He's Dead

Anne Joy Del Mundo

Wala ako sa sarili habang nasa loob ng sasakyan patungo sa bar ni Trace Dimagiba, kung saan naroon si Ciaran. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ni hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin.

Gusto lang ba nila akong isorpresa? Pina-prank lang ba nila ako? O 'di kaya'y nananaginip lang ako?

"Anne..." mahinang tawag sa akin ni Freesha. Nakaupo ito sa tabi at buong sandali na nakaalalay sa akin. "Narito lang kami, okay? Magiging okay ang lahat."

Ngunit biglang nabasag ang boses ni Freesha, dahil kahit siya ay hindi kayang tanggapin ang nangyari kay Ciaran. Hindi ko namalayan na tumutulo na naman pala ang aking luha. Naririnig ko ang boses ng katabi ko pero tila malayo siya sa akin. Blangko ang isip ko at hindi ako makaresponde sa bawat sinasabi nito.

Hanggang sa makarating kami sa lugar kung nasaan ang katawan ni Ciaran ay para akong tuod at wala sa sarili habang naglalakad. Ni hindi ko alam kung paano ako nakababa ng kotse.

"Ciaran's body is inside. Keyller is there waiting. Freesha, samahan mo si Anne."

Nang marinig ko ang pangalan ni Ciaran na binanggit ni Trace ay tila bumalik ako sa sarili. "Si Ciaran?" I asked, sobbing, with my inside twisting.

No one answered, but Freesha held my hand and led me inside until we reached a private room. There... I saw Ciaran's lifeless body lying on the floor with a bottle of pills spread on the floor beside him.

My eyes watered again. It's stinging. The scenes that my eyes are capturing right now give me a longing pain inside. I rushed towards him. Hindi ako naniniwala na patay na siya hangga't hindi ko siya nahahawakan. No! It couldn't be! Hindi ko matanggap. Hindi ko kaya!

"Ciaran!" I shouted his name as I forcefully knelt beside him. The painful slap of my knee on the floor was nothing against the pain I was having inside my heart. I called his name again, but there was no response.

Habang nakikita ko ang walang buhay na katawan ni Ciaran ay walang tigil sa pagtulo ang aking luha.

"You're alive right?" Hinawakan ko siya sa balikat at pilit na niyugyog ang katawan pero walang sumasagot. Hindi siya kumikilos. "Ciaran, please..." nagmamakaawa kong pagsusumamo. "Gumising ka. Sabihin mong joke lang 'to! Gumising ka, please..."

Hinawakan ko ang pulsuhan niya para I-check ang pulso niya pero wala na iyong tibok. Pasalampak akong umupo sa sahig at pumalahaw ng iyak. I am a doctor and I know that he is dead. Wala na siyang pulso at hindi na tumitibok ang kanyang puso.

"Ciaran!!!"

Dinaluhan ako ni Freesha at inalo pero kahit anong gawin niya ay hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Parang may mabigat na kamay na lumalakumos sa puso ko.

"Why??? Bakit, Ciaran? Bakit mo ako iniwan ng ganito? You were good to me. Bakit kailangan mo pang pangunahan ang buhay mo? How could you leave me in such a devastating state? Paano na ako, Ciaran? Paano na ako mabubuhay nang ganito dahil iniwan mo ako?" Mahigpit kong niyakap ang katawan niya. He was still warm. Parang natutulog lang ito. Ayaw ko siyang sisihin sa ginawa niya, pero hindi ko matanggap na nagpakamatay siya dahil sa akin.

Namamaos na ang boses ko habang kinakausap siya pero hindi ako tumigil sa pagyakap sa kanya. "This is my fault. Sana ay hindi ko na lang pinilit ang sarili ko sa 'yo. Sana... Sana..." I hiccuped. Sumasakit na ang ilong ko sa pag-iyak, at ang suot na damit ni Ciaran ay basang-basa na dahil sa aking luha.

His friends were looking at me with pity. Freesha was comforting me, but I still felt alone. Lonely. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong wala na si Ciaran. I gave up everything to be with him. Ang akala ko ay ayos na siya. Saan? Saan ako nagkulang para gawin mo 'to sa sarili mo?

"Anne," malungkot na tawag ni Freesha. "Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Iniisip lang ni Ciaran kung ano mas makabubuti para sa' yo."

