Chapter Thirty Three

 "MANLOLOKO siya!"

 Marahas na pinunasan ni Kim ang luha sa kanyang pisngi. Kanina pa niyang hinahayaan ang sariling umiyak para sa lalaking 'yon sa pag-aakala na mababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Marami-rami na din siyang luhang iniiyak. Gusto na niyang sabunutan ang sarili.

 Ngayon malinaw na sa kanya kung bakit pakiramdam niya ay may mali. Dahil wala talagang amnesia si Diego. Naaalala nito ang lahat na nangyari sa kanila noon. Napaikot siya sa palad nito ng wala siyang kamuwang-muwang. She hated him for that.

"I think, dapat pag-usapan n'yo 'yang dalawa ni Diego."

"No, i don't want to talk him. Hindi na ako makikipag-usap pa sa gagong 'yon." Suminghot siya at nilagok ang tubig sa babasaging baso. Marahas nya iyong ipinatong sa maliit na mesa. Mabuti na lang at hindi iyon nabasag.

Napailing ito at tumabi sa kanya. "You and Diego should talk. Iyon ang makakabuti sa inyong dalawa. Iyon ang tama. Hindi ka pa ba natuto sa nangyari noon, Kim?"

 Natigilan siya at napatingin kay Lynne. "Nagkasira kayo noon dahil sa kawalan ng maayos na pag-uusap. Hindi ka nakapagpaliwanag sa kanya noon at hindi mo rin siya noon binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Pareho kayong naging matigas sa isa't isa. And that's not right because you and Diego are couple. Sa tagal ng pinagsamahan n'yo, hinayaan nyo na lang dalawa na mawala 'yon."

"Kahit din naman mag-usap kami noon, wala naman siguro ding magbabago. Maghihiwalay pa rin kami. Iyon pa rin ang kakahantungan ng relasyon namin."

"Yes, pero bes, nabigyan kayo ng second chance ni Diego. Sinabi mo nga, di ba, nagawa lang ni Diego na magpanggap na may amnesia siya dahil mahal ka pa rin niya. Maybe, he really loves you and he wants you back. Iyon lang siguro ang nakikita niyang paraan para bumalik ka sa kanya. Mali nga siguro siya, but i'm sure Diego did it for love."

"I still don't know kung kakausapin ko siya," matigas ang boses niya.

"Hay, jusko! Huwag mo kaya pairalin 'yang pride mo? Give him the chance. Let him explain."

 Nagdududa na siyang tumingin sa kaibigan. "Umamin ka nga, abogado ka ba ni Diego? Kanina mo pa siyang inaabogadohan, ah."

 Tumawa ang kaibigan at pabirong sinabunutan ang buhok niya. "Eh, kasi di ko maintindihan kung bakit ka magagalit sa kanya dahil lang sa nalaman mong nagpapanggap lang siya. Dapat nga masaya ka teh! Walang amnesia si Diego. Hindi ka na mapaparanoid sa kakaisip kung anong gagawin mo kapag nakaalala ka na. Ibig sabihin niyan, lahat ng ipinakita niya sa 'yo sa Sagada, 'yong mga ipinaramdam niya at sinabi niya, totoo ang mga 'yon."

"Pero nagpanggap pa rin siya at ginawa niya akong tanga. He's an asshole!"

Parang nawawalan ng pasensya na bumuga ng hangin si Lynne. "Ano ba, Kim? Hindi ba kalimutan mo na lang 'yan? Hindi ka kay Diego dapat magalit. Kundi dyan sa kapatid mong bruha!"

 Muling bumalik sa isip niya ang ginawang paghalik ni Mari sa pisngi ni Diego. Malinaw sa kanya na may gusto ito kay Diego. That surprised her.

 Si Mari, may gusto sa boyfriend niya? Kailan pa? Parang hindi siya makapaniwala pero kitang-kita niya ng halikan nito ang binata. Kaya hindi niya napigil ang galit kanina. Nasaktan niya ang kapatid at alam niyang mali iyon. Hindi siya dapat nagpadala sa galit niya basta-basta.

"... Sinira niya tayo noon, Kim. Believe me."

 Napatiim-bagang ang dalaga nang maalala ang sinabi ni Diego. Sinasabi ba nito na may kinalaman si Mari kung bakit humantong sila sa hiwalayan noon?

 Ano naman ang kinalaman doon ng kapatid niya? Wala siyang makitang maaaring ginawa nito. Ang nangyari sa kanila noon ni Diego ay kasalanan nilang pareho.

 Aminado siya doon. Hindi niya naipaliwanag noon sa binata ang totoo tungkol sa mga nakita nitong pills sa bathroom. Kung nasabi agad niyang hindi na siya nag-t-take noon, hindi ito magagalit sa kanya.

 Siguro ay hindi iyon aabot sa naabutan niya noon sa condo nito kung saan may kasama itong babae. Hindi siya masasaktan.. Hindi maaaksidente at makukunan pagkatapos. Sinisi niya kay Diego iyon. Kahit ang totoo'y hindi nito kasalanan ang nangyari sa kanya. Hindi naman nito ginusto na maaksidente siya. Pero ipinagtabuyan niya ito noon at hindi binigyan ng pagkakataon na makausap siya.

