CHAPTER 3
<CLYDE POV>
Naglalakad ako sa hallway, dahil hinahanap ko ang room namin.
"Grabe! Sino siya? Bagong estudyante? Ang gwapo naman niya"
"Ano na kayang level niya!?"
"Naku, kung magiging kaklase ko iyan, gaganahan na ako pumasok"
Medyo sanay na ako sa mga naririnig ko, sa dati kasing school ko ay ganyan din.
Ngumiti na lang ako para hindi naman nila sabihin na suplado ako.
"Waaaahhhh! Ngumiti siya sa akin"
"Gaga! Ako yung nginitian niya"
"Mga bruha! Ako iyon"
Dinig kong pagtatalo nila.Nagulat ako ng biglang may humarang sa harap ko.
"Hi!"
"Hi!" sagot ko na lang dahil din sa gulat.
"Pwede bang malaman kung ano pong year level ka, kung okay lang?" halatang nahihiya pa ito.
"Grade eleven na ako, bago lang ako dito sa school ninyo kaya medyo naliligaw pa ako" nakangiti kong sabi.
Bigla namang tumakbo paalis yung babaeng nagtanong sa akin.
"Oh my gosh! Lalo siyang naging gwapo"
Lumapit naman ako sa isang babaeng kumukuha ng litrato ko.
"Pwede ba akong magtanong?" sabi ko ng nakangiti
"H-ha!?" parang nagulat ko yata siya.
"Sabi ko kung pwede akong magtanong?" nakangiti kong sabi.
"Oo naman, kahit ano?" nakangiti nitong sabi.
"Saan yung Tagaytay room?"
"Tagaytay!?" tanong niya kaya tumango naman ako.
"Doon lang, nakita mo iyong bulletin board? Pangalawang pinto"
"Salamat. I'm Clyde, you are?" inilahad ko ang kamay ko.
"Michelle, Mich na lang for short" sabi niya bago nakipagkamay sa akin.
"Thanks" sabi ko at saka ako naglakad papunta sa tinuro niya.
Dinig ko pa ang tilian nila, nakalagpas na ako sa bulletin board ng mapansin ko ang isang babae na nakaupo sa sahig. Nakayuko ito kaya hindi mo makikita kung sino, pero bigla itong tumingala ng may lalaking nakasagi sa kanya.
"So-sorry, Ariane" halos nanginginig pa na sabi nung lalaki.
Nakatingin lang sa kanya si Ariane.
"Ariane is a gangster" naalala ko yung sinabi ni Kevin.
Totoo kaya yun!? Kaya ba ganun na lang yung takot nung lalaki.. tanong ko sa isip ko.
Hindi pa rin umaalis yung lalaki at patuloy pa rin ito sa paghingi ng sorry.
Nagulat naman ako ng bigla akong lingunin ni Ariane kaya napahinto ako, biglang kinabahan.
Sinenyasan naman niya na umalis na yung lalaki kaya mabilis naman itong tumakbo, bumalik naman sa pagkakayuko si Ariane kaya pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pero bakit nakakaramdam pa rin ako ng kaba.
Kailangan mo lang makalagpas, Clyde... Sabi ko sa isip ko.
Bakit ba kinakabahan ako? Wala naman akong ginawang masama... Bulong ko.
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo pagkatapat ko sa kanya, kaya bigla akong napaiwas.
"Tss.." dinig kong sabi niya bago siya tumalikod sa akin at pumasok sa room.
"Para kang tanga, Clyde. Wala namang gagawin sa iyo yung tao kung makaiwas ka" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad.
Muli akong lumingon sa pinanggalingan ko at wala na nga doon si Ariane kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa Tagaytay room.
"Napaaga yata ako" wala pa kasing tao.
Naupo muna ako sa sahig sa labas ng room, napalingon ako sa naunang room kung saan pumasok si Ariane.
Nakita ko siyang lumabas ng may tumawag sa kanyang isang lalaki.
