Chapter Twenty Two
"DIEGO, get out! What are you doing here? I said get out! Out!"
Hindi siya nito pinakinggan sa kabila ng pagtataboy niya. Leche. At talagang sumunod pa ito sa kanya sa banyo.
Nakangising hinawi nito ang shower curtain at wala na ring saplot na pumasok sa banyo. Hinagilap nito ang beywang niya. His eyes were blazing with fire and passion. Parang gusto niyang mapaurong.
Pero hindi siya nito hinayaan na makawala. Marahas at mariin na hinalikan siya nito, tila nagbibigay ng parusa. Pinakamasarap na parusang natikman niya sa buong buhay niya.
Para itong mabangis na hayop nang sandaling 'yon at ang pagkagutom nito sa kanya ay sumabik sa pagkababae niya. Nagkamali siya ng akala na naubos na niya ang lakas nito kanina. Maling-mali dahil ngayon ipinapadama nito sa kanya kung gaano ito kasabik sa kanya. He was wild and untamed and it seemed that he had an energy of twenty men.
"You're so unfair," he hissed. Pinakawalan nito saglit ang labi niya at matalim na tinitigan siya. "Nang-iiwan ka na lang basta-basta."
Sh!t. "I-I need to do that. Kung hindi, baka nakita na tayo ni Mang Impe doon sa sala. Hindi ba nakakahiya 'yon?"
"Hindi niya tayo makikita agad. Because the door was lock. Hindi 'yon bubukas hanggang di ko bubuksan." Isinandal siya nito sa dingding ng banyo at pinaglapat ang mga dibdib nila. Parang naririnig niya ang malakas na tibok ng puso nito.
Lumunok siya. "Diego, naliligo ako. Hindi ba puwedeng mamaya na---"
"No." Nanginig ang labi niya sa matigas na boses nito. "Ipagpapatuloy natin ngayon ang naudlot." Ngumisi ito at kumindat. Gumapang ang kamay nito sa pagitan ng hita. Napapikit siya nang punuin ng dalawang daliri nito ang gitna niya.
Kimberly bit her lower lip and groaned. "D-Diego..."
Inilapit nito ang bibig sa tenga niya at bahagyang kinagat. "Say you want me," utos nito sa mababa, ngunit mariing boses.
"I-I want you.."
"'Can't hear it. Say it again."
"I want you, Diego.."
Pinagtuunan naman nito ng pansin ang ibabang labi niya at banayad na kinagat. She groaned at the taste of him. Iniangat nito ang isang binti niya at iniyakap sa beywang nito. She felt his huge arousal against her softness, teasing her.
"Ahh, Diego..." Gumawa ng marahang ritmo ang kahandaan nito sa gitna niya. Nakalapat lang at naghahanda. He was so turn on. Nakakafrustrate ang panunukso niyon. And at the same time, nakakalasing din ang pakiramdam niyon. Nahihilo siya sa sarap.
"Diego, please.." pagmamakaawa niya. Ngayon parang nagkabaligtad sila. Siya ngayon ang nananabik dito. Siya ngayon ang nabibitin sa panunukso nito.
Iniangat pa siya nito dahilan upang ipulupot niya ang mga binti dito. Naibaon niya ang daliri sa likod nito nang maramdaman niya ang pagpasok nito. She was expecting him to be rough. But she was surprised with his gentleness. Sa kabila ng matinding pananabik nito sa kanya ay nagawa pa rin nito ang maging marahan sa pagpasok sa kanya.
Ipinikit niya ang mga mata upang namnamin ang nagliliyab na sensasyong lumalamon sa kamalayan niya. Pagkatapos ng isang linggo, muli niyang naramdaman ang ganoong pakiramdam. Pakiwari niya ay nasa langit siya.
Nagkaroon ng ritmo ang bawat ulos ni Diego. Sapo nito ang pang-upo niya. Maririin ang mga galaw nito. Marahan niyang iginiling ang balakang at banayad na sinasalubong ang bawat pagsugod nito.
God, she could do this all day.. She could let him take her like this forever. Kaya niyang makalimutan lahat, kaya niyang ibalik ang lahat ng nawala kung ang kaligayahang katulad nito ang mararanasan niya. Alam niya, walang ibang lalaki ang kayang makapagpaligaya sa kanya ng ganoon kundi si Diego lang. With him, everything was perfect.. Everything was so steamy right now.
