CHAPTER 15
<ARIANE POV>
Natapos na naman ang klase, kaya uwian na. Muli akong umakyat sa malaking puno upang makatawid ng pader, nang bigla akong matigilan.
Hindi ko yata nakita si Clyde ngayong buong araw...tanong ko sa isip lang.
"Baka hindi pumasok" bulong ko, kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagtawid sa pader, agad akong tumalon, nakababa ako nang nakaluhod ang isang tuhod habang naka alalay ang mga kamay sa lupa.
Baka may sakit!?... sabi ko sa isip ulit.
"Ano naman? Malaki na ang lalaking iyon, at saka gagaling din naman siya" bulong ko ulit at saka tumayo ng maayos.
Nag aalala ka lang... sabi ng isip ko.
"Bakit ba kinakausap ko ang sarili ko? Nababaliw na yata ako" napakamot na lang ako sa ulo, lumapit na ako sa pinagtataguan ni Thunder at saka ko tinanggal ang tela tumatakip dito.
"Hello my friend, kamusta? Nainip ka ba?" tanong ko habang hinihimas ito, muli na naman akong natigilan. Napatingin pa ako sa paligid baka may nakarinig sa akin.
"Baliw na talaga ako" sabi ko bago ako sumakay kay Thunder, isinuksok ko na ang susi para pa andarin sana ito ng mag vibrate ang phone ko.
From Demz
Punta ka sa hide out ko, text ko sa iyo yung address. Kita na lang tayo doon.
To Demz
I'm on my way.
Hinintay ko muna yung address na ibibigay ni Demz, kaya nang matanggap ko ito ay agad kong pinaharurot si Thunder.
Huminto ako sa isang waiting shed, may isang lalaki dito na nagtitinda ng sigarilyo.
"Manong, alam n'yo po ba ang lugar na ito?" ipinakita ko sa kanya ang text ni Demz.
"Naku! Ineng" tumingin ito sa paligid at saka muling tumingin sa akin.
"Matagal nang walang napunta sa lugar na iyan, dahil sa balitang pinagtataguan daw ng mga rebelde o bandido" bulong nito.
"Ganun po ba!? Ayos lang ho, ituro n'yo na lang ang daan at ako na ho ang bahala sa sarili ko" nakangiting kong sabi, wala ng nagawa yung lalaki kaya itinuro na lang niya ang daan.
"Ingatan mo ang iyong sarili, ineng. Babae ka pa naman" bilin nito sa akin.
"Mag-iingat din ho kayo" sagot ko bago tuluyang pa andarin si Thunder.
Maraming puno ng niyog ang daanang tinatahak ko, mabuti na lang at may araw pa kaya nakikita ko pa ang daanan. Pagkadating sa gitna ay may nakita akong isang abandonadong gusali, lumapit ako roon at inayos ang pagkaka park kay Thunder, hinubad ko muna yung helmet ko at saka isinabit dito.
Naglakad na ako papasok sa loob habang inaayos ang cap ko, napatingin sa akin yung mga bantay at bigla silang tumayo. Dahan dahan akong lumapit at saka ko tinanggal ang mask ko kaya natigilan sila.
"Ikaw pala!?" sabi nung isang babae, hindi ko tanda ang pangalan niya pero alam kong kasamahan ito ni Demz. Halos puro babae ang myembro ng org. nito.
"Pinapunta ako ni Demz, nandito na ba siya?" tanong ko.
"Wala pa, hintayin mo na lang siya doon sa loob" turo niya sa loob ng gusali, naglakad na ako papasok.
Ngayon lang ako nakapunta dito sa hide out ni Demz kaya nagtingin tingin ako sa paligid.
Ang panget naman dito.. sa isip ko, puro kasi lumang kahoy at yero na naka tambak lang ang makikita. Hindi rin masyadong malaki ito, kaya sapat lang sa grupo nila.
Napatingin ako sa isang sulok, napansin kong may tao doon na nakatakip ng sako ang mukha.
"Sino iyon?" tanong ko, alam ko kasing naka sunod lang ito sa akin mula pa kanina.
