan niyang naging buhay ng kakambal niya.
"She grew up suffering and lived in a gutter, while me, I am living like a princess. Paano nagawa ng magulang ko na hayaang magdusa si Anna? We are from the same blood, she even looked exactly like me. Bakit hinayaan nilang magdusa nang ganito si Anna?"
Tahimik kong pinagmasdan si Anne habang umiiyak ito. Gustuhin ko man itong lapitan ay hindi ko magawa at paniguradong itutulak lang niya ako palayo sa kanya.
"Let's get some rest. Bukas na bukas din ay pupuntahan natin ang kakambal mo," sa halip ay suhestiyon ko. Tumayo ako at inilahad ang palad sa kanya, nagbabakasali na tanggapin niya ito, pero hindi.
I withdrew my hand naturally while hiding the irritation from that rejection. Inihatid ko siya sa guest room.
"Anne, can we talk for a while?" hindi ko mapigilang tanong.
Huminto si Anne sa pagpasok pero hindi ako nilingon. "I'm sorry, Doc. I'm tired." Saka ito pumasok sa loob nang walang lingon-lingon na isinara ang pinto.
Kinuyom ko ang kamao ko at marahas na bumuga ng iritableng hininga.
"Fucking asshole! Pagbibigyan kita ngayon, Anne. Pero kapag ako ang nakakuha ng pagkakataon, parurusahan kita."
***
Kinaumagahan ay agad kaming bumiyahe pabalik ng Maynila at nang makarating ay dumiretso kami sa Rizal, sa hideout ng sindikatong may hawak kay Mariposa, kay Anna, ang kakambal ni Anne.
Buong biyahe ay halos limang salita lang ang pinakawalan ni Anne at hindi ko alam kung saan nanggaling ang pasensya ko para pagbigyan iyon. Siguro ay dahil nakatanim sa isip ko na kapag maayos na ulit ang trato sa akin ni Anne ay saka ko siya parurusahan. Big time.
"Hindi ko alam kung ano ang madadatnan natin sa loob at kung naririyan nga ang kakambal mo. Dito ka muna sa kotse at ako ang papasok," sabi ko nang marating namin ang lugar.
Umiling si Anne Joy. "No. Sasama ako. Mas mabuti kung nasa loob ako para makita ako ng kapatid ko at magkakilanlan kami kaagad," Anne insisted and got down the car by herself.
Nakuyom ko ang kamao ko upang pigilin ang inis na unti-unting namumuo. "Anne, delikado sa loob at hindi natin alam kung ano'ng klaseng tao sila. What if you get hurt?" May pag-aalala sa boses ko.
Biglang lumingon si Anne. "What is it to you? Aren't you the same? Hindi ba laruan lang naman ang tingin mo sa akin? Hindi ba gustong-gusto mo na nasasaktan ako?"
I clenched my fist hard as my face darkened in anger. "Anne Joy. Huwag mong subukan ang pasensya ko." Tinulak ko siya at napasandal ito sa pader. I stared at her intently, a darkening gaze penetrated through her soul.
Matapang na sinalubong ni Anne ang tingin ko. "Bakit, Doc? Naglalaro na naman ba sa isip mo kung paano mo ako saktan?" Her eyes watered but she remained firm. "Sige, saktan mo ako. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa akin. Samantalahin mo ang kahinaan ko para sa kasiyahan mo. Samantalahin mo na mahal kita para saktan ako."
Anne's voice cracked, and the tears she fought hard to hide fell.
I felt silent. I could feel my heart crushing like a boulder. Ibinaba ko ang kamay ko na nasa magkabilang gilid niya at hinayaan siyang itulak ako.
Dumiretso ito sa loob samantalang ako ay nanatili sa kinatatayuan ko.
"What the hell? Why am I swayed by that woman's words? Mahal? Fucking liar!" Malakas kong sinuntok ang pader at doon ibinunton ang galit saka sinundan ng tingin ang pinto na pinasukan ni Anne.
We are in a large compound. Malayo sa kabihasnan at iisang bahay lang ang narito sa malawak na bakuran.
Bagama't walang guwardya sa labas alam kong maraming bantay sa loob. Nagsimula akong maglakad at mabilis na sinundan si Anne. Kung gustuhin ko man siyang mapahamak, iyon ay sa kamay ko lamang at hindi sa kamay ng ibang tao.
"Well, well, well! At sino ang bisita natin ngayon? Ahah! At may bumabalik?"
Napatigil ako sa akmang pagpasok nang marinig ko ang kantiyawan ng mga kalalakihan sa loob. Sumilip ako sa siwang ng pinto at nakita ko kung sino ang kinakausap ng mga ito, si Anne. I raised my eyes and observed the surroundings. Isa lang itong maliit na mansyon at alam kong tambayan lang ito ng sindikato pero maaliwalas sa loob at puno ng gamit. There were even paintings hanging on the wall. I'm guessing the owner is an art collector.
Marami rin ang nakakabit na CCTV. Siguradong may kontrol room at kaya kahit walang bantay sa labas ay nakikita ng mga nasa loob ang bisita sa labas.
Umangat ang tingin ko sa CCTV na nakaharap sa akin at ngumisi saka pumasok sa loob. Batay sa pagkasabi ni Zebal, hindi basta-basta ang sindikatong may hawak kay Anna. Kung kaya ng mga itong kalabanin ang pamilya Del Mundo, malamang sa malamang, malaki ang taong may hawak dito.
"Nasaan si Anna?" malakas ang loob na tanong ni Anne.
Hanga din ako sa tapang ng babaeng 'to. Ni hindi man lang nakaramdam ng takot habang kaharap ang armadong kalalakihan at basta na lang sumugod. Pero katapangan nga ba o katangahan ang ginawa nito?
Bumunot ng baril ang isa sa mga kalalakihan na tila lider ng grupo. Bakas na bakas sa mukha ang galit nito kay Anne na ikinataas ng kilay ko. May katabaan ito at balbas sarado. "Nagbalik ka pa, Mariposa? Ang tagal-tagal kang pinahanap ni Boss. Buti naman nagbalik ka na para tanggapin ang kaparusahan mo!"
Nagitla si Anna sa narinig at ako naman ay napaangat ang kilay. We both don't know why Mariposa is wanted here, but I have an idea that this will not be going to be good.
I stepped back as I raised my hands, waving the white flag.
"Hindi ko alam ang sinasabi niyo. I stepped in here wrongly." I played innocent. Tiningnan ko si Anne Joy pero seryoso ito habang nakatingin sa lalaking nakatutok ang baril sa kanya.
"Si Anna ang gusto kong makita. Nasaan siya?"
Imbes na sumagot ay malakas na sampal ng baril ang inabot ni Anne.
"Ano'ng drama na naman ang hatid mo, Mariposa?"
Naikuyom ko ang kamao ko. I gritted my teeth to control my seething anger when I saw Anne getting hurt. But I knew she deserved it for being reckless. Unti-unti akong humakbang paatras saka lumabas at iniwan ko si Anne sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top