c h a p t e r 47

  
  
Hindi nawala sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Rafael. Ang palagi kong sinasabi, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko. 

Paano ko ba tutulungan ang sarili ko? 

Ano bang kailangan kong gawin para maging maayos na ulit ako?

Anong gagawin ko para maging maayos kami ni Austin ulit?

"You know . . . you just don't want to do that but you know what to do."

Every time I remember Rafael saying these words, napapapikit ako nang mariin dahil alam kong tama siya. Oo, may isang bagay akong dapat gawin para maging maayos kami . . . para bumalik kami sa dati. 

Pero ayoko . . . ayokong gawin dahil alam kong masasaktan siya. Para sa akin, mas okay kung ako na lang ang masaktan dahil magaling naman akong magtago ng sakit na nararamdaman ko, but for Austin? No. I don't want him to be hurt.

"Malapit na ang Valentines day, ah? It's just three days to go, Vani. What's your plan?" tanong ni Louella habang nagbibihis sa harap ko.

Tumingin ako sa calendar ng phone ko at nakita na tama siya. February 11 na pala ngayon, ang bilis ng araw. "Wala naman. I used to celebrate Valentines' day by sleeping and watching KDrama, you know?" I smiled at her.

"Wala kayong plano ni Austin?" 

Hindi ako nakasagot nang binanggit niya ang salitang'yon . . . ang pangalan ni Austin. Of course we don't have a plan. I know that he knows that we're not totally fine. 

"Alam mo, naaawa ako kay Austin. Hindi naman kasi kalayuan ang building nila sa building namin. Lagi ko siyang nakikita, eh. Ang lungkot lungkot na tao! Ewan ko, I'm not used to the "sad Austin". Lagi ko kasi siyang nakikitang masaya, lalo na kapag kayong dalawa ang magkasama, 'di ba?"

Muli, hindi ako nagsalita. Nai-imagine ko pa lang na malungkot siya ay nasasaktan na ako. Parang hindi ko kaya kapag nakita ko 'yun ng personal. 'Yung panonoorin ko siya sa malayo para makita lang kung gaano siya kalungkot.

"What's up with you ba? Hindi ko kasi kayo maintindihan. Oo, may problema kayo. Simula nang pumunta dito 'yung Camille Castillo na 'yan, naging malungkutin ka na rin. Pero hindi ba ang tagal na n'on? Hindi ka pa ba okay? Gusto kong malaman kung ano ang sinabi ng babaeng 'yun sa 'yo pero alam ko naman na hindi mo itatago sa akin 'yon kung hindi confidential, eh."

Ngumiti ako sa kan'ya at nahiga sa kama ko. 

"Wala 'no. Okay lang ako." 

What the hell, Vani?!

"Sure, you can lie to my face but your eyes won't. Stop telling me that you're fine when you're not really fine, Vani. You can always tell me that you are hurting a lot, I won't judge. You can be yourself in front of me, I won't complain. You can cry in front of me, I won't say a thing. Just . . . be yourself. Don't pretend that you're fine . . . that you're okay when you're not."

Umiling ako sa kan'ya. "I'm done crying, Louella. Even though I wanted to cry, I just can't because I'm done with that. I think it's time to move forward. I think it's time for me to . . .stop myself from feeling nothing. I think it's time for me to regain all the emotions I lost since the day that this girl walked in our room."

Nagbuntonghininga siya. "What do you mean? You lost all the love you have for him? You fell out of love?"

I shrugged. "I don't know. I just don't feel anything. I don't have any feelings inside but hurt . . . pain. I don't feel happy, I don't feel the love . . . wala."

She shut her lips then smiled. "Do you have any plans regarding that?"

I nodded. "I do. But I don't think I can."

She heaved a sigh. "I don't know what your plan is but I know that you can do it. If it will make you feel better, if it will clear your mind, then so be it. If it will make things clearer, go. I think you should do it. You can never stay like that forever. It's been more than a month, I think that's enough."

I nodded again. "Thank you." 

She just smiled.

***

Kinabukasan ay sinundo ako ni Austin sa dorm para ihatid sa first class ko. Being with him makes me feel so awkward.

"Malapit na naming matapos 'yung thesis namin, Hotdog! Sigurado ako na hindi kami mabubutasan ng mga panels na 'yan!" Humalakhak siya.

"Mabuti naman kung gano'n."

"Oo, tapos ay makakapagpahinga na kami. Makakapagbakasyon na tayo. Alam mo, plano ko nga na pumunta sa Cebu o kaya sa Bohol, eh. Magbabakasyon tayong dalawa doon," masayang sabi niya.

Hindi ko alam kung na-o-awkward din siya sa aming dalawa kaya ginagawa niya ang lahat para maalis ang pagiging awkward sa pagitan naming dalawa. I appreciated him for that, but that feeling never left me. The awkwardness I am feeling will never leave me, I guess.

"Mukhang masaya 'yon, ah?"

He smiled. "Sana rin maging masaya ka na ulit."

Napatigil ako sa sinabi niyang 'yon. "Masaya ako, Austin. Masaya ako kapag kasama kita."

Humarap siya sa akin. "I don't think you are, Vani. I always notice that you are always spacing out whenever you are with me. I tried not to look into it but it's always been that way every time you are with me."

