CHAPTER 4

<CLYDE POV>

Halos isang linggo na ako dito sa ospital, dinala kasi ako dito nung hindi ko pa nakikilalang babae mula doon sa eskinita.

Ang natatandaan ko lang ay yung maganda niyang mga ngipin habang tumatawa, hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil halos magsara na ang mata ko.

Bruh!..yun ang pangalang tumatak sa isip ko.

Sino ka ba, Bruh? Bakit mo ako tinulungan?.. yan pa rin ang tanong ko sa isip ko mula nung gabi na iyon.

Tok Tok Tok..

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko.

"Kamusta? Gutom ka na?" tanong ni Kevin habang palapit sa akin.

"Hindi pa naman" sagot ko.

"Pwede ka na palang lumabas bukas, pero kailangan mo pa rin daw magpahinga ng ilang araw. Nasabihan ko na yung mga professor mo, bibigyan ka na lang daw ng special exam" paliwanag ni Kevin habang nagbabalat ng ponkan.

"Bro. Sana hindi na ito makarating kila mommy, ayaw kong mag-alala pa sila"
inabot na niya yung ponkan sa akin.

"Huwag kang mag-alala, sinabi ko na kila inay at itay, pumayag naman sila. Hindi mo ba talaga alam kung sino yung gumawa sa iyo niyan?"

"Hindi eh! Ang natatandaan ko ay hinihintay ko si Arlene sa may gate"

"Arlene?!" tumingin sa akin si Kevin

Tok..
Tok..
Tok..

Napatingin kami sa may pinto at pumasok si Mimi.

"Hi! May dala akong pansit baka gutom na kayo" pinakita n'ya sa amin yung dala niya.

"Thanks, babe." ikinuha ni Kevin ng upuan si Mimi.

"Sino nga ba yung Arlene?" muling tanong ni Kevin.

"Arlene Montes, siya iyong naikwento ko sayo na niligawan ko na binasted ako"

"Arlene Montes? Yung grade ten?" tanong ni Mimi kaya napatingin kami sa kanya.

"Oo, kilala mo?"  napansin ko ang kakaibang expression sa mukha ni Mimi.

"Kilala mo iyon, babe?" muling tanong ni Kevin.

"Hi-hindi ako sure pero pamilyar sa akin yung pangalan, saglit lang ha! May tatawagan lang ako" tumayo kaagad ito at nagmadaling lumabas ng kwarto.

Nagkatinginan kami ni Kevin at nagkibit-balikat lang ito.

Muli kong naalala yung nadinig ko nung gabi na iyon.

"Sa dami ninyo ay nagawa pa nitong makalaban? Mukhang kulang na kayo sa practice"

"Huwag ka ng makialam, Bruh! Labas ka dito"

Ibig sabihin kilala niya yung gumawa sa akin nito.. tanong ko sa isip ko.

"Walang ganyan, Bruh! Anong gusto mong gawin namin para hindi ka magsabi kay Dan?"

"Balato n'yo na sa akin ang isang ito. Sisiguraduhin kong hindi na ito uulit"

Kung hindi siya dumating, baka pinaglalamayan na ako. Kailangan kong malaman kung sino ka, Bruh..sabi ko sa isip ko.

"Kevin" napatingin ito sa akin

"Hindi mo ba talaga nakita kung sino ang nagdala sa akin dito?"

"Hindi eh! Nung tinanong ko iyong mga nurse, ang sabi lang nila ay babaeng naka black na jacket at saka nakasuot daw ng helmet. Tinanong daw nila yung pangalan pero nagalit pa raw ito, gamutin ka na raw kaagad dahil kapag may nangyari daw sa iyong masama. Magsisisi daw sila" natatawa pang kwento ni Kevin.

"Gusto kong makilala kung sino siya para makapagpasalamat"

"Ano nga ulit yung pangalan?!"

"Bruh. Iyon yung nadinig kong tinawag sa kanya"

"Bruh!?" napatingin kami kay Mimi, bumalik na pala ito.

"A-anong ki-kinalaman nung Bruh?" pautal pa nitong tanong.

"Bakit babe? May kilala ka bang Bruh?"
tanong ni Kevin ng lapitan niya ang girlfriend.

Naglakad naman palapit sa akin si Mimi.
"Anong kinalaman nung Bruh? Siya ba ang gumawa n'yan sa iyo?"

"Hindi. Actually siya yung tumulong sa akin at nagdala dito sa ospital" sabi ko

"Haist." dinig ko pagbuntong hininga nito.

"May kilala ka bang Bruh?" tanong ko naman, bigla itong nag-iwas ng tingin.

"Sagutin mo ako, Mimi. Kilala mo ba si Bruh?"

"Hi-hindi! Naririnig ko lang sa school, sige na. Una na ako kasi baka umuwi na si Ariane, wala pa akong nalulutong pagkain. Bye!" tumayo na ito, humalik muna sa pisngi ni Kevin bago lumabas ng kwarto.

"Mukhang kilala ng girlfriend mo si Bruh, kaya mo ba siyang kumbinsihin na sabihin sa akin?" sabi ko kay Kevin

"Subukan ko, Bro. Sabihan kita kung anong sagot niya" ngumiti na lang ako

Umalis na din si Kevin dahil pupuntahan n'ya daw si Mimi kaya pumayag ako..

Malakas talaga ang pakiramdam ko na kilala kita, Bruh! Kung sino ka man? Sana ay magpakita ka sa akin... sabi ko sa isip ko.

