Chapter 4
His Muse
"What's our errand for today, bossing?" I asked, breaking our morning silence.
Out of all the the trip we had, this is probably the most awkward one. Hindi ko alam kung paanong aakto na parang walang nangyaring palitan ng salita sa amin kagabi.
I'm swallowing all the squeal that has been wanting to come out of my mouth since earlier. I am frustrated, troubled, and confused to top all of that. This wasn't the first time something like this happened between us, but the circumstances keep reminding me of that day when everything turned gray for us.
"Nothing in particular. We'll stroll around the area and look for something we can improve." He scrolled on the screen of his tablet, not looking at me.
Sure ako na balita ang binabasa niya ngayon. Kung hindi man, mga report na inilatag ko sa kaniya. O kung hindi pa rin, weather forecast ang kumakain ng oras niya.
He hates being soaked under the sun, it irritates him. Kaya bago siya lumabas sinisiguro niyang hindi tirik ang araw. Palibhasa, laking aircon kasi kaya madaling mainitan at ayaw nabababad sa arawan.
"Hindi pa tayo uuwi? We are loaded, Sir," pagpapaalala ko sa kaniya. "Maraming reports na nakatambak na naman sa lamesa ko na kailangan ko pang basahin bago ipaabot sa iyo. For sure, overtime na naman ang aabutin ko."
"I'm the CEO, Capri," pagpapaalala niya na para bang sinasabi lang na kumain na siya.
It was as if those three capitalized letters were enough to be an answer to my worries. Ni hindi man nga niya inabala ang sarili niya na pahabain pa ang eksplenasyon na ibinigay sa akin.
Oo nga naman kasi. Siya ang boss, at hawak niya ang oras niya. I'm just a bit worried about the things we left at the main office. Lalo na sa part ko na maraming naiwan na trabaho. Isa pa, malapit na ang katapusan at sahuran na naman.
"Kumain ka na," pautos niyang sabi bago uminom ng kape niya. "Your clothes are in the comfort room."
Tahimik na tumango ako at naupo sa katapat niyang upuan. "Ikaw nagluto?" nagtataka kong tanong. May pandesal doon, hot choco, sunny side up, hotdog, at bacon. Lahat paborito ko.
Although may chance naman na room service ang mga pagkaing nakahain sa hapag-kainan, mas ginusto ko pa rin ang magtanong para buuin ang araw ko at sirain ang kaniya.
He threw daggers at me with his sharp eyes. Napanguso na lang ako at hindi na nangulit pa. Ang aga-aga sobrang suplado na agad.
"Kailan ka kaya babait?" Napailing ako.
Mas lalo niyang tinaliman ang tingin niya sa akin. At kahit na hindi siya nagsalita, para bang isang nobela na may isang daang kabanata na ang naisulat niya sa uri nang pagkakatingin niya sa akin.
He's probably regretting taking me as his secretary.
"We have a charity ball to attend next week," balewalang saad niya nang makabawi.
Nabitin sa ere ang gagawin ko pa lang sana na pagsubo ng itlog. "What do you mean tayo?" Salubong ang kilay na binalingan ko siya. "Bakit parang hindi naman yata ako na-inform? Plus, I doubt I am even needed there. Secretary ako, hindi date o muse mo."
"I need someone beside me, Capri," he reasoned out.
"It doesn't have to be me, Sir Calder," I answered back.
Nako, dalang-dala na ako sa mga pasosyalan na party na ganyan. I don't even want to set foot to any party he needs to attend. Masyadong nakakarindi ang kaplastikan ng mga tao.
"Trust me, I've spent long hours thinking of who to bring with me to that ball. They are requiring us to bring a date and you are the first and last person I could think of, Capri," he replied in a tone that seemed to be pleading.
Instead of answering him, I found myself staring at him like a fool. Nakakamangha kasi, ang haba nang sinabi. Take note, hindi pa siya galit sa lagay na 'yan.
"Wow, nagsasalita na siya," pang-aasar ko.