"Ahhh!" Hinagilap niya nag buhok ng binata at napasigaw nang maabot ang kasukdulan. Nagpatuloy ang panginginig ng katawan niya hanggang sa sumunod na rin si Diego. His whole body quivered as he filled her. Akala niya ay titigil na ito pagkatapos. But to her surprise, muli itong umulos at kasingtatag pa rin ng mandirigma ang naging mga galaw nito.
God, this is really perfect.
"WHAT'S the matter?"
Marahang umiling si Kim at isiniksik ang mukha sa dibdib ng binata. Katatapos lang ulit nilang magtalik. Ilang oras din 'yon at pakiwari niya ay nasaid ang lahat ng lakas niya. But she could think clearly now.
"May gumagambala sa 'yo. I know. Tell me."
"I'm okay, Diego. Really."
"I can feel it. Something's bothering you," pagpupumilit nito.
Nag-angat siya ng mukha. Sinalubong niya ang tingin nito. She smiled. "Seriously, I'm okay. Pagod lang ako."
"Should I say sorry now? Dahil kung kailangan, hindi ko gagawin. I love making your tired with me. In my bed."
Kinurot niya ang pisngi ng binata. "Puro ka talaga kalokohan. Don't worry, I'm okay."
Hinuli nito ang kamay niya at dinala sa labi nito upang halikan ang likod ng palad niya. Naramdaman niya ang pamilyar na pagdaloy ng mumunting kilig sa mga ugat niya. Pumikit siya at hinayaan ang sariling maramdaman kung paano ulit ang makulong sa init ng bisig nito. Alam ni Kim na pansamantala lang ang kaligayahang iyon. Sigurado siya sa oras na bumalik ang mga alaala ni Diego, matatapos na ang pangpapanggap niya na nobya pa rin nito. Matatapos na rin ang kung anumang namamagitan sa kanila ngayon.
MARTES. Maaga silang gumising ni Diego para maghanda. Kahapon pa plinano ng binata ang pamamasyal nila. Ang ideya nitong pasyalan ulit nila ang Sumaging Cave ay tinutulan niya. Kahit pagpupumilit pa ito, hindi siya pumayag. Interesado din naman ulit siyang bisitahin 'yon. Pero alam niya na delikado iyon para sa kanila. Madulas sa loob ng kweba at mabato.
"Sigurado ka ba talagang ayaw mo ng Spelunking?" Tanong ni Diego nang nasa byahe na sila.
"No. We're not going there."
"Hindi ka mapapahamak. Basta yumakap ka lang sa akin." Nginisian siya nito. Pinisil niya ang braso nito. Napakagat labi siya nang maramdaman ang tigas niyon. Alam niya, dapat wala na masyadong epekto sa kanya ang pisikal na katangian ng lalaki. Halos magdamag na siyang nagpapakasasa sa mga yakap at haplos nito. Dapat wala na lang iyon sa kanya. Pero hindi. Malakas pa rin talaga ang pang-akit nito sa lahat ng oras at pagkakataon.
Umakbay sa kanya si Diego at inilapit ang bibig sa tenga niya. Nagbigay ng nakakakiliting pakiramdam ang mainit na hininga nito.
"Sabi ko naman sa 'yo. Hindi na lang natin dapat isinama si Mang Impe."
Namumulang siniko niya si Diego. "Sssh! Huwag ka nga. Marinig ka."
"Ano naman? Alam naman ni Mang Impe na akin ka." He brushed his lips against her neck. "Akin lang. Naiintindihan mo?"
Nangatal ang kamay niya at tila kumapal ang hangin sa loob ng sasakyan. Nanuyo ang labi niya. She licked her lips shamelessly. Naramdaman niya ang pagsunod ng mata ng binata. Parang asul na apoy na gumapang ang init ng titig nito.
"Trying to seduce me, huh?"
Napakurap siya. "I'm not."
Ngumisi ito at kinuha ang kamay niya. Nanlaki ang mata niya nang dalhin nito iyon sa harap ng pantalon nito kung saan damang-dama niya ang pagkatigas ng pagkalalaki nito!
Marahas na suminghap si Kim. Napatingin siya kay Mang Impe. Ang buong atensyon nito ay nasa daang at walang pakialam sa kanila ng binata.
Muli siyang bumaling kay Diego. Sinubukan niyang bawiin ang kamay mula dito pero pinigilan siya nito. "Uh-huh. Not so fast, baby."
