Chapter Twenty Six
"OKAY, MA. I understand. Don't worry, soon i will tell her. Magpapaliwanag ako."
Napatigil si Kim sa paghakbang papasok sa silid ng marinig niya ang boses ni Diego. Nakaharap ang binata sa bintana habang kinakausap nito sa cellphone ang ina nito. Kunot-noo siyang napatitig sa maskulado nitong likod. Wala na naman itong shirt. Di na siya magtataka kung isang araw ay magkapulmonya ito. Na-curious siya kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawa. Siya ba ang tinutukoy nito na pagpapaliwanagan nito?
Tila naramdaman ni Diego na may tao sa likod nito. Lumingon ito. "Kim." Bahagyang nanlaki ang mata nito, pagkatapos ay lumunok. "Kanina ka pa ba d'yan?"
"Kakapasok ko lang." Kagagaling lang niya sa hardin. Nalibang siyang magtrim ng mga bonsai. Tumigil lang siya nang makaramdam na siya ng pagod. "Kausap mo si Tita Grace?"
"O-oo. Pinag-usapan lang namin ang pag-uwi sa Saturday."
"Uuwi na ba tayo sa Saturday?"
Tumango ito. Ibinaba ang cellphone at ibinulsa. "Yes. We need to. I think maayos na naman ako. Pwede ko naman kumpletuhin ang bakasyon ko sa bahay, di ba?"
"Ofcourse," sagot niya. Hindi pa rin siya nakakabawi sa pagkabigla. "Pero bakit bigla naman yata? Kasi akala ko magtatagal tayo dito.."
He cupped her face. "Kung gusto mo, babalik naman tayo ulit dito."
Hindi niya alam ang sasabihin. Ano kaya ang napag-usapan nito at ni Tita Grace? Biglaan naman yata. "O, bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba?"
"Wala naman." Pilit siyang ngumiti. "May meryenda nga pala na inihanda si Manang sa kusina. Kumain ka muna."
"Hindi ka ba bababa pa rin?"
"Maliligo muna ako. Pinagpawisan ako sa pagt-trim, eh."
Gumuhit ang pilyong ngiti sa mapang-akit na labi ng lalaki. "I like it when you're sweaty."
She rolled her eyes. "I know, right?" Bigla nitong hinagilap ang balakang niya at napasinghap siya. Her breasts were pressed against the solid muscles of his chest. Ibinaon nito ang mukha sa leeg.
"Hmm.. How about a quickie, love?"
"What!"
He chuckled. At walang pakundangan na kinuha ang kamay niya at ipinatong sa harap nito. "Sige na. Sandali lang 'to, tigas na tigas na talaga oh."
Nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Binawi niya ang kamay at kinurot ito sa tagiliran. "Ikaw! Ang hilig mo talaga! Hindi pwede! Maliligo ako."
Humahalakhak na binitawan siya nito. "Sige, maligo ka na. May mamaya pa naman."
"Tse!" Inirapan niya ito at pumasok na sa banyo. Hinubad niya ang mga saplot at binuksan ang shower. Nakapikit na dinama niya ang paglagaslas ng tubig sa mukha niya pababa sa hubad niyang katawan. Binalikan niya sa isip ang naabutan niyang sinabi ni Diego kanina habang kausap ang ina nito sa kabilang linya. Pakiramdam niya ay may dapat itong sabihin sa kanya. May dapat siyang malaman na itinatago nito.
But that would be impossible, right? Anong itatago nito sa kanya gayong mayroon nga itong amnesia? Sa kanilang dalawa, siya itong may itinatago. Iyon ay ang katotohanan na wala na naman talaga silang relasyon at matagal na silang wala. Alam niya, kasalanan ang pagpapanggap niyang girlfriend pa rin nito. Niloloko niya ito, pero hindi niya kayang aminin iyon. Ikinatatakot niya na kapag umalis na sila sa Sagada at bumalik na sa lungsod, baka doon na din matapos ang mga pinagsaluhan nila ni Diego.