"Mas makabubuti para sa akin? Pero hindi ko gusto na magpakamatay siya para sa akin. Tatanggapin ko kung iiwan niya ako at magpakalayo-layo, pero ang ganito?" Biglang sumigid ang kirot sa aking puso at nahirapan akong huminga. "Hindi. Hindi ko kaya."

"We are here for you, okay? Hindi ka namin pababayaan."

My breath became ragged. It was so thin that I felt suffocated. Then my head started to spin, and my vision became black. I only realized I lost consciousness when my body dropped into Freesha's arms. Everything just went black.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay, pero nang magising ako ay nakahiga na ako sa kama sa loob ng kuwarto. Pamilyar sa akin ang kapaligiran at agad kong nalaman na nakabalik ako sa bahay ni Ciaran. Kung sino ang nagdala sa akin ay wala akong ideya. Nang maalala ang binata ay muling bumalik ang sakit sa aking puso at hindi ko mapigilan ang mapaiyak.

Ako lang mag-isa. Walang kalinga. Walang Ciaran na magpoprotekta. Kahit sinasaktan ako ng lalaking iyon ay mahal na mahal ko pa rin 'yon.

"Ciaran..." impit kong bulong. Halos wala na akong boses dahil sa walang tigil na pag-iyak mula pa kanina. Pinilit kong bumangon pero bigla akong nahilo kaya nanatili akong nakahiga at muling pumikit.

Gusto ko pang makita ang katawan ng aking mahal. Gusto ko pa siyang yakapin kahit hindi ko na ramdam ang kanyang tumitibok na puso.

Biglang may mahihinang katok sa pinto kasunod ang mahinang pagtawag ni Freesha. Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas ang pinto at pumasok ito. I opened my reddened eyes and looked at her pleadingly.

"Freesha... Puwede ko bang makita si Ciaran?" halos walang boses na tanong ko. Basa ng luha ang aking pisngi kaya lumapit sa akin si Freesha at pinunasan iyon gamit ang likod ng kanyang palad.

"Annie... I'm sorry. Hindi ko mabibigay ang gusto mo," nangingiyak na sagot nito. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Freesha dahil malapit ito kay Ciaran. Isa ang nobyo ko sa tumulong sa kanila noong panahong kailangang bawiin ni Keyller ang palasyo sa kamay ng kaaway nito. Hindi lang 'yon. Parang kapatid na rin ang turing ni Freesha kay Ciaran.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Bakit hindi puwede?"

Lumungkot ang mukha ni Freesha. Kinuha nito ang kamay ko saka marahan iyong pinisil. "Annie, kinuha na ng tiyo ni Ciaran ang katawan niya at dinala sa Italy. Wala kaming magawa kundi ibigay iyon dahil siya lang ang tanging natitirang kamag-anak ni Ciaran."

Halos tumigil ang tibok ng aking puso sa narinig. Kung kanina ay tahimik akong umiiyak, ngayon, kahit namamaos ay pumalahaw ako ng iyak dahil hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko nang marinig ang sinabi ni Freesha.

Hindi ko na makikita si Ciaran. Kahit kailan ay hindi ko na makikita si Ciaran.

"No. Bakit? Bakit hindi siya inilibing dito sa isla?" I trashed over the bed. Pinilit kong bumangon at bumaba ng kama pero mahigpit akong pinigilan ni Freesha bago pa man ako makababa. "Bitawan mo ako," humihikbing aniya. "Kailangan kong makita si Ciaran. Kailangan ko siyang pigilan."

Mahigpit akong niyakap ng dalaga para pigilan ang aking kilos. "Tama na, Anne. Please, lumaban ka. Pilitin mo ang sarili mong tanggapin ang pagkawala ni Ciaran. Alam kong masakit pero kailangan. Alang-alang sa magiging anak niyo ni Ciaran, alagaan mo ang sarili mo."

With my eyes stinging in painful tears and ears ringing with agony, I looked up at Freesha. If I looked in the mirror right now, I could see that my face was as white as a sheet of paper. My heartbeat was getting faster and faster, and when I found the courage to talk, I asked Freesha, "What did you say?"

"Buntis ka. Dinadala mo ang magiging anak niyo ni Ciaran."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top