Chapter Five
ISANG malutong na sampal ang tinamo ni Edgar mula kay Kim nang muli siyang magkaharap. Iyon ang ginawa niyang bati dito matapos pagbuksan ito ng pinto ng bahay niya.
Lumarawan ang pagkagulat sa mukha ng lalaki. "What the hell? Ano'ng ginawa ko?" tila inosenteng tanong ng dating nobyo.
"Drop the act, Edgardo. You don't have to pretend anymore. I know the truth." Malamig ang kalmadong boses niya. She's forcing herself to be calm. Baka bigla na lang siyang maglupasay doon kung bigla niyang ilalabas ang lahat ng nakaipon na emosyon sa dibdib niya.
Nagsalubong ang kilay nito. "What truth?"
"That you're not what i think you are.That you're a gay. Akala mo ba hindi ko malalaman ang panloloko mo?" Nakita niya ang tila pagkawala ng kulay sa mukha ni Edgardo.
Napalunok ito, pagkatapos ay nag-iwas ng mata. "H-How did you know?"
She smiled derisively. "I saw last night. Sinundan kita sa pinupuntahan mong gay bar. Seriously? Hindi ko akalain na maloloko ako ng isang mapagpanggap na bading. Don't worry, i don't hate you for being not a straight man or being a gay. I'll respect your sexuality. But that doesn't mean i don't hate you for fooling me, for making me an idiot. Hindi mo kailangan manloko ng tao para pagtakpan mo kung ano ang tunay mong kasarian. You don't have to pretend. Pretending someone your not could make other people hate you. At iyon na nga ang nangyari. Pinaasa mo ako at pinagmukha mo akong tanga."
Nakita niya ang paglandas ng luha sa pisngi ng lalaki. Unang beses niyang nakita na umiyak ang dating nobyo at ikinabigla niya iyon.
Napatungo ito. "I'm sorry, Kim. I don't know how to explain myself. Maski sa sarili ko naguguluhan ako. I'm confused, i still don't know who i am. I used you and i know it's not the right thing to do." Umiiyak, lumuhod ito sa harapan niya. Mas lalo siyang nabigla sa ginawa nito.
"What are you doing? Tumayo ka nga!"
"I'm sorry, Kim. I want you say i'm sorry. Please, please forgive me." Nagmamakaawa itong tumingin sa kanya at parang matutunaw ang puso niya sa paraan nito ng paghingi ng tawad sa kanya. Buong buhay ni Kim, sinasaktan siya ng mga taong minamahal niya. They hurt her without saying sorry.
At sa unang pagkakataon, may isang tao na humihingi ng tawad sa kanya habang nakaluhod sa harap niya. Biglang natunaw ang yelong nakabalot sa puso niya. Ang galit niya kay Edgardo ay biglang naglaho.
Yes, he had hurt her. Pero sinsero itong humihingi ng kapatawaran sa kanya. Nakikita niya iyon sa lumuluhang mata nito.. sa nagmamakaawang tingin nito.
Humugot ng malalim na hininga ang dalaga at hinawakan ito sa balikat. "Tumayo ka na d'yan, Edgar."
"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako pinapatawad." nabasag ang boses nito. Nakakaawa ang itsura nito nang sandaling iyon.
"Mas lalo akong magagalit kung hindi ka pa tatayo. And please, don't cry. Mas lalo kang napaghahalataan n'yan kapag iyakin ka." Maliit na ngumiti siya sa lalaki. "Come on, stand up."
Tila nag-aatubili pa itong tumayo. Ngunit napansin marahil nito na seryoso siya.
"Are you still mad at me?"
"Yes. Pero hindi ibig sabihin nun ay sarado na ang isip ko. I understand you now. Alam ko, mahirap na umamin at ilabas sa buong mundo kung sino ka talaga. The world is full of judgemental people. Kahit maging sino ka pa, kahit gaano ka pa kagaling sa isang bagay ay may masasabi pa rin sa 'yo ang tao na hindi maganda. And that's why you shouldn't hide your true identity. Just be yourself. Dahil mas kamumuhian mo ang sarili mo sa isang pagkatao na hindi ikaw." Bumuga siya ng hangin. "Hindi na ako masyadong nagagalit sa 'yo. Naiintindihan ko na may rason ka kung bakit mo ginawa 'yon. Pero kung gusto mo na patawarin kita, sundin mo ang sasabihin ko sa 'yo."
"Ano 'yon?"
Banayad na ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito. "Let it go."
"KEMBOT na, kembot na! Iladlad na ang iyong kapa. Kembot na, kembot na! Gora na sa pagrampa...!"
Amused na nakatingin kay Lynne ang mga customer ng bakeshop niya habang tila walang pakealam sa paligid na kumakanta ito. Maganda naman sana ang kaibigan niya, kaso hindi naman kagandahan ang boses nito.
"Kapag nagsialisan ang customers natin, kakaltasan talaga kita ng suweldo, Lynne." sabi niya dito habang kinakain ang isang hiwa ng blue berry cake sa maliit na plato.
Sinimangutan siya nito. "Kakaltasan agad ang sweldo? Be thankful ka nga dapat sa akin. Pinapagaan ko pa ang loob mo, 'te."
