Chapter Eleven


 "IT'S RETROGRADE amnesia," pahayag ng doctor pagkatapos ni Diego dumaan sa pagtingin nito. Kinailangan pa ni Kim na pakiusapan ang binata na hayaan muna ang mga doctor na tingnan ang kalagayan nito. Nag-init ang pisngi niya nang maalala kung paano siya nito hinalikan sa harap ng pamilya nito at doctor at mga nurse bago pumayag. Parang nalalasahan pa rin niya sa kanyang bibig ang init at tamis ng halik ng binata.

 Muli niyang itinuon ang atensyon sa sinasabi ng doctor.

 "Kadalasan pong nangyayari ang ganitong kaso sa mga nakakaranas ng TBI o 'yong tinatawag natin na Traumatic brain injury.  Pati na doon sa mga dumaan sa traumatic events. Puwede rin natin na isama ang surgery at infections sa dahilan ng pagkakaroon ng ganitong klase ng amnesia. Mostly, ang mga parte ng utak na naapektuhan ay ang hippocampus, diencephalon at temporal lobes. Kaya ang nakikita kong dahilan ng nangyayari kay Mr. McIntosh ay dahil sa pagkaka-aksidente niya. Naapektuhan niyon ang ibang bahagi ng utak niya dahilan upang magkaroon siya ng Retrograde amnesia."

 Base sa mga naunang paliwanag sa kanila ng doktor, nakalimutan ni Diego ang mahigit dalawang taon na nangyari dito bago ang aksidente. Bumalik ang isipan nito sa panahon na may relasyon pa rin silang dalawa. So, ipinapaliwanag n'yon ang naging reaksyon nito pagkakita sa kanya. Bumalik sa isip niya ang pagtawag nito sa kanya ng "mahal" at sa sabik na pagyakap nito sa kanya. It felt so damn good she want to be cage in his arms again.

 "Doc, anong kailangan naming gawin para gumaling ang anak ko?" Si Tita Grace. Nag-aalala pa rin ito at hindi mapalagay. Habang siya ay tahimik lang at nakikinig sa usapan ng dalawa sa tabi.

 "Mas makakabuti sa anak n'yo kung hahayaan n'yo muna siyang magpagaling. Palipasin muna natin na maghilom ang mga sugat niya. And about his condition, huwag sana natin siyang pilitin na alalahanin ang mga nawalang alaala sa kanya. Matinding sakit ng ulo ang mararanasan ni Diego na pilitin niya ang sarili niya."

 Hindi na niya napigilan na sumabat. "Sinasabi n'yo ba, Doc, na sakayan muna namin ang nangyayari kay Diego?"

 Tinitigan siya nito. "Ikaw ba ang girlfriend niya?" tanong nito.

Napalunok siya. Bumaling ang tingin niya sa ina ni Diego. Tila naghihintay rin ito sa sagot niya. "Y-Yes Ako po ang nobya niya."

 "I'm not saying na sakyan n'yo siya. Mas makakabuti siguro kung dahan-dahang ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. And you, as his girlfriend, malaki ang maitutulong mo sa pagrecover ni Mr. McIntosh. Maganda kung mananatili ka lagi sa tabi niya."

 Nagkatinginan sila ng ina ni Diego.



 "HIJA, sigurado ka bang okay lang sa iyo?"

Ngumiti si Kim para hindi na mag-alala pa si Tita Grace. Alam niya kung ano ang inaalala nito. Aware ito na matagal na silang wala ni Diego. Lahat ng mga nakakakilala sa kanila ay alam ang tungkol sa paghihiwalay nila ng binata. Marahil ay iniisip ng ginang na napipilitan lang siya o napasubo lang kaya sumang-ayon siya.

 Niyakap niya ang ginang. "Huwag na po kayong masyadong mag-alala, Tita. Ako na po ang bahala kay Diego."

