CHAPTER 12

<THIRD PERSON POV>

Sumunod si Ariane kay Clyde sa labas ng bahay, nakita niyang nakasandal ito sa isang pader.

"Oh!" hinagisan niya ito ng isang bote ng malamig na tubig.

"Ano ito!?" tanong ni Clyde.

"Ano sa tingin mo!?" nakataas-kilay na tanong ni Ariane.

"Tubig. Hindi naman ako nang hingi nito" sagot nito.

"Inumin mo, para mahimasmasan ka sa mga pinagsasabi mo" napakunot-noo si Ariane dahil tinawanan siya ni Clyde.

Anong nakakatawa sa sinabi ko? Baliw na talaga ang isang ito... sabi niya sa isip lang.

"Ang tagal naman ng pinsan mo. Anong oras na at saka bakit dito n'yo naisipang magkita?" sabi ni Ariane.

"May pupuntahan kasi kami, isasama n'ya si Mimi" sagot ni Clyde, ininom na rin nito yung binigay ni Ariane.

"Ikaw ba? Gusto mo ring sumama?" dugtong pa nito.

"Saan ba ang punta ninyo?"

"Jessie invited me to her birthday party, costume party kaya need naming bumili ng damit" sagot ni Clyde.

Patay na. Hindi namin napigilan... sa isip ni Ariane.

"Mukhang super close na kayo, parang kailan lang kayo nagkakilala" sabi ni Ariane, muli na naman ngumiti si Clyde.

"Are you jealous!?"

"Sira!" binato nito ng boteng walang laman si Clyde pero naiwasan naman niya.

"Wala naman sigurong masama kung pumunta ako, pwede din naman kitang isama kung gusto mo" nakangiti pa rin ito.

"No, thanks. Nakakalimutan mo yata na kaibigan ko si Jessie"

"E di, pupunta ka rin?" tanong nito.

"Hindi pa ako sure" sagot lang ni Ariane.

"Bakit naman!?"

"Kasi---" hindi natuloy ni Ariane ang sasabihin, bigla kasing nag vibrate ang phone niya.

From Spy
I have a lead. Same time, same place.

To Spy
I'm on my way

Muli niyang nilingon si Clyde, ang kaninang nakangiti nitong mukha ay napalitan ng seryoso, masama kasi ang tingin nito sa kanya.

"Hintayin mo na lang sila dito" sabi ni Ariane, muli itong pumasok sa bahay at kinuha ang susi ni Thunder.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Clyde, hinawakan din nito ang braso ni Ariane.

"May kailangan akong puntahan" sagot niya.

"Ikaw lang? Mag gagabi na. Sino naman iyon?" may inis na sa tono ni Clyde.

"Bakit ganyan ka magtanong? Are you jealous?" nakangiting sabi ni Ariane, inaasar lang naman niya ito.

Binitawan siya ni Clyde at saka ito tumalikod.

"Tss. Ang yabang, palibhasa sinabi kong gusto ko siya. Kung sabihin kong-----" muli itong humarap, hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil nawala na si Ariane.

Inilinga-linga pa nito ang paningin sa paligid pero ni anino nito ay hindi na niya nakita.

"Gangster ka nga pala kaya mayabang ka" bulong na lang nito.

Mabilis na tumakbo si Ariane para makarating sa sakayan ng jeep, kukuhanin niya si Thunder sa pagawaan para mas mabilis siyang makarating sa lugar na pupuntahan.

Mabuti na lang at maayos na si Thunder, wala na itong problema.

"Alam mo talaga kapag kailangan kita" sabi nito kay Thunder, at saka ito dinampian ng halik.

"Mahal na mahal mo talaga ang motor mo" sabi ni Jude, pinagkakatiwalaan ni Ariane na gumawa sa motor niya.

"Ibang klase ang connections namin" sagot ni Ariane, sumakay na siya kay Thunder.

"We have a long trip, be ready my friend" pinaandar na ito ni Ariane.

Halos lahat ng madaanang sasakyan nito ay nilalagpasan lang niya, kailangan niyang makarating ng mas maaga para hindi maiinip ang kaibigan.

Nakarating naman si Ariane nang mas maaga sa oras na pinag-usapan, huminto siya sa isang lumang bahay.

Isang bahay na hindi na pwedeng tirahan ng tao, dahil na rin sa iilang bubong na lang ang nakakabit. Ang pintuan nito ay nakasandal na lang, kailangan mo pang buhatin para makapasok sa loob. Wala na rin itong bintana kaya malamig sa loob.

Nagsindi si Ariane ng sigarilyo habang hinihintay ang kausap, nakita naman niyang may parating na motor kaya agad niyang itinapon ang wala pa sa kalahating yosi.