I also made sure to keep my mouth hanging after my words to make it appear that I am amazed by him speaking that long.
"Capri," he called with a hint of warning in his voice.
"Joke lang, eh." Napanguso ako. "Kasama ba sa choices ang hindi sumama?" pagbabakasakali ko.
He just simply eyed me. Mas lalo lang tuloy humaba ang nguso ko.
Napuno agad ng kung ano-anong bagay ang isip ko. I don't like the idea he's proposing. Bukod kasi sa hindi ako komportable na dumadaloy sa mga ganitong klase ng pagtitipon, alam ko rin sa sarili ko na hindi ako babagay roon.
For sure that event will be filled with socialites and expensive people. I'll be out of place, no doubt about that. Wala nga akong damit na puwede kong suotin na aakma sa okasyong 'yon.
I am also not fit to socialize with elite people; not with poise, not with how I act, nor with my words. It's just that... masyadong malayo ang estado ko sa buhay para itabi sa kanila na mga ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
That would be the most embarrassing moment of my 26 years of living, trying to fit into something not meant for me. But it's Calder we are talking about.
He's my boss.
"Bakit hindi na lang si Miss Evita ang imbitahin mo?" suhestiyon ko. "Mukhang maayos naman ang meeting ninyo kagabi," pagdidiin ko sa huling salita.
Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay niya sa sinabi kong iyon. His lips twitched, too. "I'm not crazy to bring a madwoman with me, Capri." He scoffed.
"For sure naman nandoon din siya. You both live in the same world, hindi malabong imbitado rin siya," segunda ko sa nauna kong suhestiyon.
"Kaya mas kailangan kita. At least she'll get scared seeing you," paliwanag niya.
"As if she'll get scared," I replied sarcastically. "Binantaan pa nga lang ako na huwag maglalapit sa 'yo, 'di ba? Nananakit pa." Nalukot na lang ang mukha ko, isang reaksyon na madalas kong ginagawa tuwing naiisip ang babaeng 'yon.
Naalala ko na naman tuloy ang banta niya sa akin kahapon lang. Akala mo naman kung sinong may karapatan kung makapagbitaw ng banta. Not as if she could do something about me being Calder's secretary.
Hello? Six years na niya akong sinusubukang ilayo sa love interest niya. Hanggang ngayon wala pa rin siyang nagagawa. Bakit hindi na lang kasi sumuko, eh. Masyadong desperada.
"What do you mean?" Calder turned off his tablet to look at me properly. He even placed it on top of the table.
"Wala," paiwas kong sagot. Nag-iwas din ako nang tingin.
"Capri," he called sternly.
Ngumiwi lang ako at umiling, tumatangi na siya ay sagutin. Wala sa plano ko ang magmukhang sumbungera lalo na kung si Evita lang din naman ang dahilan.
Hindi naman siya nakakatakot. Nakakairita lang ng sobra talaga.
"Don't make me call your name twice," Calder warned.
"Wala lang 'yon," tanggi ko pa rin.
"I won't buy that." Calder pulled his chair towards the table, making our distance a lot closer compared to earlier.
"Wala nga lang iyon talaga. Hindi big deal." Pilit ko siyang nginitian para pahupain ang kuryosidad niya.
"Kaiya," he called again.
Napanguso na lang ako. 'Di hamak na mas seryoso na ang boses niya ngayon. He even sounded pissed with me for not answering his queries. Malay ko ba sa sunod na gagawin ni Calder kapag nalaman niya ang bagay na iyon.
"I told you already, she threatened me to distance myself from you while digging her nails on my skin," I surrendered.
"Come again?"
"English na nga, hindi mo pa naintindihan. 'Di ba first language mo iyon?" Napailing ako sa kaniya. "Ano? Tagalugin ko?"
"Come here," he ordered, ignoring my sarcasm.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Masyado siyang seryoso para muli kong batuhin ng biro. Ramdam ko iyon. Mas nawalan na kasi ng emosyon ang mga mata ni Calder at sobrang talim na tumingin na para bang galit.
