Chapter Thirty One

 MAPAGLARO ang tadhana.

 Yeah. Matagal nang alam ni Kim ang bagay na 'yon. But this time, mas lalo niyang napatunayan na kapag naglaro ang tadhana, gugulatin ka niyon, susurpesahin ng mga katotohanan. Nalaman niya na may dalawang kapatid si Diego.

 Si Callan at Kira, na nangyaring mag-asawa na ngayon. Sounds forbidden, right? Pero hindi magkapatid si Callan at Kira. Lalong hindi magkadugo. Ang totoo niyan, ang ama ni Callan at ina ni Kira ay nagkaroon ng bawal na relasyon kung saan si Diego ang naging bunga. Now, she understand the situation.

 Gulat na gulat pa rin si Diego nang malaman nito na kapatid nito si Callan. Ofcourse, kahit sa kanya mangyari iyon ay magugulat siya. Malaman mong ang bestfriend mo pala sa trabaho ay kapatid mo. Baka malaglag ang panga niya at hindi na maibalik sa dati.

"Wala kaming ibang pagpipiliaan noon. Pinilit naming itago ang pagkakamali namin ni Frei at itama ang nangyari. Ang choice lang namin na nakikita para itago ang naging relasyon namin ay ipaampon ka," maluha-luhang kwento ni Mrs. Martinez, ang ina ni Diego. Naroon silang lahat sa living room, nakaupo at nag-uusap ng masinsinan. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Diego at naramdaman niya ang pamamawis niyon.

 "Maniwala ka, Diego, anak. Kung bibigyan lang ako ng ibang choice, hinding-hindi kita ipapaampon. Pero wala akong ibang pagpipilian kundi ang ipaampon ka sa iba. Iyon din ang nakikita kong paraan para ilayo ka sa eskandalong pwedeng mangyari." Nanginginig ang boses ng ginang at pati siya ay parang nadadala sa emosyon nito. Niyakap ito ni Kira para aluin.

 Nagsalita si Mr. Fontanilla. "Sana maintindihan mo ang sitwasyon namin noon, Diego. Pareho kaming may pamilya ni Reina at may pinoprotektahan kami. Malaking kasalanan ang nagawa namin at gusto naming itama 'yon pareho. Gusto ko noon na manatili ka sa amin, pero tama ang sinabi ni Reina. Maaaring maapektuhan ka ng malaking eskando kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa 'yo. Kaya napagdesisyunan ka namin na ipaampon." Tumingin ang lalaki sa mag-asawang McIntosh. "At sa tingin ko, hindi ako nagkamali ng mga taong pinili para ampunin ka. Na-protektahan ka nila at napalaki ng maayos."

 Ngumiti ang mag-asawang McIntosh. Nangingilid sa luha si Tita Grace. Alam niya kung gaano kaganda ang naging pagpapalaki nito kay Diego. Hinangaan niya ang pag-aaruga nito sa binata bilang ina.

 Si Callan ang sunod na nagsalita. "Kailan lang namin nalaman ang tungkol doon. Kaya ka namin hinanap dahil gusto rin kitang makilala.. At hindi ako makapaniwala na matagal ko na palang kilala ang kapatid ko."

"Ngayon hindi na ako magtataka kung lagi nila tayong napagkakamalan na magkapatid, pare." Nagtawanan ang dalawa at mayamaya'y emosyonal na nagyakapan ang mga ito. Si Callan at Diego, pagtapos ay si Kira.. At sumunod ay ang ina nitong si Reina at amang si Frei. Niyakap rin ni Diego ang mga kinalakhan nitong magulang.

 Napakagandang panoorin ng tagpong iyon. It made her heart swelled with love and happiness. Tears blurred her vision, and she blinked. Pinahid niya ang mga luhang kumawala.

 Humarap sa kanya si Diego. "O, para saan ang mga luhang 'yan, mahal?" nanunukso ang boses nito.

 Marahang kinurot niya ito sa dibdib. "Sira ka talaga." Iniyakap niya ang sarili dito at naramdaman niya ang paghagod ng kamay nito sa likod niya. "I'm just happy for you. Nakilala mo na ang mga totoo mong magulang at kapatid."

 Naramdaman niya ang pagngiti nito. Kinalas nito ang mga braso niya sa katawan nito at humiwalay. 

"Hindi pa pala kita naipapakilala sa kanila."

"Huh? Huwag muna kaya ngayon.."

 Pero hindi na niya napigilan ito. Hinawakan siya nito sa kamay at dinala sa harap nina Callan. Alam niya kanina pa siyang nakita ng lalaki at pamilyar din siya dito. O baka nga kilala na siya nito.

"Ma, Pa, si Kim nga pala. Fiancée ko."

 "Oh, nice to meet you, Kim." Inilahad ni Mr. Fontanilla ang kamay nito sa kanya. "Napakagandang babae pala ng mapapangasawa nitong si Diego." nakangiting sabi nito. Kinamayan rin siya ni Ms. Martinez, pagkatapos ay niyakap ni Kira.

"Congrats sa inyong dalawa," sabi ni Callan, nakatingin sa kanya. "This is a good news. Mabuti naman at sa wakas, magpapakasal na kayo."

