Chapter Thirty


 "SIGE NA, Kim, o. Maawa ka na, kailangan ko lang talaga."

 Napahalakhak ang dalaga. Nasa tapat na siya ng unit ni Diego. Kausap niya si Lynne. Nagpapaalam pa ito sa kanya na makikipagkita ito. Paraan lang naman iyon ng pang-aasar nito sa kanya. "Oo na, pumapayag na ako makipag-date ka kay Hunt. Basta humanap kayo ng place n'yo!"

 Pinutol niya ang tawag at binuksan ang pinto. Binungad siya ng katahimikan at kadiliman. Nagtaka siya. Hindi ba't nauna na si Diego sa kanya? Sinabihan na nga niya itong wag na siyang sunduin dahil on the way na din naman siya. Binuhay niya ang ilaw at bumaha ang liwanag sa paligid.

"Diego?" she called him. Nakita niya ito sa sala. Nilapitan niya ito. Ngunit natigilan siya nang makita ito. Nakayuko ang binata at tila may mabigat na dinadala. "Diego, anong nangyari sa 'yo?"

 Nagtaas ito ng tingin at pilit na ngumiti sa kanya. "Nandito ka na pala." Hinila siya nito paupo sa kandungan nito at awtomatikong pumulupot ang braso niya sa leeg nito. She couldn't help but notice the sadness in his eyes.. The pain, the misery. Ngayon lamang ulit niya nakita iyon sa mga mata ng binata. Then, she realized something was wrong. "What happened?"

Iniiwas nito ang mata. "Don't mind me. Gutom ka na ba? Nag-take out na ako kanina bago umuwi."

"Diego." Hinuli niya ang mata nito at sinalubong ang mga 'yon. "Tell me what's wrong."

Napatiim-bagang ang kasintahan. "Wala ito."

She cupped her face. "Something's bothering you. Sigurado ako doon. Bakit hindi mo sabihin sa akin?"

 Nagbukas-sara ang bibig nito, parang hindi malaman kung paano magsisimula. Nang sandaling iyon kitang-kita niya ang paghihirap sa mga mata nito. Parang nakikita niya ang isang helpless na bata na iniwan ng magulang sa bahay. Umupo siya sa tabi nito. Tumayo ito at nagtungo sa loob ng kwarto. Mas lalong sumibol ang kuryosidad sa dibdib niya.

 Bakit parang may mabigat na bagahe itong dinadala-dala?

Narinig niya ang paglagaslas ng tubig sa loob ng banyo. She sighed. Parang gusto niyang mainis dito. Bakit hindi nito sabihin sa kanya kung anuman ang gumugulo sa isip nito? Napapaisip siya kung ano 'yon. Hindi naman siguro nakaalala na ito.. Ayaw niyang isipin na iyon nga.

She wanted to know.

 Tumayo siya at sumunod sa loob. Tinanggal niya isa-isa ang saplot at pumasok sa banyo. Nakatalikod sa kanya si Diego, nakayuko ito at nakakapit ang isang kamay sa dingding. Umaagos ang maligamgam na tubig sa katawan nito. Pakiramdam niya ay ibang tao ito ngayon. Ano ba talaga ang bumabagabag dito? Bakit ayaw nitong ipaalam sa kanya?

Humakbang siya at niyakap ito. "Hindi mo kailangang magtago sa akin, Diego. Why don't you tell me what's bothering you?"

Nanigas ang katawan nito at hindi nagsalita. Maingat nitong tinanggal ang kamay niya. Nanginig ang tinig niya. "Okay, i get it. Ayaw mong sabihin sa akin. Maybe, ang gusto mo sa relasyong to ay magtago tayo ng lihim sa isa't isa. G-Ganoon ba?"

"No. I don't want that." Pumihit ito paharap sa kanya. "I.. I just need time to think."

"Ano ba kasi 'yon?"

"It's about my mother and father."

Nagsalubong ang kilay ni Kim. "Bakit? Nag-away ba kayo nina Tita Grace?"

Pagod itong ngumiti. "Alam mong wala kaming pinag-aawayan nina mama na hindi agad namin naaayos."

Oo nga naman. Diego's a good son. Masunurin at magalang sa kinalakhang magulang. "Kung ganoon, anong problema sa kanila?"

"Hindi sila ang tinutukoy ko."

"Huh?"

"It's about my biological mother and father. Hinahanap nila ako."

 Napatulala si Kim, laglag ang panga. Pinatay ni Diego ang shower at bumuga ng hangin. "Hindi mo naman kailangan sumunod sa akin dito. You should have wait for me outside." Inabot nito ang towel at ipinulupot sa kanya. Hindi pa rin siya makaimik hanggang sa lumabas sila ng banyo. Nagsuot ito ng boxers at siya naman ay inabutan nito ng T-shirt nito na maluwag sa kanya.

"Are you saying na pagkatapos ka nilang ipa-ampon... Hinahanap ka na ng mga totoo mong magulang ngayon?"

