CHAPTER 1

<THIRD PERSON POV>

Hinatid si Clyde ng mommy niya sa labas ng gate.

"Mag-iingat ka doon, huwag masyadong magpasaway"

"Yes, Mom! Don't worry about me, mag-iingat kayo ni Dad sa Canada"

Niyakap si Clyde ng mommy niya kaya gumanti rin ito ng mahigpit na yakap.

"Hindi ko na kailangan pang sabihin na mag-aral ka ng mabuti dahil alam kong gagawin mo iyon" nakangiting sabi ng mommy nito ng maghiwalay sila.

Tumango lang ito habang nakangiti "Mami-miss ko kayo ni Daddy, Mom."

"We will miss you too, kaya lagi ka namin tatawagan, don't forget to always check your phone. Baby."

"Mom. Nakakahiya kay Tatay Ron, sabihin niya mama's boy ako" napalingon sila sa isang lalaki na nakangiti lang sa kanila.

"Ron, thank you dahil pumayag kang tumuloy sa inyo si Clyde, don't worry kapag naging maayos na ang lahat makakabawi din ako sa iyo"

"Wala po iyon, bata pa lang naman po itong si sir Clyde ay driver nyo na ako kaya anak na rin ang turing ko sa kanya. Mas okay nga po iyon dahil may makakasama na si Kevin sa school at baka ito pong si sir Clyde ang makatulong para tumino ang anak ko" napakamot pa sa ulo si Mang Ron kaya natawa ang mag-ina.

"Oh, sige. Mag-iingat kayo sa byahe, I-text mo kaagad ako Clyde kapag nakarating na kayo sa Cavite. Tomorrow afternoon pa naman ang flight namin ng Daddy mo"

"Ay.. Ay... Captain" muli nitong niyakap ang ina bago sumakay ng kotse.

Umandar na ang kotse pero naka silip pa rin ito sa bintana habang tinitignan ang ina na kumakaway sa kanya.

"Don't worry sir Clyde, magiging ayos din po ang lahat" nilingon nito ang driver at ngumiti.

Hindi naman kalayuan ang byahe nila pero dahil traffic ay nakaidlip si Clyde, sa pagmulat niya ng mata ay isang malawak na dagat ang nakita niya. Muli niyang binuksan ang bintana ng kotse upang lumanghap ng sariwang hangin.

"Matagal na rin po nung huling punta namin sa bahay ninyo, kaya nakakamiss din ang fresh air" sabi nito habang nakapikit.

Beeeepppp..

Napahawak si Clyde sa harapan ng kotse ng biglang magpreno si Manong Ron.

"Ayos lang po ba kayo, Sir?"

"Ayos lang naman po"

"Itong mga motorsiklo na ito akala mo ay hari ng kalsada, bigla na lang sumisingit" sambit ni Manong Ron.

Tinignan na lang ni Clyde yung motorsiklong nasa harap nila, napansin niyang babae ito dahil sa hubog ng katawan nitong bumabakat sa itim nitong leather jacket, nakalugay din ang itim nitong buhok na may konting high lights.

Nagpatuloy na ulit ang byahe nila at humihinto lang tuwing madadaan sila sa intersection.

Napalingon si Clyde sa labas ng mapansin ang motorsiklong muntik na nilang mabangga.

Naka full gear naman ito mula ulo hanggang paa, dahil sa pagtitig sa babae ay hindi napansin ni Clyde na nakaharap na siya dito, dahil sa pagkagulat ng biglang humarap ito sa kanya, iniangat ng babae ang shield ng helmet at tumingin kay Clyde ng may pagtataka.

Natauhan naman ito at umayos ng upo, isinara din nito ang bintana ng kotse. Nagkulay green naman ang stoplight kaya umandar na sila pati yung babae.

Bakit ganun!? Para akong na hypnotized.. Sabi nito sa isip lang kaya napapikit lang siya pero yung mukha pa rin nung babae ang nakita niya.

