Chapter Twenty


NAPATIGIL si Kim sa paghawi ng kurtina nang mahagip ng mata niya si Diego sa labas. Nakataas ang harapan ng dark blue Porsche nito at parang may kinukumpi sa kotse. Natatandaan pa niya iyon ang ginagamit dati ni Diego sa pagsundo at paghatid sa kanya. Hindi niya alam na buhay pa rin iyon hanggang ngayon. Akala niya ay naibenta na ng binata ang kotseng 'yon noon pa. Mukhang hanggang ngayon ay alaga pa rin nito 'yon.

Binuksan niya ang bintana at tinitigan si Diego. Wala itong pang-itaas. Suot lang nito ang kulay pulang basketball shorts na panlaro nito. Pinaliliguan ng naghihingalong sinag ng araw ang maskuladong katawan nito.

Nakagat niya ang ibabang labi. Alam niyang matagal ng nakakaakit ang lalaki.

Pero kailan pa ito naging ganoon ka-hot?

Funny. Lagi na lamang niya iyong naiisip. Sa nakalipas na isang linggo na pananatili nila sa Sagada, walang araw na hindi siya napapatitig kay Diego. Palihim at panakaw lang ang mga pagtitig niya dito. Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling mahuli siya nito. Pihadong pamumulahan siya ng husto.

Aminado siya nag-aalinlangan pa siya sa mga bawat galaw niya kapag kasama ito. Nagiging sweet sila sa isa't isa sa bawat araw. Ngunit hindi niya maipagkakaila na meron pa ring harang sa pagitan nila. Harang na alam niyang siya lamang ang nakakaalam... Sa ngayon. Wala pa ring ideya si Diego doon dahil sa kasalukuyang sitwasyon nito.

May kirot at hapdi pa rin siyang nararamdaman dala ng nakaraan nila. Nakakubli pa rin sa dibdib niya ang mga hinanakit para sa lalaki. Pero hindi niya maaaring pakawalan iyon ngayon. Not now. Hindi ngayong limot ni Diego ang mga pangyayari na tumuldok sa matagal na relasyon nila noon.

Nakakagulat lang kung paanong naitatago niya ng husay ang totoong nararamdaman niya at nakakapagpanggap siya na tulad pa rin sila ng dati. Hell, she might be a very good actress.

May nagbara sa lalamunan niya habang nakatingin kay Diego. Ilang beses na niyang naitanong ito sa sarili niya. Pero.. May pag-asa pa kaya?

Maibabalik pa kaya 'yong dating sila?

Napalingon siya nang marinig niya ang katok sa pinto. Lumayo siya sa bintana at lumapit sa pinto para buksan iyon. Si Manang Lucing ang bumungad sa kanya.

"O, manang, anong problema?" tanong niya. Napansin agad niya ang pagkataranta nito.

"Hija, kahiya-hiya naman. Puwede ba akong humingi ng tulong?"

"Puwede naman. Tungkol saan po ba?"

"Naghabilin kasi kanina si Diego sa akin na ipagluto ko siya ng lemon pie."

"Lemon Pie?" ulit niya.

Tumango ito. "Hanggang ngayon di ko pa alam ang gagawin ko. Minsan lang naman ako nakapag-bake ng lemon pie at hindi ko na inulit. Nakakahiya mang sabihin, pero palpak ako sa ganoong bagay," tumawa ito. "Nakakahiya naman kay Diego kung papatikimin ko siya ng palpak na lemon pie."

"E, di ba po may nabibili naman sa bayan?" Ang daming nagkalat na bakeshop na nagse-serve ng masarap na lemon pie sa Sagada. Bakit kaya hindi na lang magpabili ang mokong na 'yon? Papahirapan pa si Manang Lucing na mag-bake.

"Hindi ko nga alam. Alam mo naman ang batang 'yon, mapili din minsan sa pagkain. Baka gusto ng homemade."

Tumawa siya. "Loko talaga 'yon. Pinahirapan pa kayo." Sumama na siya dito sa kusina. Nakita niyang handa na at kompleto ang mga ingredients doon.

Binuhay niya ang oven at pinainit ito hanggang 350 degrees F. Una niyang sinimulan ang paggawa ng lemon filling. Napansin niyang nakatitig sa kanya si Manang Lucing.

"May problema ba, manang?" nakangiting tanong niya.

Umiling ito. "Hindi. Nahihiya lang ako sa 'yo, hija. Naabala pa kita."

Natawa siya. "Huwag n'yo pong isipin 'yon. Okay lang sa akin. Tsaka, wala naman po akong ginagawa. Kagigising ko lang."

"Sabi nga ni Diego. Kaya siguro sa akin umungot."

Natigilan siya at nag-angat ng tingin dito. "Ho?"

"Nabanggit kasi ng batang 'yon sa akin na madalas mo daw siyang ipag-bake ng lemon pies. Napakasarap daw kapag ikaw ang naghahanda nun para sa kanya."