Kahit ang katawan ko, kusa na ring nagre-react, dahil sa lamig ng pakikitungo niya. Tumaas ang balahibo sa batok ko at bahagya ring nanlamig ang mga kamay ko.
Even the awkwardness I felt earlier vanished. All that I could feel was consciousness towards the sudden change in Calder's mood.
"Where did she touch you?" Calder asked darkly, still throwing daggers at me with his stares.
But I know that the look he has wasn't directed for me. Kaya kampante akong hindi siya sa akin galit kundi sa nangyari na hindi niya alam.
"It's not serious, Sir Calder. Kalma ka lang," pagsubok ko na kalmahin siya.
"Come here," he commanded instead.
Pigil ang ngiwi na tumayo na lang ako sa harapan niya. "Ang OA mo, alam mo iyon? Wala lang naman kasi iyon."
Hindi siya kumibo. Sinimulan niyang inspeksyunin ang kanang braso ko, naghahanap ng kung ano roon. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Wala naman akong kasalanan ngunit hindi ko rin maiwasan ang kabahan.
Knowing him, hindi niya basta-basta pinalalampas ang mga ganitong insidente.
Included in Calder's things-I-hate-most-checklist was mistreatment. He hated any kinds of it, verbal, sexual, mental, emotional, and physical. Kaya protektado ang lahat ng mga empleyado niya at oras na mabalitaan niyang may insidente ng pananakit ay agad na umaaksyon siya.
Which scares me even more. Baka ano pang gawin niya kay Evita.
"Wala?" mapanganib niyang tanong. Halos mawalan na ng espasyo ang pagitan ng dalawang kilay niya dahil sa sobrang pagsasalubong ng mga iyon. "Anong tawag mo rito?"
Sinundan ko nang tingin ang braso ko. Kita ang pahilom na sugat doon dahil sa ginawa ni Evita kahapon. But despite the night passing by, it still looks a bit swollen and red. "Malayo sa bituka," nakangiwi kong biro. "Gasgas lang naman, eh."
"Hindi pa rin tama," iritable niyang tugon.
"It's okay." Pasimple kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Dahil sa ginawa kong iyon ay mas lalo lang tumalim ang tingin niya sa akin. Ngayon, sigurado akong para sa akin na iyon.
Para tuloy akong sinasakal at nililitis sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa.
Kaya gano'n na lang ang lalim nang binitawan kong buntonghininga nang mag-ingay ang cellphone ko, hudyat na mayroong tumatawag.
Thank you, Lord!
"Excuse me," pagtakas ko mula sa kaniya.
Dali-dali kong kinuha ang phone ko at nagtungo sa balcony para sagutin iyon. Ngunit ako naman yata ang maha-high blood nang makita ko kung sino ang tumatawag.
"Wala akong pera," bungad ko sa nasa kabilang linya.
"Ganiyan din ang narinig ko sa 'yo noong nakaraang buwan," sagot niya sa akin gamit ang nakasanayan ko ng masungit niyang tono.
Napairap ako sa hangin. Excuse me lang. Hindi naman ako tanga para bigyan siya ng pera lalo na't alam kong ipangsusugal lang niya.
"Si Kier lang ang kakausapin ko tungkol sa pera, Ma. Wala kang makukuha sa akin," tugon ko at ibinaba na ang tawag.
Agad na nag-dial ako ng number ng kapatid ko na sumunod sa akin, si Kier. Third year college na siya ay kumukuha ng kursong Education.
"Ate," pagsagot niya sa tawag ko.
"Kier, kumusta kayo? Nakahanap ka na ba ng lilipatan?" tanong ko.
"Wala pa, Ate, hindi ko natuloy mag-down doon sa apartment nila Ate Madol. Kinuha kasi ni Mama iyong huling padala mo," paliwanag niya.
Napapikit ako ng mariin sa paglukob ng iritasyon sa akin. Sabi ko na nga ba.