"Nandito na po tayo, Sir Clyde" napadilat si Clyde, isang kahoy na bakod ang nakita niya at sa loob nito ay isang hindi kalakihan na bahay.

Bumaba na siya at kinuha ang gamit sa likod ng kotse bago sumunod kay Mang Ron.

"Welcome po, sir Clyde" bati ni Aling Mel, asawa ni Mang Ron.

"Thank you po nanay Mel" nagmano ito.

"Ang laki mo na, parang kailan lang nung nagtatatakbo kayo ni Kevin sa likod dahil sa mga manok at biglang iiyak kapag natuka" natatawang kwento ni Aling Mel.

"Kaya nga po. Medyo matagal na nga po iyon, medyo naging busy sa school kaya hindi na kami nakadalaw dito"

"Balita ko nga ikaw ang nangunguna sa klase ninyo"

"Sinwerte lang po"

"Alam kong matalino kang bata at mabait pa, kaya napaka swerte ng mga magulang mo sa iyo"

"Swerte din po ako sa kanila, Nay."

"Mukhang may bisita tayo" napalingon sila sa dumating.

"Bro!?" si Kevin, anak ni Manong Ron at Aling Mel.

"Bro! Long time no see" nagyakap ang dalawa na halatang namiss ang isa't-isa.

"Kamusta na? Totoo bang dito ka na muna mag-aaral?" tanong ni Kevin

"Oo, kailangan kasi nila Daddy pumunta sa Canada" sagot naman ni Clyde

"Eh di, ayos. Matagal tayong magkakasama"

"Ganun na nga, anong year mo na ba sa pasukan?" tanong ni Clyde sa kababata.

"Graduating na ako, grade ten na ako sa pasukan"

"Ganun ba!? Mas matanda pala ako sa'yo, grade eleven na kasi ako"

"Oo nga, balita ko valedictorian ka. Congratulations bro."

"Thanks! Nakatyamba lang" napakamot pa ito sa ulo.

"Kevin, papalitin mo muna ng damit si sir Clyde at nang makakain na" napatingin sila kay Aling Mel.

"Clyde na lang po, nakakailang po kapag may Sir"

"Oh, sya. Magbihis ka muna Clyde, doon ka sa kwarto ni Kevin tumuloy, ikaw naman Kevin tulungan mo si Clyde mag-ayos ng gamit niya"

"Opo inay"

Sabay na silang pumasok sa kwarto ni Kevin at nagpatuloy lang sa kwentuhan habang nag-aayos ng gamit.

"May girlfriend ka na ba?" nagulat si Clyde sa tanong ni Kevin.

"May niligawan pero nabasted din ako, lumipat siya ng ibang school"

"WHAT!? Isang Clyde Ruiz, binasted? Parang malabo" tumango lang ako.

"Mahina ka pala, Bro! Hayaan mo, ipapakilala kita sa mga girls doon sa school" may pagtapik pa sa balikat ni Clyde si Kevin.

"Sabi mo iyan ha!?" nagtawanan naman sila.

~⚖️~

<ARIANE POV>

"Uwe na po ako" sigaw ko bago lumabas ng restobar.

Isang nakakapagod na gabi na naman ang natapos, kailangan ko ng maka-uwi kaagad para makatulog.

Agad akong sumakay kay Thunder, yung motorsiklo ko. Nagmadali ako sa pagmamaneho dahil maaabutan ako ng traffic, biyernes pa naman.

Pinaharurot ko si Thunder, sumisingit ako sa mga kotse para madaling makauwe pero hindi ko napansin yung isang kotse na katabi ko buti na lang at nakaiwas ako kaagad at inunahan ko sila.

Pinaandar ko ulit si Thunder, napahinto naman ako sa intersection dahil inabot ako ng stop. Nararamdaman kong parang may nakatingin sa akin kaya agad ko itong nilingon, kita ko naman ang gulat sa mukha niya "Mukhang tanga ang isang ito"

Iniangat ko ang shield ko at nakipagtitigan sa kanya, agad naman itong natauhan sa katangahan kaya isinara nito ang bintana ng kotseng sinasakyan.

