CHAPTER 14
Nagising ako dahil sa malakas na hanging dumampi sa aking katawan.
Shit, ang sakit ng katawan ko.. sabi ko sa isip lang.
"Nasaan ako?" wala akong makita dahil sa piring ng aking mata, nakatali naman ang paa at kamay ko sa kinauupuan ko.
"May tao ba dito? Sumagot kayo, may nakakarinig ba sa akin? " sigaw ko pero walang nagsalita.
Pinipilit kong matanggal ang tali sa kamay at paa ko, kahit alam kong imposible ay sinusubukan ko pa rin.
Bruh.. siya kaagad ang naisip ko, kahit alam kong malabo ay umaasa ako na darating siya at ililigtas ako.
Nakarinig ako ng mga yabag na palapit sa akin.
"Sino kayo? Bakit n'yo ginagawa ito?" muli ko na namang tanong, pero nagmukha lang akong tanga dahil hindi na naman nila ako sinagot.
May biglang nagtanggal ng piring sa aking mata, dahan-dahan ko itong minulat kaya nakita ko na kung nasaan ako.
Isa itong abandonadong gusali, may mga nagkalat na mga kahoy at yero sa paligid, bukas din ang mga bintana kaya malayang nakakapasok amg malakas na hangin.
Napansin ko sa isang sulok ang ilang babae na nakatingin lang sa akin, may mga babae rin sa aking harapan, bale nasa sampu sila at lahat ay nakasuot ng face mask.
"Bakit tinanggal ninyo ang piring ng isang iyan" napatingin ako sa nagsalita, isa din itong babae.
Nakasuot ito ng itim na sando na humahapit sa kanyang balingkinitang katawan at pantalon na sira sa bandang tuhod. Nakatali ang buhok nito at nakasuot din ng face mask, kaya hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya.
"Ano bang kailangan n'yo sa akin?" tanong ko sa kanya. Kumuha ito ng isang upuan, inayos ito ng pabaligtad at saka umupo dito ng pabukaka na parang lalaki.
"Sa iyo, wala. Sa magulang mo ay meron. Huwag kang mag-alala dahil makaka uwi ka pa rin ng buhay, magsisilbi lang itong babala para sa kanila" bulong nito pero dinig ko dahil ilang dangkal lang ang layo nito sa akin.
"Anong kasalanan nila sa inyo?"
"Sila na lang ang tanungin mo" sabi nito at saka sumenyas sa kasama niya.
Lumapit ito sa akin at saka unti-unting tinanggal ang pagkakatali ng paa at kamay ko. Tinulungan pa niya akong makatayo.
Pagkakataon ko na ito.. sabi ko sa isip lang, bigla kong tinulak yung babae kaya natumba ito. Mabilis akong tumakbo pero agad akong hinarangan nung iba nilang kasama.
"Hindi ako pumapatol sa babae, kaya padaanin n'yo na lang ako" sabi ko sa kanila pero nagtinginan lang ang mga ito.
Dahan-dahan silang lumalapit kaya napapa atras ako.
"Huwag ka nang tumakas, makaka uwi ka rin naman, kaya huwag mo ng dagdagan ang sakit ng iyong katawan" sabi nung babaeng pinaka leader yata nila.
"Paano ako makaka siguro na wala kayong gagawin sa akin, hindi ko nga kayo kilala at saka ni hindi ko nga nakikita ang mga mukha ninyo" sabi ko habang isa-isa silang tinitignan. Mga babae ang mga ito pero ramdam kong malalakas sila.
"Hindi naman kami masama na gaya ng naiisip mo. Oo, kaya naming pumatay ng tao pero yung may atraso lang sa amin" sabi nito na kinabigla ko.
Kaya nilang pumatay, ano bang klaseng babae ang mga ito? Kung gangster sila na kagaya ni Ariane, ibig sabihin pumapatay din ng tao si Ariane.... napailing ako sa naisip ko. Alam kong hindi ganun si Ariane.
"Sumunod ka na lang sa amin para hindi ka na masaktan, tulad ng sabi ko kanina. Wala kang atraso sa amin kundi ang magulang mo lang" lumakad na siya palapit sa akin.
"Anong gagawin ninyo sa mga magulang ko?" unti-unti pa rin akong umaatras
"Depende sa isasagot nila" sabi niya, bigla itong lumapit sa akin at saka ako sinipa sa tiyan, napasandal ako sa pader at namilipit sa sakit habang hawak ko ang sikmura ko.
Bigla ako nitong hinawakan sa buhok at pilit na pinatingala kaya nagkatinginan kami.
"H-hindi m-masamang tao a-ang mga m-magulang ko, k-kaya hindi ko a-alam kung b-bakit sinasabi mong may a-atraso sila sa inyo. B-baka nagkakamali l-lang kayo" medyo hirap na ako magsalita dahil sa sakit pa rin ng tiyan ko.
"Yun ang akala mo" sabi nito at saka niya ini untog ang ulo niya sa ulo ko kaya muli na naman nagdilim ang paningin ko.
~⚖️~
<ARIANE POV>
Papasok na ako sa Bar ng makatanggap ng text mula kay Impa.
From Impa
Nagbago ang plano.
Agad akong sumakay kay Thunder at saka ito mabilis na pinaandar papunta ng hide out.
Naabutan ko silang nagkukumpulan sa gitna.
"Anong ibig mong sabihin sa text mo, Impa?" tanong ko kaya napalingon sila sa akin.
Hindi pwedeng ma-iba ang plano, kailangan kong makausap ang lalaking iyon... sabi ko sa isip ko habang papalapit sa kanila.
"Ikaw na magpaliwanag, Demz" sabi ni Impa kaya agad akong tumingin kay Demz.
Tumayo ito sa pagkaka upo niya sa mga kahoy at saka lumapit sa akin, inakbayan pa ako nito.
"Hindi na kasi kaya ni Boss na hintayin pa yung event, may nakapag tip kasi na may anak pala yung target natin" tinanggal nito ang pagkaka akbay sa akin at saka lumayo ng kaunti.
"Wala namang kinalaman yung anak, bakit kailangan niyang madamay?" tanong ko na medyo naguguluhan.
"Iyon ang sabi ni Boss, mas mapapadali daw ang plano kapag ganun, dahil kusa nang pupunta sa kanya yung target" si Impa naman ang nagsalita kaya nilingon ko siya.
"Kailan naman natin gagawin ang plano?" tanong ko, kung ito lang ang magiging way para maka usap ko yung lalaking iyon.
"Ayos na. Nagawa na nila Demz" sagot ni Impa kaya nagulat ako.
"Bakit hindi n'yo ako sinama?" may inis kong sabi.
"Don't worry, Bruh. Oras na dumating na yung target ay siguradong kasama ka na sa plano" muli akong nilapitan ni Demz, at saka tinapik tapik ang balikat ko.
Konting panahon na lang ay malalaman ko na ang lahat.. sabi ko sa isip lang, kaya napangiti ako.
Thanks for reading
Don't forget to vote and feel free to comment...
See photo for reference, photo not mine
-Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top