Malaki ang chance na malaman nito sa ibang tao kung ano ang totoo sa pagitan nila ng binata.
Nanginginig na kinagat niya ang labi. Napasandal siya sa dingding ng banyo at napahilamos.
"SERIOUSLY, DIEGO. Kanina mo pa ako pinaglalakad. Saan mo ba ako dadalhin?" Nagrereklamo na ang mga paa ni Kim. Naka-blindfold pa siya at walang kaalam-alam kung pasaan ba sila. Basta na lang siya hinila ni Diego at sinabing may ipapakita daw sa kanya.
"Lakad pa. Malapit na tayo."
"Kanina mo pa sinasabi sa akin 'yan. Nakakaraming hakbang na kaya ako," nakasimangot na sagot niya.
Tumawa lang ito at nakaalalay sa kanya. "Huwag ka na magreklamo. Magugustuhan mo ang ipapakita ko. Promise."
"Sus. Baka mamaya dalhin mo na ako sa bangin at itapon, ha."
"Silly. Hindi ka naman siguro nagkakagusto kay Sven para gawin ko 'yon, di ba?" nanuksong tanong nito.
"Eh, paano nga kung nagkakagusto ako kay Sven? Ihuhulog mo ako sa bangin, ganoon?" Ganting pang-aasar niya. Hanggang ngayon, alam niya may pagseselos pa rin ito kay Sven. Minsan kasi ay pumupunta ang lalaki doon para sa renovation nga ng rest house. At sa tuwing nakakausap niya si Sven, parang handa itong bumuga ng apoy anumang oras.
"Ha-Ha. Imposibleng magkagusto ka doon. Patay na patay ka kaya sa akin." pagyayabang nito.
"Wow, ha!" Kung di lang siya naka-blindfold, nairapan na niya ito. "Malayo pa ba tayo? Gaano ba kalapit ang sinasabi mong malapit na, Diego?"
"Eto na." Naramdaman niya ang pagtigil nito tumigil na rin siya sa paghakbang. "Are you ready?"
Napalunok siya. "Y-Yes."
With that, tinanggal nito ang blindfold sa mga mata niya at bumungad sa kanya ang daan-daang alitaptap na tila nagsasayawan sa ilalim ng mga bituin sa langit, nagbibigay ng liwanag sa madilim na bahagi ng kagabutan. Hindi niya napigilan ang mapanganga.
Hindi araw-araw ay nakakita siya ng ganoon karaming alitaptap. Hindi araw-araw ay mararanasan niya ang mala-encantadia na kapaligiran. Humakbang siya at iniangat ang palad sa ere. Hinuli niya ang isang alitaptap sa kamay niya. Pagkatapos ay ibinuka ang kamay at muling pinakawalan. Lumapad ang ngiti sa mga labi niya habang pinanonood ang mga alitaptap sa ere. Para siyang bata na nakakita ng bagong laruan.
"Wow, Diego! Ang dami nila!" Lumingon siya dito. May maliiit na ngiti sa mapang-akit na labi nito habang pinagmamasdan siya. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na may ganito pala dito? Ang daya mo."
"Because i wanted to surprise you."
"You really surprise me. God, ang sarap nilang kunan ng picture! Pero mas gusto ko silang panoorin."
Hinawakan siya ni Diego sa braso. "May inihanda pa ako para sa 'yo."
"Ano 'yon?"
Dinala siya nito sa tabi ng isang malaking narra. Kung saan may nakalatag na malaking blangket at maliit na mesa. Sa kandila doon nanggagaling ang dagdag na liwanag. Bumalik ang tingin niya kay Diego, nagtatanong ang mga mata. "A-ano ito?"
"Inihanda ko ito para sa 'yo. Sa ating dalawa. I want this night to be perfect for you. To be memorable."
