CHAPTER 9

<ARIANE POV>

Nakatago ako sa isang eskinita habang may hinihintay.

"Bruh, standby. Nakikita ko na yung target" sabi ni Mald, naka earbuds kasi kami.

Isang gambler ang target namin, malaki na raw kasi ang utang nito sa client pero mukhang walang plano magbayad, masyadong matinik magtago ang target kaya humingi na sa amin ng tulong yung client.

Wala akong org. hindi tulad nila Impa at Mald, minsan sarili ko lang ang misyon pero mas madalas na sinasama ako ng dalawa sa misyon nila. Gusto na nga nila akong i-recruit pero ako ang umaayaw, may mga misyon kasi sila na hindi kaya ng konsensya ko, kaya kung sasama man ako sa misyon nila ay inaalam ko muna ang plano at saka ako magdedesisyon, tulad na lang ngayon.

Tinapon ko na yung sigarilyong hawak ko at tinapakan ito. Inayos ko na rin yung headcap at mask ko.

"Nakikita ko na rin yung target" sagot ko sa kanila.

"Good, simulan mo na" sabi ni Mald, siya kasi ang leader ng org nila.

"Copy" naglakad na ako papunta sa target at ng malapit na ako ay binangga ko ito.

"Ano ba naman iyan?!" sabi nito at saka lumuhod para damputin yung mga gamit nito

"Pasensya na" sabi ko habang nakayuko, tinulungan ko rin siya.

Nakita kong tinignan niya ako kaya inangat ko na ang mukha ko.

"Tsk" sabi ko

Mabilis itong tumayo at tumakbo kahit na may mga naiwan pa siyang gamit.

"Mukhang nakatunog ang loko" bulong ko at saka mabilis itong hinabol.

"Papunta na diyan ang target sa area mo, Milo" sabi ko sa isa pa naming kasama.

"Copy" sagot nito.

Malapit ko ng maabutan yung target ng bigla itong lumiko.

"Shet!" sabi ko

"Mukhang bumabagal ka na, Bruh." sabi ni Ritz, kasama din namin.

"Peste! Manahimik ka" sabi ko.

"Tsk" sagot nito

"Wala na akong choice" sabi ko

"Huwag mo masyadong puruhan" sabi ni Mald.

"Alam ko, wala akong planong makapatay" sagot ko.

"Yabang" dinig ko sabi nila.


Konti na lang ang pagitan namin ng target kaya agad akong tumalon at sinipa ito sa likod, agad naman itong natumba ng nakadapa.

"Pinagod mo pa ako" bulong ko, itinihaya ko ang katawan niya.

"Huwag kang O.A! Mahina lang yung sipa ko" sabi ko at saka ko tinampal ang mukha niya, nakapikit kasi ito.

"Hindi ka ba didilat? Baka gusto mong hindi na talaga gumising" mabilis itong kumilos at lumuhod sa harap ko.

"Ano bang kasalanan ko sa iyo?" tanong nito.

"Sa amin wala, pero kay Boss. Malaki" sabi ni Mald, dumating na rin kasi ang mga ito.

"Paano ba iyan? Tapos na ako, kayo naman" sabi ko at saka ko tinapik ang balikat ni Mald.

"Bruh" dinig kong tawag ni Mald

"Dating gawi" sigaw ko ng hindi humaharap sa kanila.

~⚖️~

Malapit na ako sa bahay ng mapansin ko si Kevin at Clyde.

"Kailangan talaga may chaperon" sabi ko habang palapit sa kanila kaya napatingin sila sa akin

"Mauna na ako sa kotse" sabi ni Clyde at saka ito umalis

"Problema ng pinsan mo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat lang si Kevin, nilingon ko naman si Clyde pero agad din itong umiwas ng tingin.

"Umuwi na kayo, masyado ng gabi" sabi ko at saka naglakad papasok ng pinto.

"Bakit ngayon ka lang? Wala ka namang pasok ha!!" sabi ni Mimi ng makasalubong ko ito.

"Pauwiin mo na ang mga iyon, gabi na ay nasa labas pa. Kapag may nangyaring pang masama diyan sa boyfriend mo" sabi ko at saka ako pumasok sa kwarto ko.

"Kay Kevin ka ba talaga nag-aalala?" dinig kong tanong ni Mimi bago ko isara ang pinto.

Nadinig ko nang umandar yung kotse nila Clyde kaya sinilip ko sila sa bintana.

"Hayaan mo't ite-text daw ako ni Kevin kapag naka-uwi na sila" nagulat ako ng magsalita si Mimi.

"Pakialam ko. Pwede ba kung ano man iyang iniisip mo ay tigilan mo na"
kumuha ako ng damit para makapaglinis ng katawan at saka naglakad papunta ng banyo.

"Iinitin ko yung ulam para makakain ka" sigaw ni Mimi.

Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa lamesa para kumain.

"Wala ka bang planong tumigil?" tanong ni Mimi ng umupo sa harap ko.

"Wala pa sa ngayon, alam mo naman kung bakit?" itinuloy ko na yung pagkain.

"Matagal ng patay ang kuya mo, hanggang kailan mo ba papahirapan ang sarili mo? May kanya-kanya ng buhay ang mga magulang mo, ikaw na lang ang hindi nakaka move on" sabi nito.

Ibinagsak ko ang hawak kong kutsara at saka tumingin kay Mimi.

"Madali lang para sa kanila ang lahat, si kuya Aldrin lang ang pamilya ko, kaya hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita yung mga taong nanloko sa kanya." tumayo na ako.

"Paano kung ikaw ang mapahamak sa ginagawa mo? Paano kung patayin ka nila tulad ng ginawa nila sa kuya mo" sabi nito kaya natigilan ako.

"Wala akong pakialam" pumasok na ako sa kwarto at malakas na sinara ang pinto.


Thanks for reading, please support this story. Don't forget to vote and feel free to comment.
-Librakhen27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top