 It was her fault. May kasalanan ito, pero pareho lang silang nagkamali. At ngayong araw, narinig niya mula kay Mari na nagpapanggap lamang na may amnesia si Diego at hindi iyon itinatanggi ng huli. He tried to explain but she didn't let him. Tama nga siguro si Lynne. Dapat silang mag-usap ni Diego. 

Hindi niya dapat pairalin ang pride niya sa pagkakataong 'yon.

Pero anong mayroon kay Mari?

 Gusto niyang malaman kung bakit nasabi ni Diego na sinira sila noon ng kapatid. At ang motibo nito para gawin 'yon? Dahil ba may gusto na ito sa binata noon pa man? Sumibol ang kuryosidad sa dibdib niya. Kailangan niyang makausap si Mari sa lalong madaling panahon.



 "KUMAIN naman siya ng maayos kagabi. Yeah, she's okay now. Wala ka naman dapat ipag-alala, Diego. Tutulungan kita na makausap si Kim. Sus, di ka din naman nun matitiis."

 Tumawa ito at pumihit paharap. Nawala ang ngiti ng kaibigan nang makita siyang nakatayo sa likod nito. Papaalis na siya nang marinig niyang may kausap si Lynne sa loob ng kusina. Narinig niya ang kanyang pangalan kaya hindi niya napigilan ang makinig. At ang leche, si Diego pala ang kausap.

Pinagkrus niya ang mga braso at nagtaas ng kilay. "Traydor."

 Alanganing ngumiti si Lynne at itinago ang cellphone sa likod. "Kanina ka pa d'yan, bes?"

"Sa tingin mo?" Pinanlakihan niya ito ng mata. "Sinasabi ko na nga ba at abogado ka ng lalaking 'yan."

 May pinindot ito sa cellphone at ibinulsa. Ngumuso ito sa kanya. "Eh, hindi ko naman matiis 'yang fiance mo. Nangungulit sa akin, nagtatanong kung ayos ka lang ba o kumain ka. Halos magmakaawa na nga sa akin para lang malaman kung okay ka."

"Bakit di kamo siya tumawag mismo sa akin?"

"Eh, gagi. Nakalimutan mo daw ang cellphone mo sa unit niya."

 Nakalimutan pa rin nga pala niyang kunin ang cellphone niyang naiwan doon. Isang gabi pa lang na hindi niya nakikita si Diego, pero para na siyang maybahay na nangungulila sa asawa nitong nagta-trabaho sa ibang bansa. She suddenly missed him. She missed his scent, his taste.. His mouth over her lips and his hard frame against her curves. Fuck.

 Nag-init ang pisngi niya. Mabilis niyang tinaboy ang pag-iinit na biglang lumukob sa katawan niya.

"Teka, saan ba ang punta mo? Sa shop?"

Umiling siya. "May kakausapin lang ako."

"Si Diego?"

"Basta. Saglit lang ako. Babalik din ako mamaya."

"Sige. Take care."

 Tumango siya at humakbang na paalis. Pumara siya ng taxi at sumakay. Bago siya matulog kagabi, nabuo ang desisyon na puntahan si Mari sa bahay nito para kausapin. Bigla niyang naalala 'yong isang beses na nakita niya si Mari sa ospital. Idinahilan nito na dinalaw nito ang isang kaibigan. 

 Ngayon lang niya naisip na baka si Diego ang talagang dahilan kaya nandoon ang kapatid. Naalala din niya ang naging reaksyon nito nang malaman nitong si Diego ang binibisita niya sa ospital.

"That's the reason why you're here? Eh, hindi ba matagal na kayong hiwalay ni Diego?"

 Sa paraan ng pagtatanong nito, parang may disgusto sa boses nito. Hindi niya noon iyon napansin. 

 Pero ngayon, may isang malinaw sa kanya. Matagal na itong may gusto kay Diego. Hindi nito uusisain ang totoong kondisyon ng binata ng walang mabigat na dahilan. Sinadya nitong humanap ng dahilan para mag-away sila ng lalaki.

 She clenched her teeth. Si Mari ang huling taong inaasahan niyang gumawa niyon. Dahil sa mata niya at ng lahat ng tao, sweet at mabait ito. Parang hindi gagawa ng ikakasira ng iba. Inosente at di makabasag pinggan. Pero sa nangyari kahapon, sa mga narinig niya at ipinakita nito.. Mukhang nagkamali siya ng pagkakakilala sa kapatid.

Kumakabog ng husto ang dibdib ni Kim nang makarating siya sa bahay ni Mari. Para siyang sasabak sa gyera.

 "Mari!" malakas na tawag niya sa tapat ng pinto. Maagang gumigising ang kapatid kaya sigurado siyang maririnig nito ang pagtawag niya. Dalawang beses pa niya itong tinawag bago may nagbukas ng pinto sa kanya.

 And the woman is not her sister Mari.

 Pamilyar ang mukha ng babae sa kanya.. At base sa pagsilay ng ngiti sa labi nito, nakikilala siya nito. May alaalang pumitik sa isip niya.. Isang eksena dalawang taon na ang nakakaraan..

Her eyes widened as realization hit her.

Ito 'yong babaeng naabutan niya sa condo unit ni Diego noon!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top