 "Are you really sure, hija? Kung hindi okay sa 'yo---"

 "Okay lang po talaga sa akin, Tita. I'm very willing to help Diego with his conditions. Maganda po siguro kung magpahinga muna kayo. Ilang araw na din kayong walang masyadong pahinga. Hindi magugustuhan ni Diego kung makikita n'ya kayong nag-aalala ng sobra para sa kanya."

 Bumuntong-hininga ang ginang. Kita pa rin sa mukha nito ang pag-aalala. "Tita, wag na po kayo mag-alala."

 "Ikaw lang naman ang inaalala ko, hija."

 "Bakit po?"

 "Baka kasi.. Baka hindi ka pa handa. Baka may hinanakit ka pa kay Diego. Baka napipilitin ka lang ngayon dahil sa akin."

 May punto rin naman ang ginang. Sa totoo lang, hindi niya masabi kung handa na ba talaga siya o pinaniniwala lang niya ang kanyang sarili na okay na siya. Nandoon pa rin sa dibdib niya ang hinanakit, ngunit hindi na iyon ganoon katindi ngayon. She didn't know what just happened. Na-aksidente lang si Diego and here she was. Tila ibinibigay na ulit niya ang sarili niya sa lalaki na hindi man lang ito sinusumbatan.

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Hindi na siya nadala. With the past she and Diego have, nakukuha pa rin niya ngayon ang magmalasakit dito at sa pamilya nito. There's no question na mabait ang pakikisama sa kanya ni Tita Grace at ng buong McIntosh. Mula noon hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang trato ng mga ito sa kanya.

 Pero si Diego..

Paano niya ito ngayon kakaharapin? O mas tamang sabihin, paano niya ito ngayon papakisamahan na walang awkwardness? Sigurado siyang naroon pa rin ang discomfort.

 But still, hindi rin niya maikakaila na buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para kay Diego. May palagay siyang hindi iyon nawala kahit kailan.

 Nanginginig na humugot siya ng hininga. "Huwag n'yo po isipin 'yon. I.. I cared for your son, and that's real. Hindi ko siya pababayaan. Makakaasa kayo dyan."

 Naluha ito at niyakap siya.



 NAKAPIKIT si Diego nang pumasok siya sa pribadong silid nito. Walang ingay na lumapit siya sa binata at umupo sa tabi nito. Bakas pa rin sa gwapong mukha nito ang hirap na pinagdaanan nitong aksidente. Ngunit para sa kanya, wala pa ring nagbago. Angkin pa rin nito ang kagwapuhan na nagpapigil sa hininga niya nang una itong masilayan.

 Hinaplos niya ang pisngi nito. Natigilan siya nang maramdaman niya ang paggalaw nito. "D-Diego?"

 Sinalubong siya ng tila asul na pares ng dyamante sa pagmulat nito. "Hmm?"

 "You're not sleeping." That's a statement. "Bakit hindi ka pa natutulog? Hindi mo sinusunod ang payo sa 'yo ng doctor. Magpahinga ka." seryosong panenermon niya.

 Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi nito. Parang gusto niyang manginig sa kilig dahil sa ngiting 'yon. "Sinusunod ko naman, ah. As you can see, nagpapahinga ako."

 "Ibig sabihin nila, matulog ka."

 "Hindi naman ibig sabihin nila na kailangan kong matulog. All i need is to rest, not to sleep. Come on, love, i hate sleeping too much. Hindi ako sanay ng ganito."

 "But your body needs it, Diego. Your mind needs to rest."

He sighed. Nawala ang ngiti nito sa labi. May lungkot na lumarawan sa mukha nito. "Bakit pakiramdam ko nagbago ka na sa akin, mahal? Tell me, may nagbago na ba sa nararamdaman mo sa akin? Bakit pakiramdam ko ang lamig mo na sa akin.."

 "Diego, you don't get me."

 "Yes, i don't why you're so cold to me. Naaksidente lang ako. Di naman siguro ako pumangit pagkatapos nun para ipagpalit mo na ako sa mas gwapong kakilala mo."