Sino kaya yun? Boyfriend niya?.. Tanong ko sa isip ko.
"Ano bang pakialam ko" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kanila.
Bigla akong tinignan ni Ariane kaya napaiwas ako ng tingin.
Ano ka ba naman Clyde, nakalimutan mo na ba yung sinabi ni Kevin...sabi ko sa sarili, napapikit pa ako.
"Kung gusto mong maging maayos ang buhay mo sa school, iwasan mo si Ariane. Kung sakaling magtagpo ulit kayo, ikaw na ang lumayo" napakamot ako sa ulo ng maisip ko ulit iyon.
Pagdilat ko ay muli kong tinignan sila Ariane pero wala na ito pati yung lalaki.
"Haist" pagbuntong hininga ko.
"May problema ka ba!?"
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng makita ko kung sino yung nagsalita.
"Ar-Arlene!?"
"Hi, Clyde. Long time no see"
"Anong ginagawa mo dito?" hindi maalis ang kabog ng dibdib ni Clyde.
"Do you remember, two years ago?"
FLASHBACK
"You are the only person that makes my heart beat so fast, it's been two months seen I court you. Arlene Montes, can you be my girlfriend?" nasa likod sila ng school.
"I like you too, Clyde. That's true, but I'm sorry, hindi kita pwedeng sagutin"
"Bakit may ginawa ba akong hindi mo nagustuhan? Sabihin mo para maitama ko"
"Wala naman! Your such a nice guy, pero magtatransfer na kasi ako sa ibang school kaya I'm sorry"
Nalungkot naman si Clyde pero pinilit nitong ngumiti.
"Ku-kung tayo talaga ang para sa isa't-isa, tayo talaga" nakangiting sabi ni Arlene.
END OF FLASHBACK
"Dito sa school na ito ako nagtransfer" sabi ni Arlene.
"Wow! What a coincidence? Dito na rin ako mag-aaral. My parents went to Canada for some business matter"
"Actually! Nakita na kita nung enrollment pa lang pero may kasama ka kasi kaya hindi na kita nilapitan"
"Ganun ba? Si Kevin yung kasama ko, sa kanila ako nakatira ngayon"
"Oo nga pala, nakita ko rin yung kanina. Iba talaga ang isang Clyde Ruiz, habulin ng chix"
"Wala iyon, ngayon lang kasi nila ako nakita" napakamot pa sa ulo si Clyde.
"Pahumble ka pa rin" nagtawanan silang dalawa.
Napansin nilang nagpapasukan na sa room yung ibang estudyante.
"Sige na, Clyde. Nice meeting you again" paalam ni Arlene at saka ito tumalikod.
"Arlene" tawag ni Clyde kaya lumingon ito.
"I'll treat you later, hintayin kita sa may gate" sabi ni Clyde at ngumiti lang si Arlene.
Ang hindi nila alam ay may mga pares ng mata ang nakatingin sa kanila.
~⚖️~
<ARIANE POV>
AFTER CLASS
"Haist! Sa wakas natapos din" mabilis kong inayos ang mga gamit ko at saka ako lumabas ng room.
Hindi naman karamihan ang mga estudyante ng Torres University kaya halos magkakakilala lang lahat.
Katulad ng ibang school ay may dark side din ito, like fraternities or gangs na hindi kayang buwagin ng pamunuan.
Usual routine ko na ang pagsampa sa matataas na bakod sa likod ng school kapag uuwi, ayaw ko kasing dumaan sa may gate. Hindi naman ako takot sa mga may galit sa akin, ayoko lang ng biglang gulo lalo na kung wala ako sa mood.
Nakita ko kaagad si Thunder kaya tinanggal ko na ang takip nito.
"I miss you, Thunder, nainip ka ba? Pasensya na dahil hindi kita pwedeng isama sa loob" hindi naman ako nababaliw kung iyon ang iniisip ninyo, ugali ko lang kausapin ang motor ko para makondisyon ito.