"N-Nabanggit n'ya po sa inyo?" parang hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo. Pinagmamalaki ka pa nga niya sa akin kung gaano kasasarap ang lahat ng ibinebake mo. Ang bakeshop mo daw ang may pinakamasarap na bakery sa Maynila. Magaling ka din daw sa pagluluto ng kahit anong recipe kaya nga lagi daw siyang busog sa 'yo. Maalaga ka raw sa kanya."

Ramdam ni Kim ang tila mainit na palad na humaplos sa puso. Kakaibang saya ang naramdaman niya.

He remembered. 'Yong mga panahon na tuwing umaga ay gumigising siya ng umaga para ipagbake ito ng pang-almusal nito. Alas kwatro pa lang ay gigising na siya para maghanda at kapag alam niyang malapit na lumitaw ang araw ay ginigising na niya ito. Ipinagtitimpla niya ito ng kape, dahil alam niya mas gusto nito na siya ang nagtitimpla. Hindi nito nauubos kapag sarili nitong timpla. Pero kapag kanya, gusto pa nitong magpatimpla ulit.

At tuwing dadating ito sa gabi, pinagmemeryenda muna niya ito ng bagong bake na lemon pie habang nakasalampak sa sofa at katabi niyang nananood.. Parang gusto niyang balik-balikan ang mga sandaling 'yon. Kung saan nakangiti siya, masaya habang nakakulong sa bisig nito. Kaya niyang ipagpalit ang lahat ng meron siya ngayon maibalik lang ang mga oras na 'yon.

Kung kaya nga lang pabalikin ang oras.. Kung kayang baguhin ang panahon at bumalik sa nakaraan...

"Hija?"

Muli siyang nag-angat ng tingin sa ginang. Nalasahan niya ang likidong umagos sa pisngi niya. Doon niya napagtantong tumulo na pala ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong di maganda?"

Mabilis ang naging pag-iling niya. "W-Wala po." Sabay pahid sa kanyang pisngi at ngumiti "May naalala lang ako." Tumawa siya, pilit at walang buhay. Para lang pagtakpan ang totoong lungkot na biglang lumukob sa pagkatao niya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang, hija?"

"Ayos lang ho. Wag po kayong mag-alala."

Tumango ito. Ngunit base sa mukha nito, may pagdududa ito at hindi kumbinsido sa sagot niya.

Iniwasan niya ang tingin nito. Ipinagpatuloy niya ang pagluluto sa lemon filling.

"Nga pala, hija. Puwede ba kitang maiwanan muna? Baka matagalan ako. Pupuntahan ko lang 'yong gulayan para makapaghanda na rin ng hapunan natin mamaya. Saka, 'yong dalawa kong baka doon."

"Ah, sige ho. Kaya ko naman ito."

"Sya, salamat. Mauna na ako." Iniwan na siya nito. Nang matapos niya ang pagluluto sa filling, inihanda naman niya ang paggawa ng meringue. Binabati na niya ang mga itlog sa isang metal bowl nang marinig niya ang mga yabag palapit sa likuran niya.

Parang may init na biglang humalo sa atmospera at naramdaman niya ang malakas niya ang presensya na 'yon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para makilala kung sino 'yon.

"Gising ka na pala," Nakakapanginig ng kalamnan ang malalim at lalaking-lalaki na boses nito.

Nilingon niya ito saglit at tumango. "Kanina pa ako nagising. Ikaw?" Pinasadahan niya to ng tingin. Nangingintab sa pawis ang matipunong katawan nito. Basa rin ang buhok nito. Sa kanilang dalawa, parang siya ang nauuhaw sa itsura nito.

Pigil ang panggigigil na nakagat niya ang ibabang labi.

Damn girl. How could he be so fvcking hot? So perfect and sensual..

Nagbawi siya ng tingin. Para siyang mahihilo sa lumalabas na testosterone sa katawan nito.

"Tiningnan ko lang 'yong kotse. Tinesting ko kanina. Matagal ko na 'yong hindi nagagamit." Hindi niya masyadong napansin ang sagot nito. Humakbang ito palapit sa kanya.

"Si Manang Lucing?" Nasa likod na niya ito.

"U-Umalis.." Napalunok siya. Parang nauuhaw na talaga siya kahit hindi naman. Ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan niya. Jusko, sa lahat pa naman ng pupwestuhan nito ay sa likod pa ba niya? Hindi naman normal na malikot ang isip niya. Pero hindi niya maiwasang maging malikot ang isip habang nandoon ito sa likod niya.

"Saan daw pumunta?"

"Sa gulayan daw."

"Ah, kaya ikaw na ang nagpatuloy n'yan?" tanong nito.

Umiling siya. "Ako talaga ang pinakiusapan ni Manang Lucing. Hindi daw kasi siya marunong, tapos nagrequest ka pa. Hindi naman makatanggi sa 'yo."