Tumawa siya, dinadagsa ng kilig ang dibdib niya. "You don't need to do that. Lagi namang memorable ang mga nangyayari sa atin."
"Pero may iba pa akong pakay sa gabing 'to, mahal."
"Ano 'yon?"
Hindi ito sumagot. Nagulat siya nang bigla itong lumuhod sa harapan niya. Mula sa bulsa nito, may kinuha itong maliit na box. Kumabog ang dibdib niya at kahit hindi pa binubuksan ni Diego ang lamang ng pulang box na 'yon, may kutob na siya kung anong nasa loob nun.
Oh, my God.. "D-Diego.. Are you.. Are you serious?" Pinilit niyang maging kaswal ang boses pero kusang nanginig ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
Maikling tumawa ang lalaki. "Pagdating sa 'yo, lagi akong seryoso, Kim. Lahat ng sinasabi ko, lahat ng nararamdaman ko para sa 'yo, walang bahid ng pagpapanggap ang mga 'yon. So, i'm here nakaluhod sa harapan mo. Saksi ngayon ang lugar na 'to, ang mga puno at alitaptap sa paligid while i ask you," nag-pause ito, kinagat ang labi at nanunuyo ang asul na mga mata. "Will you be my wife?"
Nag-bukas sara ang bibig niya at walang salitang lumabas sa mga bibig niya. Pero sa kaloob-looban niya, parang sumasabog sa saya at galak ang puso niya. She couldn't controlled her tears. "Diego, i... I--" Goddamn it. Hindi niya magawang makapagsalita ng diretso. Suminghap siya at pinigilan ang pagpapatakan ng mga luha sa pisngi nya.
"Why are you crying, love? Hindi ko intensyon na paiyakin ka?" Tumayo ito at pinahid ang mga luha niya. "Hindi ka pa rin ba handa? Okay lang kung ayaw mo pa rin mag-settle. I can wait. For you i will."
"No. Diego, hindi iyon ang dahilan." She licked her lips. "It's not that i'm not ready to settle down.. I'm just worried."
"Worried about what? Na baka hindi ko seryosohin ito? Kim, mahal kita at seryoso ako kapag sinabi kong gusto kitang maging asawa."
"Hindi rin 'yon ang gusto kong sabihin."
"Eh, ano? Hindi ako manghuhula, Kim. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon. All i want to know is your answer. Kung handa ka na bang ibigay sa akin ang sarili mo habambuhay."
Napakadali kung sasagutin niya ito ng oo. Pero alam niya na hindi pa rin ganoon 'yon kadali. "Hindi mo kasi naiintindihan, Diego." May mga dapat pa silang ayusin at hindi sila puwedeng umapak sa sunod na level ng relasyon nila na hindi pa 'yon nabibigyan ng kaliwanagan.
"Then, explain. Tell me." Frustrated na sabi nito. May paghihirap sa mukha nito at kumirot ang puso niya. "Tapatin mo na din ako kung ayaw mo lang talaga, Kim. Tatanggapin ko naman kung tatanggihan mo ako ngayon. Tatanggapin ko kahit masakit."
Parang gusto na naman niyang maiyak. Paano ba sila napunta sa ganoong sitwasyon? Nahihirapan siyang ipaliwanag sa binata. Nahihirapan siyang sabihin ang totoo.
Nanginginig na inabot ng dalaga ang pisngi ni Diego. Umaapaw ang emosyon na tinitigan niya ito, itinatatak sa isipan ang bawat anggulo ng gwapong mukha nito. "Mahal kita, Diego. Mahal na mahal kita. Pero nangangamba ako. May hindi ka pa naiintindihan sa ngayon. Hindi pa maliwanag ang lahat sa 'yo. Gusto ko pareho tayong handa para dito."
"Is this because of my condition? Dahil ba sa pagkawala ng memorya ko sa nakalipas na dalawang taon?" matigas ang tono nito.
