Chapter 1

Secretary

People around me always say that I am one hell of a lucky bitch for possessing a beauty that would make someone turn their heads on me. They say I could have men play on top of my palms and make them head over heels for me.

But damn life for playing me dirty instead.

Because none of those happened. Men sure did want me but I sought someone who was off-limits.

I took a heavy sigh when the familiar yet unfamiliar sensation got me awakened upon remembering that night when alcohol took the best of me.

"Capri," a man's voice called from my back, waking me up from my reverie.

Hindi ko pa man siya hinaharap pero nakilala ko na agad ang boses niya. Sa ilang taong pagtatrabaho ko sa kaniya ay nakabasido ko na ang halos lahat ng may kinalaman sa kaniya maging ang paglalakad at kaniyang personalidad.

Malalim ang boses na mayroon siya, ipinakikita na sa lugar na ito'y siya ang dominante at tinitingala. He's the one to be followed, to be respected utmost. Even though this place was obviously small compared to what other empires have, it wouldn't be mistaken that he has the power of a king who's dominating his kingdom.

A ruler of his own land.

"You're coming with me," he ordered using his charismatic and baritone voice. Kalalabas lang niya ng opisina niya.

"Sana tayo, Sir?" I asked and immediately fixed my things, just randomly putting everything inside my black SECOSANA Lalaby plain tote bag.

Matagal ko na 'yong gamit na nabili ko gamit ang unang sahod ko sa kumpanya na 'to. And until now, matibay pa rin. Marami kasing p'wedeng ilagay kaya gustong-gusto kong gamitin sa trabaho.

May pagmamadali sa bawat pagkilos ko. Knowing the impatience of my boss, he hates waiting. Palaging parang may humahabol sa kaniya kaya dapat palagi kang handa.

He hates wasting his time even just for a second. It makes him feel like the day was spent unproductive even though it wasn't the case.

"Take your time," sabi niya na nagpatigil sa akin. Himala. "I'll wait for you downstairs, I'll just grab some coffee," he monotonously said.

Ang magaling kong boss, hindi man lang inabala ang sarili niya na pakinggan at hintayin ang sagot ko. Basta na lang siya umalis at nilagpasan ako. Tanging ang pagsunod lang nang tingin ang nagawa ko sa likod niya.

Calder Javier doing his thing as always, bossing around and being in his own world. Hindi ko nga alam kung paano ako tumagal ng anim na taon sa trabaho ko bilang sekretarya niya.

He was never approachable, not even with his investors and partners in his chains of hotel and resort business, Mandana's Sunset.

Needless to say, he's a tiger in his own realm.

Dali-daling binitbit ko ang bag ko at pinuntahan si Cris. "Cris, Ikaw na ang bahala, ha? Baka kainin na ako ng buhay ng tigre na iyon kapag pinaghintay ko pa," aligagang saad ko na ang tinutukoy ay ang pagharap sa mga maaaring bumisita kay Sir Calder habang wala ako. "No one booked a meeting, but if ever na may dumating man, ikaw na ang bahala. Kung makulit, phone me."

Siya kasi ang naka-assign sa front desk ng floor namin. She doesn't have much to do, actually. Pagbati lang sa mga taong dumadating at pag-assist sa kanila.

Checking of booked meetings bago humarap sa akin ang mga visitors. At tagahalili ko na rin tuwing may biglaang alis kami ni Sir Calder tulad ngayon.

"Saan ka?" usisa niya.

Tanging kibit-balikat lang ang naging sagot ko sa kaniya dahil wala naman akong ideya talaga. Huli kong dinampot ang iPad na palagi kong dala-dala na naglalaman ng mga bagay na may kinalaman sa schedule at meetings ni Sir Calder.

Nang masiguro na okay na ang lahat ng kailangan ko ay saka lang ako nagsimulang tunguhin ang elevator. With no one to talk to inside of that cold lift, tiredness immediately succumbed to my being.

Tahimik kong dinama iyon na ilang araw ko nang nararamdaman dahil sa sobrang naging abala ako. To say that this week was not tiresome would be a lie. Masyadong maraming naging problema na kailangan naming solusyunan kaya ilang araw na kaming walang maayos na pahinga.

I can't help but imagine how the soft mattress of my bed would feel if I were to lay on it now. For sure it would feel like paradise.

But the quick break and daydreaming didn't last longer than I wished it would. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago lumabas upang harapin muli ang totoong mundo.