 Namilog ang mata niya. "I'm not cheating on you!"

 "Patunayan mo." Bumaba ang asul nitong mata sa labi niya. "Kiss me. Now."

 "D-Diego!"

 "See?" Tumawa ito, may pait. "You're calling me in my name. Sa imbes na mahal. May mahal ka na nga'ng iba---"

 She kissed him. Mabilis lang niyang pinalapat ang labi niya sa labi nito para pagbigyan ang binata. Saglit lang dapat niya iyong gagawin pero nang ilalayo na niya ang bibig, hinila siya nito sa batok at mas pinalalim pa ang halik. Nanlaki ang mata niya sa kapilyuhan ni Diego. Ubod ng sensuwal na inangkin nito ang labi niya sa loob ng ilang segundo.. Hindi lang pala segundo. Umabot 'yon ng minuto hindi dahil ayaw siya nitong pakawalan. Kundi dahil nahibang siya sa masarap na halik na namagitan sa kanila. Saglit niyang nakalimutan ang mundo at hinayaan ang sarili na malunod sa napakatamis na pagsasalo ng mga labi nila.

 "Fck, this is what i need from the start." ungol nito. Kinagat nito ang ibabang-labi niya bago siya tuluyang pakawalan. "That's the real medicine for me, love."

 Hindi na niya kailangang humarap sa salamin para alamin kung anong itsura niya. Pihadong parang kamatis na naman sa pula ang mukha niya. At kasalanan iyon ni Diego.

 "Nasaan na sina Mama?"

 "Umalis muna sila ngayon. Mahigit isang linggo silang nagbantay sa 'yo dito."

Tumango ito. "I'm sure napagod sila dahil sa akin."

 "Yes, but they are okay. Ikaw ang inaalala nila."

Parang mas lalo itong naguilty. "Diego.."

 Pilit itong ngumiti sa kanya. "Gaano ba ako katagal na nakatulog dito? Taon ba?"

 "Ha?" Naguluhan siya sa tanong nito. "Bakit mo natanong?"

 "Para kasing mas lalo ka pang gumanda ngayon. There's something with you now.. Mas lalo ka yatang naging kaakit-akit, mahal." Naroon na ulit ang pilyong kislap sa mata nito. May palagay siyang umoble ang pag-iinit niya at gumapang iyon sa buong katawan niya. "You became sexier." Bumaba ang tingin nito sa dibdib niya. Kumunot-noo ito. "What happened?"

 Napatingin siya sa dibdib niya. "Ano?"

 "Bakit.. Bakit nagkaroon ka yata ng boobs ngayon?"

 Napanganga siya. "Anong sinabi mo?!"

Malakas na humalakhak si Diego. "Kidding!"

 Kung puwede lang pumatol sa lalaki, baka nasapok na niya ito. Aminado naman siyang kinapos siya sa dede noon, pero sabi nga nila, PAST IS PAST. Ofcourse, may ihaharap na siya ngayon 'no!

 Natigilan siya nang bigla niyang maalala kung bakit siya nandoon ngayon. Hindi nga pala naalala ni Diego ang dalawang taon na alaala nito bago ito maaksidente. Natural ang isip nito ngayon ay nasa panahon na magkasama silang dalawa.

 Nakagat niya ang ibabang-labi. Paano niya ipapaliwanag ngayon sa binata ang sitwasyon nito? Paano kung magtanong ito? Paano niya sasabihin dito na 2015 na ngayon?

 Tila napansin ni Diego na natigilan siya. "May problema ba, mahal?"

Mabilis na umiling siya at ngumiti. "Wala ito. Magpahinga ka. You need it."

 "Pagkatapos iiwanan mo ako?" Tumingin ito sa kanya na parang bata na takot iwanan ng magulang.

Napalunok siya at sinalubong ang mata nito. "No, i'm not going to leave you, Diego."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top