c h a p t e r 50
Nang makauwi na kami galing ng Baguio ay alam ko na katapusan na ng masasayang araw namin ni Austin. Kailangang itigil ko na ang nararamdaman ko para sa kan'ya dahil hindi p'wede . . . mali. Sobrang mali.
At kailangan na rin niyang itigil ang nararamdaman niya para sa akin dahil alam kong kamumuhian niya ako kapag nalaman niya na minsan na akong nandiri sa kan'ya . . . at hanggang ngayon, nandidiri ako sa sarili ko sa pag-iisip sa kan'ya n'on.
Nang makauwi na kami, buo na ang desisiyon ko. Kailangan niyang malaman na hindi kami p'wede sa relasyon na gusto niya . . . na gusto namin. Hindi kami magiging masaya, alam ko . . . dahil sobrang mali talaga ako.
Kaya naman kahit na gaano kasakit, kahit na gaano pa ako masaktan, isasakripisyo ko na lang ang nararamdaman ko at mananatili na lang kami sa kung ano naman talaga kami.
Wala akong pagsisisi na ibinigay ko ang lahat sa kan'ya, tutal, simula pa lang naman, sa kan'ya na ako. Sa simula pa lang, siya naman talaga ang mahal ko.
Siguro, tama nga na ibinigay ko sa kan'ya ang lahat lahat bilang alaala kasama siya, ang taong minahal ko nang sobra-sobra. 'Yon na lang ang tanging regalo na maibibigay ko sa kan'ya, tutal, hindi ko naman kayang pumasok sa relasyon kasama siya.
Wala na akong pakialam sa sasabihin o magiging tingin sa akin ng iba. Ang mahalaga, ginawa ko 'yon kasi mahal na mahal ko siya.
Hindi ako natakot noong naisip ko na maaari akong mabuntis dahil hindi niya ako ginamitan ng proteksiyon. Regular na rin naman akong nagti-take ng birth control pills sa tuwing nagsi-sex kami.
At isa pa, handa ako sa lahat . . . pero siguro nga ay hindi pa oras para doon. Hindi pa talaga oras para sa aming dalawa dahil dalawang araw lang matapos mangyari sa amin 'yon noong nasa Baguio kami ay dinatnan ako ng menstruation ko.
"Bes, akala ko naman babalik ka nang masaya mula sa Baguio trip n'yo. Pero hindi pa rin pala. Malungkot ka pa rin."
Nagsimula na ulit magklase matapos ang Valentine's day na parang walang nangyari. Balik ulit sa matinding mga quiz, assignments at tuloy ang paggawa ng mga thesis projects. Bumalik ako mula sa Baguio trip namin na walang nababago sa akin. Ganoon pa rin ako tulad ng sinabi ni Louella.
"Siguro nga hindi talaga para sa amin ang relasyon na gusto naming dalawa ni Austin."
Nagbuntonghininga siya bago umupo sa tabi ko. "I'm sure he'll understand, Vani. Siyempre masasaktan siya sa una pero he'll get over it eventually. Hindi rin naman niya siguro sasayangin ang pagkakaibigan n'yo dahil nasaktan siya."
Noong sinabi ni Louella na Austin will get over it eventually, nasaktan ako nang sobra. There's a big part in my heart that I don't like the idea, but I don't have the rights to complain because it was my decision in the first place. Ako ang may gusto na huwag ituloy ang relasyong gusto naming pasukin, kaya wala akong karapatang sabihin na huwag siyang mag-move on sa nararamdaman niya sa akin.
"Pero alam mo, mahal mo siya," dagdag ni Louella.
Nag-iwas ako ng tingin at saka tumawa. "Paano mo naman nasabi 'yan?"
Nagkibit-balikat siya. "Noong nag-usap kayo n'ong Camille Castillo, alam kong tungkol kay Austin 'yon. Hindi ko man alam kung ano ang pinag-usapan n'yo, nararamdaman ko na tungkol 'yon sa kan'ya.
"Since that girl walked out that door—" She pointed the doorway of our room. "—hindi na kita nakitang masaya. Hindi ko na nakita 'yung bes ko na ang ganda ganda lalo kapag ngumingiti. At sa tuwing magkasama kayo, you are so happy. What you felt towards him wasn't just lust, Vani. It's love."