"Kanina ka pa?" tanong nito pagkatanggal ng helmet.

"Halos kakarating ko lang din, tara sa loob" yaya ni Ariane sa kaibigan.

Tumingin muna sila sa paligid bago tuluyang pumasok sa lumang bahay. Inilabas ni Ariane ang biniling alak na nasa in can at binigyan ang kaibigan.

May inilabas naman itong litrato mula sa jacket na suot at saka inabot kay Ariane.

"Siya ang huling ka-transaction ng kuya mo" tinuro pa nito yung litrato.

Tinignan maige ni Ariane yung lalaki sa picture.

Parang may kamukha siya!?.. tanong nito sa isip.

"Sa ngayon ay nasa ibang bansa ang lalaking iyan, pero ang balita ko ay uuwi siya dahil sa isang event" inilabas nito ang phone at saka pinakita ang invitation.

"Birthday ito ni Impa. Anong koneksyon nila sa lalaking ito?" may pagtatakang sabi ni Ariane.

Hindi kaya!?

Inilabas ni Ariane ang phone at saka may hinanap na pangalan sa contact nito. Pinindot niya ang call at saka hinintay na may sumagot.

(Bakit, Bruh!?)

" San ka? Pwede ba kitang puntahan? "

(Sure. Dito lang ako sa hide out)

"Okay, sige. Bye" ibinaba na ni Ariane ang phone at saka muling tumingin sa kasama.

"Salamat dito, kung may kailangan ka!? Alam mo naman kung paano ako ma-contact. Mauuna na ako sa iyo" paalam ni Ariane.

"Kapag may kailangan ka pa, nandito lang ako. Mag-iingat ka" sabi ng kaibigan, nagyakap muna sila at saka tuluyang umalis si Ariane sa lugar na iyon.

Muli niyang pinaandar si Thunder, nakarating naman siya sa isang abandonadong warehouse.

Pumasok siya sa loob nang biglang may sumuntok sa kanya pero agad niyang naiwasan. Isang babae naman ang planong sipain siya pero nasalag niya at saka ito sinipa sa tiyan.

"Tama na!" narinig niyang sigaw.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Bruh" sabi ng isang babaeng lumitaw mula sa madilim na parte ng warehouse.

"Demz!?" niyakap nito ang kaibigan.

"Long time, no see. Anong balita sa iyo?" tanong ni Ariane.

"Hindi na katulad ng dati, mas focus kay baby. Minsan na lang rumaket, alam mo na"

"Sabagay. Bakit nandito ka? Anong meron?" napansin niyang lumapit na rin si Mald.

"May raket kasi ako para kay Demz, medyo busy ka kasi kaya siya na lang tinawagan ko" paliwanag ni Mald.

"Ganun na nga, pero pwede bang malaman?" tanong ni Ariane, nagkatinginan yung dalawa at saka nagkibit-balikat.

"May target kasi kaming tao, dati raw myembro ng samahan pero biglang nawala. Gustong maka-usap ni Boss, kaya dudukutin namin" paliwanag ni Mald.

"Saan naman? Malay mo wala akong gagawin, pwede akong sumama" sabi ni Ariane.

"Sa birthday ni Impa. May event na ginawa ang father nito at nagkataon na sinabay sa birthday niya. Nalaman ni Boss na pupunta yung target, kaya nagpahanap siya ng mga tao"

Pwede akong sumabay sa kanila, para hindi ako masyadong halata... sabi ni Ariane sa isip lang.

"Kailan nga ba iyon?" kunwari ay hindi ko alam.

"Ngayon ko napatunayan na wala ka talagang kwenta" sabi ni Mald.

"Hindi n'ya kasi ako binigyan ng invitation, nagtatampo na nga ako" kunwaring nalungkot ako.

Inakbayan ako ni Mald.
"Hindi na natin kailangan ng invitation, kilala naman tayo ng mga tao doon. Ano sasama ka ba?" tanong nito.

"Alam ba ni Impa ang plano ninyo?"

"Syempre hindi, at saka hindi iyon papayag dahil pwedeng masira ang party niya" sabi ni Mald, tumango-tango lang ako.

"Ano? Sasama ka ba?" tanong ni Demz.

"Sige, kailangan ko ng pera ngayon eh." natawa naman yung dalawa sa sinabi ni Ariane.

Bigla siyang inakbayan ni Mald at Demz.
"Ikaw talaga" ngumiti na lang ito.

Mas mapapadali ang paghanap ko sa lalaking iyon... sabi niya sa isip.

Thanks for reading, please don't forget to vote and feel free to comment..
-Librakhen27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top