Chapter Eight


 NANLALAMIG ang kamay ni Kim, sigurado siya doon. Hindi niya maitago ang pamumutla ng mukha niya. At napansin agad din 'yon ni Lynne.

"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Kim? Gusto mo ba ng tubig? Ikukuha kita." Nag-aalalang lumapit sa kanya ang kaibigan.

Itinaas niya ang kamay. "No, don't bother.." Pwinersa niya ang ngumiti. "Lalabas lang ako."

"Sure ka?"

Tumango siya. Nagmamadaling lumabas siya. Hangin. Kailangan niyang sumagap ng hangin. Sinapo niya ang dibdib at naglakad palabas. Pakiwari ni Kim ay mauubusan siya ng hangin sa nakita sa TV.

Si Diego.. Naaksidente si Diego.

 Umupo siya sa isang bench sa labas. It felt like a bad dream that could not be real. Parang kahapon lang ay kausap niya ito. Parang kahapon lang ay nakita niya ang gwapong mukha nito, ang nakakaakit na pares ng kulay asul na mga mata nito. At kahapon lang ay humihingi ito ng tawad sa kanya.. Nagmamakaawa ang tinig nito sa kanya. Pero ipinagtabuyan niya ang lalaki.. Pinagsarhan ng pinto.

 May kung anong bumara sa lalamunan niya. Lumunok siya at inutusan ang sariling kumalma. She closed her eyes, but his face kept on appearing on her mind. Iminulat niya ang mga mata. Eksakto ang pagdaan ng isang truck sa harapan niya, mabilis ang pagpapatakbo at tila may masasagasaan anumang oras.

 Kinaladkad ng isang rumaragasang truck ang isang police patrol kaninang madaling araw... Nagpaulit-ulit sa isipan niya ang boses ng news anchor. At paulit-ulit din ang parang tinik na pumupulupot sa dibdib niya.

Takot at pag-aalala.

 Iyon ang nararamdaman niya nang sandaling 'yon at para na naman siyang kinakapos ng hininga. Namuo ang luha sa mga mata ni Kim.

 Hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Oo, kinamuhian niya si Diego. Kapag naaalala niya ang madilim na pangyayari sa nakaraan nila, parang nilalamon ng galit ang puso niya. Okay. Hindi pa rin siya maka-move on. Hindi pa rin niya iyon magawang kalimutan! Pero iyon ay dahil sa hindi niya matanggap na hanggang doon na lang ang lahat ng pinagsamahan nila. Hindi niya lubos na matanggap na tapos na sila ng lalaki.

 Umagos ang luha sa mga mata niya. Wala syang pakialam kung mayroong makakita sa kanya. She was hurting, and damn it, it felt like dying again and again. Isa-isang umaatake ang mga emosyong ayaw niyang maramdaman.

 Oo, siguro hanggang ngayon nakatago pa rin sa dibdib niya ang mga nararamdaman niya para kay Diego. Minamahal pa rin niya ito.

 Nakagat niya ang ibabang-labi sa pag-amin niya sa sarili. Nagkamali kasi siya. Hindi niya talaga ito magagawang kalimutan. Why?

 He was her first love. Her first everything.

 Tuloy ay hindi niya maiwasan na maalala ang unang pagkakataon na lumapit sa kanya si Diego..


 "HERE." Nawala ang atensyon ni Kim sa binabasa niyang text book nang may maglapag ng Sprite sa harapan niya.

"Excuse me?" Nag-angat siya ng mukha.

 And then, her eyes met that piercing blue eyes. Madaling nakilala niya kung sino ang lalaki. "Oh. I think. Nagkamali ka yata ng napabigyan n'yan."

 Ofcourse, she knew him. Imposibleng hindi niya makilala ang isa sa varsity player ng football sa unibersidad nila. Yeah, yeah. Halos lahat ng estudyante doon ay pamilyar kay Diego McIntosh. Why, he was the only gorgeous blue-eyed playboy in their university. Kinahuhumalingan ng kababaihan at kabaklaan sa angkin nitong kagwapuhan.

 Kapag dumadaan ang lalaki, literal na nahahawi ang daan na parang may dumaang anghel. Literal din na napapanganga nito ang bawat makakita dito. Exagge man pakinggan, pero 'yon talaga ang epekto ni McIntosh sa kanila. Oo, kasama na siya doon.

