FINAL CHAPTER

<CLYDE POV>

Nagulat ako ng makita si Renz.

"Bakit nandito ka?" tanong ko, nagpunta siya sa likod ko at pwersahang tinatanggal ang buhol nito.

"Ano ba sa palagay mo?" balik tanong niya sa akin.

Hindi kaya!? Myembro din siya ng mga nagkulong sa akin dito.

"Anong gagawin n'yo sa akin? Wala naman akong ginagawang masama. Papatayin n'yo na ba ako? Yun ba ang plano n'yo?" ginagalaw ko ang katawan ko bilang pagtutol sa ginagawa niya.

"Shit! Huwag ka ngang malikot, kapag hindi tayo nakaalis kaagad dito ay siguradong mamamatay talaga tayo." sigaw niya, kaya natigilan ako.

"What do you mean?" tanong ko. Lumipat naman siya sa paa ko.

"I'm here to fucking save you." tumayo na siya at saka pinagpag ang kanyang mga tuhod dahil nadumihan ito sa pagkakaluhod.

"Pero? Bakit? Hindi naman tayo close, ni hindi nga tayo mag kaibigan" sabi ko, pero humugot lang ito ng malalim na hininga.

"Mamaya ko na papaliwag sa iyo, kailangan na nating makaalis kaagad dito" bigla n'ya akong tinalikuran pero agad din siyang natigilan.

"Well.. Well.. Well" dinig kong sabi ni---

Joan!?

"Tama nga si Demz, may kakaibang nagyayari dito. Hi Clyde" kinawayan pa ako nito.

"Mald!?" dinig kong sabi ni Renz, napansin kong unti-unti itong umaatras.

"Anong ibig sabihin nito, Joan? Wala naman akong ginagawa sa inyo?" muli kong tanong, kahit na alam kong magulang ko talaga ang pakay nila at nadamay lang ako.

"This is our work, kailangan naming kumita ng pera. Napag utusan lang kami, pero mukhang magiging bato pa ang perang inaasam namin" kita ko ang galit sa mukha nito.

"Tumakbo ka na, ako ng bahala sa kanya" bulong ni Renz kahit hindi ito nakatingin sa akin ay alam kong ako ang kinakausap niya.

"Paano ka? Magagalit sa akin si Ariane kapag nalaman niyang iniwan kita" alam kong nasasaktan ako, pero ayokong mapahamak ang boyfriend niya ng dahil sa akin.

"Hinahayaan lang kita noon, dahil alam kong mahalaga ka kay Bruh" napatingin ako kay Joan ng muli itong magsalita.

Mahalaga kay Bruh? Sino ako o Renz?.. sa isip ko lang, naguguluhan kasi ako.

"Pero dahil sa panghihimasok mo ay hindi ko na ito palalagpasin pa" biglang naglabasan ang ilang babae sa iba't ibang sulok nung gusali.

~⚖️~

<ARIANE POV>

Paalis pa lang ako ng airport ng biglang mag vibrate ang phone ko.

Mimi is calling...

Sinagot ko naman ito kaagad

(Ligtas na sila)  bungad nito.

"Dalhin mo sila sa bahay nila Renz, walang ibang nakakaalam ng lugar na iyon kaya safe sila doon" sabi ko sa kanya.

(My son, how is my son?) dinig kong tanong ng kasama nitong babae, ito siguro ang nanay ni Clyde

"Ililigtas ko siya, huwag silang mag-alala. Hindi ko na hahayaang may mawala na namang mahalagang tao sa buhay ko"

(Mag-iingat ka) sabi ni Mimi.

Pinatay ko na yung phone ko, ibinalik ko ito sa bulsa ko at mabilis na pinaharurot si Thunder papunta sa Hide out ni Demz.

Hintayin mo ako, papunta na ako

Mabilis kong narating ang lugar, agad kong pinatay ang makina ni Thunder at itinago ito. Buong ingat akong pumasok sa sa gusali, nakita ko kaagad si Mald na parang may pinapanood.

Lumapit pa ako kaya nakita ko kung paanong pagtulungan si Clyde at Renz ng mga alipores ni Mald. Lumapit ako sa likod ni Mald at saka ito sinakal ng mahigpit, itinutok ko rin dito ang patalim na hawak ko.

"Patigilin mo sila kung ayaw mong gripo-han ko ang leeg mo" bulong ko kaya nagulat siya.

"Itigil n'yo yan!" sigaw niya, kaya napalingon sila sa amin.

"Ariane!" sabay na sigaw ni Clyde at Renz, nginitian ko lang sila.

"Pwede mo na akong bitawan, Bruh. Baka matulak ka ng kapwa mo" bulong nito pero ngumit lang ako.

"Aaahh!" impit nitong sabi, idinikit ko kasi ang patalim sa leeg niya at saka gumawa ng parallel line.

"Anong palagay mo sa akin, tanga? Kapag binitawan kita ay siguradong hindi mo kami paaalisin dito ng buhay" muli kong bulong sa kanya.

"Ano pa bang gusto mo?" tanong nito, mahahalata mong nagpipigil lang ito ng galit.

"Hayaan mo silang makaalis sa lugar na ito na walang sumusunod" sabi ko kaya muli niyang binalingan ang mga tauhan niya.

"Hayaan n'yo silang makaalis" nagkatinginan ang mga ito, pero umatras din sila.

Naglakad na sila Clyde at Renz papunta sa entrance ng gusali, sinundan ko sila ng tingin.

