CHAPTER 10
Madilim na ng matapos kami sa meeting regarding sa foundation day, pauwi na ako ng mapadaan ako isang Restobar, lalagpasan ko na sana ito ng mapansin ko ang isang pamilyar na mukha.
Ariane?..tanong ko sa isip ko.
Nakasandal ito sa pader sa gilid ng bar habang naninigarilyo, lalapitan ko na sana ito ngunit naalala ko yung nangyari sa school kahapon.
Iiwasan mo na siya, hindi ba?!! sabi ng isip ko.
Kaya naglakad na ako ulit, nilingon ko na lang siya, nagtaka naman ako ng makitang bigla itong pumasok sa pinto na nasa gilid lang din ng bar.
"Anong ginagawa niya sa lugar na ito?"
Pinuntahan ko yung pinto kung saan pumasok si Ariane, medyo nakabukas ito kaya nasilip ko kung anong meron doon. Laking gulat ko ng makita na pinto rin ito papasok doon sa bar, tumingin muna ako sa paligid at saka dahan-dahang pumasok dito.
Maingay sa loob nito, marami rin ang taong nag-iinom habang nakikipag-usap sa kasama.
Inilibot ko ang tingin ko dahil nagbabaka sakaling makita ko si Ariane.
"Minor pa siya, pero bakit napunta na siya sa ganitong klaseng lugar?"
Umalingawngaw ang tunog ng mikropono kaya medyo natahamik ang lahat.
"This is the time that you'll be waiting for" sabi ng lalaking nasa stage.
"Our Mysterious Star! Ian." sabay turo sa babaeng umakyat sa stage.
Nakasuot ito ng itim na dress kaya makikita mo ang hubog ng kanyang katawan, may suot din itong itim na maskara, kung saan kalahati ng mukha nito ang natatakpan.
"Good evening, everyone" sabi niya, at malakas na palakpakan at hiyawan ang
bumalot sa buong bar.
"I dedicated this song to all of you"
Muling nagpalakpakan ang mga tao.
PLAYING: WILL YOU WAIT FOR ME
I need to talk with you again,
Why did you go away,
All our time together,
just feels like yesterday,
I never thought I'd see,
A single day without you,
The things we take for granted
we can sometimes lose.
And if I promise not to feel this pain,
Will I see you again,
Will I see you again...
Cause time will pass me by
Maybe I'll never learn to smile,
But I know I'll make it through,
If you wait for me.
And all the tears I cry,
No matter how I try.
They'll never bring you home to me,
Won't you wait for me in heaven.
Para akong na-hypnotize sa mala-anghel niyang boses, yung pakiramdam na parang kami lang dalawa ang tao sa lugar na iyon at para sa akin lang ang kinakanta niya.
Natauhan ako ng muling magpalakpakan ang mga tao, nakita kong pababa na ng stage yung Ian.
Bigla kong naalala si Ariane "Nasaan na kaya ang babaeng iyon?"
Naglakad na ako para hanapin ito, ng biglang may bumanga sa akin kaya napasubsob ako sa isang lalaki.
"Sorry po. Pasensya na po. Pasensya na talaga"
"Naku! Totoy, anong ginagawa mo dito? Bawal ka pa dito" sabi ng lalaki habang palapit sa akin, halatang marami na itong nainom.
Biglang na namang may tumulak sa akin kaya hindi ko sinasadyang natulak ito, kaya natumba siya. Nagsitayuan na rin yung mga kasama niya at nakatingin sila sa akin ng masama
"Pasensya na po talaga" sabi ko.
Napansin kong tumayo na yung lalaki at kumuha ng isang bote, binasag niya ito sa isang poste, napansin kong tumingin na sa amin lahat ng tao doon.
Kailangan kong makaalis, mamamatay ako sa lugar na ito..sabi ko sa isip lang.
Bago makalapit yung lalaki ay biglang tumunog ng malakas yung fire alarm kaya nataranta ang lahat, pati na rin ako.
Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko at saka niya ako hinila hanggang sa makalabas kami sa bar at saka tumakbo ng mabilis palayo sa lugar na iyon.
Halos maubusan ako ng hangin dahil sa layo ng narating namin, kaya ng tumigil kami ay napa-upo ako at ganun din siya.
Nilingon ko ang katabi ko na halos habulin din ang kanyang hininga, napangiti na lang ako at unti-unting nawala ang takot sa dibdib ko.
Paano mo siya maiiwasan kung tadhana na ang nagtatagpo sa inyo..sabi ng isip ko.
Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin.
"Ano bang ginagawa mo doon? Paano ka nakapasok?" tanong niya.
"Sa pinto" tinignan niya ako ng may nakakatakot na expression.
"Nakita kasi kita, tapos pumasok ka sa pinto sa gilid nung bar kaya sinundan kita. Ano nga palang ginagawa mo doon sa lugar na iyon?"
"Doon ako nagtatrabaho" sagot niya at saka siya tumayo kaya tumayo na rin ako.
Naalala kong nabanggit na iyon sa akin ni Mimi.
"Nagtatrabaho? Bakit? I mean buti pinapayagan ka ng magulang mo. Hindi tamang nasa ganung lugar ang isang minor na katulad mo"
Bigla na siyang tumayo kaya tumayo na din ako.
"Umuwi ka na nga, mawawalan ako ng trabaho dahil sa iyo" naglakad na ito.
"Sabay na tayo, baka may mangyaring hindi maganda sa iyo. Babae ka pa naman" sinundan ko naman siya.
