c h a p t e r 43
Bago matapos ang Christmas break namin ay dinala ako ni Austin sa Batangas para sa three days and two nights trip niya. Tinupad niya sa akin ang pangako niya dati na sa Batangas naman kami pupunta dahil pareho kaming sawa na sa Tagaytay.
We didn't do much, though. Naglibot-libot lang kami sa iba't ibang tourist spots ng Batangas at nag-take ng maraming pictures. Bago umuwi ay nagsimba na muna kami since Linggo naman ang araw ng tapos ng trip namin.
So, tulad ng dati, after naming maipa-develop ang mga pictures ay nilagay namin ang mga pictures sa scrapbook na ginawa ko. Sa tuwing nag-a-out of town kami, palagi kaming gumagawa ng scrapbook. Ang pangalan ng mga scrapbooks namin ay Tagaytay Adventure 2014, Batangas Adventure 2015, Laguna Adventure and so on. Nakasanayan na namin ito simula noong mag-high school kami.
"Ang itim mo na, bes!" biglang bati sa akin ni Louella oras na makapasok ako sa loob ng dorm namin after a week.
Saturday ako bumalik dito sa dorm dahil marami pa akong dapat ayusin at asikasuhin dito.
"OA mo, Louella. Hamak puti ko pa rin sa 'yo, 'no!" bulyaw ko sa kan'ya.
Inirapan niya ako. "Such a party pooper."
Natawa na lang ako at napailing dahil gusto niya lang talagang sabihin ko na mas maputi na siya kaysa sa akin. Ha! Asa siya, hamak puti ko pa rin sa kan'ya! Isinalansan ko na ang mga damit na dala ko sa closet.
"So, balita ko, you've already dumped Rafael?"
Bahagya akong napatigil sa ginagawa ko pero itinuloy ko pa rin. "Huh? Uhm, o-oo."
She sighed in relief. "Buti naman at nakapagdesisyon ka na! Kasi kung pareho mo lang silang bibitiwan dahil takot ka, naku! Magagalit talaga ako sa 'yo! Alam mo kung bakit? Kasi alam ko na kahit sino sa kanilang dalawa, kahit na isa sa kanila, deserved na piliin mo. I don't know if it's Austin or Raf, but I'm sure that one of them deserves to be chosen. Kung pareho mo silang sasaktan dahil lang natatakot ka, ewan ko na lang sa 'yo."
Natawa na lang ako. "I already made my decision, okay?"
"So, ano? Kayo na ba?"
Umiling ako. "Nope. Not yet. We're not in a rush. We both are taking our time."
"Hmm, tama naman 'yan. Basta ako, masaya ako para sa 'yo, bes! Kahit na sino sa kanila ang piliin mo, magiging masaya pa rin ako sa 'yo, basta't masaya ka!"
Napagdesisyunan namin na bago magsimula ang sa Lunes, magba-bar na muna kami para enjoy-in for the last time ang Christmas break. Siguradong nagmamadali na naman ang mga profs sa requirements kaya pati kaming mga estudyante ay minamadali nila!
Hay, nako profs. Hanggang kailan n'yo gagawin sa amin 'to?
Nagsuot ako ng simpleng itim na silk dress na spaghetti strap na ang partner ay black stilettos. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko at nag-apply ng kaunting makeup at lipstick. Nang humarap ako sa full-view mirror ay nakita ko ang suot kong kwintas na kumikinang. Napangiti ako habang hinahawakan iyon. It really suits me well.
Pareho kami ni Louella na simple lang ang damit na suot, pati ang ayos. Ang balak lang namin ngayon ay mag-enjoy kasama ang mga friends niya na naging friends ko na rin. Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa kay Austin dahil sigurado naman akong may sariling lakad 'yon. At 'di ko naman na kailangang magpaalam, hindi ko pa naman siya boyfriend. Saka na lang.
Sinundo ulit kami ng boyfriend niya sa tapat ng school namin at saka ito nag-drive papunta sa TJC57. I will probably enjoy this night! Kakalimutan ko muna lahat ng requirements sa school pati ang mga magulang kong wala namang pakialam sa akiiiiin!!!
Sinalubong kami ng malalakas na tugtugan, nakakasilaw na iba't ibang kulay ng ilaw, pati na rin ng mga taong nagsasayawan sa loob. Ang iba ay nabubunggo na kami dahil sa sobrang gaslaw nila at ang iba naman, lasing na lasing na kaya naman nababangga na nila ang mga taong nakakasalubong nila.
Nang makarating kami sa pwesto nila Ivan, pumalakpak sila at ibinigay sa amin ang tig-iisang shot ng Tequila. Malugod naman namin iyong tinanggap.
"Whoa, these two girls are undoubtedly beautiful even if their makeups are just slightly applied, huh?" nakangitin bati sa amin ni Val.
Tumango ako sa kan'ya. "I know, thank you."
Alam ko namang maganda ako, tse!