Nangilid ang mga luha ko sa sinabi niya bago ngumiti sa kan'ya nang tipid.
"But I am not happy anymore. I can't enter a relationship with him because I know that I'm not happy with it."
Tumango siya. "Yes, and I think you're right in your decision. Hindi ko man alam kung ano ang pinagmulan ng desisyon mo, sa tingin ko ay tama ka naman. It would be unfair if you enter a relationship with him but you're not happy. Entering a relationship means both of you should be happy. That's the purpose of it.
"So, if you're not happy, itigil mo na muna. Ituloy mo na lang kapag napapasaya ka na talaga ulit niya, kapag hindi ka na napipilitan at kapag hindi pa nawawala ang pagmamahal n'yo sa isa't isa."
***
Sa tuwing nagkikita kami ni Austin, gustuhin ko man na sabihin sa kan'ya na gusto ko nang itigil niya nang talaga ang nararamdaman niya para sa akin, hindi ko magawa.
Lagi siyang masaya kapag kasama niya ako. Lagi siyang nakangiti, and I don't want to just break it to him easily. I can't replace his happy eyes into a crying one. I don't want to replace his happy days into bad days. I can't.
"Alam mo, lately, you've been very preoccupied. Laging malalim ang iniisip mo. What's the catch? You can share it with me, though," Austin said when he went to our house.
Umiling ako. "Wala. It's my own problem and nothing can deal with it but me."
Ngumuso siya. "Your problem is my problem too, Vani. I told you that I love you and I want to be with you forever. I can always wait for you until you finally say yes, you know? You can share your problems with me. It would be nice if we both look for the answer to that."
Ngumiti ako sa kan'ya at naramdaman kong muli ang pangingilid ng mga luha ko.
"Can you . . . can you stop, Austin?"
Kumunot ang noo niya. "Stop what?"
"Saying how much you love me."
Nagbuntonghininga siya. "Heto na naman ba tayo, Vanessa? Ibabalik mo na naman ba 'yan? Patitigilin mo na naman ako sa nararamdaman ko para sa 'yo?"
Sumeryoso ang mukha niya at ngayon ay kinabahan na ako.
"I can't just stop myself from loving you, akala mo ba madali 'yon? I grew up loving you. I spent my teenage days loving you. All the special moments in my life, I spent it loving you. There's no way in hell that I can stop. Why would you always bring it up?"
Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya dahil hindi ko kayang sabihin sa kan'ya ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko p'wedeng sabihin sa kan'ya dahil alam kong kamumuhian niya ako.
Hindi niya p'wedeng malaman dahil kapag nangyari 'yon, hinding-hindi na maibabalik sa amin ang pagkakaibigan namin. Ito na lang ang naiisip kong paraan para hindi mawala ang lahat lahat sa amin.
Nakita kong namungay ang mga mata niya. "Please, Vanessa. Stop saying that. Please let me love you. Don't stop me from loving you because this is the only thing that's keeping me alive."
***
Hindi ko nagawa ang mga dapat kong gawin sa mga sumunod na araw dahil hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Alam kong masasaktan siya dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.
Hindi na rin ako kampante na mapapanatili ko ang pagkakaibigan namin kapag tuluyan ko na siyang pinatigil sa pagmamahal niya sa akin. Hindi na ako kampante pa sa lahat. Maging sa sarili ko, wala na. I lost all my confidence in everything.
"What's your problem, really?" tanong sa akin ni Rafael habang nasa isang coffee shop. "I mean, I know. What's your plan, rather?"
It's the weekend so we have time to go out.
"To stop Austin from loving me." I said
"Do you need my help?"
Umiling ako. "No, I think I need to do this on my own."
"I told you, Vani. I used you before, and you can use me now. You can use me now in any means—in any way you want."
I almost gave in with Raf's offer, pero hindi p'wede dahil alam kong sarili ko lang ang maaasahan ko sa ganitong mga panahon. Hindi p'wedeng manggamit na lang ako ng tao sa sarili kong problema.
Sarili ko lang ang p'wedeng lumutas nito, at hindi ko kailangang manggamit ng tao, lalo na si Rafael. Hindi ko siya dapat gamitin dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi ang maging mabait sa akin, ang tulungan ako sa lahat, ang manatili sa tabi ko sa tuwing kailangan ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top