CHAPTER 16
<ARIANE POV>
Nandito kami ngayon malapit sa airport.
"Talasan ninyo ang inyong mga mata, anu mang oras ay darating na ang target" sabi ni Demz, may kanya-kanya kaming earbuds para maging communication, may iba't ibang pwesto rin kami para hindi kami malusutan.
"Copy" sagot ko, ganun din yung iba.
Nakailang sindi na ako ng yosi, pero wala pa ring nangyayari.
"Hanggang anong oras tayo maghihintay, Demz?" tanong ng isang myembro ng org.
"Konting hintay pa" sagot naman nito.
Inabot na kami ng tatlong oras ay wala pa rin yung target.
"Ano ba naman iyang source mo!? Palpak, niloloko ka lang yata, tsk. " sabi ko at saka ngumisi.
"Bwisit!" sigaw ni Demz, kitang kita ko sa kinakatayuan ko kung paano ito nagwawala sa galit.
"Retreat!" muli niyang sigaw, nagtakbuhan na nga ang mga myembro niya papunta ng van na sinakyan nila.
"Kay Thunder na ako sasakay" sabi ko, at saka ako nagpunta sa lugar na pinag iwanan ko dito.
"Sumunod ka sa hide out" sabi lang ni Demz.
"Copy" sagot ko bago sumakay kay Thunder.
~⚖️~
<THIRD PERSON POV>
Nakalayo na sila Demz sa airport ng tumunog ang phone nito.
Source is calling...
"Hello!" galit na sabi ni Demz.
(Nasaan na kayo? Nakikita ko na yung target, kakasakay lang nila ng puting van. May plakang KEN027, bilisan n'yo na)
"Copy" sagot ni Demz, bago pinatay ang phone nito.
"Balik tayo, kaaalis lang daw nung target sa airport. Kailangan nating maabutan" sabi nito sa driver, pumihit naman kaagad ito pabalik, halos lagpasan nila ang mga sasakyan sa kanilang harapan.
"Bwisit talaga!" sigaw ni Demz, nagkatinginan na lang ang mga kasama nito, alam kasi nilang ayaw nito na pumapalpak sa trabaho.
"Tawagan si Bruh, kailangan natin siya" muling utos nito, kaya nagmadali si Luka na tawagan ito.
"Out of reach" sabi nito kay Demz pagkatapos ng ilang ulit na pag dial.
"Ulit-ulitin mo hanggang sa sumagot" galit na utos ni Demz kaya ginawa na lang ni Luka kaysa siya ang mapagbuntunan ng galit.
Lumagpas na sila sa airport kaya nagfocus na si Demz sa mga sasakyan na madadaanan nila, pati na rin sa mga nakakatabi nila, hanggang sa mahagip ng mata nito ang van na hinahanap.
"Ayun! Sundan mo, magmadali ka" agad naman nila itong naabutan.
"Buntutan mo lang, kapag nakakuha ka ng tyempo ay unahan mo at saka mo iharang ang sasakyan" napapa ngiti pang paliwanag ni Demz.
"Copy mam" ganun na nga ang ginawa nung driver.
Napansin ni Demz ang tunnel na daraanan nila.
"Ngayon na!" agad binilisan ng driver ang sasakyan, at tulad ng plano ay inunahan nila ito at agad na hinarang ang sasakyan nila.
Mabilis na lumabas sila Demz pati na rin ang ilang myembro, agad nilang pinaligiran ang puting van na sinasakyan daw ng target.
Sumenyas si Demz sa kasama na buksan ang pinto kaya ginawa nito pero pulis ang nakita niya.
"Set up!" sigaw nito, kaya mabilis na tumakbo yung ibang myembro, pati na rin si Demz at saka siya nagtago isang puno.
Kitang kita niya kung paanong nahuli lahat ng kasamahan.
"Putangna. Na set up kami, pero paano?" umalis na ito sa lugar bago pa siya mahuli.
~⚖️~
<CLYDE POV>
Hindi ko alam kung ilang araw na ako sa lugar na ito, pero alam kong magiging maayos din ang lahat.
Sana nga!?
Hindi ko alam kung bakit? Pero nung marinig ko ang boses niya ay lumakas na ang loob ko.
FLASHBACK
Nagising ako nang may marinig akong boses, medyo natutuyo na rin ang lalamunan ko dahil sa tagal na hindi ako nakakakain o inom man lang.
"Pwede bang makahingi ng tubig!? Nauuhaw na ako" sigaw ko, walang sumagot pero ramdam kong kumikilos sila.
