CHAPTER 5
<CLYDE POV>
Muntikan ng malaglag si Ariane kaya agad akong napatayo, mabuti na lang at nahawakan ko siya. Isang bracelet na may palawit na bituin ang biglang lumitaw.
Parang nakita ko na ang bracelet ni Ariane... sabi ko sa isip ko.
Muli akong tumingin sa view, napakaganda ng mga ilaw na mula sa building.
"Nakakarelax nga, tama si Ariane"
Speaking of Ariane, saan kaya nagpunta iyon?
Nagulat ako ng biglang may lumitaw na lalaki sa harap ko.
"Ikaw ba si Clyde Ruiz?" tanong nito.
"Ako nga. Sino ka ba--sino kayo?" may dalawa pa kasing dumating, puro sila nakasuot ng itim at may suot din silang mask na itim.
"Sino ba kayo? Ano bang kailangan ninyo sa akin?" unti-unti silang lumalapit sa akin kaya napahawak ako sa gulong ng wheelchair at dahan-dahan ko itong inaatras.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng may humarang sa akin mula sa likod.
"Alam mo ba yung kantang happy birthday?" bulong nito sa akin, sa sobrang kaba ko ay napatango na lang ako.
"Pumikit ka lang at kantahin mo iyon ng tatlong beses, gusto ko yung malakas. Huwag mong ididilat yung mata mo hangga't hindi mo natatapos" tumango ulit ako.
"Simulan mo na" sigaw niya kaya..
"Ha-happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you"
"Hindi ko marinig" sigaw niya kaya nilakasan ko.
"Ha-happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you"
"Ha-happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you"
"Ta-tapos na, nakatatlo na ako" sabi ko pero wala akong narinig na sagot.
Ano na bang nangyayari? Bakit parang wala na sila... tanong ko sa isip, unti-unti kong dinilat yung mata ko.
Tumingin ako sa paligid.
"Nasaan na sila?"
"Clyde!" napalingon ako sa nagsalita at nakahinga ako ng maluwag.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kevin, kasama n'ya rin si Mimi na dumating.
"Ayos lang ako, pero kanina may mga lalaking dumating"
"Sinaktan ka ba nila?"
"Hindi nga eh! Nung palapit sila sa akin may biglang dumating, pinapikit niya ako at pinakanta ng happy birthday. Sa pagdilat ko ay mag-isa na lang ako" kwento ko sa kanila.
"Mabuti naman" dinig kong sabi ni Mimi kaya ngumiti ako, napansin ko din ang pagtingin niya sa paligid kaya ginaya ko siya.
"Tara na. Balik na tayo sa kwarto mo para makapagpahinga ka na" sabi ni Kevin kaya tumango naman ako.
"Oo nga pala. Nandito si Ariane kanina, hinahanap ka Kevin kasi may sasabihin daw"
"Talaga!?" tanong ni Kevin.
Napatingin kami kay Mimi.
"A-ah! Oo, pinapunta ko siya kasi--kasi para sabihin sa iyo babe na pumunta ka sa bahay. Oo yun nga." sabi nito ng nakangiti.
"Ganun ba, babe? Pero kahit hindi mo naman iyon sabihin ay pupuntahan pa rin kita" nakangiting sabi ni Kevin, masyadong in love ang loko.
"Bigla rin siyang umalis, hindi pa nga bumabalik"
"Ma-may pupuntahan daw siya, pinapasabi nga niya na pasensya na daw at hindi na siya nakapagpaalam" sagot ni Mimi.
"Ganun. Pasabi sa kanya na okay lang, pasabi din salamat"
"Sige. Tara na, babe, ibalik na natin si Clyde sa room niya" sabi ni Mimi kaya bumalik na kami sa kwarto ko.
Sino kaya yung tumulong sa akin? Parang narinig ko na yung boses na iyon.. tanong ko sa isip ko ng bigla kong maalala yung gabi na iyon.
"Si-sino ka?" pinipilit kong imulat ang mata ko pero mahirap.
"Pinadala ako ni Kamatayan para sunduin ka, busy pa kasi siya" sabi nito kaya mas lalo akong kinabahan.
"La-layuan mo ako" sabi ko pero bigla siyang tumawa ng malakas.
Bruh! Ikaw ba iyon? Tinulungan mo ako ulit, pero bakit? Sino ka ba talaga?..tanong ko sa isip ko hanggang makatulog ako.
~⚖️~
Pumasok na ako kahit may mga gasgas pa rin ang mukha ko, kailangan ko kasing makahabol sa lesson.
Habang naglalakad ako sa quadrangle ay pinagtitinginan nila ako, pero kakaibang tingin hindi katulad nung una kong pasok.
"Kawawa naman siya"
"Ano ba kasing ginawa niya?"
"Bakit kasi kinalaban niya ang mga iyon"
Iyan ang mga nadidinig ko pero hindi ko na lang sila pinansin.
Nakita ko naman sa di kalayuan si Arlene, nakaramdam ako ng kalungkutan dahil hindi kami natuloy.
"Arle----" hindi ko natuloy ang pagtawag dito ng biglang may humila sa akin.
Tinakpan nito ang bibig ko.
Ariane!?..sabi ko sa isip lang habang nakatingin sa kanya.