Pinaikutan niya ito ng mata. "Wala kang dapat ipag-alala sa akin. Tulad nga ng sabi ko, i'm okay. Nagkausap na kami ni Edgar at pinatawad ko na siya."
"Nang ganoon na lang?" Nanlaki ang mata nito. "Matapos ka niyang lokohin. Isa palang paminta ang hinayupak! Dapat sa ganoon, pinahihirapan. Tinotorture!"
"Masyado ka talagang brutal. Di na ako nagtataka kung bakit iniwanan ka ni Hunt." pagbanggit pa niya sa ex-boyfriend nitong doctor. "Balita ko babalikan niya 'yong first love n'ya."
Umismid si Lynne, sabay upo sa harap niya. "Huh. Tingnan lang natin kung makatiis siya na hindi ako makita. Sinasabi ko naman sa 'yo, Kim. Babalik at babalik siya sa akin." parang nakakasigurado ito sa bagay na 'yon.
Nagkibit-balikat siya. "Bahala ka. Huwag ka lang aasa masyado. Maraming babae na ang nagbigti dahil d'yan."
Ngumiti ito ng makahulugan. "Don't worry. Hindi naman ako aasa kung wala akong pinanghahawakan, eh." Pilyang kinindatan siya nito.
She rolled her eyeballs again.
"So, ano na ang nangyari sa inyo ni Edgar?"
"We're friends."
Di makapaniwalang tiningnan siya nito. "Friends? Pagkatapos ng nangyari?"
She nodded. "No hard feelings. May rason siya kung bakit nagawa niya 'yon. Alam ko naman na mabuting tao si Edgar. The problem is, wala siyang tapang na iladlad niya 'yong sarili niya sa ibang tao. Itinatago niya kung sino talaga siya at iyon ang dahilan kaya pinipilit niya na umaktong isang lalaki."
Napangiti si Lynne. "You really have a good heart, Kim. I just don't understand why..." Itinigil nito ang sinasabi at nag-aalalang tumingin sa kanya.
Bumuga siya ng hangin at pinilit balewalain ang tila punyal na nagbabantang tumusok sa dibdib niya. "Baka nga talaga kriminal ako noon kaya ganito kalupit ang tadhana sa akin." pabirong pahayag niya, ang lungkot ay hindi maitatago sa mga mata.
Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. "Bakit? May nangyari na naman ba? Tell me." puno ng concern ang boses ng kaibigan. Sa kabila ng lahat, kahit wala siyang pamilya na handang dumamay sa mga problema at paghihirap niya ay nagpapasalamat pa rin siya na may kaibigan siyang laging nakaalalay sa kanya. Hindi niya ito kadugo, pero kung magturingan sila ay parang magkapatid.
"I saw him." sagot niya makalipas ang ilang sandali.
Nahigit nito ang hininga. "Saan?"
"Sa gay bar."
"Holy.. what? Nagladlad na rin siya?" tila nalugi ito ng milyones. Natawa si Kim.
"Gagi! Did you forget that he was working with NBI? Nagkaroon ng raid kahapon sa bar na pinupuntahan ni Edgar."
"And? Doon mismo kayo nagkita? Sa loob?!"
Tumango siya. "Macho dancer siya doon. I think parte ng misyon niya iyon kay nagpanggap siya. Hindi ko siya nakilala nang una. Kaya di ko maiwasan ang ma-attract sa kanya."
"Dios mio."
Nag-init ang pisngi niya. "Hindi ko nga siya nakilala! But you know the worst part? He grind on me."
"What!"
"And... i like it."
"Ay teka, beh, Rated SPG na 'to." Ininom nito ang juice niya at saka ekseharadang pinaypayan ang sarili. "Nakainom ka na ba nang mga oras na anuhin ka niya? Alam mo na.. Di ba, syempre.. Didikit 'yong kanyang batuta.. I mean, tinigasan ba?"
Nanlaki ang mata ni Kim at mas lalong nag-init ang pisngi. "Lynne!"
"Oo at hindi lang naman isasagot mo."
"Kailangan ko pa ba ikuwento 'yon?" Parang mamatay siya sa kahihiyan kung sasabihin idedetalye niya sa kaibigan ang lahat ng kahalayang naramdaan niya kagabi. At ayaw man niyang alalahanin pa, kusang bumabalik ang mga maiinit na sandaling pinagsaluhan nila ni Diego noon. Malinaw at detalyado ang mga alaalang 'yon.
Hindi niya napigilan ang mabilis na pagkabog ng dibdib at pagguhit ng init sa mga ugat niya.
Mabilis na iwinaksi niya ang mga imaheng nagsisimulang magbalik sa utak niya.
"Oo, nasimulan mo ng i-kuwento. Alangan naman na bitinin mo pa ako?"
Umiling siya. "Wala na akong dapat i-kuwento. 'Yon lang 'yon kasi umalis agad ako sa lugar nang makilala ko siya." She knew that was a lie. Kailangan niyang gawin 'yon para sa sarili niya.
Kung nagkita man sila ni Diego kagabi, sisiguraduhin niya na hindi na mauulit 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top