Tapang.. sabi ng isip ko
"Kaya ko na ang sarili ko, isipin mo na lang yung sarili mo" sabi niya.
"Oo nga pala. Bakit nga pala ako mag-aalala sa isang gangster" bulong ko lang pero mukhang narinig niya.
Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto din ako, bigla din siyang lumingon sa akin kaya nakaramdam ako ng kaba.
"Wa-wala akong si-si---" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla niyang takpan ang bibig ko.
Bumibilis ang tibok ng puso ko, halos dangkal lang kasi ang pagitan ng mukha niya sa mukha ko pero hindi siya nakatingin sa akin.
Doon ko lang natitigan maige ang mukha niya, medyo singkit ang mga mata niya at hindi naman katangusan ang ilong niya. Makinis din ang mukha niya at ang labi niya--
"Gusto mo bang mabulag?" bigla siyang tumingin sa akin kaya napaatras ako pero hinala niya ako pabalik at saka niya ako niyakap.
At doon ko na napatunayan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya.
~⚖️~
<THIRD PERSON POV>
Bakit ba napakamalas naman ng lalaking ito?..tanong ni Ariane sa isip niya, habang nakayakap kay Clyde.
Umiiling ito sa lalaking nasa harap niya, balak kasi nitong saksakin si Clyde mula sa likod, pero hindi siya sinusunod nito kaya mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay nito.
Nabitawan ng lalaki ang patalim, bigla namang umikot si Ariane para makipagpalit ng pwesto kay Clyde at saka niya sinipa ang lalaki sa tiyan.
Kita naman ang gulat sa mukha ni Clyde.
"Paano ba iyan? Mukhang kailangan na naman nating tumakbo" sabi ni Ariane at mabilis na hinila si Clyde.
"Ano bang nangyayari?" tanong ni Clyde habang natakbo sila.
"May balat ka ba sa puwet?" tanong naman ni Ariane
"Wa-wala naman, bakit mo tinatanong?"
"Masyado kang malapit sa gulo" sagot ni Ariane.
Nakarating sila sa isang eskinita at doon nagtago, nakita nilang lumagpas na yung limang lalaki na humahabol sa kanila.
Napa-upo na lang si Ariane pati na rin si Clyde.
"Sino ba ang mga iyon?" tanong ni Clyde.
"Sila lang naman yung nakaaway mo doon sa bar, mga notorious na tao ang mga iyon" napatingin si Clyde kay Ariane.
"At alam mo ba--" unti-unting nilapit ni Ariane ang mukha kay Clyde.
Hindi naman nakakilos ito, hanggang sa--
"Kaya ka nilang patayin" bulong nito sa tenga ni Clyde.
Natulala si Clyde, hindi dahil sa sinabi ni Ariane kundi dahil sa epekto ng paglapit nito sa kanya.
"Hahahahaha! Nakakatawa ang mukha mo, hahahaha!" patuloy na tawa ni Ariane, kaya natauhan si Clyde kaya tumayo na lang ito.
Dahil talagang natuwa si Ariane ay hindi pa rin niya ito tinigilan, muli nitong nilapit ang mukha sa tenga ni Clyde.
"Natakot ka ba? Tsk!" pang-aasar nito.
Hindi na napigilan ni Clyde ang sarili, isinandal niya si Ariane sa pader at tinitigan sa mata, dahil sa gulat ay hindi nakagalaw si Ariane.
Inilapit naman nito ang mukha sa tenga ni Ariane. "Huwag mo na ulit gagawin iyon, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod" bulong niya dito.
Umatras na si Clyde at saka ngumisi.
"Mauna na ako, baka nag-aalala na sa akin si Kevin. Mag-iingat ka sa pag-uwi"
Umalis na ito ng hindi man lang hinintay ang sagot ni Ariane at saka ngumiti pagtalikod niya.
Natauhan si Ariane ng biglang magvibrate ang phone niya.
"Hello?"
(Nasaan ka na? Bakit umalis ka ng hindi nagpapaalam?) sabi ng may-ari ng bar.
"Papunta na po" binaba na niya ang tawag.
Ang lakas ng loob mo, Clyde Ruiz. Tignan lang natin ang tapang mo.. sabi nito sa isip lang, at saka naglakad pabalik sa bar.
KINABUKASAN
Nakita ni Ariane si Clyde na naglalakad sa lobby, tinignan muna niya ang paligid. Wala pa masyadong estudyante dahil maaga pa.
Dahan-dahan itong lumapit kay Clyde "Boo!" bulong niya dito.
Tumigil si Clyde sa paglakad, habang si Ariane naman ay nagpatuloy lang at saka muling humarap kay Clyde, inilabas nito ang dila na parang nang-aasar.
"Parang bata" sabi ni Clyde at saka siya ngumiti, pero agad din niyang binawi ng makita kung sino ang nasa likod ni Ariane.
"Oh!" sabi ni Ariane ng may mabangga siya.
"Hindi kasi ganyan ang tamang paglakad, gusto mo bang ituro ko sa iyo?" sabi ni Renz.
"Sira ka!" sabi nito, agad niyang nilingon si Clyde pero ang seryosong mukha nito ang kanyang nakita at nilagpasan lang sila na parang hindi kilala.
Moodswing?!?.. tanong nito sa isip.
"L.Q!?" napatingin si Ariane kay Renz at saka muling tinignan ang malayo ng si Clyde.
Thanks for reading, please support this story. Don't forget to vote and feel free to comment.
-Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top