Chapter 5: Book
Pagpasok palang ni Vice ay kitang kita na ng mga beks ang malawak niyang ngiti. Pati ang mga staffs nito ay nagtataka sa magandang aura ng kanilang boss gayong noong mga nakaraang araw ay bad mood ito.
"Goodmorning Philippines! My name is Vice Ganda and I believe in the saying that... Yeah! I believe! Thank you" sigaw nito with matching nga-nga at rumampa pa ito sabay kaway na parang beauty queen.
"Good vibes is in the air." Sabi pa nito habang nakaspread ang kanyang dalawang kamay na animoy dinadama ang hangin kahit naka aircon naman sila.
"Anong nangyari diyan?"
"Baka nagkabalikan sila ni Papa TR"
"Baka naman nakamove na"
"Baka nabaliw"
"Baka nakadrugs"
Lumapit ang Team Vice kay Vice na nakaupo sa sofa habang hindi maalis ang ngiti sa labi na nagbabasa ng magazine.
"Anong nangyare meme?" Pag-uusisa ni Buern.
Sinagot lang niya ito ng kilig smile.
"Ene yang mga ngiting yan ha?" Aaron
"Iiiiiihh keshe nemen eh" sabi nito sabay ipit ng buhok
"Sus ang arte" sinapok siya ni Archie
"Hoy Arsenio ha sinasabi ko sa'yo baka gusto mong mawalan ng trabaho" pairap nitong tinignan ang kaibigan.
"Hehehe sabi ko nga eh." He said sarcatically and rolled his chinito eyes.
"Magkwento ka na meme." Kating-kating sa chismis na sabi ng mga beks.
"Che! Nawala na ko sa mood"
Padabog itong tumayo at pakendeng kendeng na pumasok sa kanyang opisina.
Isa-isang sinabunutan ng mga bakla si Archie. Daot kasi ito sa chismis.
"Kahit kailan talaga ang bitter mo!"
"Daot!"
"Ampalaya"
"Kape pa"
"CHE! Magtrabaho na nga lang tayo!" Singhal nito sa mga kasama sabay alis.
Nagkatinginan ang mga ito at sabay na humagalpak ng tawa kahit kailan ay napakaseryoso ng kaibigan nilang iyon. Minsan lang kasi ito nakikipagbiruan sa kanila.
Vice's POV
Pagkapasok ko ng opisina narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Archie at kasunod nito ang malalakas na tawa ng mga beks. Kaloka ang mga yon mukhang si Archie na naman ang napagtripan nila. Hahaha Pikon naman kasi ang isang yun eh.
Napailing nalang ako sa mga kalokohan nila. Buti nalang at may mga beki friends akong mga abnormal napakaswerte ko sa kanila.
Dumeretcho ako sa mini shelf sa loob ng office ko. Punung-puno ito ng mga libro for Law. Pangarap ko talagang maging isang abogado pero hindi ko na ito itinuloy dahil sa pangyayaring iyon. Sarili ko pa rin ang sinisisi ko sa nangyari sa araw na yun.
Inabot ko ang isa sa mga paborito kong libro dito. Tandang-tanda ko pa ang araw na nakuha ko ito.
March 31
Gabi na ngunit busyng-busy pa rin ako sa paper works dito sa SSG office, kailangan na kasing ipasa bukas ang annual report namin dahil malapit ng matapos ang school year. Pinauna ko na ang mga iba dahil tapos naman na nila ang trabaho nila.
*kruu kruuu kruu*
Gutom na ko. Naalala kong hindi pa pala ako kumakain ng lunch at dinner. Tinanggal ko ang aking eyeglasses dahil sumasakit na rin ang mata ko kanina pa kasi ako babad sa laptop. Pumikit pikit pa ako dahil hilong-hilo na rin ako kaya napasubsob ako sa lamesa.
*knock knock*
I heard knocks on my door kasabay ng pagbukas ng pinto. Inangat ko ang ulo ko at kunot noong lumingon dito. Sino ba tong istorbong to?
There I saw Karylle, nakasilip ang ulo niya sa pinto habang masayang nakangiti sa akin.
"Hi Pogi can I come in?" Masaya nitong bati. Tumango lang ako habang nakakunot noo pa rin. Gabing-gabi na bakit nandito ang babaeng to?
"Wait lang may kukunin pa ko" she said. Bago pa ko makapagsalita ay naisara na niya ang pinto. Napailing nalang ako at pinagpatuloy sa pagtype ng report.
