CHAPTER 6

<CLYDE POV>

Kasi gusto kita..

Kasi gusto kita..

Kasi gusto kita..

Napasubsob ako sa mesa ko dahil sa paulit-ulit kong naririnig yung sinabi ni Ariane.

Ano bang nangyari sa babaeng iyon? Parang nung nakaraan lang ay hindi niya ako pinapansin, tapos sasabihin niya ngayon na gusto niya ako...sabi ko sa isip ko.

Hindi kaya, pinagtitripan lang ako nun... tanong ko sa isip ko.

Natapos ang klase namin at lunch break na pero ginugulo pa rin ako ng salitang binitawan niya.

Lumabas na ako ng room ng makita kong binangga ni Arlene si Ariane kaya napatakbo ako dito.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko.

"Ouch!" sabi nito habang nakahawak sa braso niya.

"Sorry. Hindi kita napansin" sabi naman ni Arlene.

Inalalayan kong makatayo si Ariane.

"Okay lang" sagot naman ni Ariane.

Umalis na sila Arlene ng mapansin ko ang mantsa sa damit ni Ariane.

"May dugo ka" inangat ko ang manggas nito pero tinabig niya ang kamay ko.

"Wala ito, mauna na ako" nagmadali na itong naglakad.

Nagpunta na ako sa canteen para mag lunch ng makita ko si Arlene, ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko rin ito.

"Kamusta?" tanong nito sa akin ng magkalapit kami.

"Ayos lang--" natigilan ako ng makita kong nakatingin sa amin si Ariane mula sa malayo.

"Nagseselos ako kasi gusto kita" biglang pumasok sa isip ko yung sinabi niya.

"Uy! Okay ka lang ba?" tinapik ako ni Arlene kaya napatingin ako dito.

"O-oo naman! Sige, una na ako" mabilis na akong naglakad papasok ng canteen at agad na bumili ng pagkain.

Tapos na ang klase kaya nagmadali na akong lumabas ng room, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nagawa akong hindi tama.

Dumaan ako sa room nila Ariane pero wala na ito, kaya tumakbo ako pababa sa quadrangle pero hindi ko pa rin siya makita.

Naglakad na ako palabas ng school ng mapansin ko ang isang babae na napapaligiran ng tatlong lalaki.

Ariane!?..sabi ko sa isip lang.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila.

"Ariane" napalingon sila sa akin.

Kaya mo iyan, Clyde..sabi ko sa sarili ko.

Naglakad na ako palapit sa kanila, hinawakan ko ang kamay nito. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya, pero ngumiti lang ako.

Sakyan mo lang yung sasabihin ko..sabi ko sa isip lang.

"M-mine. Kanina pa kita hinahanap, sabi ko naman sa iyo na hintayin mo lang ako sa lobby" lakas loob kong sabi, napakunot lang ito ng noo.

"Mine!?" sabay na sabi nung tatlong lalaki at saka sila nagtawanan.

"Sino ka ba? Sinong mine mo, siya?" tanong nung mas matangkad at saka nakaturo kay Ariane.

"Girlfriend ko siya, kaya siya ang mine ko" sagot ko, bigla namang pinisil ni Ariane yung kamay ko kaya nilingon ko siya at ngumiti.

Sakyan mo lang.. sabi ko sa isip lang.

"Kilala mo ba ito? Boyfriend mo nga ba ang isang ito?" tanong naman nito kay Ariane.

"Sa susunod na lang tayo mag-usap, tatawagan ko na lang kayo" sagot nito.

"Sige. Mukhang marami tayong dapat pag-usapan" sabi nung lalaki, tumingin naman ito sa akin.

"I'm Renz, you are?" inilahad nito ang kamay, kaya tinanggap ko naman.

"I'm Clyde, boyfriend ni Ariane" sagot ko kaya napangiti ito.

"Nice meeting you, Clyde. See you again" sabi nito, nakakapagtaka man ay tumango na lang ako.

May binulong ito kay Ariane saglit, at saka tuluyan ng umalis.

Bigla naman akong hinila ni Ariane sa isang eskinita na malapit lang doon.

"Ano iyon?" tanong nito.

"Iniligtas lang kita sa mga lalaking iyon, mukha kasing hinaharas ka nila kaya nagpanggap akong boyfriend mo, para tigilan ka na nila" nahihiya ko pang paliwanag.

"Sinong may sabi sa iyo na gawin mo iyon? At saka wala kang karapatan para manghimasok sa buhay ko. Kung hinaharas man nila ako, wala ka na doon" tumalikod na ito kaya hinawakan ko ito sa braso para pigilan.

"Bakit ka ba ganyan, da-dahil ba ito sa nakita mo kanina? Umiwas naman ako kaagad, at para hindi ka na magalit. Lalayuan ko na si Arlene, kung iyon ang gusto mo"

"Tch" sabi niya at saka pwersahang hinila ang braso niya.

Naglakad na ito palayo sa akin ng hindi man lang ako tinignan.

~⚖️~

Mula nung araw na nagkausap kami ni Ariane ay hindi ko na siya nakita, hindi ko alam kung iniiwasan niya ako o sadyang hindi lang kami nagkikita dahil sa exam.