Pinandilatan niya ito. "Diego, tumigil ka nga! Ang landi mo, ha?" Binawi ulit niya ang kamay. But this time, mas lalo nitong idinikit ang palad niya sa tapat ng pagkakalaki nito. Balewalain man niya, ngunit damang-dama niya ang init ng pagnanasa ni Diego. The fire in his blue eyes made her ache. His gaze was almost threatening.
Lumunok si Kim at pinilit na ipinaalala sa sarili na wala sila sa tamang lugar para tugunan niya ang pangangailangan ni Diego.
But damn. She was getting turn on and it didn't help her. Tila mas lalo pang nagpapadagdag ng excitement at pagnanasa niya ang isiping patago nila iyong gagawin.
"Touch me," he whispered, making her hand feel him. God. Halos wala na nga silang tigil kagabi. Talaga bang ganoon kalakas ang resistensya nito? Mukha namang wala talagang pakialam si Mang Impe sa kanilang dalawa. At isa pa, nasa pinakalikod sila ng van. Hindi nito mapapansin kung anuman ang ginagawa nila ng binata.
Kinagat niya ang ibabang-labi at humugot ng hangin. Hinayaan niyang gumawa ng sariling galaw ang kamay niya. He let out a moan. Kinurot niya ito sa tagiliran.
"Diego," she warned.
"Fvck," mahinang mura nito at kusa na nitong tinanggal ang kamay niya sa harap nito. Nakasimangot pa. O, ano naman ang ginawa niya? Ibinibigay na naman niya ang gusto nito? Inihilamos nito ang mukha. His face was darken with desire.
"Malayo pa ba tayo?" Tanong nito kay Mang Impe.
"Malapit na po, Sir."
"Okay. I'm hungry. Pwede ba na tumigil muna tayo sa madadaanan natin na resto?"
"Kayo ang bahala, Sir."
Tumingin siya kay Diego. "Nagugutom ka na pala di ka nagsasabi. May dala akong biscuit. Gusto mo?"
His lips curved, dark blue eyes gleaming with heat. "No, thank you. Makakapaghintay pa naman ang pagkagutom ko."
Napalunok si Kim at napatitig sa katabi. She knew a trap when she saw one. At parang may malalaking letra ng salitang TRAP ang nakasulat sa noo ni Diego.
"What are you planning?" Kilala niya si Diego. Noon pa man kapag may naiisip itong kapilyuhan, nararamdaman agad niya iyon.
"What are you saying?"
"Don't you dare. Anong binabalak mo?"
"C'mon, babe. Masyado kang mapaghinala. Nagugutom talaga ako."
Naniningkit ang mga mata ni Kim. Sa ngisi at kapilyuhang naglalaro sa mata ng katabi, hindi siya maniwala agad sa palusot nito.
Lumiko ang sasakyan sa parking area ng resto na nakita nila. Inilalayan pa siya ni Diego sa pagbaba niya sa sasakyan. Kung maka-alalay, parang siya ang kagagaling sa aksidente. Hinayaan na lang niya ito. She liked it when he's being a gentleman.
Humanap sila ng pwesto at doon naupo. May lumapit na waiter at kinuha ang order nila. Napatingin siya kay Diego nang tumayo ito. "Where are you going?"
"Pupunta lang ako ng rest room."
"Okay. Go." Hindi niya napansin ang ngiti sa labi ni Diego. Hinayaan niya itong umalis. Mga limang minuto ang lumipas at hindi pa bumabalik si Diego, nagtaka na siya.
"Ang tagal naman ng lalaking 'yon." Bulong niya sa sarili. Then, her phone rang. Sinilip niya ang message. Galing iyon kay Diego.
Babe, I need you here. Dumudugo yong sugat ko sa tagiliran.
Without thinking straight, napatayo agad siya at napasugod sa men's room sa pag-aalala. Walang ibang tao doon.
"Diego?" Nag-aalalang tawag niya. May narinig siyang mahinang ungol ng lalaki na tila nasasaktan. Nanggagaling iyon sa panghuling cubicle.
Mabibilis ang hakbang na tinungo iyon at binuksan iyon. Sinalubong siya ng nakangising binata.
"What the..." Tumingin siya sa tagiliran nito at hinanap ang sinasabi nitong dumudugo. Wala namang bahid na dugo ang damit nito! Tila may nagyeyelong tubig ang sumaboy sa mukha niya sa napagtanto..
"You fooled me!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top