After a few minutes she came back, I heard the door opened and closed kaya sigurado akong pumasok na siya. Inangat ko ang aking tingin para simulan na siyang talakan pero I saw her holding a cake tapos may ballon pa she's walking towards me.
"Happy Birthday to you~" she started singing
"Happy Birthday to you
Happy Birthday
Dear Pogi
Happy Birthday to you~"
Napanganga ako.
"Hey pogi make a wish na. Natutunawa na yung candle oh." She said sweetly
"B-birthday ko ba ngayon?" I asked. Hindi ko matandaan na birthday ko ngayon. Anong date na ba?
She looked at me with amusement written on her face. And then she laughed. Anong nakakatawa? I frowned.
"Ow Vicey!" She smiled. Tinanggal niya ang eyeglasses ko at inilapag sa table ko. Napatitig ako sa maamo niyang mukha.
"SSG PRESIDENT JOSE MARIE BORJA VICERAL masyado ka kasing busy pati sarili mo nakakalimutan mo na." Tsaka lang ako nagising when she pinched my nose.
I smiled at umiling.
"Hahaha at last napangiti rin kita!"
"Hindi kaya ako ngumiti." Pokerface.
"Liar! Ngumiti ka kaya! Oh kita mo nangingiti ka oh!"
"Oo na. Hindi naman ako mananalo sa'yo" I smiled at her.
"Ayieee~ Crush mo ko noh?" She said sabay hampas ng balikat ko.
"Yuck Karylle! Kinikilig ka naman dyan. Siguro ikaw may crush sa'kin noh" panunukso ko and grin. Napatigil ito at nakita ko kung paano ito namula. Hahahaha.
"H-hoy Vice! H-hindi ah! Blow na nga lang the candles tunaw na oh, look! Dali na" napailing nalang ako sa reaksyon niya kahit kailan talaga si Karylle ang sarap asarin. Hahahaha.
Tulad nga ng sinabi niya hinipan ko ang kandila at nagwish. Hindi naman ako naniniwala sa wish wish na yan pero hindi naman masama na magbakasakali baka magkatotoo.
"Huy anong wish mo?" -Karylle
I gave her a wide smile.
"Kumain na tayo"
"Ihhhhh Vice naman eh! Ano nga wish mo?" Sabi nito habang nagpapadyak.
"Kain na nga lang tayo"
"Ayaw" iiling-iling si Karylle na parang bata
"Bakit ba gusto mong malaman?" Kumuha ako ng icing sa cake at inilagay ko sa dulo ng ilong niya.
Halos maduling naman si Karylle ng tignan nito ang kanyang ilong na may icing. Tawa lang ako ng tawa
"Argh Vice~" napabusangot ito. Kumuha ako ng tissue at pinunasahan ito habang tumatawa
"Hahaha ang pangit mo Karylle hahaha" hinampas niya ko ng hawak niyang tinidor
"Aray" pinandilatan niya ako ng mata
"Basta share!" Sabi nito habang nakahalukipkip
"Secret nga. Sige ka baka hindi na magkatotoo yung wish ko kapag sinabi ko sa'yo" nag-isip muna ito.
"Oo nga noh! Sige wag na nga lang" Then she started eating.
I stared at her.
Kung alam mo lang Karylle.
"May dumi ba ko sa mukha?" She asked. I pinched her nose.
"Wala. Kain na tayo" she just nod and continue eating.
Hindi mawawala ang asaran namin habang kumakain. Halos mapuno na ang mga mukha namin ng icing dahil sa kulitan naming dalawa.
Pagkatapos kumain ay balik ulit ako sa pagtitipa ng report sa aking laptop. Tahimik lang na nakaupo si Karylle sa isang sulok ng office. Sinabi ko kasing hintayin na lang akong matapos para sabay na kaming umuwi. Gabi na rin, delikado sa daan baka mapahamak pa ito. Tinawagan ko ang Mommy ni K na gagabihin kami and she said na it's ok dahil kasama naman niya raw ako. Her parents really trust me a lot. :)
Mag-aalas onse na ng gabi ng matapos ako sa ginagawa. Iniligpit ko na ang mga nakakalat sa desk ko at handa ng umalis.
"Karylle tar--" nilingon ko si K sa puwesto niya at ayon.....
Boom tulog! Tulo laway pa! Hahaha
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha. Bahagya itong gumalaw.
"Hmm?" Papungas pungas nitong minulat ang kanyang mga mata.