 Like seriously? Sinong hindi mapapanganga sa lalaki? Nang maghulog yata ang Diyos ng kagwapuhan, ito lamang yata ang nakasalo. Nakilala na niya ito noong seventeen pa lamang siya. Napanood kasi niya itong rumampa sa Mr. Teen Philippines. At kahit sixteen years old pa lang ito noon, pamatay na ang abs! Parang intensyon talaga ng magandang pangangatawan nito ang paglawayin ang mga nakakapanood dito.

Kaya naman hindi siya makapaniwala na nandito ang lalaki sa harapan niya. Inaalok siya ng Sprite. Oh, God. Totoo ba ito?

"Nah. Para sa 'yo talaga 'yan." He smiled sweetly. "Come on, sweetheart. Tanggapin mo na." Umupo ito sa harapan niya, hindi inaalis ang titig sa kanya.

Muntikan na siyang mahimatay. Talaga bang narinig niya itong tinawag siyang sweetheart? "H-Huh?" parang tanga na nasabi na lang niya sa kawalan ng sasabihin.

Napangiti ito dahilan upang makita niya ang pantay-pantay na ngipin nito. Goodness. Gising ba talaga siya o nananaginip lang? Una, hindi makapaniwala na lalapitan siya ng isang Diego McIntosh. Pangalawa, hindi niya akalain na aalukin pa siya nito ng inumin. At pangatlo, hindi niya lubos maisip na ngingitian pa siya nito!

Ano ba'ng kabutihan ang ginawa niya nitong mga nagdaang araw para mangyari ngayon iyon sa kanya?

Napalunok siya. "W-wala ka bang ibang malapitan ngayon?" she asked, her voice was a little bit shaky. Iilan lamang silang naroon sa labas. Nakapwesto siya sa bench habang pinag-aaralan ang magiging lesson nila mamaya sa Filipino subject.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito ng bahagya at tinungga ang maliit na bote ng softdrinks. Tuloy bigla siyang nauhaw nang makita ang adams apple nito. Hindi niya kailanman inisip na nakadagdag iyon sa kakisigan ng isang lalaki. Pero kay Diego, parang mas naging kaakit-akit pa ito.

Tumikhim siya. Bigla siyang nainis. Hindi ba nito alam na nakakadistract ito sa pag-aaral niya? Tila nakalimutan niya bigla ang mga pinag-aralan mula kanina. And that's because of this guy.

"Wala ka bang balak na tanggapin 'yang ibinigay ko?"

"Bakit mo ba ako binigyan n'yan?" lakas-loob na tanong ni Kim. Pinanlabanan niya ang malakas na tibok ng puso niya at hiya na kausapin ito.

"Kanina pa kitang pinagmamasdan dito. Hindi ka ba nauuhaw sa pag-aaral? Mahigit dalawang oras ka na dito."

"H-Hindi naman."

"Malayo ka rin sa ibang estudyante."

"Mas gusto ko ang tahimik."

"Ako rin."

Di niya napigilan ang pag-angat ng kilay. "You must be kidding."

"I'm not. Like you, mas gusto ko rin ang tahimik na lugar."

"So, ipinapaliwanag ba doon ang kaliwa't kanan mong girlfriend?" Balita sa buong unibersidad ang pagkakaroon nito ng sabay-sabay na girlfriend. Mula sa iba't ibang department. Parang muse lang sa bawat liga. Bawat department, may syota "daw" ito. Hindi niya sigurado kung totoo 'yon. Naririnig lang naman niya iyon sa mga babaeng kaklase niya.

"Naniniwala ka naman ba sa mga balitang 'yon?"

"I think, hindi magkakaroon ng ganoong chismis kung walang katotohanan. Ano sa palagay mo?"

Ngumisi ito. "Wala akong nobya. Iyon ang totoo."

Mahirap paniwalaan ang bagay na 'yon. Itinikom nya ang bibig at hindi na nagkomento.

"Hindi ka ba naniniwala?"

"Well.. That's really hard to believe, mister."

"Diego. Just call me, Diego, Kim."

Nagulat siya doon. Alam nito ang pangalan niya?

Tila nabasa nito ang nilalaman ng isip niya. "Yes. I know your name."

"P-Paano?"

"Itinanong ko sa mga kaklase mo."

Napatuwid ang likod niya. "Ba-Bakit mo itinanong ang pangalan ko sa mga kaklase ko?"