 Hindi niya masalubong ang mga mata ng kaharap. Alam ni Callan ang kondisyon ngayon ni Diego, na hindi naaalala ng huli ang naging paghihiwalay nila. Sigurado siyang may mga tanong si Callan sa isipan pero hindi lang nito sinasabi para hindi maguluhan si Diego.

"T-Thank you." Malakas ang kabog ng dibdib ni Kim at pilit na ngumiti.

Sabay-sabay silang nag-lunch pagkatapos.



"WHERE are you going?" tanong ni Diego at hinawakan ang braso niya. Katatapos lang nilang kumain at kasalukuyang nagkukuwentuhan.

"Magpapahangin lang ako sa garden."

"Sige." Lumuwag ang hawak nito sa braso niya. Nakatingin sa kanila si Kira. Tumango siya dito at pagkatapos ay humakbang palabas ng dining room. Nagtungo siya sa hardin. Parang nakahinga siya ng maluwag nang marating iyon. Kanina pang parang masikip ang dibdib niya.

She was bothered. Hindi niya ikinakaila sa sarili na habang tumatagal, mas lalong lumalaki ang pangamba niya. Isa sa mga araw na ito, maaaring malaman na ni Diego ang nakaraan nila. Hindi man nito maalala, siguradong may isang nakakakilala dito ang makakapagsabi. Hindi niya alam ang gagawin.

 Pero may dapat ba siyang gawin para pigilan na matuklasan nito ang totoo? Hindi siya ganoon ka-selfish para ipagkait dito ang katotohanan.

Nagtatalo ang isip at puso ng dalaga nang maramdaman niya ang mga yabag sa likod niya. Lumingon siya at nakitang si Callan iyon.

"Dapat nasa loob ka," usal niya.

Ngumiti ang mga mata nito. "Ganoon din dapat ikaw, Kim."

Napabuntong-hininga siya at ibinalik ang tingin sa mga halaman. Naggagandahan ang mga bulaklak na 'yon, alagang-alaga.

"You seemed really bothered. Tungkol ba ito sa kapatid ko?"

Kahit hindi niya sagutin, nahuhulaan niyang alam na nitong tama ito.

"Mahirap ang sitwasyon mo ngayon. Engaged ka kay Diego kahit wala pa siyang naaalala kung ano talaga ang nangyari sa inyo noon. Paano na kapag nalaman niya?"

 "I-I don't know... Naguguluhan din ako." Hindi niya alam kung paano siya napasok sa ganoong sitwasyon. Pero kung bibigyan siya ng pagkakataon na ibalik 'yong araw kung saan humingi ng tulong si Tita Grace na sakayan muna niya ang binata, magiging ganoon pa rin siguro ang pasya niya. Papayag pa rin siya na magpanggap.

 Nakita niya sa gilid ng mata ang paglapit nito sa tabi niya. "Hindi maaaring hindi malaman ni Diego ang totoo, Kim. Aware ka naman siguro na kahit di siya makaalala, may mga taong kilala siya at alam na two years na siyang hiwalay sa long-time girlfriend niya. Maraming usisera't usisero sa mundong 'to, wag mong kalimutan 'yon."

"Hindi ko nakakalimutan 'yan. Alam ko naman na darating 'yong araw na maaalala niya. Pero hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa kanya, o kung may lakas pa ba ako ng loob nun na sabihin sa kanya na para sa kanya 'yong ginawa ko."

"Mahal mo pa ba si Diego?"

"O-oo. Mahal ko si Diego." Mahal na mahal.

Tumango ito. "Sa tingin mo, ganoon rin ang nararamdaman niya para sa 'yo?"

Matagal siya bago makasagot. "Sinasabi niyang mahal n'ya ako."

"Pero dahil sa iyon ang naaalala niya. Paano kung makaalala na siya... Sa palagay mo, ganoon pa rin ang nararamdaman niya para sa 'yo? People change.. And feelings, too. Maaaring 'yong nararamdaman niya sa 'yo noon ay hindi na katulad ng inaasahan mong nararamdaman pa rin niya bago nangyari ang aksidente. There's a possibility na nag-fade na 'yong pagmamahal na 'yon."

Her heart clenched, and tears welled in her eyes. "You think so?"

"Two years din kayong naghiwalay, di ba? Hindi ba pumasok sa isip mo na baka hindi na ikaw ang mahal niya at iba na ang tinitibok ng puso nya?"

Para iyong patalim na tumusok sa dibdib niya.

"Pwede rin naman na mahal pa rin niya. Pero hindi tayo nakakasiguro. Anyway, opinyon ko lang naman ito. Wala akong balak na saktan ka. I like you for my brother.. Kahit noong hindi ko pa nalalaman na kapatid ko siya at naikukuwento ka nya sa akin noon. Sige, babalik muna ako sa loob."

Tinapik siya nito sa balikat at humakbang na pabalik sa loob.

 Nang makaalis na ang lalaki, pinakawalan na niya ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilang umalpas. Binalikan niya sa isip ang mga sinabi ni Callan at para siyang tinutusok ng libo-libong karayom sa dibdib. Paano nga kung magkatotoo ang mga sinabi nito? Paano kung magka-alaala na ulit si Diego at marealize nitong hindi na siya nito mahal? Paano na siya?

Masasaktan siya... Her heart will bleed. Hindi niya makakayanan ang sakit, sigurado siya.

Sa hindi malamang dahilan, bigla niyang naalala si Mari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top