CHAPTER 13
<CLYDE POV>
Maaga akong pumasok dahil iyon ang usapan ng team namin. Kailangan namin makakuha ng mga important coverage ng Foundation day for our project.
Ako ang naka assign sa photos kaya dala ko ang camera ko. Nag iikot ako para humanap ng mga magagandang scenery, katulad na lang ngayon. Kinukuhanan ko ng magandang anggulo ang iba't ibang booths na tinayo for the events.
Message Booth na para sa mga taong gustong magbigay ng message via paging system. Meron ditong sticky note and ballpen kung saan mo isusulat ang message then magbabayad ka lang ng 50 pesos.
Tattoo Booth, para sa mga gustong magpalagay ng tattoo pero hena lang naman, mga artist ng school ang mag tattoo sa iyo.
Tarot Booth para sa mga gustong magpahula, kapag pumasok sa loob ay may babaeng maraming kulerete sa katawan ang nakaabang.
Photo Booth, isa itong authomatic machine na pwede kang mamili ng damit, kulay ng buhok or background na gusto mo, then sticker na rin ito para pwedeng maidikit sa kahit saan.
Marriage Booth para sa mga magkasintahan na gustong magkaroon ng fake marriage contract, may kunwaring pari din na alam naman naming isa lang sa staff ng facility group.
Sweet Booth para sa mga mahilig sa matatamis like candies, cake and pastries. Taga canteen naman ang namamahala dito
At ang last...
Jail Booth, kung saan pwede kang makulong if may magawa or nagawa kang agains sa rules na nakalagay sa list nila, may mga hidden sticker din sila sa iba't ibang area ng school.
Speaking of violators, may pamilyar na mukha akong nakita.
"Bro. Help me please!?" nakahawak pa ito sa kunwaring rehas.
"Bakit nandyan ka?" natatawa ko pang tanong.
"Malay ko bang bitter ang mga tao dito, bawal daw kasi ang PDA, magkahawak kasi kami ng kamay ni Mimi kanina pagpasok. And then bigla na lang kaming hinuli" may inis na sabi ni Kevin.
"Talaga!? Nasaan na si Mimi? Bakit ikaw lang ang nadyan?" sumilip pa ako sa pinakaloob.
"May tumubos na sa kanya, sabi ko ay isama na ako pero hindi man lang ako pinansin. Wala talagang kwenta yung crush mo" mahabang paliwanag nito.
Nandito siya! Ibig sabihin lang ay magkikita kami... sabi ko sa isip lang.
"Uy! Ano na? Ngingiti ka na lang ba d'yan o tutubusin mo ako. Para kang baliw, nabanggit ko lang yung crush mo" nakasimangot pa nitong sabi.
"Oo na. Wait ka lang d'yan" paalam ko.
Lumapit ako sa pinaka namamahala ng jail booth, pinagbayad lang nila ako ng 50 pesos at saka na nila pinalaya si Kevin.
"Salamat, Bro. Akala ko matatapos ang foundation day na nakakulong lang ako" kumapit pa ito sa braso ko.
"Bayaran mo ako" sabi ko kaya napabitaw siya sa akin.
"Alam ko na yung nasa isip mo, saglit lang" nagtataka man ako pero hinayaan ko na lamg siya. Kinuha nito ang phone sa bulsa at saka may tinawagan.
"Babe, nasaan ka?" tinawagan nito si Mimi, napangiti naman ako.
Minsan may utak din itong si Kevin... sabi ko sa isip lang.
"Hindi mo na kasama si Ariane? Nasaan na siya?" nilingon pa ako nito at saka umiling.
Tinapik ko na lang si Kevin at saka nagpaalam na aalis na.
"Saan ka?" sabi nito habang nakatakip ang kamay sa speaker ng phone niya.
"Kailangan ko pang mag picture, para sa project" paliwanag ko, yun naman talaga ang totoo pero may konting panghihinayang dahil hindi ko pala makikita si Ariane.
"Sige, text kita kapag kasama namin siya. Ba-bye" paalam nito, naglakad na ito palayo kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkuha ng mga litrato.
"GOOD MORNING, TORRESIANS" napalingon ako sa nagsalita, si Renz.
Nasa isang mini stage ito dahil sila ang tutugtog sa buong araw na celebration ng Foundation Day.
Agad na nagtakbuhan ang ibang mga estudyante at karamihan sa kanila ay mga babae, naglakad na rin ako palapit sa mini stage, naiisip ko kasi na kapag nakuhanan ko ng pictures ang banda ay mas magiging ayos sa project.
"ARE YOU READY!?" tanong ni Renz.
"AAAAHHHHHHHH" sigaw ng mga nandoon.
"This is our first song for you" kumindat pa ito habang nakaturo sa kung sino, kaya muling nagtilian ang mga estudyante.
PLAYING: One thing by One Direction
🎶I've tried playin' it cool
But when I'm lookin' at you
I can't ever be brave
'Cause you make my heart race🎶
"AAAAAHHHHH" muling tilian ng mga nanonood.
🎶Shot me out of the sky
You're my kryptonite
You keep making me weak
Yeah, frozen, and can't breathe🎶
May pagturo pa si Renz sa kung saan. "Yabang" bulong ko.
🎶Something's gotta give now
'Cause I'm dying just to make you see
That I need you here with me now
'Cause you've got that one thing🎶
Kumuha na ako ng ilang litrato para makaalis na doon, ewan ko ba kung bakit naiinis ako kapag nakikita ko ang Renz na yan.
🎶So get out, get out, get out of my head
And fall into my arms instead
I don't, I don't, don't know what it is
But I need that one thing, and
You've got that one thing🎶
Kasi boyfriend siya ni Ariane.. sabi ng isip ko.
"Hindi pa ako siguradong boyfriend nga niya ang lalaking iyan, di hamak na mas gwapo ako sa Renz na yan" bulong ko, tinignan ko yung mga kuha nito sa camera ko.
🎶Now I'm climbing the walls
But you don't notice at all (At all)
That I'm going out of my mind
All day and all night🎶
"Ni hindi nga siya photogenic" muli kong bulong.
🎶So, get out, get out, get out of my mind (Out of my mind)
And come on, come into my life
I don't, I don't, don't know what it is
But I need that one thing, and
You've got that one thing🎶
Natapos na pala ang kanta ng hindi ko namalayan, aalis na sana ako ng bigla na naman itong magsalita.
"I dedicated this next song to my special girl, stay there and listen" bigla na siyang nag strum ng gitara.
Nagpalinga-linga naman ako upang hanapin siya, at hindi ako nagkamali. Naka pwesto siya sa bandang gilid ng stage at nakangiti.
"Kaya ka ba pumunta para lang sa kanya?" nakaramdam ako ng inis, kaya muli akong tumalikod at naglakad, pero napahinto ako nang may humawak sa braso ko.
"A-Arlene!?"
"Hi! Can I ask you a favor? Samahan mo naman ako, please!?" seryosong sabi nito kaya, tumango na lang ako at hinayaan siyang hilahin ako sa lugar na tinutukoy niya.
Halos wala masyadong estudyante sa parteng iyon ng school.
"Ano bang kailangan mo dito?" tanong ko pero ngumiti lang si Arlene at saka ito dahan-dahang umaatras.
"Aahh!" napaluhod ako ng may humampas sa likod ko, nasundan pa ito ng ilang hampas kaya bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
Thanks for reading..
Don't forget to vote and feel free to comment.
Love lots,
Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top