Chapter Two


 NOON pa man ay alam na ni Kim na mapaglaro ang tadhana. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging biktima ulit siya ng mapaglarong tadhana.

 Mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niya kung paano makipaglaplapan ang magaling niyang nobyo, si Edgardo sa isang maskuladong lalaki na halos makita na ang itinatago sa harapan. Nakayapos si Edgar sa lalaki, ang isang kamay nito ay humihimas sa hubad na dibdib ng kahalikan.

 Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Kim sa nasaksihan. Hindi siya nakagalaw ng ilang segundo.. o minuto. She was such a fool. Idiot. Noong nanligaw si Edgar sa kanya, naitatak niya sa isipan na ito na ang pinakamatinong lalaki na hinihintay niya. Ito na ang magpaparaya sa kanya sa tatlong taong kalungkutan niya.

 Pero nagkamali siya. Maling-mali siya ng inisip.

 Mali rin siya ng hinala sa kinalolokohan nito. Dahil hindi babae ang kinalolokohan ng nobyo niya, kundi lalaki!

Napatiim-bagang si Kim habang nakatutok ang mga mata sa dalawang lalaki. Kumukulo ang dugo niya sa galit. Pakiramdam ng dalaga ay isa siyang bulkan na anumang sandali ay sasabog sa sobrang galit.

 Nakahanda na siyang sugudin na walanghiyang lalakerong boyfriend niya. Ngunit nasa kalagitnaan siya ng pagsugod dito ng bumangga siya sa isang poste—hindi pala poste. Paanong magkakaroon ng poste sa loob ng isang bar—correction, it's gay bar.

 She was probably the most stupid woman alive. Bakit ngayon lang niya narealize na gay bar ang pinasukan niya? Heto nga siya, na-disguise na parang isang malanding beki.

At ngayon, aakalain pa niyang poste ang katawan ng isang lalaki. Stupid, Kimberly. Stupid!

 Lalagpasan sana niya ang lalaki, ngunit natigilan siya ng humarang pa rin ito sa daan n'yan. At nakaramdam siya ng pagkaasiwa ng dumikit ang matipunong katawan nito sa kanya. She could feel the hard muscles of his body against her soft, feminine body. Tumatama ang mainit na buga ng hininga nito sa pisngi niya, nakaakit ang amoy ng bibig nito. Major turn on pa naman niya sa isang lalaki ang mabago ang hininga. Just like Die—Oh, not again! Don't mention his name, for God's sake.

 Tumaas ang tingin niya sa mukha nito. Malilikot ang ilaw sa naturang bar kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito.

 But one thing is for sure: Gwapo ito. Lahat naman siguro ng stripper at call boy doon ay gwapo. Kung hindi, siguro'y hindi mahuhumaling ang nobyo niyang tinamaan ng kidlat. Nakita nya sa gilid ng mata si Edgar, patuloy pa rin ang pakikipaglaplapan. Makakatikim talaga ito sa kanya ng sampal!

 Breath in, breath out.

"Look, Mister. I have no time for your some—-"

Naputol ang anumang sasabihin niya nang masilayan niya ang ngiti nito sa labi—ang pamilyar na ngiti na may bahid ng kapilyuhan. Napakunot-noo siya. That smile..

Pamilyar sa kanya ang ngiting 'yon.. ang pantay-pantay at mapuputing ngipin.. Hindi man niya gustuhin, hindi niya napigilan ang pagbalik sa alaala niya ang partikular na tao na naging bahagi ng buhay niya noon.

Ang lalaking minahal niya ng lubos.. ang minahal niya sa loob ng mahabang panahon.

Hindi maaari.

Matagal na niyang binaon sa limot ang lalaking 'yon, at hindi na niya gugustuhin pa na maalala.

"You look familiar to me." His voice was rough and sexy, it also reminded her of that man.

 Pwersahan niya itong inignora at nilagpasan. Pero mukhang walang balak na tantanan siya ng tinamaan ng kulog. Naramdaman niya ang paghawak ng kamay nito sa kanyang braso. Magaspang ang kamay nito, isang senyales ng pagiging tunay na lalaki. Hindi kailanman naging ganoon ang kamay ni Edgar. Sa totoo nga ay mas malambot pa ang palad nito sa kanya. Iyon pa lang ay nagpapahiwatig na sa kanya na hindi isang lalaki ang pinatulan niya.

"I'm really that stupid", bulong niya sa sarili. Inis na bumaling siya sa lalaki. "Back off." iritadong sabi niya. Tila hindi siya nito naparinig. He was holding her arm, firmly. As if he was a possessive, jealous boyfriend.

 Gee. She liked to think so. Pero malayo ang iniisip niya sa katotohanan. Dahil ang tunay na nangyayari ay harap-harapan siyang niloloko ng nobyo niya at ang lalaking ito ay tila pinipigilan siyang gumawa ng eskando o gusto lamang bigyan siya ng serbisyo.

 Kaysarap tumawa ng pagak. Serbisyo? Masasabi niyang tigang na tigang na ang sex life niya. Pero hindi niya magagawan patulan ang serbisyong alok nito kahit na gaano pa ito ka-hot at macho. She can live without sex. Sino ba'ng nagsabi na lahat ng babae ay nangangailangan ng mainit na serbisyo mula sa lalaki? Isa pa, hindi niya dapat problemahin ang bagay na 'yon.

 Uso ang mag-selfie.