"Uwi na tayo" I smiled at her pagkatapos ay inipit ang kanyang buhok sa kanyang tainga.
Nasa harap na kami ng bahay nila Karylle. Niyugyog ko siya ng mahina para magising. Iminulat niya ang kanyang mata.
"We're here" ani habang nilalahad ko ang aking mga kamay. She smiled at me. Kinuha niya naman ang kamay ko.
Nakatayo na kami ngayon sa harap ng napakalaki nilang gate. Pinindot ko na ang doorbell para sa kanya. Bukas pa naman ang ilaw sa loob ng bahay nila siguro naghihintay ang mommy nito.
Hinarap ko siya.
"Kurba.." tawag ko dito. She looked at me.
"Thanks you for this day. Muntik ko ng makalimutang birthday ko pala ngayon" nahihiyang kong sabi habang nagkakamot ng ulo.
She chuckled.
"No problem Vice! Makakalimutan ko ba ang birthday mo" She smiled
Lumapit ako sa kanya and gave her a kissed on her forehead. I felt her body stiff.
"Goodnight Kurba"
"Wait Vice!" Nilingon ko siya
"I forgot to gave you this" Iniabot niya ang isang.... gift? Nakabalot ito ng maganda nakakapanghinayang naman kung bubuksan.
Hindi ako makapagsalita. Nag-abala pa siyang bigyan ako pagkatapos ng cake at sinamahan pa akong magpuyat, may gift naman.
"Come on open it!" Masaya nitong sabi habang pumapalakpak pa. Mas excited pa kesa sa'kin.
I chuckled. Umiling ako.
"I can't...."
"Ha? Bakit?" Lumungkot ang boses nito at napanguso.
"Sayang eh, ang ganda pa naman ng pagkakabalot hahaha"
She chuckled
"Baliw! Dali buksan mo na! I know you'll love it" pangungulit nito.
Wala na akong nagawa kundi buksan ito. Napanganga ako sa nakita at nanlalaki ang matang tiningnan si Karylle. Mas lalo itong napangiti
"NO WAY!" Di makapaniwalang hiyaw ko. Ito ang matagal ko ng hinahanap na libro. Palagi kasing sold out kapag pumupunta ako sa bookstore. Kaya tuwang-tuwa ako.
I hugged her tight. Nagulat siguro ito sa ginawa ko kaya hindi ito makagalaw but niyakap niya rin naman ako pabalik. We stayed that way a little longer.
"Ehem.." mabilis kaming naghiwalay ng marinig namin ang boses ng Mommy niya. Nasa harap na pala ito ng gate at nakangiti sa amin
"Ma!" Ani Karylle at bumeso sa Mommy niya
"Good evening po tita" nagbeso ako sa kanya.
"Ah tita Sorry po kung ginabi kami ni Karylle madami kasing paper works sa school. Pasaway kasi tong anak niyo pumunta pa doon eh gabi na kaya pinasabay ko nalang siya sa'kin" pagpapaliwanag ko. I saw how Karylle pouted.
"It's ok iho. Nagpaalam din naman si K sa amin and he'll be safe with you. May tiwala kami sa'yo" Tita Zsazsa smiled. Napakamot nalang ako ng ulo at tumawa.
"Ah sige po tita I need to go. Goodnight po" bumeso ulit ako sa'kanya.
"Goodnight din iho. Take care." Sabi nito. "Manong ingat sa pagdadrive ha" baling nito sa driver ko.
"Yes ma'am"
"Ah Kurba thank you nga pala dito ha" I raised the book she gave me.
"Goodnight" mabilis kong hinalikan ang pisngi nito. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. I waved my hand at tsaka tumakbo papasok ng kotse.
*knock knock*
Ibinalik ko sa shelf ang libro at umupo sa pink na pink na swivel chair ko. Oha bongga ano say niyo sa swivel chair ko? Pak!
"Pasok!"
"Meme?" -Neggy
"Whychi Neggy? Iispluk mo na! Karakaraka!"
"Ah eh Meme may naghahanap sa'yo sa labas."
"Sino raw?" Kumunot ang aking noo. Wala naman akong inaasahang bisita. Nakita kong pinagpapawisan si Neggy at hindi makatingin sa'kin.
"Huy bruha sino nga?! Uunatin ko yang buhok mo sinasabi ko sa'yo!"
Pabitin rin isang to eh. Na---
"S-si Terrence"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top