She nodded. "Gusto ko maalala mo ang mga 'yon bago mo ito itanong sa akin." Sa kanilang dalawa, siya lang ang malinaw na nakakaalala ng mga nangyari. At kung anuman ang naging galit niya kay Diego noon, natabunan na iyon ng mga pinagsaluhan nila ngayon. Natutunan niya itong patawarin. Kinalimutan na niya ang nakaraan dahil mahal pa rin niya ito.
"Mahalaga pa ba iyon? Mahal kita, Kim. Mas mahalaga ka sa mga memoryang 'yon. We don't need it. Hindi ko na kailangan pang maalala ang mga 'yon. Ikaw lang ang kailangan ko. Ikaw lang. With you, i am the most contented man in the world. At kung sasagutin mo ako at tatanggapin na maging akin ka habangbuhay, i will be the luckiest man alive. And then, we can make new sweet memories together. Mga alaala na hindi ko na makakalimutan pa kahit na anong mangyari pa sa akin. Ayaw mo ba nun?"
Umiiyak na siya. Tagos sa dibdib niya ang lahat ng sinabi nito at hindi na niya magawang makontrol pa ang nararamdaman. Pinupuno ng kaligayahan ang puso niya. Unti na lang, bibigay na ang mga tuhod niya at sigurado siya kasabay niyon ay maibibigay na niya ang hinihinging sagot nito.
"Sagutin mo ako, mahal. Ano, mahalaga pa ba mga ala-alang 'yon kesa sa kaligayahan natin ngayon? Mahalaga pa ba ang nakaraan kesa sa nangyayari sa atin ngayon? Dahil ako, sigurado ako na kahit ano pa ang mga nawalang alaala sa akin, ikaw pa rin ang mahal ko at mamahalin habangbuhay. Ikaw lang ang babaeng gusto kong pasayahin at aalukin na maging asawa ko. At kung papapiliin ako kung ikaw o ang mga alaala natin noon, ikaw ang pipiliin ko. Dahil ikaw lang, Kim. Ikaw lang ang bumuo sa akin. Ikaw lang ang gusto kong maging laman ng nakaraan ko, ng ngayon, at ng hinaharap ko."
She couldn't control herself anymore. Hinagilap niya ang batok nito at siniil ito ng halik. He was right. Mas mahalaga ang ang meron sila ngayon kesa sa nakaraan. Ngayon lang niya iyon narealize. Kahit na maalala pa nito ang mga nangyari noon, di na siya dapat mangamba na maging dahilan iyon para mawasak sila. Sa lahat ng sinabi nito, sigurado siyang hindi na iyon magiging dahilan para maghiwalay pa sila.
"Anong ibig sabihin ng halik na 'yon?" habol-habol ang hininga na tanong nito nang paghiwalayin niya ang kanilang mga labi.
Ngumiti siya at hinawakan sa magkabilang pisngi para titigan. "Ang ibig sabihin nun---Oo, pumapayag na ako."
He broke into laughter. And tears. "Yes!" sigaw nito, pagkatapos ay pinugpog siya nito ng halik sa mukha. Tumatawang niyakap niya ito. Kinuha nito ang kamay niya at isinuot ang singsing sa daliri niya. It was a simple platinum band with blue diamonds. Just like his eyes. Kinagat niya ang nanginginig na labi at umiiyak pa rin.
"Sssh. I know you're emotional, but can you stop crying? Baka isipin ko, napipilitan ka lang talaga na pumayag magpakasal sa akin."
"Sira! Masaya lang ako. You made this night memorable for me."
Ngumisi ito. "Talaga? Gusto mo, mas gawin nating memorable ang gabing 'to?" He licked her lips shamelessly, at walang pakundangan na bumaba ang tingin sa dibdib niya.
Humalakhak siya at pilyang ngumiti sa binata. Ipinatong niya ang kamay sa umbok sa harapan nito at pinisil. "Well?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top