c h a p t e r 58

  

Simula noong araw na sinabi sa akin ni Austin na gusto na niyang umalis ako sa buhay niya, hindi ko na rin siya nakita. Alam kong pumapasok siya sa school because Grey was giving me updates about him; sadyang totoo lang talaga ang sinabi niya sa akin noon na ayaw na niya akong makita.

Nakakatawa lang na umasa ako noon na nasabi niya lang 'yon dahil sa sobrang kalasingan, pero hindi ko naisip na talagang ayaw na niya akong makasama sa buhay niya dahil sinabi na niya, nung gabing iyon mismo, na sober na siya . . . na hindi na siya lasing kasi naisuka na niya ang lahat.

Kilala ko siya, eh. Kapag nailabas na niya ang lahat, mawawala na ang kalasingan niya. Pero bakit umasa pa rin ako na baka nagsisinungaling lang siya? Bakit umasa akong hindi totoo ang sinabi niyang gusto na niya akong umalis sa buhay niya? Pakiramdam ko nga ako lang ang nasasaktan ngayon sa aming dalawa kasi, after a week simula nung gabing iyon, nagtext sa akin si Grey.

Grey Collins:

Fucking go on with your life. This bastard is doing great with his life. Okay na okay lang siya, kaya sana maging okay ka na rin.

Hindi ko alam kung mali ba ako na nasaktan ako namg sobra at umiyak ako nang umiyak nang mabasa ko ang text na 'yon ni Grey. Mali bang masaktan nang malaman kong okay lang siya? Mali bang masaktan na malamang masaya na siya kahit wala ako?

So I did what Grey told me. Sinubukan kong mabuhay nang maayos at ipakita sa lahat na okay lang ako, na wala na akong pakialam sa lahat. I became emotionless. Umiwas ako sa lahat ng taong malapit sa akin. Umiwas ako kay Rafael, at iniwasan ko si Louella na siyang hindi ako sinukuan kahit gaano pa kadaming problema ang mayroon ako.

"Gusto kong magalit sa 'yo," she said. Nagpanggap akong hindi nakikinig at walang pakialam. "Gusto kong magalit sa 'yo dahil pakiramdam ko, iniwan mo na rin ako. Noong nagtapos kayo ni Austin, pakiramdam ko, tinapos mo na rin ang pagkakaibigan nating dalawa. Gusto kong magalit sa 'yo, pero hindi. Ayoko. Gusto kong intindihin ka hanggang sa makakaya ko. Sana maging maayos ka na."

I heard her sniff before leaving our room. And then I felt my tears silently streaming down my cheeks.

And now, heto si Rafael. After a month ng pag-iwas ko sa kan'ya, isang gabi lang kaming nagkasama, girlfriend na daw niya ako. Ayoko na sanang magkaroon pa ng connection sa kan'ya dahil alam kong isa siya sa mga naging parte ng dahilan ni Austin kung bakit nasabi ni Austin 'yon. 

Alam ko . . . naramdaman ko . . . dahil noong dumating ako doon, sinabi niyang mahal niya ako.

Nag-sorry siya sa akin. Umasa ako na magkakaayos kami noon. Pero noong makita niya si Rafael, nag-iba ang facial expressions niya. Nagbago. Ang dating sobrang nangungulila ay nawalang bigla.

Pero hindi ko siya kayang sisihin, kasi alam ko sa sarili kong ako ang may kasalanan ng lahat. Ako 'yung naging duwag. Ako 'yung hindi sumubok ng buhay kasama siya. Ako 'yung unang nagdesisyon na itigil niya ang lahat ng nararamdaman niya para sa akin. Kaya alam ko sa sarili ko na ako ang dapat sisihin.

After a week, pagkagising ko, ay nakita ko sa baba si Rafael na nanonood ng TV. May dala siyang isang bouquet ng red roses. Aakyat sana ulit ako pero mukhang huli na ang lahat.

"Oh! Good morning, beautiful!" Naglakad siya papalapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Kumusta?"

"Okay lang. ano bang ginagawa mo dito?"

Nagkibit-balikat siya. "Dinadalaw ang girlfriend ko. Ano pa ba?" nakangiti niyang sabi.

Nagbuntonghininga ako sabay irap. "P'wede ba, Raf? Alam mo namang—"

"Stop. Sabi ko naman sa 'yo, wala namang mali kung susubukan mo, hindi ba? Hindi naman ako nagmamadali. As long as you're with me, I will be fine."

"I can't."

"No. You can. Tara na kain na tayo."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa dining area. Nakita kong may dala siyang pagkain. Binuksan niya iyon at inilagay sa harap ko.

"Gusto kitang makasabay kumain ng breakfast ngayong girlfriend na kita."

He looks so happy. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa isinusuko ang idea na girlfriend niya ako. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin. Ayaw ko nang madamay pa siya sa mga gulo ko sa buhay.

"Rafael . . ."

"Vanessa, 'wag na, okay? 'Wag mo nang sabihin. I'm so happy, don't ruin it for me please."