"Tss" napangiti ako dahil kita ko ang pagkapahiya niya, buti na lang at nag go na kaya pinaandar ko na ulit si Thunder.

"Nandito ka na pala, nagpaalam ka na ba kay Rex? Enrollment na sa Lunes" si Mimi, pinsan ko.

"Oo, ito nga pala yung kalahati ng last pay ko" iniabot ko ang halagang dalawang libo.

"Sa'yo na iyan, ibili mo nang gamit mo. Nagpadala naman si Mama kaya may extra pa akong pera"

"Iniwan ko dito sa ibabaw ng ref. Ako ng bahala sa sarili ko, alam mo namang hindi ako sanay na may utang na loob" pumasok na ako ng kwarto.

Mas matanda lang ng isang taon si Mimi sa akin, nakatira na ako sa kanila mula pa nung mag trese ako, naghiwalay kasi ang mga magulang ko, may kanya-kanya na silang pamilya, bumukod ako dahil ayoko ng may nakikialam sa aking ibang tao.

"Umayos ka, Ariane. Baka kung anu-ano na naman ang gawin mo. Magtino ka na dahil hindi ka na bata, isang taon na lang at ga-graduate na tayo"

Hindi ko na siya pinansin, natulog na ako dahil masyado akong napagod. Alam ko naman na sanay na iyon sa akin kasi kahit anong sabihin niya ay hindi rin ako makikinig.

~⚖️~

LUNES..

Sumakay na ako kay Thunder para makapunta ng school for enrollment.

"Hoy, Ariane! Hintayin mo ako" dinig kong sigaw ni Mimi pero hindi ko siya pinansin at pinaandar ko na si Thunder. Alam naman niya na hindi ako nagpapasakay ng iba sa motor ko.

Nasa may lobby na ako ng school ng bigla akong hampasin ni Mimi.

"Kahit kailan wala ka talagang kwenta" sigaw nito kaya napatingin sa amin yung ibang tao doon.

"Makapanakit ka, parang hindi mo naman alam. Sapakin kaya kita ng matauhan ka" aambaan ko lang sana si Mimi ng biglang may sumulpot na ibang mukha.

"Aray!" sigaw nito.

"Babe. Okay ka lang?!" tanong ni Mimi sa boyfriend niya.

"Sobra ka na, pati si Kevin dinamay mo, masakit ba, babe?" nakanguso naman itong tumango.

"Ang OA n'yo, bagay nga kayong dalawa. Ni hindi nga ako nasaktan sa matigas na mukha niyang boyfriend mo" tinignan nila ako ng masama.

"Okay! Sorry na, bigla ka kasing sumusulpot, para kang kabote" tinalikuran ko na sila at pumila.

"Bro. Dito" dinig kong sabi ni Kevin

"Pasensya na, galing kasi ako sa clinic" sagot nung dumating, dinig na dinig ko sila dahil nasa likod ko lang sila.

"Ano bang nangyari? Hala, may bukol ka"

"May tumama kasi sa akin tapos hindi man lang nag sorry yung may ari"

Dahil wala nga akong pakialam sa kanila ay hinahayaan ko lang silang mag-usap.

"Oo nga pala, si Mimi, girlfriend ko. Babe, si Clyde"

"Hi, I'm Clyde, pinsan ni Kevin"

"Hi, siya pala ang pinsan ko si Ariane" dinig kong sabi ni Mimi pero hindi ko sila ni lingon.

"Pasensya ka na, binge! Hoy!" hinampas ako nito kaya wala akong choice kundi ang lingunin sya.

"Kanina ka pa, sasapakin na talaga kita" sabi ko bago ako lumingon sa lalaking pinakikilala nila.

"Ikaw!?" sabay pa kami.


Thanks for reading, please support this story of mine.
Don't forget to vote, comment and follow.
-Librakhen27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top