 Marahas itong tumawa at uumupo sa gilid ng kama. "Parang ganoon na nga. Pagkatapos nila akong ipamigay, magpapakita sila kina mama at hahanapin ako." Nakatiim-bagang ito at may mapang-uyam na ngiti sa labi.

"B-Bakit ka ba nila hinahanap?"

"Gusto lang daw nila akong makita. Funny. Para saan pa?"

"May dahilan sila sigurado ako. Baka nagsisisi sila sa naging desisyon nila na ipina---"

"That's not true. Ang pinagsisisihan nila ay ang naging bawal na relasyon nila.. Na dahilan kung bakit ako nabuo."

"W-What did you say?"

Nanghihina siyang tumabi dito. Nakita niya ang pamumula ng mga mata ni Diego at nakalarawan doon ang sakit. Hindi niya napigilan ang pag-iinit ng mata.

"Nalaman ko kung bakit nila ako ipinamigay, Kim. Resulta ako ng bawal na relasyon nila.. Pareho na silang may pamilya nang mabuo ako. Itinago ako ng totoo kong ina noong ipinagbubuntis nya ako para hindi mabuko ang tungkol sa kanilang relasyon. At pagkatapos, ipinaampon na ako para hindi na lumabas ang totoo. Hinayaan nila na iba ang mag-alaga sa akin. Para lang akong tuta na pagkatapos iluwal, ipapamigay na o ibebenta." Nabasag ang tinig nito, hindi nakaligtas sa mata niya ang pagbagsak ng luha sa pisngi nito.

 Her heart felt so heavy for him. Alam niya kung gaano iyon kabigat at kasakit para dito. Ipinulupot niya ang braso sa katawan ng binata para bigyan ito ng comfort. "Sa tingin mo, bakit sila nagpakita sa 'yo?"

"Nalaman ng mga anak nila ang totoo, na may anak sa labas. Kaya nila kinontak sina mama para mahanap ako. Ang biological mother ko pa lang ang name-meet ko. Pero bukas makakaharap ko 'yong totoo kong ama kasama ang mga kapatid ko."

"Answer me honestly, Diego.. Galit ka ba sa kanila?"

"Ano ba ang dapat kong maramdaman? Dapat ba akong maging masaya? Thankful na ipinamigay nila ako? Na ngayon lang ulit sila magpaparamdam?" Nakakuyom-palad ito at labas ang mga ugat sa braso.

"Diego.."

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko. I'm confused. A part of me is telling that i should be happy. Pero may isang bahagi ko naman ang nagsasabi na magalit ako. Ipinamigay nila ako, eh. Hindi ba sapat 'yon para magalit ako sa kanila?" Tumingin ito sa kanya, para bang nanghihingi ng kasagutan sa kanya. Umiling siya.

"If you asked me, i will tell you to be happy. That you should be grateful."

 Napalunok ang binata, parang hindi nito inaasahan ang isasagot niya. Banayad na ngumiti si Kim at hinaplos ang pisngi nito.

 "Hindi ba mas dapat na magpasalamat ka pa rin na kahit papaano makikilala mo sila? Kahit na sabihin natin na ipinamigay ka nila, hindi ba pwede na maging masaya ka pa rin dahil napapunta ka kina Tita Grace? Sabi mo nga, bunga ka ng bawal na relasyon. Ipinia-ampon ka man nila, pero doon sa mga taong alam nilang maaalagaan ka at masusuportahan ang mga pangangailangan mo. Naniniwala ako, kung binigyan ang mga totoo mong magulang ng iba pang choice hindi ka nila ibibigay. Sila mismo ang mag-aalaga sa 'yo hanggang sa paglaki mo. Pero sa sitwasyong nakikita ko, wala silang ibang choice. Kailangan din nilang protektahan ang mga pamilya nila. At ikaw, prinotekhan ka nila sa ginawa nilang desisyon. Inisip din siguro nila 'yong magiging sitwasyon mo bilang bata kaya ginawa nila 'yon. At ngayon, hinanap ka nila para makita ka ulit nila at para makilala ka ng mga kapatid mo. Sigurado ako, hindi ka nawala sa isip nila."

 Lumamlam ang asul nitong mga mata. Pinaglandas niya ang daliri sa matangos nitong ilong pababa sa labi nito at ngumiti. "Maswerte ka, Diego. Kahit na ipinaampon ka ng mga tunay mong magulang, naranasan mo pa rin ang isang masayang pamilya na hindi mo kailangan ipagsiksikan ang sarili mo. Isn't that something you should be grateful for?" Nanginig ang labi niya. Hindi niya maiwasang maalala ang kanyang magulang. Wala ni isa sa mga ito ang nangungumusta sa kanya. Kahit isang tawag wala siyang natatanggap. Kung hindi pa siya ang dadalaw, hindi pa ng mga ito maaalala na may anak ang mga ito na maganda.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ni Diego, lumiwanag ang mukha. Hinalikan siya nito sa labi. "You're right, love. You made me realize that now."