Nagbuntonghininga na lang ako bilang pagsuko sa argumento at saka kinain ang pagkaing inihain niya para sa akin.

***

Another week has passed, nagsimula na ang enrolment. Maaga akong sinundo ni Rafael sa bahay. Sa tuwing dumarating nga siya sa bahay, laging wala sina Mama at Papa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi ako mapipilitang ipakilala si Raf sa kanila or magagalit dahil hanggang ngayon ay puro pa rin sila trabaho.

Umasa pa naman ako na baka magbago sila after ng naging pagsagot ko sa kanila. Hindi pa rin pala.

"Where's your mom and dad? Hindi ko pa sila nakikita ulit."

Napailing ako. "Walang mga pakialam 'yon."

Hindi na lang siya nagsalita at itinuloy na ang pagdi-drive papunta sa school namin. Nang makarating kami sa school ay nakita namin na marami na rin ang nakapila. Ang hindi ko maintindihan sa school namin, ang laki ng tuition fee pero hanggang ngayon ay manual pa rin ang pag-e-enrol. Ga-graduate yata akong ganito pa rin ang sistema ng school na ito.

Pupunta pa lang sana kami sa pilahan nang tinawag ako ng pamilyar na boses, si Grey.

"Vanessa!"

Lumingon ako sa kan'ya at nakita kong tumatakbo siya papalapit sa akin. Kita ko pa ang ngiti sa labi niya pero naglaho iyon nang makitang kasama ko si Rafael.

"G-Grey, kumusta?"

Tumingin ako kay Rafael at nakita kong nakangisi siya na parang nang-aasar. Ilang sandali pa ay naramdaman kong umakbay siya sa akin, pero mabilis ko namang inalis iyon. Kita ko naman ang gulat kay Grey. Hindi yata makapaniwala na ganito si Rafael sa akin.

"Okay lang. Uhm, 'di ko alam na magkasama kayo."

Pilit akong ngumiti. "Ah, wala. Sinamahan lang ako nito. Sabay na daw kasi kaming mag-enrol, e."

Tumango naman nang dahan-dahan si Grey. "Ahh, so . . . kayo na ba?"

Nagulat ako sa naging tanong niya. "What?! No way!"

"Oo, kami na." sabi ni Rafael sabay hawak sa kamay ko.

Tiningnan ko siya ng masama. "Rafael, ano ba?"

"Bakit? Totoo naman, ah?"

"Rafael, alam mo namang—"

"Ah, ano . . ." Napalingon ako kay Grey na nagsalita. "Aalis na ako, sige. See you around, Vanessa."

Tumango na lang ako sa kan'ya bilang tugon. Pumiglas ako ng hawak kay Rafael at tiningnan siya ng masama. "Rafael, ano ba? Si Grey 'yon! Kaibigan ni Austin 'yon! Paano kung makarating sa kan'ya 'yon? Ano na lang ang iisipin niya? Na tama ang hinala niya? Na tayo nga talaga? Alam mo namang—"

"Oo na!"

Nagulat ako sa mataas na tono ng boses ni Rafael na siyang nakapag-patigil sa akin.

"Oo na, alam ko namang siya ang mahal mo! 'Tang ina, alam mo rin namang ayaw na ng tao sa 'yo, bakit hanggang ngayon iniisip mo pa rin ang nararamdaman niya? Bakit? Inisip niya ba ang nararamdaman mo nang sinaktan ka niya? Hindi naman, hindi ba? Nandito na nga ako, eh. Gusto kong makalimutan mo na siya. Okay na nga sa akin kahit rebound mo lang ako, hindi ba? Pero 'wag mo namang iparamdam sa akin na walang-wala talaga ako kompara sa kan'ya! 'Wag mo namang iparamdam sa akin na wala kang pakialam sa nararamdaman ko, Vanessa!"

Nag-iwas siya ng tingin, habang ako ay nakatingin lang sa kan'ya at unti-unting iniintindi ang mga sinabi niya. At unti-unti niya ring isinasampal sa akin kung gaano ako kasama pagdating sa kanila.

Muli niyang ibinaling ang mga tingin niya sa akin. "Alam mo, ang hirap hirap mong mahalin. Vanessa, ginagawa ko naman ang lahat para sa 'yo, e. Pero kung . . . pero kung ganito lang naman, siguro nga tama ka. Baka hindi ka pa handa. Sige, payag na ako. Huwag na lang nating ituloy ang bagay na 'to. 'Wag mo na lang isipin na naging boyfriend mo ako at naging girlfriend kita. Kalimutan mo na lang."

Matapos niyang sabihin 'yon ay iniwan niya akong nakatayo doon at hindi makapaniwala sa lahat ng narinig. Hindi ko man lang namalayang umiiyak na pala ako.

Grabe, Vanessa Anne. Ilang tao pa ba ang sasaktan mo? Ilang tao pa ba ang paalisin mo sa buhay mo?

"Alam mo, ang hirap mong mahalin . . ."

Napapikit ako ng mariin dahil doon.

Siguro nga, mahirap akong mahalin. 

Siguro nga, hindi ako karapat-dapat mahalin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top