I expected to see Sir Calder but he was nowhere in sight. Wala rin siya sa lugar na akala ko ay madadatnan ko siya, sa vendo machine sa unang palapag ng gusali pero kahit doon ay wala siya.

"Miss Kate, nakita mo si Sir Calder?" Isinandal ko ang likod ko sa front desk para makita ang entrance.

"Lumabas siya, Ma'am. Mukha nga pong nagmamadali, eh," imporma ni Kate, naka-assign sa information desk.

Bagot na itinapik ko ang paa ko sa naka-tiles na sahig habang hinihintay ang kaniyang pagbalik. Habang ang isip ko ay abala sa pag-iisip ng mga bagay na kailangan ko pang gawin pagkatapos ng araw na 'to.

Bukod sa mga papeles na kailangan kong i-review bago ipakita sa boss ko ay may mga personal na problema pa akong kailangang asikasuhin tungkol sa tuition ng mga kapatid kong nakaasa sa akin.

"Miss Capri," pukaw ni Kate sa akin. "Sir Calder is on the line."

Nagsalubong ang kilay ko nang harapin siya. She handed me the phone which I immediately took. "Yes, Sir?"

"Out. Now."

My face distorted when he abruptly ended the line. Boss na boss talaga ang walang-hiya. He sounded like a beast ready to attack his enemy at any given time.

Kung p'wede lang siyang sakmalin, eh. Nilunok ko na lang ang lahat ng reklamo ko bago napagdesisyunan na puntahan na siya.

Matapos magpasalamat kay Kate ay umalis na agad ako. Ang paghintayin ang isang Calder Javier ang pinakahuling bagay na gusto kong gawin ngayon. Baka mamaya paglakarin na lang ako patungo sa kung saan man ang aming destinasyon.

I gritted my teeth as I walk two to three steps every second just to immediately reach where he's at. Ramdam ko na sinusundan ako ng tingin ng mga taong nasa floor pero hindi ko na sila inintindi.

Paulit-ulit ang naging pagbaling ko sa kaliwa at kanan para hanapin siya na hindi naman niya ginawang mahirap para sa akin. Calder was just a few steps away from entrance 2.

Postured like an arrogant man while leaning against his car—Land Rover Defender in Tasman Blue color—holding two cups of coffee in each of his hands... Calder looked at me with coldness in his eyes.

Kagat niya pa ang temple tip ng Pino 01 Gentle Monster sunglass niya habang salubong ang makapal na kilay. Ang talim pa tumingin, akala mo naman sapung taong naghintay sa labas ng building.

"Stop gawking at me, Secretary," he monotonously said while still biting his shades.

"Kapal ng mukha nito," nakasimangot na bulong ko.

Inignora ko ang pagiging maere niya at agad na lang siyang pinuntahan. Calder immediately handed me both of the coffees he was holding. With his hand being freed, he opened the door of his car for me.

Kasabay no'n, kinuha na niya ang shades niya at nilagay sa tuktok ng kaniyang ulo.

"Thank you, Sir." I bowed my head slightly at Sir Calder, finally tasting the humane side of him.

Pero ang totoo, nang-aasar lang ako. He hates being treated like the royal prince that he is.

"Stop it," he hissed.

Napangisi ako. Asar talo talaga.

Mahirap lang aminin sa sarili ko pero mabait naman talaga si Calder. He's actually a gentleman if I were to specify, but this boss of mine always tries to hide it with his stoic expression and iced-like personality.

"I don't need your gratitude. I need you to have your own license and drive me around places I need to visit," he said with one eyebrow shot up at me.

I thought so. Never magtatagal ang kabutihan niya ng tatlong segundo. Akala mo sinalo lahat ng sama ng loob ng mundo, eh.

"I'm on my way there, Sir. Huwag sana nagmamadali at never nagkaroon ng driving experience ang sekretarya mo. Baka gusto mo pang mabangga kung saan-saan ang sasakyan mo," pilit na itinatago ang sarkasmo sa boses na sabi ko.

"You're using weird tones now, Miss." Inilagay niya ang palad niya sa ulo ko upang magawa niya akong itulak ng marahan papasok sa loob. "I'm still your boss, Kaiya Capri Barsabal."

"Exactly. Dapat hindi mo na ako binilhan ng kape, baka isipin kong may gusto ko pa sa akin," kumpiyansang saad ko. "Isa pa, walang gamitan ng buong pangalan. Baka mamaya isipin ko rin na gusto mong idugtong apelyido mo, Calder Javier."

"What the hell, woman?" His unshaven thick eyebrows met.