He chuckled. Nanlambot yata ang mga tuhod niya sa tunog ng tawa nito. Ang sarap niyon sa pandinig.

Nako, Kim. Kumalma ka!

"Loko ka. Pinahirapan mo pa si Manang. Puwede ka naman na bumili na lang sa bayan. May bakeshop naman doon."

"Gusto ko ng homemade. At wala na namang problema, di ba? Nandyan ka na." Tumam ang paghinga nito sa leeg niya, nagdala iyon ng ibayong kiliti sa mga ugat niya. Pigilan niyang mapapikit.

Gusto niyang singhalan ito sa ginagawa nito sa kanya. Goodness, nakakadistract ito! Ignore him, Kim. Ignore him!

Inilapit nito ang tenga sa leeg niya. "Nakatulog ka ba ng maayos, mahal ko?"

Putek! "M-Medyo."

"Dalawang oras ka ring nakatulog, ah"

"Papaano mo nalaman?"

"Simple. Nakabantay ako sa 'yo habang natutulog ka."

Natigilan siya doon "Akala ko ba, tinetesting mong i-drive 'yong kotse mo?"

"Oo nga, pero hindi naman sana 'yon ang gusto kong i-drive." Lumapat ang harapan nito sa likuran niya. Pagkatapos ay humaplos ang isang kamay nito sa hita niya. Dahilan upang mapasinghap siya.

"D-Diego.."

"It's been a week, love. A week without being inside you. Di ko alam kung bakit parang iniiwasan mo ako."

Iniiwasan talaga niya ito. Lalo na kapag nakakaramdam na siya ng pagkaasiwa o pag-iinit ng katawan kapag malapit ito sa kanya. Hindi sa ayaw niyang maulit ang nangyari sa kanila nang unang araw nila sa Sagada. Pero kung maaari ay huwag muna.

Yes, she want him, too. She desired him. Gusto rin niyang matugunan ang pangangailangan niya sa binata. Ngunit kailangan niyang magpigil muna sa ngayon at idistansya ang sarili dito na hindi nito nahahalata.

"Akala mo siguro hindi ko nahahalata. Pero hindi ako manhid, Kim. Nararamdaman ko ang pag-iwas mo." Pinisil nito ang hita niya.

Shit. "D-Diego, please. May ginagawa pa ako. Mamaya mo na lang ako kausapin."

"Nah. Mag-uusap tayo ngayon. Isang linggo rin kitang hinayaan na lusutan ako tuwing nagkakasolo tayo. Now is the time. Tayo lang dalawa dito si bahay."

"Si Mang Im---"

"Umalis din siya. Nagpunta sa bayan. Mamayang gabi pa ang balik noon."

"Dadating din 'yon." parang siguradong sabi niya. Kahit wala naman siyang ideya kung kailan ang balik ng lalaki.

Ngumisi ito. "Ano ngayon? Nakasarado ang mga pinto at hindi 'yon bubukas hangga't hindi tayo tapos."

Nanlaki ang mga mata niya. "What?"

"You heard me right."

Kumalas siya dito at hinarap ang lalaki. Naglalaro sa pagkaaliw ang mata nito at nagpipigil ang ngiti sa labi. "Hindi ako nakikipagharutan, Diego, ha! Seryoso na ako."

"Same here. Mukha ba akong nagbibiro?"

Geez! Napahilamos siya sa mukha. At para talagang nakikipaglaro ito sa kanya. Naiinis na tiningnan niya ito.

"Ano? Ikaw pa ang may ganang magalit d'yan?"

"Bakit, hindi? Hindi mo ba nakikita akong abala, tapos dadating ka lang para manggulo?" pagtataray niya, iyon na lang ang nakikitang paraan niya para makalusot sa sitwasyong 'yon.

"Ano ba ang ginagawa mo? Ah, nagbabati ng itlog?" Binigyan nito ng diin ang huling pangungusap at pilyong ngumisi.

Nag-init ang pisngi. "Ano ba'ng nakikita mo?"

"Ah, gusto mo tulungan kita? Sanay na akong magbati. Nasanay na kapag di mo ako pinagbibigyan."

"Diego!" Pakiwari niya ay kasingkulay na ng kamatis ang kanyang mukha. Pati yata ang kasingit-singitan niya ay nagb-blush na sa kapilyuhan nito!

"Okay, okay! Maliligo muna ako." Humalakhak ito.

"Magaling pa nga! Sige, alis na!" pagtataboy niya dito, itinulak pa niya ito. He just laughed at her.

"Sarapan mo ang lemon pie ko, ha?"

"Oo na!"

"Titikman ko 'yan pagbalik ko. Humanda ka, mahal." pilyong hirit pa nito at kinindatan siya bago tuluyang lumayo. Saka lang siya nakahinga ng maluwag.

Loko 'yon, ah. Muntikan na naman siyang bumigay.

Huwag muna ulit, Kim. Huwag muna. Baka tumalab na ang sunod na putok.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top