Mike
Anne Joy Del Mundo
Hindi ko akalaing matapos ang dalawang linggo ay hindi ko pa rin nakikita ang pagmumukha ni Doc Rodriguez. Akala ko ay patuloy niya akong pepestehin. Natatakot ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin at the same time I was thrilled that he was giving me attention kahit pa sa kakaibang paraan.
Oo, nasaktan ako sa ginawa ni Doc. Rodriguez. I have all the rights na ipakulong at ipaaresto siya, pero wala akong ebidensiya. Isa pa, kailangan ko siya para mahanap ang nawawala kong kakambal kahit pa kaakibat niyon ay ang pagkawala ng dangal ko. But this was all my reason.
Call me stupid, an idiot, or a masochist, but I will sacrifice myself para mahanap ang kapatid ko. Dahil kahit gaano pa kahayop si Doc Rodriguez, I still like him. In fact, I am slowly accepting the truth, that I like it when Doc Rodriguez hurt me.
The hunting was awesome and thrilling. Sa una lang nakakatakot at dahil akala ko baka patayin ako ni Doc Rodriguez, pero habang nasa ospital ako at nagpapagaling ay unti-unting natatanggap iyon ng sarili ko.
"Hey, Annie. Are you ready to go home?"
Ngumiti ako nang makita ang aking ama na nakasilip sa pinto. Off-duty ito dahil nagprisinta siyang ihatid ako sa condominium na tinutuluyan ko kahit malaki ang pagtututol nila ni Mama. Pero hindi ako pumayag na hindi ako ihatid sa sarili kong condo dahil gusto kong mapag-isa.
"Yes, dad. Where's mom?" Bumaba ako sa hospital bed saka inilagay sa suot na sling bag ang hawak na cellphone.
"She went out to do something. She'll meet us at the car. So, let's go? Alam kong naririndi ka na sa kama na 'yan," pagbibiro ni Daddy. Tinuro niya pa ang hospital bed saka kinuha ang maliit na bag na nilalagyan ng mga gamit ko saka siya na ang nagbitbit.
Isang matamis na ngiti ang iginanti ko saka humawak sa braso ni daddy at nagpatiakay palabas.
My bruises are gone and my skin is back to how it used to be. But my emotions were now swayed by Doc Rodriguez. Minsan takot na takot akong makita o kahit isipin man lang siya. Pero minsan ay namamahay sa puso ko na gustong-gusto ko siyang makasama na kahit saktan niya ako ay ayos lang sa akin.
"Okay, sige po. Tayo na." Bumaba ako sa kama matapos ayain si daddy.
We were silent while we were on our way to the carpark. May iilang bumati kay daddy at tinanguan niya lang ito pero ako ay nanatiling tahimik hanggang makasakay kami sa kotse. Naghihintay na roon si mommy.
"How's my baby?" Nilingon ako ni mommy na siyang nagmamaneho. Ngiting-ngiti ito na tila may magandang nangyari.
Patamad akong sumandal sa backseat at ipinikit ang mata. Balak ko sanang matulog pero kapag ganitong mukhang masaya ang mood ni mommy at naiintriga ako.
"I'm good. Bakit mukhang masaya yata kayo 'mom? May nangyari ba na nagbigay galak sa inyo? You were not like that kasi nakalabas na ako ng hospital, am I right?" Minulat ko ang aking mata at itinaas ang kilay habang sinalubong ang mata ni mommy sa rearview mirror.
"Of course not, sweetie. I have a good news for you!" Ngiting-ngiti ito saka ibinalik ang atensyon sa daan.
Bumalik ako sa pagkakasandal sa backseat at akmang pipikit nang muling magsalita si mommy.
"We got the culprit, 'nak. He's now in jail at siguradong mabubulok siya sa bilangguan."
Napamulagat ako sa narinig at napatuwid ng upo. Numabog nang malakas ang dibdib ko at yinanong ko si papa kung tama ang narinig ko.
"Y-you got him? Paano?" Kaya ba siya hindi nagpapakita sa ospital?! Nakakulong si Doc Rodriguez? Pero paano?
Hindi ako makapaniwala. Pero bakit ganito ang reaksyon ng magulang ko? Akala ko ba gustong-gusto nila si Doc Rodriguez?
"Yes! My men got him in Lebanon," sagot ng aking ama. Biglang dumilim ang mukha nito. "Hindi ko akalaing magagawa niya iyon sa 'yo. I trusted him!"
Sandali akong natahimik. Hindi ko maapuhap kung ano ang sasabihin. May tuwa sa puso ko dahil nahuli na si Doc Rodriguez pero may parte sa puso ko na hindi kayang tanggapin ang katotohanang iyon. Napayuko ako at naikuyom nang mahigpit ang aking kamao. I want to see him!
"Huwag kang mag-alala, anak. Mabubulok sa kulungan ang lalaking iyon!"
Tumingala ako nang magsalita muli si mommy. Nagkasalubong ang tingin namin sa rearview mirror. Bahagya niya akong nginitian bilang assurance. My face remained indifferent. Wala pa rin akong maisip na sasabihin. I felt like my brain was filled with clogs and I couldn't think of anything to say.
