Chapter Fourteen
NAG-IIMPAKE si Kim ng mga gamit niya nang bumukas ang pinto ng silid niya. Bumungad doon si Lynne. Inaasahan na niya ang kaibigan. Tinawagan talaga niya ito para pumunta sa bahay niya.
"Oh, bakit ka nag-iimpake? Saan ang punta?"
"Lynne, i need you to stay here. Ikaw muna dito sa bahay habang wala ako dito."
Nagsalubong ang kilay ni Lynne. "Ha? Bakit naman? Saan ka ba pupunta?"
"Ano kasi, kasama ako ni Diego sa Sagada."
"What?"
"Huwag ka ng maraming tanong. Basta kailangan lang na kasama niya ako doon. At ikaw dito ka muna habang wala ako, pwede ba?"
Napipilitang tumango ang dalaga. Kita niya na naguguluhan ito at parang gusto pang magtanong. Bumuntong-hininga siya. Sa ngayon, hindi pa siya handang mag-open ng mga bagay bagay. Kasi kahit siya ay naguguluhan din sa bilis ng mga pangyayari.
"Hanggang kailan ka ba sa Sagada?" tanong nito, pagkatapos ay umupo sa gilid ng kanyang kama. Siya naman ay nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.
"Hindi ko rin alam. Doon muna ako mananatili kasama ni Diego habang nagpapagaling siya. Iyon ang pabor sa akin ni Tita Grace at napakabait niya sa akin para tumanggi ako. Isa pa, wala naman akong ibang choice, eh." Sigurado siya kung tumanggi siya sa ginang, si Diego naman ang mamimilit na isama siya. Knowing him gagawa ito ng paraan para maisama siya. Ngayon pa na akala nito ay nobya pa rin nito.
"Okay mag-iingat ka doon. Pero Kim, 'wag muna isusuko ang bataan, ha?"
Napakunot-noo siya. "Ha?"
Gumuhit ang pilyang ngit sa labi nito. "Syempre, magsasama kayong dalawa sa pagpunta sa Sagada. Eh. Sa gwapo at macho ni Diego, may palagay akong uuwi kang matambok ang tiyan."
Namilog ang mata ni Kim. "Walangya ka! Wag ka nga'ng mahalay d'yan, Lynne!"
Humalakhak ang dalaga. "Aba, nagsasabi lang ako. Malay ba nating dalawa, si Diego rin ang maging ama ng anak mo," pang-aasar pa nito.
Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Stop that."
"Aba, bakit? Wala bang pag-asa?"
"Wala."
"Talaga lang, ha?"
Oh, please. Tigilan mo 'yan, Lynne."
"Okay, okay!" natatawang itinaas nito ang kamay. "Hindi na kita kukulitin tungkol sa inyong dalawa ni Diego. Basta tandaan mo lang, kapag mahal ka, babalikan ka." makahulugang sabi nito.
Tumayo na ito at nagpaalam lang sa kanya na pupuntang kusina para maghanap ng pagkain. Naiwanan siya na natigilan sa sinabi nito. Kapagkuwan ay pagak siyang tumawa. Ano daw? Kapag mahal ka, babalikan ka? Ibig sabihin ba non, hindi na siya mahal ni Diego. Bakit? Hindi naman siya nito binalikan noon, di ba?
Kung mahal siya nito, gagawa ito noon ng paraan para muli siyang makita. Para magkabalikan sila. Oo, aaminin niyang hinintay niya noon na magpakita ulit ito sa kanya, na hanapin siya nito at suyuin ulit.
Pero hindi iyon nangyari.
Hindi ito dumating.
She smiled bitterly.
MAAGA siyang sinundo ng sasakyan na maghahatid sa kanila ni Diego sa Sagada. Nakilala agad niya ang driver bilang matagal ng tauhan sa mga McIntosh. Tinulungan siya nito na maiakyat sa van ang malaking bag na dala niya.
"Nasaan si Diego?" tanong niya kay Mang Impe.
"Nasa bahay pa po si Sir. Ang bilin nya sunduin ko muna kayo pagkatapos ay dadaan na lang tayo doon."
Tumango siya. "Okay." Tulad ng sinabi nito, sa bahay nga ng mga McIntosh sila dumaan. Nakita niyang nag-aabang na si Diego sa labas kasama ang mga magulang nito.
"Mahal," matamis ang ngiting usal ng binata ng makita siya. Parang walang tao sa paligid na kinabig siya nito at siniil ng matamis na halik sa labi.
"D-Diego.." Napasinghap siya. Bahagya nitong kinagat ang ibabang labi niya bago siya pakawalan. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Wala pa rin talagang kupas ang kapilyuhan nito.
"Hija," Lumapit si Tita Grace sa kanya at niyakap siya. "Mag-iingat kayo ni Diego doon, ha? Kung may kailangan ka lang, ang anak ko na ang bahala sa 'yo."