 Malusog pa rin naman siya kahit wala siyang sex life. At hindi na siya magtataka kung bakit. Dahil ang pinatulan naman pala niya ay isang bakla at iyon ang hindi malusog sa katawan! Hindi kaya si Edgardo ang may kasalanan tuwing naeempatso siya minsan?

 Malapit na sana siyang makalapit sa nobyo.. Malapit na din sana niya itong mabigyan ng nararapat lamang dito. Ngunit pinigilan siya ng matipunong braso na siyang humapit sa beywang niya. Napaharap siya sa lalaking kanina pang pumipigil sa kanya.

 Gusto niyang magpakawala ng malulutong na mura dito at itulak ito palayo. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila wala siyang kakayanan na itulak ito basta-basta.

 Matagal na rin buhat noong makaramdam siya ng ganoon kasarap na sensasyon na gumuhit sa kanyang katawan. Ang isang masarap na kilabot na nararamdaman lamang niya sa piling ng isang lalaking nagmamay-ari ng maskuladong pangangatawan...

 Sinubukan niyang gumalaw kahit kaunti, paraan upang makawala sa pagkakayakap nito sa kanya mula sa likuran. Pero hindi niya mahanap ang lakas, hindi siya makaangal at makapag-protesta sa ginagawa nitong kapang-ahasan.

 Unti-unting nilamon ng panghihina ang katawan ng dalaga. Libo-libong init ang dumadaloy sa mga ugat niya at nagpapasidhi ng pangangailangan na ilang taon ng hindi nabibigyan ng atensyon..

Hindi man malinaw sa isip niya ang itsura ng mukha nito, ngunit malinaw a pandama niya ang masarap na sensasyon dulot ng paglapat ng maskuladong pangangatawan nito sa likod niya...

 Baby grind on me..

 Relax your mind take your time on me..

Ipinikit niya ang mga mata. Hinayaan ang sariling magpatangay sa agos ng pangyayari.. Dinama ang apoy na nagsisimulang mabuo.

 Let me get deeper shorty ride on me..

 Now come on me and s3x me til your body gets weak..

 With slow grindin babe..

Nahigit ni Kim ang hininga kasabay ng paglapat ng palad nito sa pang-upo niya. Awtomatiko ang pagkagat niya sa ibabang labi.

 Ohh.. Good. Yes, this is so good. Biglang napawi ang galit na nararamdaman niya sa dibdib sa ginawang panloloko sa kanya ni Edgar. Napalitan iyon ng nakakaliyong sarap na nagsisimulang umalipin sa uhaw na kamalayan niya.

 He press his hot arousal against her butt, rubbing it very slowly.. Making her feel his l ust for her. Umalpas ang impit na ungol sa labi niya.

 She's not stupid anymore.

 She's h orny right now.

Balewala ang mga tao sa paligid nila nang sandaling 'yon. Nabalewala din ang galit niya sa nobyo—o mas maganda kung sasabihing "dating nobyo" na niya si Edgar. After what she saw, hindi siya magpapakatanga para panatilihin ang pagiging magkasintahan nila.

 Kinuha ng lalaki ang kamay niya at iniangat iyon patungo sa dibdib niya. Alam niya kung ano ang gusto nitong mangyari. He want her to touch her boobs, to feel herself..

 Muling umalpas ang impit na ungol sa labi niya. Nagpatuloy sa ginagawa ang lalaki habang sumasabay ang sensuwal na musika sa buong lugar. Lumipad na palabas ang lahat ng pakialam niya kay Edgardo at natuon ang buong atensyon niya sa pagdama sa katawan ng lalaking ito..

 Yes, he was shirtless. Kumpara sa ibang lalaki na hubad-baro sa lugar na 'yon, bukod tangi itong may maganda at nakakaakit na hulma ng katawan. Tila hinulma ng panahon at apoy ang kabuuan ng lalaki.

 Nahigit ni Kim ang hininga nang inilibing ng binata ang mukha sa leeg niya at nagtanim ng maiinit at maliliit na halik. Doon niya napagtanto kung gaano siya kauhaw sa ganoong klaseng ligaya.

 She wasn't just thirsty for a man. She was hungry for a man's love and attention. Ngayon, pagkatapos ng tatlong taon ay muli niyang nararamdaman ang ligayang 'yon.

 Napangiti siya. Kapagkuwan ay nagsalita sa tenga niya ang lalaking gumigiling mula sa likod niya..

 "You didn't tell me pumupunta ka pala sa mga ganitong lugar. Akalain mo 'yon, ang ex-girlfriend ko, suki pala ng Paraiso ni Adan?"

 Eksaheradang napamulat siya ng mata, pagkatapos ay marahas na bumaling sa lalaki. Doon naging malinaw ang mukha ng lalaki sa kanya. Ang pamilyar na ngiti nito, ang matangos na ilong nito, at higit sa lahat..

 Ang nag-aalab sa apoy na kulay asul nitong mga mata.

Napasinghap siya. "Oh, no..."

 Tila isang drum ng malamig na tubig ang bumuhos kay Kimberly. Ulit, parang gusto na naman niyang sabihin na biktima siya ng mapaglarong tadhana. But this time mas malala ang nangyari.

 Dahil kung sino pa ang huling tao na iniisip niyang makakakita sa kanya doon, s'ya pa ang makakatagpo niya.

 "Diego.." usal niya sa pangalan nito. "W-What are you doing here?" she asked, her voice stammering.

Sumilay ang mapanganib na ngisi sa labi nito. "To arrest you." Pagkatapos niyon ay kinuha nito ang kamay niya at mabilis na pinosasan siya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top