CHAPTER 2

<CLYDE POV>

Siya yung babae kanina... sa isip ko lang.

"Ikaw!?" halos sabay pa kami.

"Tss!! Ang liit nga naman ng mundo" yun lang ang sinabi niya at tumalikod na ito.

"Magkakilala na kayo?" tanong sa akin ni Kevin.

"Siya lang naman yung may gawa nito" turo ko sa namumula ko pang bukol.

"Ako na ang humihingi ng pasensya" sabi ni Mimi.

Umalis naman kaagad ng pila yung Ariane, tapos na kasi ito mag enrol. Kami naman ang sumunod at natapos na din kaagad.

"Saan tayo!?" dinig kong tanong ni Mimi

"Babe, pwede bang igala muna natin itong si Clyde. Ngayon na lang ulit ito nakapunta dito, kaya wala pang masyadong alam dito sa lugar natin" mahabang sabi ni Kevin.

"No problem, saan ba tayo magsisimula?" sagot naman ni Mimi.

"Okay lang ako, Bro. Sige na, kaya ko na sarili ko. Mag iikot lang ako dito sa school then uuwi na rin ako, medyo masakit pa kasi ang ulo ko"

"Sure ka? Basta text mo ako kapag may naging problema" sabi ni Kevin.

Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa makalayo sila at saka ako nagsimulang naglakad.

Nakarating na naman ako sa lugar kung saan ko unang nakita si Ariane, speaking of Ariane.

"Hindi ka ba marunong dumaan sa gate?" nakita ko na naman kasi siyang paakyat na naman doon sa pader na binabaan niya kanina.

Tumingin siya sa akin at dahan-dahang bumaba sa pader.

"Pakialam mo ba! Pwede ba, huwag kang epal. Alis na. " sabi niya saka ulit siya nagtangkang umakyat sa pader.

"Teka nga!" hindi ko sadyang nahila siya sa damit kaya pabagsak siyang napahiga sa lupa.

"So-sorry. Ayos ka lang ba?" inilahad ko ang kamay ko para tulungan siyang tumayo pero hinampas nya lang ito.

Nagpagpag siya ng damit ng makatayo saka tinignan ako ng masama.

"Hindi ko naman sinasadya" nagulat ako nang hawakan niya ako sa pinaka kwelyo ng damit ko at buong lakas na isinandal sa malaking puno.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Ang ayoko sa lahat ay yung pinapakialaman ako lalo na at hindi ko kilala" yun lang ang sinabi niya at saka niya ako tinulak palayo sa kanya.

Nakita ko kung paano siya mabilis na nakaakyat sa pader. "Parang hindi babae"

Dahil medyo sumasakit pa ang ulo ko ay agad din akong umuwi ng bahay.

Napansin kaagad ako ni Aling Mel kaya nilapitan niya ako.
"Masama ba ang pakiramdam mo, Sir?"

"Nanay Mel naman, kapag tinawag n'yo pa po akong sir, lilipat na ako ng bahay" nakasimangot kong sabi.

"Pasensya na, oh! Sya, magpahinga ka muna at tatawagin na lang kita kapag naluto na yung merienda" ngumiti lang ako.

Pumasok muna ako sa kwarto upang magpalit ng damit at saka nahiga sa kama. Naiisip ko yung nangyari kanina.
"Ibang klase! Parang lalaki kung umasta, tomboy yata iyon" bulong ko.

"Sinong tomboy?" nakita kong nakatayo si Kevin sa pinto ng kwarto.

"Yung pinsan nung girlfriend mo" sagot ko.

"HAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Kevin kaya napakunot ang noo ko.

"Kanina kasi nakita ko ulit siya, paakyat siya doon sa pader nung school then pinigilan ko kaso napalakas yung hila ko kaya napahiga siya"

"Bakit mo ginawa iyon? Isa sa ayaw ni Ariane ay may nakikialam sa kanya" tinabihan na ako nito sa kama.

"Sasabihan ko lang sana siya na mag sorry sa nangyari sa akin pero nagulat ako nung hawakan nya ako sa kwelyo at itulak pasandal sa puno"

Napansin kong napakamot sa noo si Kevin.
"Bakit? Mali ba iyon? Gusto ko lang siya mag sorry"

"Kung gusto mong maging maayos ang buhay mo sa school, iwasan mo si Ariane. Kung sakaling magtagpo ulit kayo, ikaw na ang lumayo" pabulong na sabi ni Kevin.