"Pwedeng pumasok?" nagulat ako ng makita ko iyong nagsalita.

"Ariane!?"

~⚖️~

<ARIANE POV>

"Pwedeng pumasok?" nakita kong nagulat si Clyde

"Ariane!?" sabi nito.

"Ako nga. Pinapunta kasi ako ni Mimi dito kasi may pinapasabi kay Kevin"

P*ta! Ang pangit ng dahilan ko..sa isip ko lang.

"Kakaalis lang ni Kevin, pupuntahan yata si Mimi" halatang naiilang ito sa akin.

"Nahuli na pala ako, kamusta ka na pala? Nabalitaan ko yung nangyari"

Kailan ka pa naging tsismosa, Ariane?.. sabi ng isip ko

"Medyo ayos na, pwede na daw akong lumabas bukas" tumango na lang ako.

"Gusto mo bang magpahangin sa roofdeck? Maganda din ang view doon, nakakarelax" ngumiti ako at kita ko ang pagtatataka sa mukha niya pero..

"Pwede naman, nakakainip na rin dito sa kwarto" napapayag ko naman ito.

Kumuha na ako ng wheel chair at inalalayan siyang makaupo. Dahan-dahan ko siyang tinulak palabas hanggang makarating kami sa roofdeck.

Malaki na ang utang mo sa akin, Clyde Ruiz.. sa isip ko, kung bakit?!

FLASHBACK

Pagkatapos ko mag-apply sa isang bar para mag sideline ay nagtambay muna ako sa hide out ni Impa, kahit na nagkaroon kami ng pagtatalo nung nakaraan ay wala na iyon sa amin. Nakapwesto ako sa madilim na sulok para hindi ako pansin kapag may dumating.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Impa.

"Bakit?" dinig kong tanong niya.
"Magkano?"
"Anong ospital?"
"Clyde Ruiz" napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na pangalan kaya napa-isip ako.

"Sige. Yun lang pala, kaya naman. Basta maayos ang bayaran, ako ng bahala. Dan"

Tama nga ako ng naisip, si Clyde ang target nila.

Lumabas na ako sa tinataguan ko at lumapit kay Impa.

"Mauna na muna ako"

"May trabaho ako baka gusto mong sumama, malaki ang bigayan"

"Hindi na muna"

Umalis na ako ng hide out at nagmadaling sumakay kay Thunder.

END OF FLASHBACK

"Ang ganda naman ng view, salamat sa pagdala mo sa akin dito" dinig kong sabi ni Clyde kaya nilingon ko siya.

Aaminin kong masaya ako dahil magaling na sya pero alam ko na hindi siya titigilan nila Caloy at Dan.

Dahil ito sa demonyita na iyon..sabi ko sa isip lang.

"Pwede ba akong magtanong?" sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"Sige lang" sagot niya.

"Magkakilala ba kayo ni Arlene?" doon ko na siya tinignan kaya nakita kong ngumiti siya.

"Schoolmate ko siya dati and I like her kaya nung nagkita kami ulit ay sobrang saya ko"

Paano kaya kung malaman mo na siya ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan, magustuhan mo pa rin kaya siya.. sa isip ko lang.

"Alam mo bang may boyfriend na siya?"
Kita ko ang gulat niya, kaya hindi na ako nagtaka.

"Hi-hindi! Wala naman siyang nabanggit sa akin"

Umupo ako sa pinaka pader nung roofdeck pero muntikan na akong mahulog, mabuti na lang at mabilis nakakilos si Clyde at nahawakan ako sa kamay.

"Salamat" ngumiti lang ito sa akin, umayos naman ako ng upo.

Maya-maya ay nakita ko na sa baba ang sasakyan ni Impa, may limang tao na nakasuot ng itim ang bumaba dito.

"Dito ka lang muna, may pupuntahan lang ako saglit" paalam ko, tumango lang ito bilang sagot.

Naglakad na ako pababa ng hagdan hanggang sa floor kung saan naka admit si Clyde, nakita ko ang pagpasok nila Impa sa kwarto nito pero agad ding lumabas dahil wala doon ang pakay.

Nagpunta ang mga ito sa nurse station para magtanong, nag-usap sila saglit at saka nagkanya-kanyang direksyon na pinuntahan.

Kinuha ko na yung cellphone ko at tinawagan si Mimi.

"Nasaan na kayo?" sabi ko habang naakyat ng hagdan pabalik sa roofdeck.

(Malapit na)

"Nandito na sila, nasa roofdeck si Clyde"

(Oo, mag-iingat ka din. Alam mo naman ang mangyayari kapag nakita ka nila)

"Sabihin mo nga sa akin kung bakit ko ito ginagawa?" hindi ko kasi talaga alam kung bakit? Kahit ako ay nagtataka sa sarili ko.

(Mabuti ka kasing tao, ayaw mo na may inosenteng napapahamak. Kaya nga sinasabi ko sa iyo na layuan mo na ang mga iyan, masasamang tao sila)

"Ayan ka na naman, bilisan n'yo na. Yung napag-usapan natin, hindi dapat nila malaman kung sino ako"

(Oo naman, basta mag-ingat ka)

Binaba ko na yung phone ko at binalikan si Clyde pero nahuli na ako, nakita kong napaligiran na ito ng tatlong lalaki.

Ano ng plano mong gawin? Kapag lumapit ka sa kanila ay katapusan na ng sikreto mo.. sabi ko iyan sa sarili ko kaya--



Thanks for reading, please support this story of mine.
Don't forget to vote, comment and follow.
-Librakhen27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top