"Whoa." Tumawa si Ivan sa narinig sa akin. "I like the spirit of this girl, huh?" Inilingan ko na lang siya na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. "And you're this wicked lady who dumped Rafael?"
Nag-iwas ako ng tingin. "I didn't mean to hurt him, alright? It's just that, I have this man that I have loved ever since before."
Ngumuso siya. "I know. But this is the first time that Raf got dumped by a girl, huh? Cheers to Rafael's broken heart!"
Itinaas niya ang shot glass na siyang nagpatawa sa amin dahil talagang ice-celebrate niya pa ang pagiging broken hearted ng kaibigan niya? Baliw talaga itong si Ivan.
Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan habang nag-iinuman at nang pare-pareho na kaming tinamaan ng alak ay pumunta na kami sa dance floor para magsayaw. Habang nagsasayaw ako ay may sumayaw rin sa likod ko. Hindi ko alam kung maiirita ba ako or sasakyan na lang ang gusto nitong lalaking 'to. Malinaw naman na talagang tsinatsansingan ako ng lalaking ito.
"Enjoying the night?"
His voice seems familiar. Ngumisi ako at tumango. "Of course."
"Really, huh? Hotdog?"
Bigla ay pakiramdam ko nanlamig ako at nawala ang kalasingan ko sa narinig ko. What the hell?! Anong ginagawa ni Austin dito? Paano niya nalamang nandito ako?!
Hindi ako gumalaw or lumingon para harapin siya dahil alam ko naman na makikita ko lang ang galit niyang mukha. Pumikit ako nang mariin at aalis na sana sa dancefloor nang naglakad siya papunta sa harap ko. Hindi ko na natakasan pa ang pagmumukha niya.
"We are leaving," matigas na sabi niya bago ako hinila palabas ng bar.
Habang hinihila niya ako palabas ng bar ay nagpupumiglas ao. "Austin, ano ba! Bitawan mo nga ako, aalis naman na talaga ako, e!"
Isinakay niya ako sa sa sasakyan at nakita ko na si Grey ang nagdi-drive ng kotseng sinakyan namin. Pagkarating namin sa university ay binuhat niya ako.
"Austin, kaya kong maglakad, ano ba!!!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya habang buhat-buhat niya ako. "Ibaba mo na ako, p'wede ba? Hindi ako lasing, kaya kong maglakad!!!"
"Tss! Hindi lasing pero amoy na amoy ko 'yung alak sa bibig mo?!" bulyaw niya sa akin na nagpatahimik sa akin.
Mabibigat ang hakbang niya habang tinutungo ang hagdanan papunta sa floor ng dorm ko. Nang makarating kami sa room ko ay ibinato niya kaagad ako sa loob ng CR at binuksan ang shower. Sumigaw ako nang sumigaw dahil sa ginawa niya.
"AUSTIN!!! ANO BANG GINAGAWA MO SA AKIN, HA?!?!"
"Bakit ba kasi hindi ka nagpapaalam sa akin?!" bulyaw niya sa akin habang nakahalukipkip sa pintuan.
"Bakit ba ako magpapaalam? Wala naman akong ginagawang masama! I'm just there to hang out, ano bang masama doon?"
Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. "Ang point ko dito, hindi ka nagpaalam sa akin! Tawag ako nang tawag sa 'yo tapos malalaman ko sa mga neighbours n'yo na nag-bar na naman kayo?"
"Na naman? Austin, it's been months since I last went to that kind of place! At bakit naman ako magpapaalam sa 'yo? You're not yet my boyfriend to demand for that!"
Bigla ay napatigil ako sa sarili kong sinabi. Napatahimik ako at napatakip sa bibig ko nang ma-realize na hindi ko na mababawi pa ang sinabi ko. Kita ko na nasaktan siya sa sinabi ko at bigla ay hiniling ko na lang na sana lamunin na ako ng mga tiles na 'to.
"Best friend mo ako, Vanessa. Hindi pa ba sapat na rason 'yon para malaman ko kung nasaan ka? Oo, nililigawan na kita, pero hindi ibig sabihin non, mawawala na ang pagiging mag-best friend natin, tulad ng laging kinakatakot mo."
"A-Austin—"
Nagbuntonghininga siya at tumalikod. "Bilisan mong maligo d'yan, maglalabas na ako ng pamalit mo. Pagkatapos mong maligo d'yan, magbihis ka na para hindi ka magkasakit. Sige na, babalik na ako sa room namin."
Humakbang na siya palayo sa akin pero tinawag ko siya. "Austin, sorry."
Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Okay lang, naiintindihan ko."
Pagkatapos non ay tuluyan na siyang umalis at narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Humiga ako sa sahig at pumikit at hinayaang tumama sa akin ang mga tubig na nanggagaling sa shower.
"You hurt him again, Vanessa. Anong klaseng bibig ba ang mayroon ka? Daig pa kutsilyo kung makapanakit, ah?"
Napabuntonghininga na lang ulit ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top