Hindi ito sumagot bagkus ay tiningnan lang siya. There was a smile in his blue eyes. Tila natutuwa ito na makita siya. Her cheeks burned with the way he stared at her.

Muli niyang binuksan ang text book at doon na lang ibinaling ang atensyon niya. Pilit na ipinasok niya sa isip ang pagbabasa, pero ramdam na ramdam niya ang atensyon nito sa kanya.

"Alam mo sa lahat ng university sa Pinas, itong atin ang pinaka-kakaiba." komento nito. Mula sa pilit na pagbabasa, muli siyang napatingin sa lalaki.

"Bakit kakaiba?" curious na tanong ni Kim.

"Dahil nandito ka."

Dumoble pa ang pamumula ng pisngi ng dalaga sa sagot ng binata. Inirapan niya ito para kunwari hindi siya apektado. "Ilang daang babae na kaya ang nahulog sa pick-up lines mo na 'yan? Alam mo, mas unique kapag hindi ka kumukuha sa internet ng mga ganoong linyahan."

He chuckled. "Ikaw pa lang ang sinabihan ko noon."

"Maniwala ako sa 'yo."

"Maniwala ka sa akin."

"Okay." Mahirap paniwalaan ang sinasabi ng lalaki sa kanya, lalo na ang ipinapakita nito na interesado ito sa kanya.

"Hindi ka ba naniniwala sa akin?"

Sinamaan na niya ito ng tingin. Wala na siyang paki kung sino pa ito. "Alam kong bago pa lang ako dito sa university n'yo, pero alam na alam ko na ang galawan n'yong mga lalaki dito para makuha ang isang babae. Idinadaan muna n'yo sa pamatay na ngiti, pagkatapos babanatan ng pick-up lines para pakiligin kami. Pagkatapos, kakausapin n'yo kami.. Bobolahin, pupurihin para maflattered kami at sumakay sa gusto nyo. Pagkatapos, kukunin na ang number, ite-text, tatawagan tuwing gabi. Pagkatapos, manliligaw hanggang sa mapasagot kami. At kapag naging girlfriend nyo na kami, ipapakita n'yo na sweet kayo, caring, thoughtful, gentleman at ideal man. Tapos, ide-date kung saan-saan. Magce-celebrate ng weeksary, monthsary.. At kapag nagtagal, dadalhin n'yo na kami sa SOGO. At kapag nadala na doon at napagsawaan, mananawa na kayo at maghahanap ng iba. Kaya, hindi. Hindi ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo." Tumayo na siya at mabilis na niligpit ang mga gamit. Naiwan si Diego na napanganga sa mga pinagsasabi niya.


 BAHAGYANG natawa si Kim sa ala-alang iyon. Medyo hindi maganda ang una nilang pag-uusap. Nag-iwan kasi ito ng maling impresyon sa kanya. Oo, crush na niya ito noon pa. Pero hindi rin niya maiwasan ang ma-turn off sa kapreskohan nito.

But that doesn't mean, tumigil na ito sa kanya pagkatapos niya itong barahin. Nagpatuloy ito sa panliligaw sa kanya. Dinaig pa nito ang stalker na nakasunod sa kanya kahit saan siya pumunta. Nagugulat na lang siya kapag bigla itong lalapit sa kanya. Naging pasensyoso ito kahit matagal niya itong pinaghintay.

 Gusto niyang patunayan nito noon na seryoso ito sa kanya. At hindi siya nito binigo. Kahit ang mga magulang niya ay niligawan nito. He didn't stop until she said yes.

 Na-miss niya ang mga panahon na 'yon. Ang panahon na naniniwala sila na ang lahat ay posibleng magkaroon ng walang hanggan. Kung maaari lamang siguro ibalik ang masasayang sandali tulad niyon, baka nagawa na niya. Pero hindi na puwede..

 Nanginginig na marahas siyang humigit ng hininga.

Bumalik siya sa loob para kunin ang kanyang shoulder bag. "O, saan ang punta mo?" pag-uusisa ni Lynne.

"St. Lukes."

"Ha? Sinong dadalawin mo doon?" Hindi na niya sinagot ito at mabilis na umalis. Kailangan niyang makita ang lalaki...

Kahit sa huling sandali man lang nito. Pero sana huwag MO siyang pabayaan..

 Huwag. 

 Nagmamakaawa ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top