"Nasa likod ng isang puno si Thunder" sabi ko kay Renz, binato ko dito yung susi.

"Paano ka? Hindi ka namin pwedeng iwan" sabi ni Clyde, lalapit pa sana ito sa akin pero pinigilan siya ni Renz.

Ang drama talaga ng lalaking ito..

"Hilahin mo na nga ang lalaking iyan, baka umiyak pa yan dito" sabi ko kay Renz.

"Mag-iingat ka, sumunod ka kaagad" sabi ni Renz, nginitian ko lang ito.

"Talagang iiwan natin ang girlfriend mo!? Sa dami ng mga iyan ay pwede siyang mamatay" dinig ko pang sabi ni Clyde.

"I trust her, ganyan ko siya kamahal" napailing pa ako sa sinabi ni Renz, pero napangiti din ako.

Hinila na nito si Clyde kaya wala na itong nagawa, narinig ko na ang makina ni Thunder kaya muli akong humarap sa alipores ni Mald.

"Dumapa kayo at ilagay ninyo ang inyong mga kamay sa inyong batok" sabi ko pero nakatingin lang sila sa akin.

"Aahh!" sigaw ni Mald, gumawa kasi ulit ako ng linya sa leeg niya.

"Gawin n'yo na!" sigaw nito kaya agad sumunod ang alipores niya.

Nang mapansin kong ayos na ang lahat ay kinuha ko ang tali sa aking bulsa at saka tinali ang kamay ni Mald, sinipa ko ito sa likod kaya natumba ito padapa.

Agad akong tumakbo, isinara ko ang pinto ng gusali at sa ni locked ito.

"HABULIN N'YO!" dinig kong sigaw ni Mald kaya napangiti ako.

Nagulat ako ng biglang may tumutok na baril sa likod ng ulo ko.

"Walang hiya ka, Bruh! Wala kang utang na loob" si Demz, alam kong siya iyon.

Dahan dahan akong humarap sa kanya habang nakataas ang dalawa kong kamay.

"Pasensya na, mahalaga kasi sa akin ang taong iyon kaya ayokong may gawin kayong hindi maganda" nakangiti kong sabi sa kanya.

Mas lalo itong nainis kaya bago pa nito kalabitin ang baril ay nakipag agawan na ako. Humagis yung baril sa malayo kaya nagka tinginan kami, bigla niya akong sinuntok kaya napahawak ako sa mukha ko.

"Ayaw kitang labanan, magkaibigan tayo kaya hayaan mo na akong makaalis" sabi ko sa kanya.

"Gago ka ba, alam mong kailangan ko ng pera para sa pamilya ko pero sinira mo ang lahat. Sa palagay mo ba ay bubuhayin ako ng mga iyon, kapag nalaman nila na pumalpak ako" lumapit na ito sa akin, sinusubukan niya akong suntukin pero lagi ko lang naiiwasan.

"Pasensya na pero kailangan ko itong gawin" agad ko siyang sinuntok sa mukha at sinipa sa tiyan kaya natumba ito at namilipit sa sakit.

Iniwan ko na siya at saka naglakad paalis, napansin ko si Thunder sa di kalayuan.

Hindi pa sila nakaka alis?

Inilibot ko ang tingin sa paligid, nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin.

"Mabuti naman at naka ligtas ka" si Clyde, nakita ko naman na palapit si Renz, may pagkamot pa ito sa ulo.

"Bakit hindi pa kayo umaalis?" tinignan ko ng masama si Renz at saka ko muling tinignan si Clyde.

"Nag-aalala ako, hindi kaya ng konsensya ko ang basta ka lang iwan sa ganung sitwasyon" sabi nito, napayuko pa ito.

"Bakit, may magagawa ka ba?" napa angat ito ng tingin sa akin.

"Ang yabang--"

BANG!!

Natigilan kami dahil sa malakas na putok ng baril, napatingin ako sa likod ko at nakita kong nakahiga na si Renz. Napansin ko namang tumakbo palayo si Demz, pero hindi ko na ito pinansin. Agad akong napa upo at tinulungan siyang makahiga sa hita ko.

"Bakit? Bakit mo ito ginawa?" tuluyan nang tumulo ang luha ko.

"K-kasi nga m-mahal kita" sagot nito, hinampas ko siya sa braso.

Lumuhod na rin si Clyde sa tabi ko.

"Dadalhin ka namin sa ospital, huwag kang bibitaw. Kaya mo iyan." sabi ni Clyde, kaya napatingin ako sa kanya.

"M-may g-gusto akong s-sabihin, p-pwede ba akong h-humiling, k-kahit ngayon lang" napatingin ulit ako kay Renz, tumango lang ako.

"P-pwede mo ba a-akong yakap--" agad kong ginawa kahit hindi pa siya tapos.

"Mahal kita, Renz. Kahit hindi ko madalas sabihin sa iyo pero mahal kita" sabi ko sa kanya, hindi ko na talaga napigilan ang luha ko. Bumitaw na siya sa pagkakayap at saka ngumiti.

"M-mahal na mahal d-din kita, Ate!" pumikit na ito.

To be continue..


Author's Note:
Pasensya na sa nag akalang mag jowa sila Renz at Ariane, they were step-siblings, sorry na mga frieny.

The Epilogue is coming...

Thanks for reading
Don't forget to vote and feel free to comment
-Librakhen27





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top