BOOGGGSS..
PLAK..
PLAK..
BOOGGSS..
Napatingin ako sa isang madilim na eskinita, napansin ko ang mga malalaking lalaki na parang may pinagtutulungan.
Hoy? Ariane. Kakasabi mo lang na ayaw mo ng biglaang gulo.. sabi ng isip ko.
"Nakatingin lang ako, wala akong sinabi na makikialam ako" bulong ko sa sarili ko.
Bakit hindi ka pa umalis? Bakit nandito ka pa?...sabi ulit ng isip ko.
"Haist! Nababaliw na nga yata ako, pati isip ko kinakausap ko na"
Sumakay na ako kay Thunder at pinaandar na ito, pero hindi pa ako nakakalayo ay agad ko itong pinahinto.
"Si Caloy yun ha!?" humarap kasi sa pwesto ko iyong isa.
"Sino naman kaya iyong target nila?" tanong ko ng bigla akong may maalala.
FLASHBACK
Naglalakad na ako pabalik ng room dahil nandoon na raw ang professor namin ng makita kong may kausap si Arlene.
Magkakilala sila?..sa isip lang
Hindi ko na sila masyadong tinignan dahil wala naman akong pakialam. Pagkapasok ko sa room ay nakita ko si Dan na masama ang timpla ng mukha habang nakatingin sa kung saan.
Dahil halos magkatapat lang kami ni Dan ng upuan ay kita ko rin kung sino ang tinitignan nito.
Yung epal! Naku, paktay kang bata ka..sa isip ko lang.
Maya-maya ay nadinig ko si Caloy.
"Ano, Dan? Turuan ko na ng leksyon?"
"Magpakilala lang kayo, huwag n'yo masyadong puruhan para magtanda"
END OF FLASHBACK
"Naku naman! Kabago-bago lang dito kamalasan na kaagad ang inabot" bulong ko.
Bumaba na ako kay Thunder at naglakad papunta kila Caloy.
"Anong meron dito?" sumingit ako sa pagitan nila para makita kung tama nga ang hinala ko.
"Bruh!? Ba-bakit nandito ka?" dinig kong sabi ni Caloy.
"Ang alam ko ay magpapakilala lang kayo, bakit parang makikipagpalit na ito ng mukha sa aso?" tama nga ang hinala ko.
"Lu-lumaban kasi, kaya ayan. Hindi na nila napigilan"
"Sa dami ninyo ay nagawa pa nitong makalaban? Mukhang kulang na kayo sa practice"
"Huwag ka ng makialam, Bruh! Labas ka dito"
"Ganun ba, paano kaya kapag nalaman ni Dan na hindi kayo sumusunod sa usapan, na halos patayin na ninyo ang isang ito. Ano kaya ang mangyayari sa inyo?"
"Walang ganyan, Bruh! Anong gusto mong gawin namin para hindi ka magsabi kay Dan?"
"Balato n'yo na sa akin ang isang ito. Sisiguraduhin kong hindi na ito uulit" turo ko kay epal.
"Sige, basta hindi makakarating kay Dan ang nangyari dito"
"Oo. Ako ng bahala"
Mabilis na tumakbo si Caloy kasama ang mga alagad niya.
Lumuhod ako sa harap ng bugbog sarado na si epal.
"Si-sino ka?" pinipilit nitong imulat ang mga mata na halos magsara dahil sa black-eye.
"Pinadala ako ni Kamatayan para sunduin ka, busy pa kasi siya"
Natakot yata sa sinabi ko kasi bigla niya akong nilayuan
"La-layuan mo ako" sabi nito na may pagwasiwas pa ng kamay.
Pinipigilan kong matawa pero hindi ko talaga kaya
"HAHAHAHAHAHA"
Thanks for reading, please support this story of mine.
Don't forget to vote, comment and follow.
-Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top