Ilang minuto lang ay dinig ko ang papalapit na yabag ng mga paa. Tinanggal niya ang nakalagay na sako sa aking ulo, pero dahil sa takip ng mata ko ay hindi ko siya nakikita.
Nagtataka ako kung bakit ang tagal niya ako painumin o may plano ba siyang painumin ako?
Aray.. sa isip ko lang ng bigla niyang tinapat sa bibig ko yung bote ng tubig, pero dahil sa sobrang uhaw ay tiniis ko na lang.
"Bakit nandito ka? Hindi pwede, hindi ito totoo. Bakit? Bakit ikaw pa?" bulong nito kaya natigilan ako sa pag inom.
Pamilyar yung boses niya, hindi ako pwedeng magkamali....sabi ko sa isip ko, naguguluhan ako pero kailangan kong malaman.
"Ariane?" tanong ko pero mahina lang, hindi siya sumagot.
"Bruh!" dinig kong tawag sa kanya.
"Huwag ka nang magsalita" bulong lang nito at naramdaman ko na ang pagkilos niya.
Anong ginagawa niya dito? Para ba tulungan ako!? Bakit kilala niya ang mga babaeng iyon? Alam niya bang kinidnap ako, bakit wala siyang ginawa?... mga tanong ko sa isip ko, naguguluhan ako.
"Hayaan mo na si Luka diyan, may natawag sa iyo at mukhang importante" dinig ko pang sabi nung tumawag sa kanya.
Huwag mo akong iwan, tulungan mo ako.. gusto kong isigaw sa kanya pero hindi ko magawa, natatakot akong maging tama ang hinala ko. Ang hinala kong isa ka din sa kanila.
Inubos ko na lang yung tubig na binigay sa akin, umalis din kaagad yung babaeng pumalit kay Ariane.
Ngayon ay sigurado na akong iisa lang sila, ang taong nagliligtas sa akin at ang taong gusto ko.
Dapat ba akong matuwa? Sa sitwasyon ko ngayon, dapat bang maging masaya ako... sa isip ko, wala na akong nagawa kundi paki ramdaman na lang ang paligid.
"Bakit daw tumawag si Mimi?" dinig kong tanong nung babae.
Tinawagan siya ni Mimi, si Kevin. Alam kong nag-aalala na sila sa akin...sa isip lang.
"Nag-aalala, bakit daw hindi pa ako umuuwi?" dinig kong sabi ni Bruh.
Sinabi kaya niyang nandito ako?.. tanong ko sa isip ko, kailangan ko bang maghintay at umasang tutulungan niya.
Paano kung kasama siya sa plano nila at isa siya sa papatay sa mga magulang ko?
"Hindi na siya nasanay, iyan talagang pinsan mo" dinig kong usapan nila.
"Ituloy na natin" dinig kong sabi niya at doon na tumulo ang mga luha ko.
END OF FLASHBACK
Ramdam ko ang init ng sinag mula sa araw na tumatama sa akin, halos maghalo na ang pawis ko sa mukha dahil sa sakong nakabalot sa ulo ko.
Masyadong tahimik ang paligid, wala bang tao dito.
"Tao! May tao ba dito? Naiihi kasi ako, baka pwedeng makahingi ng tulong" pagkukunwari ko pero wala akong nadinig na sagot, kahit yabag ng paa ay wala.
Wala nga yatang tao..sabi ko sa isip lang.
Pinilit kong tanggalin ang tali ng kamay ko pero masyado talaga itong mahigpit. Sinubukan ko naman ang tali sa aking paa pero ganun din ito. Winasiwas ko din ang ulo ko para matanggal man lang ang naka balot sa mukha ko, pero bigo ako.
Hindi ko na pinilit at saka ako humiga sa malamig na semento, kailangan kong mag ipon ng lakas.
Nakarinig ako ng yabag ng paa, palapit ito sa akin kaya napa upo ako. Hinawakan nito ang magkabila kong braso at saka ako itinayo.
"Anong gagawin mo sa akin?" tanong ko, pero hindi siya sumagot.
Tinanggal niya ang sako sa ulo ko, kaya nakaramdam ako ng konting ginhawa. Sinunod niya ang takip sa aking mata, dahil sa sobrang liwanag ay napapikit ako pero unti-unti ko din itong dinilat.
"Ikaw!?"
Nabitin ba kayo? Ako din eh!
Thanks for reading.
Don't forget to vote and feel free to comment
-Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top