 "Masaya ako at narealize mo 'yon. Actually, hindi ko inaasahan 'yon. Matigas kasi ang ulo mo."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Matigas ang ulo? Alin bang ulo, sa itaas o baba?"

"Pervert." Inirapan niya at kapagkuwan ay tumayo. Hinagilap nito ang balakang niya at hinila siya paupo sa kandungan nito. "Tingnan mo ikaw. Kanina, problemado. Tapos ngayon, maharot naman!"

"It's because of you," then he laughed on her ears. "Pinagaan mo ang loob ko. I seriously don't know what to feel noong nalaman ko ang tungkol sa totoo kong magulang. I'm confused. Pero ikaw, binigyang liwanag mo ang isip ko. Lagi na lang ikaw ang nagpapagaan ng loob ko. Kaya mahal na mahal kita, eh."

"Silly." Pinisil niya ang pisngi nito. "But hey, i love you too. Kapag kailangan mo ako, nandito lang ako."

 Pinaglapat nito ang mga ilong nila. Nakapikit ang mga mata. "Sasamahan mo ba ako bukas? Gusto ko kasama kita kapag nakaharap ko na sila. Ipagmamalaki ko sa kanila kung gaano kaganda ang mapapangasawa ko."

Napahalakhak siya.



 "ILANG minuto pa, dadating na sila." pahayag ni Tita Grace, may maliit na ngiti sa labi nito.

Naramdaman ni Kim ang paghugot ni Diego ng hangin. Bumaling siya dito at ngumiti. "Nervous?"

Umiling ito. "More like excited."

Lumapad ang ngiti niya. Pinisil niya ang kamay nito. "I'm sure excited na din sila na makita ka."

 Naroon sila sa living room ni Diego kasama si Tita Grace at Tito Mon. Hinihintay na lang nila ang pagdating ng biological parents ng binata kasama ang dalawang kapatid nito. Nararamdaman niya ang pinaghalong kaba at excitement ng katabi. Kahit siya ay parang nahahawa na rin dito.

 Habang naghihintay, hindi nila mapigilan ni Tita Grace ang magkuwentuhan tungkol sa pagkabata ni Diego. May pictures siya noong five years old pa lang si Diego. He was a chubby kid before. Mataba ang pisngi nito noon at mamula-mula na kaysarap pisilin. Siguro, kung naging kababata niya ito baka lagi niyang pinggigilan ang pisngi nito. Pero okay pa rin naman na hindi. Iba na naman ang gusto niyang paggigilan sa kasintahan.

 Matagal na rin niyang alam na Harry Potter fan si Diego. Mahilig talaga itong magbasa ng libro. And he also loves gardening. Noong nasa Sagada sila, hindi siya nagsasawang panoorin ito kapag nagbubungkal ito ng lupa at may putik ang hubad na katawan.

 Sabay-sabay silang natigilan nang marinig nila ang pagparada ng sasakyan sa labas. Pumasok si Mang Impe. "Ma'am Grace, nandito na po sila."

 Tumayo ang ginang at "Papasukin mo na sila."

 Tumingin si Tito Mon kay Diego. "Hijo, ayos ka lang ba?"

"I'm okay, Pa."

"Smile. Nandito na ang mga totoo mong magulang. Sigurado ako gustong-gusto ka na ulit nilang makita."

 Napatayo silang lahat nang bumukas ang pinto at pumasok ang apat na tao. Isang pamilyar na mukha ang agad na nakakuha ng atensyon ni Kim. Sigurado siya nakita na niya ito, hindi lang niya matandaan kung kelan at kung saan. Narinig niyang marahas na napahugot ng hangin si Diego. Tumama ang hinala niya nang marinig niyang magsalita ang katabi.

"Callan?"

Callan.. Namilog ang mata ni Kim nang marealize niya kung saan niya nakita ang lalaki. Ito 'yong lalaking bumisita sa ospital! Kasamahan at matalik na kaibigan ni Diego. Kita rin niya ang pagkabiglang lumarawan sa mukha ng lalaki nang makita nito si Diego.

"Diego?" Hindi makapaniwalang usal ni Callan at humakbang palapit sa kanila. "Dude, anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw, ano bang ginagawa mo dito?"

 Lumapit ang isang matangkad na lalaki na sa tingin ni Kim ay nasa late forties na. Pumagitna ito sa dalawang lalaki. Napalunok siya habang pinagmamasdan ang tatlo. Alam ng dalaga hindi lang siya ang nakakapansin ng nakikita niya.

 God. She couldn't believe it.

 Kahit ilang beses niyang ikurap ang mata niya, talagang magkakamukha ang mga ito! Naramdaman niya ang tensyon habang pinaglilipat ang tingin sa tatlo.


 "Callan, meet your brother."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top