Ngumiti siya. "Sige po."
"And Kim, siguradong mag-eenjoy ka ng husto sa Sagada," dagdag ng ama ni Diego.
Umakbay sa kanya ang binata. "Ofcourse, Dad. At huwag ka na mag-alala, baka pagbalik namin tatlo na kami. Di ba, mahal?"
Muling nag-init ang pisngi niya. Palihim na siniko niya si Diego. Jusko, may plano pa yata ang hudyo na buntisin siya sa bundok!
Nagtawanan ang mga magulang ni Diego. "Kung mangyayari 'yon, magiging masaya kami, anak. Pero mas magiging masaya kami kung mangangako ka na hindi ka magpapasaway kay Kim doon/"
He groaned. "Ma, hindi na ako bata. At isa pa, magaling na ako. Can't you see me? And i think, malakas na naman ako. Pwede na nga siguro ako na bumalik sa trabaho."
"Iba pa rin kung ipapahinga mo muna ang katawan mo. Ikaw lang naman ang inaalala namin. Sige, ikaw rin. Baka sa sunod na ma-ospital ka, mabaog ka na." sabi niya.
Ngumisi ito. "Hindi mangyayari 'yon, mahal. At kung mangyari man, sisiguraduhin ko muna na maka-sampu tayo."
"Diego!" saway niya dito. Humalakhak lang ito. Nang tumingin siya sa mga magulang nito, nakita niya na nakangiting nakatingin lang ang mga ito na para bang natutuwa sa kanila.
NAGPAKAWALA si Kim ng isang malalim na buntong-hininga habang pinakikinggan ang paghihilik ni Diego. Nakahilig ito sa balikat niya at natutulog. Kagwapo-gwapo, ang lakas maghilik.
Hinayaan na lang niya ito sa imbes na gisingin ito at paibahin ng pwesto. Matitiis naman niya. Ngunit hindi niya maiwasan ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ano mang pigil ang gawi niya, di pa rin niya maiwasan ang pagririgodon ng damdamin niya.
Muli, napabuntong-hininga siya. Tulog pa rin ang binata nang nasa Baguio na sila. Dahan-dahan siyang kumilos para abutin ang bag niya at kunin doon ang kanyang mp3 player na lagi niyang baon sa mga byahe. Magagamit niya iyon ngayon para i-distract ang sarili niya.
Napatigil siya sa paggalaw nang maramdaman ang paggalaw ng ulo ni Diego. Akala niya ay magigising na ito, pero ipinagpatuloy lang pala nito ang pagtulog at isiniksik pa lalo ang ulo sa leeg niya.
"Ano kaya ang nangyari sa mokong na ito? Dati rati naman halos hindi na ito natutulog sa byahe."
Narinig niya ang tawa ni Mang Impre. "Baka pagod lang, Ma'am. O baka epekto lang ng nangyari kay Sir kaya hanggang ngayon kailangan pa rin niya ng pahinga."
"Sabagay. Sa nangyari sa kanya, kailangan talaga niya na magpahinga at bawiin muna ang lakas niya. Hindi rin biro ang dumaan sa aksidenteng naranasan niya." Pasimple niyang inabot ang blanket. Itinakip niya iyon sa katawan ng binata upang hindi ito malamigan.
"Pero alam n'yo, Ma'am, pagkatapos ng nangyari kay Sir, parang masaya pa siya."
Parang magnet na nagsalubong ang kilay niya. "Ha? Anong ibig niyong sabihin?"
"Kahapon paglabas ni Sir sa ospital, hindi ko inaasahan ang pagiging masigla ni Sir. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti at parang napakasaya niya.. Sa lahat ng taong dumanas sa matinding aksidente, si Sir lang yata ang nakakatawa pa ng malakas at nagagawa pa niyang makipagbiruan sa lahat. Parang wala lang sa kanya ang lahat."
Napangiti siya. "Parang bago ka na naman dito sa Sir mo. Natura naman sa kanya ang pagiging masiyahin at palabiro."
"Hindi, Ma'am. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganyan. Ngayon ko lang ulit siya nakita ganyan kasaya. Nagbago kasi si Sir simula noong.." Ibinitin nito ang sasabihin at alangan na tumingin sa kanya sa salamin ng sasakyan.
"Nagbago si Diego? Paano pong nagbago?"
"Huwag n'yo sana masamain ito, Ma'am, pero simula kasi noong naghiwalay kayo noon ni Sir, bihira na lang namin siyang nakikitang ngumingiti at masaya. Madalas ay seryoso siya at laging subsub sa trabaho. Nag-aalala na nga sa kanya sina Ma'am Grace, baka daw kasi maapektuhan ang kalusugan ni Sir. Hanggang sa nangyari nga ang aksidente at hindi namin inaasahan na may pagbabago pala na mangyayari." mahabang litanya nito at makahulugang na ngumiti ito sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top