Doing office work bores me most of the time, at siya ang nagiging past time ko. I know that contrary to my claims, Calder wouldn't like me in any way. Hindi ko nga siya nakitaan ni minsan ng interes sa mga babae. It has always been work and work for him. Things that would bring him money.

Kaya ko lang inuulit nang inuulit ang pagyayabang na baka magustuhan niya ako ay dahil hindi rin siya nauubusan nang isasagot sa akin. He's sardonic on a normal basis, but arguing with him about this context would turn him into a king of endless banter.

Sayang, bagay pa naman sana. Kaiya Capri Basabal-Javier.

"I might doze off from driving for a long time. I bought coffee to hype you up. Don't get your hopes too high," he said before shutting the door for me.

But even before he completely shut it out, I was able to have a glimpse of his smirk.

Hindi ko nagawang makuntento sa sagot niya. I'm sleepy as well and I need a more effective way to wake me up better than an iced americano would do to my system.

"I'm fact-stating here, Sir," simula ko agad pagkasakay niya ng sasakyan.

He wrinkled his forehead at me again while fixing his seatbelt. "What now, Capri?"

"Sabihin mo lang boss kung may gusto ka na sa akin para makapag-resign na ako agad," saad ko.

"Your seatbelt, please." His stares knifed at me. "And where the fuck are you taking this conversation to, Capri?" Calder shot his right eyebrow up. "You're being overly confident about yourself, huh? You don't even reach half of my standards."

Sa halip na masaktan, mas natuwa pa ako sa mga nagiging sagot niya. Calder just hasn't realized it yet, but he has a voice I personally would love to hear repeatedly.

It was deep and a bit raspy. Para lang siyang bumubulong sa bawat salita niya na siyang dumadagdag lamang sa dating no'n. Ang gaspang pa ng boses kaya para siyang rock star na nakaubos ng isanh song book na kanta.

Kaso ay madamot sa pagbabahagi ng boses itong tao na 'to. Masyado niyang tinitipid ang mga salita niya kaya kailangan mo pang i-trigger para lamang magsalita.

Tulad ngayon. Even with his meetings, he would only say a few things or would just nod or shake his head. Akala mo naman bawat laway na masasayang niya ay ginto ang halaga.

"Sure ka na, Sir Calder?" Nakangisi ko siyang binalingan. Inilagay ko na rin sa coffee holder ang kape niya habang hawak ko pa rin ang sa akin. "How high are your standards ba? Because from what I have been hearing, I am the talk of almost every gentleman beneath the floor we are occupying."

It was a lie. Paano ko naman malalaman ang bagay na iyon gayong si Sir Calder lang halos ang kasama ko sa buong araw? I just need to have material to use in this argument for me to turn him into an irate beast.

And for sure, hindi naman niya ifa-fact check ang bagay na 'yon.

Nakaka-enjoy kasi ang reaksyon niya. The way Calder's brows furrowed and how it would raise in the middle of his words is just different. During those moments, he simply just couldn't keep his cool. Tanggal-angas ba.

At iyon mismo ang bumubuo sa boring na araw ko.

"How would you know? You are with me almost twenty-four-seven." Calder gave me a bored look.

I mumbled under my breath saying how weird that policy he made was. Kaya nagkaroon ng Cris sa CEO's floor dahil iyon mismo ang utos niya.

Para raw siya na lang ang iintindihin ko oras-oras.

"I just know, Sir," saad ko na lang.

Of course, I am bound to taste another defeat today. Hindi ko naman talaga nagawang manalo sa pakikipag-argumento sa kaniya.

A small smirk formed on his lips. "Don't talk now," he ordered. "Just drink your coffee, Secretary. And your seatbelt, please."

Napanguso na lang ako habang nagkakabit ng seatbelt. Lugi. Palagi na lang akong nadadaan sa posisyon kahit sa mga ganitong pagkakataon.

"Saan ba ang lakad natin ngayon?" bagot na tanong ko sa kaniya pagkaraan.

Halos mag-iisang oras na simula nang magsimula siyang magmaneho pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan kami tutungo. Hindi naman siya nagsasasalita at nakatutok lang sa daan ang mga mata.

Ang tanging nagbibigay lang ng ingay sa buong sasakyan ay ang paulit-ulit na pagsipsip ko na unti-unting natutunaw na yelo ng kapeng iniinom ko.

"Clark. I was told there was a problem with the branch," paliwanag niya.