"Hayaan mo na," buntonghininga ko. "Maghanap ka na lang agad ng lilipatan. Kung p'wedeng sa Tarlac na mismo, roon na. Para malapit na rin sa university mo at sa pinapasukan nila Kendra," tukoy ko sa gitna naming kapatid.
Sa Angeles kasi sila nakatira ngayon. At sa Tarlac State Universities pumapasok si Kier dahil nakakuya siya ng slot para sa free tuition. Sila Kendra naman sa kalapit na public school pumapasok.
"Sige, Ate."
"Balitaan mo ako agad. Send ko na lang sa bank mo ang allowance niyo ngayong buwan. Huwag mo na lang hayaan na malaman nila Mama at Papa," bilin ko at nagpaalam na.
Sigurado naman kasi akong oras na malaman nila ang tungkol sa pera, kukuyugin na naman nilang dalawa si Kier para kuhanin iyon. At iyon ang pinakaayaw kong mangyari.
Nagtatrabaho ako para makatapos sa pag-aaral ang mga kapatid ko. At para hindi sila maghirap, malayo sa buhay na hinayaan nilang danasin namin noong nag-aaral pa ako. Wala ni singkong duling ang nakalaan para sa bisyong sugal ng mga magulang ko.
"I told you, I'll give them scholarships."
Umiling ako sa suhestiyon ni Sir Calder. Binalingan ko siya at nakitang nakasandal siya sa hamba ng pintuan, nakakrus ang mga braso, at seryoso na naman.
Hindi na ako nagulat sa biglaang pagsulpot niya. May mga pagkakataon na sumusulpot na lang kasi siya bigla, lalo na kapag involve ang mga kapatid at magulang ko. Ramdam ko rin kanina pa na nakatayo siya sa likod ko. May pagkatsismoso kasi, eh.
He would generously offer me financial assistance or scholarship for them. But I don't want to.
"Hindi ba't ang policy ay para sa mga anak ng empleyado lang?" nagpapaalalang tanong ko. "Hindi ko naman anak ang mga kapatid ko kaya hindi kami pasok. Baka ano pa sabihin ng mga empleyado mo."
"I'll have it revised for your peace of mind." Calder shrugged his shoulders.
Siraulo nito.
"No, thanks. Baka mamaya ma-issue pa ako. Malaki naman sahod ko kaya kayang-kaya," sagot ko sa kaniya.
Totoo naman iyon. Malaki ang sinasahod ko sa kaniya. Idagdag pa na hindi siya madamot sa increase kahit na binubudol ko na lang talaga siya minsan. Kaya sobrang thankful ako. Ayaw ko na rin pakawalan ang trabaho ko.
I could earn as much as 50k for my basic pay a month. May allowance din kasi akong natatanggap tuwing sinasama niya ako sa field niya.
Wala namang masyadong binabayaran sa school at kadalasan ay sa mga libro at projects lang. Sa public school nag-aaral ang dalawa kong nakababatang kapatid at sa state university naman ang dalawa pa. Si Knoa na bunso ay Grade 7 at si Kendra na kasalukuyang Grade 11 sa strand na STEM. Si Kia naman ay 1st year college sa kursong Marketing Management. Wala naman silang tuition na binabayaran kaya malaki rin iyong tipid sa akin.
"This is also for all the breadwinners working for the company," he continued. "Schedule me a meeting with Shane."
"Pero—"
Calder turned his back on me even before I could finish what I was about to say. "No buts."
Paano ba ako mananalo sa kaniya kung ganitong seryoso na siya? Of course, kapag gusto niya gagawin niya.
Shane's the HR Manager of Mandana's Sunset. At para i-meeting siya pagkatapos nang usapan namin ay isa lang ang ibig sabihin. Gagawin at gagawin niya ang gusto niya.
"Finish your food," Calder half-shouted.
Sa hindi mabilang na pagkakataon, napailing na lang ako kasabay ng isang buntonghininga. Bumalik ako sa dining at tinapos ang pagkain ko. Nasa sala na siya ngayon, nakadekwatro habang nagpipindot sa cell phone.