~⚖️~
<ARIANE POV>
Mabilis akong nagtago ng matapos kantahin ni Clyde yung happy birthday, nauna namang tumakbo yung tatlong lalaki.
Mabuti na lang at may baon akong mask kaya hindi nila ako nakilala.
Aray!...napahawak ako sa braso ko na tinamaan ng kutsilyo nung isang lalaki.
Umalis naman kaagad sila Clyde sa roofdeck kaya nagmadali na rin akong bumaba at sumakay kay Thunder.
Nandito na ako sa hide out ni Impa.
"Mga b*bo, wala kayong mga kwenta. Nag-iisa lang iyon hindi n'yo kinaya" dinig kong sabi ni Impa, sa tono pa lang nito ay malalaman mong galit ito.
Naglakad na ako papasok ng hide out.
"Magaling ang isang iyon, boss." sabi nung isa.
"Mukhang may hindi magandang nangyari sa lakad ninyo" tumingin silang lahat sa akin.
"Huwag mo akong simulan, Bruh. Wala ako sa mood para sa pang-aasar mo" sabi ni Impa kaya tinaas ko ang dalawa kong kamay bilang pagsuko.
"Kung sumama ka lang kasi sa amin, baka may pera na tayong pinaghahatian"
"Pasensya na! May iba kasi akong lakad" naglakad na ako papunta sa paborito kong spot.
"Ano na lang ang sasabihin ko kay Dan, mga inutil kasi kayo" muling sigaw ni Impa, halos magwala na ito kaya napangiti ako.
Kung nahuli lang ako nang kaunti, baka pinalalamayan na ang Clyde Ruiz na iyon.. sabi ko sa isip ko.
Napahawak ulit ako sa braso kong nasugatan ng bigla itong kumirot.
~⚖️~
"Ang lakas din naman ng loob mong magpunta pa kila Impa, wala ka ring takot. Paano kung nakilala ka nung isa sa mga nakalaban mo?" panenermon ni Mimi habang nilalagyan ng gamot yung sugat ko, nakauwi na ako ng bahay.
"Alam ko namang hindi nila ako nakilala. Aray naman!" tinalian na kasi nito ng benda yung braso ko.
"Paano kung mali ka ng hinala? Baka pinaglalamayan na kita ngayon"
"Sa palagay mo naman papayag akong mapatay nila, baka mas marami muna ang mapatay ko bago nila ako mapatay" nakangiti kong sabi kaya mas nainis ito.
"Yan! Yang kayabangan mo, wala na talaga akong laban. Bakit ba hindi ka na lang lumayo sa mga iyan? Bakit naman kasi sumama ka pa sa kanila?"
"Alam mong hindi basta-basta makakaalis sa mga iyon, at saka alam mo rin na may dahilan ako kaya nadikit ako sa kanila" alam kong nag-aalala lang sa akin si Mimi, kaya hindi ko siya masisisi.
~⚖️~
Nakapasok na ako ng school ng mapansin kong may pinagtitinginan yung mga estudyante kaya napasilip din ako.
Si Clyde, bakit pumasok siya kaagad.. sabi ko sa isip lang.
Sinundan ko siya hanggang sa makaakyat siya sa floor kung nasaan ang room namin. Nagtatago naman ako kapag napapansin kong lilingon siya.
Para kang tanga, Ariane. Mukha kang stalker.. sabi ng isip ko kaya napapailing lang ako.
Bigla kong napansin ang pagtingin nito sa di kalayuan kaya sinilip ko ito.
Si Arlene?! Naku naman, talagang sakit ng katawan ang hanap ng isang ito.. sabi ko sa isip lang, kaya mabilis akong tumakbo papunta kay Clyde.
"Arl-----" hinila ko kaagad ito at tinakpan ang bibig.
"Sshh!" bulong ko dito, muli kong sinilip si Arlene.
Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig ni Clyde ng makita kong wala na ang grupo nito.
"Bakit?" tanong sa akin ni Clyde, kita ko ang pagtataka sa mukha nito.
"Wala bang binabanggit sa iyo ang pinsan mo tungkol kay Arlene?" tanong ko kaya umiling lang ito.
Ano ba namang Kevin iyon, walang kwenta.. sabi ko sa isip lang.
"Alam mo bang may boyfriend na si Arlene?" tumango lang siya.
Alam mo naman pala, bakit lalapitan mo pa?.. sabi ko sa isip lang
"Bakit lalapitan mo pa?" tanong ko, bigla naman siyang ngumiti.
"Hindi ko ba s'ya pwedeng lapitan?" sabi nito kaya napakamot lang ako sa ulo.
Paano ko ba maiiwas ang isang ito sa gulo? Mag-isip ka, Ariane. Nakialam ka na kaya panindigan mo.. sabi ng isip ko.
"Hindi pwede!"
"Bakit naman? Bigyan mo ako ng magandang dahilan" nakatitig ito sa akin kaya yumuko ako at pumikit.
"Kasi nagseselos ako" tumingin na ako sa kanya kaya nakita ko ang gulat sa mukha niya.
"Kasi gusto kita"
Thanks for reading, please support this story of mine.
Don't forget to vote, comment and follow.
-Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top