"Bihag, may pag gagamitan daw si Demz kaya nadito pa" sagot nito, nauna na sa akin ito ng kaunti.
Naglakad pa ako palapit doon sa bihag, hinawakan ko yung sako upang silipin ito.
"Kanina ka pa ba, Bruh?" napalingon ako kay Demz, binitawan ko na yung sako at saka lumapit sa kanya.
"Kararating ko lang din, bakit mo nga pala ako pinapunta?"
"Maupo ka, pag uusapan natin yung plano. Sabi kasi ng source ni Boss ay bukas na ang uwi nung target, kaya kailangan na nating maghanda" paliwanag nito, naupo naman ako sa isang plastic na upuan, habang yung iba ay nakapalibot lang sa amin.
Sa kalagitnaan ng pagpaplano ay muli akong napatingin sa bihag.
"Anong plano sa bihag?" bigla kong tanong kaya napatingin din sila sa bihag.
"Dito lang muna. Ang gusto ni Boss ay gamitin siya para walang takas yung target" paliwanag ni Demz.
"Bakit nga pala wala si Impa? Hindi ba siya kasama sa plano?" muli itong humarap sa target.
"Alam mo namang ayaw ko na may kahating ibang org. Napapayag ko naman siya kasi may iba pala silang trabaho" tumango tango na lang ako.
Nagpatuloy kami sa paggawa ng plano ng biglang magising yung bihag.
"May tao ba dito?" sigaw nito kaya napalingon kami.
Pamilyar sa akin ang boses n'ya... sabi ko sa isip lang, patayo na ako nang pigilan ako ni Demz. Umiiling ito bilang senyales na hayaan ko lang.
"Pwede bang makahingi ng tubig!? Nauuhaw na ako" muli nitong sabi, nilingon ko si Demz. Inutusan nito ang isang niyang myembro para kumuha ng tubig, agad naman itong sumunod.
Pagkadating nung babae ay pinigilan ko ito, kinuha ko yung tubig at tumingin sa kanya ng "ako na" look.
Nilingon pa nito si Demz kaya tumingin din ako, pumayag naman ito kaya walang nagawa yung babae.
Dahan dahan akong lumapit sa bihag, kasabay nito ang mabilis na tibok ng puso ko.
Sana mali ang hinala ko..
Tinanggal ko ang sako sa ulo nito, napakagat-labi ako ng makita siya. May takip pa ito sa mata, kaya alam kong hindi niya ako makikilala.
Binuksan ko ang bote ng mineral water at saka ito itinapat sa bibig niya. Napangiwi pa ito ng matamaan ko ang sugat niya sa labi, pero nagpatuloy pa rin ito sa pag inom.
Pinagmasdan ko ang kabuuan nito, puro ito galos sa katawan, may sugat din ito sa ulo na halatang iniuntog sa isang bagay.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya at doon ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya agad ko itong pinunasan ng isa kong kamay.
"Bakit nandito ka? Hindi pwede, hindi ito totoo. Bakit? Bakit ikaw pa?" bulong ko, natigilan siya sa pag inom.
"Ariane?" tanong niya pero mahina lang, sapat na marinig ko.
"Bruh!" sigaw ni Demz, kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko.
"Huwag ka nang magsalita" bulong ko sa kanya, agad akong tumayo at saka hinarap si Demz.
"Hayaan mo na si Luka diyan, may natawag sa iyo at mukhang importante" sabi nito sabay abot sa akin ng phone ko.
"Salamat, sagutin ko lang ito" lumabas ako ng gusali.
Mimi is calling....
"Hello" mahinahon kong sagot, kahit alam ko na ang sasabihin nito.
(Si Kevin ito, hindi namin ma contact si Clyde. Kahapon pa siya hindi umuuwi, hindi naman siya ganun, kapag may lakad siya ay nagte text o tumatawag siya sa amin) Ramdam ko ang pag-aalala nito.
"Okay" sabi ko lang at saka ko pinatay yung tawag.
"Hindi n'yo talaga siya makaka-usap, baka nga hindi na talaga siya maka-uwi" bulong ko, at saka ako bumalik sa loob.
Thanks for reading
Don't forget to vote and feel free to comment
-Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top