Napaawang ang bibig ko. "A-Austin—"

"Vani, sabihin mo naman sa akin, ano bang dapat gawin ko para bumalik tayo sa dati. Ayoko nang ganito ka. Ayoko nang nagpapanggap ka na masaya pero ang totoo ay hindi naman talaga. Vani, don't pretend in front of my face. It's insulting me. Just tell me that you're not really happy, and I'll do everything to make you happy again."

Nangilid ang mga luha ko. "Austin, I'm sorry."

Tumingala siya at nakita ko ang dahan-dahan na pagtulo ng mga luha niya. Napasinghap ako sa nakita dahil napapansin kong madalas na ang pag-iyak niya. 

"Is this about the baby?" Umiling ako habang tinatakpan ang bibig ko. "Just tell me everything, Vani."

Marahas akong umiling bago hinawakan ang dalawang braso niya, kasabay ng pagtulo na rin ng mga luha ko. 

"No, Austin. No . . ."

"Pero 'yun ang nakikita ko sa 'yo, Vanessa. 'Yun at 'yun lang ang nakikita kong dahilan para magkaganyan ka."

Umiling ulit ako nang umiling sa sinabi niya. "I'm done with that, Austin. Tapos na ako doon. Stop it, Austin. Stop . . ." lumapit ako sa kan'ya at niyakap siya. "I'm so sorry for hurting you. I'm sorry, Austin. I'm sorry."

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya bago ako niyakap pabalik. 

"It's okay, Vani. I love you, okay? I love you."

Sana p'wede kong sabihin na sa tuwing sinasabi niya ang mga salitang 'yon, hindi na ako nagiging masaya. Sana p'wede kong sabihin kung bakit ako nagkakaganito nang hindi siya nasasaktan . . . pero kahit ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kahit ako ay nangangapa sa mga nangyayari sa akin.

***

Valentine's Day came, maagang pumunta si Austin sa bahay. Sabado kasi kaya wala kaming mga pasok. Nakita ko na nakaporma siya na parang may pupuntahan na siya namang ikinunot ng noo ko.

"Ang aga mo, ah? Saan punta mo?" tanong ko habang nagsusuklay ng buhok sa kwarto ko.

Ngumiti siya. "Magdi-date tayo. Gumayak ka na."

Ano daw? "Date? 'Di mo naman ako sinabihan, eh."

He laughed. "Sige na, magbihis ka na. Antayin kita sa baba."

Tumango na lang ako at naghanap ng damit na susuotin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kaya naghanap na lang ako ng simpleng dress at flat shoes. Nang makahanap na ay naligo na ako. Pagkatapos ay nag-ayos na ako ng konti. After almost an hour, bumaba na ako. Nakita ko si Austin na nakahiga sa couch at nanonood ng TV. Bigla akong napangiti dahil hindi pa rin siya nagbabago. Feel at home pa rin.

Ilang saglit lang ay tumingin siya sa akin. "Oh, nandyan ka na pala. Tara na?"

Tumango ako bilang tugon. Pinatay na niya ang TV at hinawakan ang kamay ko saka kami lumabas ng bahay. Pinasakay niya ako sa kotse na dala niya bago siya pumasok sa driver's seat.

"Kotse 'to ni Ate Aniya, hiniram ko lang. Sa graduation pa raw kasi ako magkakaroon ng sariling kotse, so dalawang taon pa." 

Tinawanan ko na lang siya bago siya nagsimulang mag-drive.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Ngumuso siya na parang nag-iisip. "Hindi ko rin alam, eh. Gusto ko lang mag-drive kasama ka."

Loko talaga 'to. Ang lakas ng loob mag-aya ng date, wala naman palang plano.

"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Wala naman akong planong puntahan, eh. Kung saan mo gusto, sige, doon na lang."

Hindi ko alam kung nagmumukhang cold ang pagkakasagot ko sa kan'ya dahil sa tuwing sumasagot ako ay humihigpit ang hawak niya sa manibela ng kotse niya. Siguro nga ay hindi pa rin ako okay after all the talk we had.

"Gusto kong maging masaya ka."

Tumingin ako sa kan'ya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa daan. 

"Masaya ako kapag kasama kita, Austin."

Sumulyap siya sa akin at ngumiti ng maliit. "I don't see it anymore. I want you to be truly happy again . . . like you usually do before."

Hindi ko na nagawang sumagot sa sinabi niya. Totoo ang sinabi kong masaya ako kapag kasama ko siya. Siguro nga, hindi na katulad ng dati, pero masaya ako. Gusto ko siya palaging kasama . . . gusto ko palagi ko siyang nakikita. Pero hindi siguro sapat 'yon para masabi ko sa kan'yang totoong masaya ako kapag kasama ko siya.

"Anyway, maaga pa naman. Wala pang 7:00 a.m. So, let's go to Baguio."

Napatingin ulit ako sa kan'ya sa sinabi niya. "What? Baguio? Ilang oras ang byahe doon, Austin! Wala tayong dalang gamit!"

Ngumiti siya at tumingin sa akin. We'll stop by at the nearest department store. Buy all the things you need, I'll pay for it."

Umiling ako. "I have my credit card. I'll pay for it on my own."

I heard him laugh. "Fine, lady."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top