EPILOGUE

<ARIANE POV>

Tinulungan kong makasampa si Renz sa wheelchair, lalabas na kasi ito sa ospital.

"Salamat, Ate--aray" binatukan ko ito, abusado eh.

"Mapanakit ka naman, hindi ba't sabi mo mahal mo ako, ate" pinahaba pa nito ang nguso, akala mo naman bagay sa kanya.

"Hindi pa rin kasi ako sanay, kaya tumigil ka na" inaayos ko na ang gamit nito.

"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?" napalingon ako sa kanya, nilapitan ko ito at saka ako lumuhod para magpantay ang taas namin.

"Magpalakas ka muna, hayaan mo sa susunod ay isasama na kita" sabi ko sa kanya, kaya sumilay ang ngiti sa mukha nito.

"Talaga, Ate!?" may sigla nitong tanong.

"Pag-iisipan ko pa pala. Kapag hindi ka pa tumigil sa kaka Ate mo" tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto.

Muli ko siyang nilingon bago lumabas.
"Papunta na ang nanay mo, huwag masyadong matigas ang ulo. Sumunod ka na lang" kumaway pa ako dito bago ko tuluyang sinara ang pinto ng kwarto niya.

~⚖️~

<THIRD PERSON POV>

Tinanggal ni Ariane ang mga dahon na tumatabon sa lapida ng kapatid.

"Kamusta na, Kuya? Long time no see. Pasensya na kung ngayon na lang ulit ako nakapunta, masyado akong naging abala sa maraming bagay" hinayaan lang nito ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

"Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil nalaman ko na ang katotohanan? May kalahati kasi ng puso ko ang nanghihinayang, dahil ang isang mabuting tao na katulad mo ay nasawi sa kamay ng mga halimaw na katulad nila" naikuyom nito ang kamao.

Nagulat si Ariane nang may humawak sa kamay niya, kaya nilingon niya ito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito kay Clyde, agad niyang pinunasan ang luha sa kanyang mukha.

"Gusto ko lang magpasalamat sa kuya mo, at saka gusto ko ring magpaalam" biglang napatingin si Ariane dito, may kung ano kasi sa loob niyang nakaramdam ng sakit dahil sa narinig.

Umupo si Clyde upang magtirik ng kandila at muli din itong tumayo.

"Hi kuya Aldrin. Ako po pala si Clyde, gusto ko pong magpasalamat dahil sa ginawa mo sa Daddy ko, kung hindi po dahil sa'yo ay baka wala na siya sa piling namin. Nakaka lungkot lang po dahil ikaw yung nagsakripisyo, alam ko pong hindi na maibabalik yung nangyari kaya hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa kapatid mo." lumingon ito kay Ariane, napansin niya ang pagtulo ng luha nito.

Alam ni Ariane sa sarili na gusto niya rin si Clyde, pero hindi niya maiwaksi sa kanyang isipan na ang mga magulang nito, ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang kuya Aldrin niya. Hindi naman niya sinisisi si Clyde, pero talagang hindi pa siya handa.

Sabay silang nagpaalam at umalis sa puntod ni Aldrin, habang naglalakad ay napansin ni Ariane ang isang puting van. Pamilyar sa kanya ito kaya hindi siya pwedeng magkamali, isa ito sa pagmamay-ari ng pamilya ni Impa.

Naalala niya nung gabing iyon, na ang grupo lang nila Mald ang nahuli ng pulis, hindi rin nila nakita si Demz, wala na ito sa dating tinutuluyan.

Isa pa iyon sa inaalala ni Ariane, kaya hindi niya magawang tugunan ang pag-ibig ni Clyde. Baka balikan pa siya ng mga ito dahil sa pagta traydor na ginawa niya.

"Aalis ka?" nilingon siya ni Clyde, humarap din siya dito.

"My parent's plan to live in Canda for good, pero kung pipigilan mo akong sumama, baka maisipan kong magpa-iwan" nakangiti nitong sabi, hinawakan pa nito ang kamay ni Ariane.

"Mukha mo. Hindi ba't pinapalayo na kita, bakit kita pipigilan? Mas magiging okay nga sa akin iyon" nag-iwas ito ng tingin. Alam kasi niyang halatang nagsisinungaling lang siya, dahil kabaligtaran ng sinabi niya ang gusto ng puso niya.

"Kahit kailan ba ay hindi ako naging mahalaga sa iyo?" napalingon si Ariane, nakita niya ang luhang pumatak sa mata ni Clyde.

Kailangan mong maging matatag, huwag kang magpahalatang nasasaktan... sabi ng isip ko.

"K-kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo, hindi ko kayang tumbasan ang p-pagmamahal mo. Sorry" ngumiti lang sa kanya si Clyde.

"Sige na. May pupuntahan pa kasi ako, paalam Clyde. Mag-iingat ka doon at sana makatagpo ka ng babaeng magmamahal sa iyo na katulad ng pagmamahal mo" sabi ni Ariane at saka sumakay kay Thunder.

Bigla siyang nilapitan ni Clyde at may isinuot sa leeg nito. Isang kulay itim na tali at may pendant na gitara na kulay silver.

"Kung sakaling lumipas ang panahon at muli tayong magkita, ang kwintas na iyan ang magpapaalala sa akin na minsan sa buhay ko ay may isang gangster akong minahal ng sobra" pagkasabi niyon ay agad tumalikod si Clyde at sumakay na sa kotse niya.

Agad namang nagsuot ng helmet si Ariane at saka pinaharurot si Thunder, tuluyan na ring tumulo ang luhang kanina n'ya pa pinipigilan.

Mahal din kita Clyde.

Dahil sa naisip ay napag desisyonan nito na sabihin na ang nararamdaman sa lalaki, pero ng plano na nitong tumigil ay hindi na niya magawa.

Shit! Wala akong preno

Naalala niya ang puting van na nakita sa sementeryo.

Wala ng nagawa si Ariane, napansin niya ang isang malaking puno. Itinapat niya dito si Thunder at saka niya ipinikit ang mata.

Sorry Clyde dahil hindi ko man lang nasabi kung gaano kita kamahal, paalam Epal...

Kulay asul na kalangitan at puting mga ulap ang huli niyang nakita bago nagdilim ang lahat..

The End!?

~⚖️~

AUTHOR'S NOTE

Oh my! Nakatapos din ng isang story after 100 years.. Char!

Before anything else, I want to thank all of my frieny out there for reading and supporting my story. Sana po ay nagustuhan ninyo.

Don't forget to vote and feel free to comment, mas okay po kung feedback para kung sakali ay may matutunan din ako.

Love lots,
Librakhen27


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top