"Bakit naman!?" may pagtataka kong tanong.

Tumingin muna ito sa labas ng pinto "Ariane is a gangster"

~⚖️~

<THIRD PERSON POV>

Pumasok si Ariane sa isang abandonadong gusali, medyo madilim ito na tanging mga liwanag lang sa mga kalapit na poste ang maaaninag.

"Welcome back, Bruh" bati ng isang babaeng nakaupo sa taas ng pinagpatong-patong na kahoy.

May mga kasama pa itong mga babae na nakatingin lang kay Ariane.

"May bago ba? Balita sa org. mo, Impa?" tanong ni Ariane, naupo ito sa isang upuan na medyo luma na.

"Medyo nagli-low, pati sila Mald, wala ka kasi" bumaba na ito sa kinauupuan, inabutan nito ng yosi si Ariane na kinuha naman nito.

"Lighter?!" tinignan ni Ariane ang babaeng malapit lang sa kanya, sa gulat nito ay hindi kaagad ito nakakilos.

Isang babae naman ang lumapit kay Ariane para sindihan ang yosi nito.

"Bago?" tanong ni Ariane habang nakaturo sa babaeng nasa tabi niya.

"Pasensya na Bruh. Kakasali lang sa grupo" sagot ni Impa.

"Ganyan na ba kayo kadesperado, kung sinu-sino na lang isinasali ninyo" tumayo na si Ariane, itinapon ang yosi niya sa harap nung bagong miyembro.

"Kunin mo, sayang"

Agad naman itong kinuha nung babae.

"Una na ako, sabihan n'yo ako kapag may raket" naglakad na palabas ng gusali si Ariane nang may marinig siyang kalabog kaya muli niyang nilingon ang grupo.

Nakita niyang nakahiga na sa semento yung bagong miyembro ng org. ni Impa.

"Umayos ka, ayoko ng napapahiya ako sa bisita ko" sabi ni Impa.

"So-sorry, Ma-master" naiyak na sagot nung babae.

"Impa. Chillax ka lang, baka hindi na bumalik iyan, baka ikanta ka pa" sigaw ni Ariane kaya napatingin sa kanya ang lahat ng nandoon.

"Wala akong pake, huwag kang makialam sa pamamalakad ko sa org ko. Baka gusto mo bang mag sub?" nakangising sabi ni Impa.

"Pwede naman, tagal na walang stretching" muling naglakad palapit si Ariane sa grupo.

"Sugudin n'yo na!!" sigaw ni Impa kaya kumilos kaagad ang mga babae at sabay-sabay sinugod si Ariane.

"Tss.." napangiti si Ariane.

Isang babaeng may dalang kahoy ang naunang sumugod pero naiwasan ito ni Ariane sabay sipa sa likod nito kaya tumalsik yung babae.

Dalawang babae naman ang sabay sumugod kay Ariane kaya nag backflip ito ng ilang beses para umiwas sabay kuha sa kahoy na nasa tabi niya at hinampas sa mga ito.

"Ano ba naman iyan, parang kayo yung nagbakasyon" nakangiting sabi ni Ariane kaya nakaramdam lalo ng inis si Impa.

Sumugod na rin ito pero muling nakaiwas si Ariane, inilabas na nito ang patalim na nakatago sa baywang niya.

"Baka pagsisihan mong inilabas mo pa iyan" sabi ni Ariane.

"Mayabang ka pa rin, tignan natin kung makapagyabang ka pa rin kapag itinusok ko na ito sa iyo" sabi ni Impa, ngiti lang ang naisagot ni Ariane.

Tuloy-tuloy ang sugod ni Impa pero palagi itong naiiwasan ni Ariane hanggang sa makalapit ito sa pader kaya mabilis itong tumalon para maibanda ang paa dito kaya nakalipad ito papunta sa likod ni Impa, bigla namang humarap si Impa pero huli na dahil nasipa ni Ariane ang kamay nito upang mabitawan ang patalim saka itinapat ang paa nito sa leeg ni Impa.

"May karapatan naman akong magyabang, hindi ba!?" nakangisi na sabi ni Ariane, ibinaba na nito ang paa.

"Salamat sa stretching" tinapik muna ng ilang beses ang pisngi ni Impa bago ito tuluyang lumabas ng gusali.

"AAARRGGG!!" sigaw ni Impa kaya napangiti lang si Ariane.



Thanks for reading, please support this story of mine. Don't forget to vote, comment and follow me.
-Librakhen27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top