Kakatapos ko lang mag lunch kaya pabalik na ako sa room ng mapansin ko siya. Isang babaeng nakasuot ng itim na jacket at may nakasabit na earphone sa tenga, may pag galaw pa ito sa ulo na parang isinasabay niya sa tugtog na pinapakinggan.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng tuwa kaya napangiti ako, palapit na ako sa kanya ng mapansin ko ang isang bagay na babagsak mula sa taas.

"ARIANE!!" sigaw ko pero hindi niya dinig dahil sa earphone.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at agad ko siya itinulak, isang mabigat na bagay ang tumama sa aking likuran kaya napadapa ako.

"Clyde!?" dinig kong tawag niya, napangiti ako.

"Na-nasaktan ka ba?" tanong ko.

"Ako pa talaga ang tinanong mo, tumayo ka para madala kita sa clinic" sabi niya at saka niya ako tinulungan makatayo pero bago pa kami maka-isang hakbang ay nagdilim na ang paningin ko.

Pagmulat ko ng mata ay pinagmasdan ko ang paligid. Sa taas ay puting kisame, sa kaliwa ay puting kurtina na tumatabig sa bintana at sa kanan ay si--

"Kamusta ka na, Bro!?" si Kevin.

Sinubukan kong umupo kaya tinulungan ako ni Kevin.

"Ayos lang naman ako, aah!!" napahawak ako sa ulo ng makaramdam ako ng kirot.

"Ayos ka lang ng lagay na yan? Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ka pa nga gumagaling, ito na naman. Ano na lang sasabihin namin sa Mommy at Daddy mo"

"Ayos na nga ako, medyo may kirot ng konti pero okay na ako. Si Ariane, kamusta?"

"Ano ba naman yan, Bro! Ikaw ang nasaktan pero iba pa rin ang inaalala mo. Iba na iyan"

"Nasaktan ba siya? Yung may gawa nito, baka puntahan niya si Ariane at saktan" pag-aalala ko.

"Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko? Ariane is a gangster kaya walang pwedeng manakit doon"

"Pero babae pa rin siya, tawagan mo yung pinsan niya. Itanong mo kung kasama niya si Ariane, sige na. Bilisan mo" sabi ko habang niyuyugyog ko siya.

"Oo na! Ito na. Nakakasakit ka na eh!"
Kinuha nito ang phone at saka nagpunta sa contact list niya.

Nakaabang ako kung may sasagot sa tawag nito pero hindi naman ito nagsalita.

"Nagri-ring lang" sabi ni Kevin.

"Tawagan mo ulit"

"Oo na" muli itong tumawag, pero wala pa rin.

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kami.

"Kamusta!?" si Mimi.

"S-si Ariane? Kasama mo ba siya?" tanong ko habang nakatingin kung may kasunod siya.

"Pasensya na, hindi eh! May trabaho kasi iyon"

"Ganun ba? Hindi man lang niya ako dinalaw para kamustahin" bulong ko habang nakayuko.

"Gusto mo ba tawagan ko?"

Napalingon ako kay Mimi pero agad ding yumuko.

"Huwag na. Baka busy siya, sabihan na naman akong epal"

Humiga na lang ako, tinalikuran ko yung dalawa at saka ako pumikit.

Nadidinig kong nagbubulungan sila pero hindi ko maintindihan kaya hinayaan ko na lang sila.

Lumipas na ang oras pero hindi pa rin ako makatulog.

"Mauuna na ako, Babe. Mukhang nakatulog na si Clyde" dinig kong sabi ni Mimi.

"Sige, hatid na kita sa labas" sabi ni Kevin at saka ko nadinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Nilingon ko kung wala na nga sila, umupo ako at saka ko kinuha yung cellphone ko.

Tinignan ko yung call history ko, nagbabaka sakaling baka tinawagan niya ako.

"Wala talaga siyang kwenta, pagkatapos ko siyang iligtas doon sa paso ni hindi man lang niya ako kinamusta" bulong ko.

"Mukhang masama ang tama mo, kinakausap mo na ang sarili mo" napalingon ako sa nagsalita, biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Ka-kanina ka pa ba diyan?"

"Kakarating ko lang" sabi ni Ariane, naglakad na ito palapit sa akin at saka umupo sa upuan na nasa tabi ng kama ko.

"Akala ko may trabaho ka?" nakayuko kong sabi.

"Tss. Sino bang kinakausap mo?"

"Ikaw! Tayo lang naman ang nandito" nilingon ko siya, nakita kong nakangiti siya.

"Anong ngini-ngiti mo?"

"Wala" pinagcross nito ang braso.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Sabi ni Mimi nasa trabaho ka"

"Sabi kasi ni Mimi may bata raw na naghahanap sa akin, tapos nagta tantrums" nakangiti pa nitong sabi.

"Si-sinong bata? Ako? Ibang klase din yung pinsan mo at sak--saka hindi kita hinahanap"

"Ganun ba?! Sige, mauna na ako. Mukhang maayos ka na naman" patayo na ito pero pinigilan ko, hinawakan ko siya sa kamay.

Lumingon ito sa akin na may pagtataka.

"M-may gusto akong sabihin" sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Thanks for reading, please support this story.
Don't forget to vote and feel free to comment.
-Librakhen27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top