After my meal, we have decided to proceed with our plan of checking the premises of Mandana.
At kahit sa pag-iikot na 'yon ay seryoso pa rin siya. Ang damot sa ngiti.
"Any complaints for the past weeks?" Calder asked.
I picked my ears as I waited for Jerome's answer. Kasama kasi namin siya sa paglalakad habang nagre-report siya directly kay Calder.
"A few, Sir. May ilan na tungkol sa restrictions natin sa mga alcoholic beverages na dinadala sa beach area. Although not a complaint, may iba naman na nag-request ng live bands," imporma niya.
Tumango-tango si Calder, iniintindi ang mga nalamang impormasyon. "Bookings?"
"Our bookings increased this month against last year and last month's performance, Sir. Recently, the penthouse got booked for a bachelorette party. Mayro'n ding nag-book sa rooftop for a wedding."
"Wedding? On a rooftop?" he queried, a mixture of faint shock and disbelief hinted at his voice.
"Yes, Sir, by the sunset." Jerome smiled as if looking forward for that day. "We normally don't allow it, but the client paid triple. Malawak naman ang rooftop at kayang i-accommodate ang lahat ng bisita nila kaya pina-approve ko na."
"Dumaan iyan sa inyo, Sir," paalala ko. "The one you signed a day before our month-end meeting."
Walang-imik na tumango lang siya. Mukhang hindi naman talaga nabasa ang maliliit na detalye nang pina-approve kong report. Kapag ganito kasing unusual at hindi pa nae-encounter ng mga managers, idinadaan nila sa management. From general manager na siyang humahawak sa mga managers, inaakyat kay Calder.
But even before he touches any of those sheets, ako muna ang babasa at magre-review kung okay ba. Sayang kasi sa oras kung hindi naman pala okay tapos ipapasa ko na sa kaniya. Alam ko na kasi ang likaw ng bituka niya at pamilyar na ako sa mga bagay na gusto niyang nababasa sa reports na maa-approve agad. Not to waste both our time, I'm double checking everything for him.
Pansamantalang nawala sa kanila ang atensyon ko nang makita ko ang pasimpleng pagsulyap ng mga kababaihang nadadaanan namin sa boss ko.
"How was the reception for Dusk?" I heard Calder ask.
Pasimple kong pinantayan ang paglalakad ni Calder. Kaya hindi sinasadiyang bumangga ang likod ng kamay ko sa kamay niya.
Pilit na nginitian ko lang siya bago pasimpleng binalingan ulit ang mga tumitingin sa kaniya. Grabe talaga, ang sungit na nga tingnan ang dami pa ring nalolokong kababaihan.
"Nothing but positive responses, Sir," Jerome proudly relayed.
"Anong sabi ng mga tao?" singit ko sa usapan nila.
"Ang gandang concept daw. Panibagong babalik-balikan dito sa Mandana," saad niya.
"It was Capri's idea," Calder shared.
Napangiti ako, iyong proud na ngiti. Cottages by the beach, that's Dusk. Wala kasing gano'n sa kahit na anong branch ng Mandana.
It was newly launched, just a month ago. So far, besides here in Clark, the other branches have said the same thing. It was well received.
"Wow, seryoso?" Binalingan ako ni Jerome at nag-thumbs up.
Nagkibit-balikat ako. "Healing kasi sa akin ang pagbi-beach noon kahit na sobrang dalang ko lang ginagawa. To be surrounded with a bed of fine sand felt serene. Even the sound of each wave sounds like a lullaby to me."
"Siguro iyan din ang rason mo kung bakit ka nagtagal dito sa Mandana," komento niya.
Misteryoso akong napangiti. Pasimple kong sinulyapan si Calder na sandali ring napahinto sa paglalakad at pasimpleng tumingin sa akin.
"Maraming rason, pero isa na iyon," simple kong tugon habang ang paningin ay nakapako sa isa ko pang rason.
Si Calder.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top