"Puwede ka namang magpadala na lang ng tao roon." Nag-iwas ako ng tingin habang sinisimot ang natitirang kape sa baso ko na halos wala ng lasa.

"You know me. I don't want to pass down responsibilities I should be doing myself." Kinuha niya ang sariling kape matapos ay uminom doon.

Tumatango-tangong sumipsip muli ako sa kape ko ngunit ingay ng yelo na lang ang napala ko. Nakasimangot na ibinaba ko 'yon sa coffee holder, katabi ng inumin ni Calder.

"Ilang oras o araw naman tayo mananatili do'n?" I asked.

Wala namang kaso sa akin ang mga ganitong klase ng eksena. Nasanay na lang din ako sa kaniya dahil sa linya ng trabaho ay hindi maiiwasan ang mga ganitong pagkakataon.

And Calder Javier being the lifeblood of Mandana's Sunset, he wouldn't just let an employee handle everything. Masyado siyang hands-on. At bilang sekretarya niya, madalas na damay ako sa halos lahat ng lakad niya. At kadalasan ay overnight stay ang nangyayari.

"It'll be quick, Capri," he assured me.

"Ganiyan din ang sinabi mo noong nag-Samar tayo, Sir. Ang sabi mo two days lang tayong magtatagal doon pero ang ending isang linggo tayo," pagpapaalala ko sa kaniya.

"I assure you this time. I just need you to aid me. Alam mo namang hindi ako makakikilos ng ako lang," pagrarason niya.

I secretly made a face. Naiintindihan ko naman ang lahat ng mga sinabi niya dahil naranasan ko na rin iyon. He doesn't really know much of his schedules nor doesn't have any stored files that might be related to his errands. Lahat ng iyon nasa akin at sa tablet na palagi kong dala-dala.

Hindi rin naman kasi siya nagdadala ng kahit na ano tuwing umaalis siya. Not even a laptop that he mostly uses in his daily life. Kumpiyansa akong sabihin na kung wala siyang sekretarya ay hindi siya makakikilos sa tuwing aalis siya. He does his best in his own shell, his office, but outside of that, he'd look like a lost kid.

"Two days at most," he bargained. "You have clothes in this car so there would be no problem."

"Mayroon kaya," pagkontra ko.

Unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan dahil sa pagpula ng ilaw ng traffic light. Binalingan niya ako gamit ang walang ekspresyon niyang mukha.

My eyes leisurely wandered across his face. In our early years working side-by-side I would, in no doubt, see myself scared by the face he's giving me. Baka dinasalan ko na ang lahat ng kilala kong santo upang huwag lang siyang makita.

His monolid eyes would make you feel like daggers has been thrown at you when he stares coldly.

He's scary as a wild beast, but he doesn't affect me that much now.

"Raise, Sir. Give me a raise," I requested in a not-so-pleading voice. I was demanding it to be exact.

"I just gave you one last month," he reminded me.

Napangiwi na lang ako dahil doon. Umaasa pa naman ako na makakalimutan na niya pero naaalala niya pa rin pala. Baka lang naman umubra sa kaniya.

"I'll offer you something different," he bargained.

Agad nagputokan ang fireworks sa tainga ko nang marinig iyon. "Ano naman?" tanong ko habang pasimpleng tinatago ang antisipasyon.

"One week off," he said. Papalit-palit ang tingin niya sa akin at sa kalsada sa mga sumunod na sandali nang magsimula na kaming umandar ulit. "Paid."

Nanlaki ang mga mata ko. "Walang bawian, Sir Calder."

He just gave me a flat stare as if saying that he isn't that kind of person, na alam ko naman na totoo. Sa lahat ng klase ng nilalang ang pinakaayaw niya ay iyong walang isang salita. Not just with his personnel and business partners. Just about humans in general.

Kaya mahirap magbitaw ng salita sa harapan niya dahil panghahawakan niya iyon, at kapag nabali mo ay tapos na ang koneksyong mayroon kayo.

"Just tell me ahead of time," he followed up a little later.

"Yes, Sir. Of course." Alangan ang ngiti sa mga labi na binalingan ko siya. "Hindi mo naman ako papalitan o sinesesante, 'di ba?"

"I didn't accept you as my secretary just to fire you from your job." He quickly glanced at me. "No one would replace you."

Napatulala ako sa kaniya. Normal na Calder pa rin naman siya matapos sabihin iyon. Pero iba ang dating ngayon.

Not when he mischievously gave me a grin that only lasted for two quick seconds.

And I know it means something.

It definitely does.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top