"Kung hindi ka pa handa na bisitahin ang lalaking iyon bibigyan ka namin ng oras. Pero kung hindi mo siya kayang makita ay dadalhin na namin siya isang lugar na pagkukulungan sa kanya kung saan mabubulok ang kaluluwa niya. Pagbabayaran niya nang matindi ang ginawa niya sa 'yo, anak."
Sumulyap ako kay Daddy saka bahagyang tumango. Hindi na ako nagsalita hanggang makarating kami sa bahay. Dahil sa balitang natanggap ko ay hindi na ako nakipagtalo nang dinala ako ng magulang ko sa mansiyon at hindi sa condo ko. Kahit nakabukod ako ay mat sarili pa rin akong kuwarto rito pati na mga personal kong gamit. Kung ano ang meron sa condo ko ay meron din sa kuwarto ko sa mansiyon.
Matapos makababa ng sasakyan ay dumiretso ako sa kuwarto. Nawalan ako ng gana kumain at nagkulong hanggang sa sumapit ang tanghalian. Pinatawag ako ni daddy pero hindi ako bumaba.
"Manang, pakihatid na lang ng pagkain ko rito. Kakain ako pagkatapos kong maligo." Nginitian ko si Manang Nelia, ang mayordoma ng mansyon na siyang nag-alaga sa akin mula pagkabata ko.
"Sige, ineng. Ipagbigay alam ko sa kasambahay." Pagkatapos ay lumabas si Manang Nelia samantalang dumiretso ako sa banyo upang maligo.
The cold water cascaded over my newly recovered face and body, but my mind was chaotic. Hindi mawala sa isip ko ang katotohanang nakakulong ngayon si Doc Rodriguez. My brain is screaming yes, he deserved it, but my heart said no. Hindi ko kayang makita siyang mabulok sa bilangguan. And worst, kapag ang magulang ko ang nangialam kay Doc Rodriguez, sigurado akong hindi lang bilanggo ang aabutin niya kundi mas malala pa sa kamatayan.
Lingid sa kaalaman ng magulang ko, alam ko kung ano ang tunay na katauhan nila. Ang tunay na dahilan kung bakit nawawala ang kakambal ko.
Isang mahinang katok ang pumukaw sa akin habang tinutuyo ko ang sarili sa banyo. Ibinalot ko ang katawan ng roba habang ang basa kong buhok ay hinayaan kong nakalugay.
"Ineng, pinapatawag ka ng iyong ama sa baba."
Ang nag-aalalang mukha ni Manang Nelia ang nabungaran ko nang buksan ko ang pinto.
"Bakit, Manang?" agad kong tanong.
Umiling ang matanda. "Wala akong ideya, iha. Pinapasabi lang ng ama mo na may importante siyang sasabihin kaya sabay raw kayong mananghalian."
Tumango ako. "Sige po. Susunod po ako pagkatapos kong magbihis."
Nang makalabas si Manang Nelia ay agad akong nagbihis ng simpleng t-shirt at faded blue jeans. Hinayaan kong nakalugay ang basa kong buhok saka bumaba ng kuwarto. Naabutan ko ang magulang ko na seryosong nag-uusap.
"Afternoon, mom, dad." Bati ko at lumapit sa kanila saka isa-isang hinalikan sa pisngi. "Bakit n'yo po ako pinapatawag?"
Umupo ako sa tabi ni mommy habang si daddy ay nakaupo sa mayor na upuan. Tumingala ito mula sa binabasa nitong diyaryo at tumingin sa akin.
"Our contact with the police has already agreed to our request. We will get that man and transfer him to our own imprisonment. Do you still want to go and see him?" My dad asked with a serious face.
Naikuyom ko ang hawak kong kutsara nang mariin. "When are you thinking of transferring him?"
"Tonight. The less people knew about it, the better."
Nawalan lalo ako ng ganang kumain dahil sa pag-ungkat ni daddy kay Doc Rodriguez kaya sumubo ako nang kaunti at tumayo.
"I am going now, Dad, mom."
"Wait, iha. Magpasama ka kay Mang Gaston." Pigil ni mommy sa akin.
Nginitian ko siya bilang assurance at upang itagao ang kaba sa dibdib ko. "Hindi na kailangan, mom. Kaya ko na po ang sarili ko."
"Sigurado ka, iha? Kaya mo ba siyang harapin mag-isa?" pahabol na tanong ni mommy.
Huminto ako sa paglalakad at nilingon ang magulang ko, "yes po. I just want to see his face and aalis na po ako kaagad."
Walang nagawa ang magulang ko kundi sumang-ayon. Nagmaneho akong mag-isa papunta sa presinto na pinagkukulungan ni Doc Rodriguez.
Nang makapasok na ako sa loob at habang naghihintay kay Doc Rodriguez ay muling dumagundong ang kaba sa dibdib ko. My mind is cut into stopping my parents and letting them take Doc Rodriguez away.
"Anne Joy..."
Nanlalaki ang matang tumingala ako at tumingin sa pader na salamin na may butas at humarap sa taong nagsalita.
"Ikaw!?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top