Chapter Seven


 NILAGOK ni Kim ang natitirang alak sa bote ng wine. Parang apoy na gumuhit sa lalamunan niya ang alak. Nasa teresa siya ng kanyang bahay at pinipilit niyang magpaantok sa ngalan ng kanyang kagandahan.

 Hindi siya matulog nang gabing 'yon. Kahit saan niya ipaling ang mukha, ang gwapong mukha ni Diego ang lumilitaw sa isip niya. Tila isang multo ng nakaraan ang mga alaala nito. She don't want him to be part of her life anymore.

Not now.

 Nakapag-move on na siya. Nakalimutan na niya ang pinakamasaklap na parte ng buhay niya. Hindi niya gugustuhin pa ang hukayin ang mga kalansay ng nakaraan nila ni Diego. Walang pusong naghilom sa matinding sugat ang nanaisin na maulit pa ang sakit at hapdi na dinanas nito.

 Ngumiti siya, may pait na gumuhit sa mga labi niya.

 And you know's funny. Pagkatapos ng dalawang taon, magku-krus pa rin pala talaga ang mga landas nila. Paano nga ba hindi mangyayari 'yon? Maliit lamang kung tutuusin ang Pilipinas para muli silang magkita. Kung 'yong mga nagtatago pa mula sa kaaway ay natatagpuan ang pinagtataguan. Sila pa kaya ni Diego na naging magkasintahan lamang? At di pala i-lang ang naging relasyon nila ng lalaki. 

They had been in a relationship for six years.

Fvcking six years.

 Parang may buhol sa kanyang sikmura. She forced herself not to breath too deeply.

Fvck, stop thinking about him!

 Nanginginig na pinakawalan niya ang tensyon sa kanyang katawan. Tumingala siya sa kalangitan. 

 Maningning ang kalangitan ngayon sa mga bituin, tila naging disenyo iyon sa itaas upang bigyang liwanag ang madilim na langit.

 Nakuha ang pansin niya ng isang bituin. Kumislap iyon at parang intensyon talaga na kunin ang kanyang atensyon.

 Nakagat ni Kim ang ibabang labi at hindi napigilan ang pag-iinit ng mga mata. Ang bituing iyon ay nagpapaalala sa kanya ng isang munting nilalang na maagang kinuha sa kanya. Pakiramdam ni Kim ay gumapang sa dibdib niya ang buhol sa kanyang sikmura. Ramdam niya ang pagpulupot niyon sa puso niya at pagpintig na parang sugat.

 Inutusan niya ang sariling kumalma. At pagkatapos ay bumalik na siya sa kama. Maybe, some people was right about the darkness of pasts. Mahirap takasan ang madilim na nakaraan. Para iyong anino na nakasunod na sa 'yo habambuhay.


 "NAKATULOG ka ba kagabi, Kim?"

Napatingala ang dalaga kay Lynne. May malalim na kunot-noo sa mukha nito habang nakatitig sa kanya.

 She took a long, deep breath. "Hindi," walang pagtangging sagot ni Kim. Tinitigan niya ang kapeng inilapag nito sa harapan niya. Hindi maganda ang gising niya at hindi pa rin siya nakakahigop ng mainit na kape. Wala pa siyang maayos na tulog. And she could practically compare her face to a witch. Bukod sa nangingitim ang ilalim ng mata niya, hindi pa rin siya nakakapagsuklay ng maayos. 

 Umalis siya sa bahay niya na pinadaanan lang niya ng daliri ang kanyang buhok.

"Oh. Dinadamdam mo pa rin ba ang paghihiwalay n'yo ni Edgardo?"

 Sinamaan niya ito ng tingin. "Seryosong tanong ba 'yan?"

"Mukha bang biro 'yong tanong ko? Syempre, worried lang ako for your. Or let's just say na concerned din ako. Kung ako naman siguro ang nasa katayuan mo, magdadamdam rin ako 'no." Umupo ito sa kaharap na upuan niya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Isipin mo 'yon ano. Akala mo may forever na kayo ni Fafa Edgardo, pero wala din pala. Wala, dahil ang hanap niya ay tender juicy hotdog din."

 She rolled her eyes. "Serioulsy, Lynne? Alam mo kung ano na ang estado namin ni Edgar. We're friends. Tanggap ko na naman ang nangyari sa amin. Kung kami talaga, kami talaga. Pero sabi mo nga, gusto niya ng hotdog din. Well.. Hindi puwede 'yon. Baka kaming dalawa pa ang maging magkaribal sa future husband ko kapag natuloy ang relasyon namin."

Napahalakhak si Lynne. "Alam mo, tama ka. But tell me what's the problem."

"Alam mo na kung ano 'yon."

"Ah.." Tumango ito. Lynne let out a sighed. "Mahirap talaga 'yan. Hindi mo kasi 'yan puwedeng dalhin habambuhay. You have to let him know, Kim. Hindi pwedeng itago mo ang katotohanan sa kanya."

 Itinikom niya ang bibig at pinag-isipan ng maigi ang sinabi nito.

 Kung sasabihin niya iyon sa lalaki, may mababago ba? Nothing will change. Walang magbabago sa mga nangyari na. Hahayaan na lamang niyang lamunin ng panahon ang lahat.. Hahayaan na lamang niyang mabaon ang katotohanan sa nakaraan.


 Nagpaalam siya kay Lynne na matutulog muna saglit. May kwarto na nagsisilbing opisina niya sa kanyang bakeshop.

 Minsan kasi umaga pa lang ay nagta-trabaho na siya kaya doon na rin siya nagpapalipas ng gabi. Parang silid din niya sa kanyang bahay 'yon. Kompleto sa mga kagamitan.

Binuhay niya ang TV at humiga sa kama. Parang wala siyang gana na magtrabaho. Lalo na kapag ganitong magulo ang isip niya sa samu't saring isipin. Napatuon ang mata niya sa telebisyon nang makuha ng isang breaking news ang atensyon niya..

 "Dahil sa bilis ng takbo, kinaladkad ng isang rumaragasang truck ang isang police patrol kaninang madaling araw..."

 Napadiretso ang upo niya nang makita ang balitang 'yon. Kadalasan ay wala siyang pakialam sa mga balita sa telibisyon. Hindi nga niya alam kung bakit nanonood siya ng ganoon ngayon kung pwede naman siyang magsalang na lang ng isang Hollywood movie.

 Kumabog ang dibdib niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Malakas ang naging pagtibok niyon hanggang sa rumehistro sa TV screen ang litrato ng pulis na sinasabing biktima ng aksidente..

  Natutop niya ang bibig at tila nawalan ng kulay ang buong mukha niya.

 Oh, my God.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top