c h a p t e r 42

     

After ng week na ito ay naging matagumpay naman ako sa report ko, pati sa mga huling quizzes at mga cooking and baking namin bago namin makamit ang Christmas break namin. Umuwi ako sa bahay, at tulad ng dati, wala pa ring sigla ang pamamahay na ito dahil kami na naman ni Manang ang magkapiling.

Wala na naman sila Mama at Papa dahil masiyado silang busy sa trabaho nila. Kailan kaya sila magiging busy para sa anak nila?

Ngayong gabi, abalang-abala akong tumawa sa kwarto ko dahil binabaliw ako nitong si Kim Bok Joo. Napakaganda niya, grabe! Tawang-tawa ako sa kanilang dalawa ni Joon Hyung. Simula pa lang talaga ay malalaman mo nang gusto niya si Kim Bok Joo! Parang tanga, ayaw lubayan ng katatawag ng Chubs si Kim Bok Joo. Ang ganda-ganda, e.

Nasa part na ako na inilagay niya si Kim Bok Joo sa push cart dahil sa sobrang kalasingan, at bilang payatot itong si Joon Hyung ay hindi niya kayang buhatin ang mahal niyang Chubs, nang biglang kumatok si Manang sa pintuan ng kwarto ko.

"Po, Manang!"

"Ay, may bisita ka, hija. Nandito 'yong si Rafael at hinahanap ka."

Napakunot ako ng noo nang marinig ko ang sinabi ni Manang. "Bakit daw ho?"

"Aba'y dinadalaw ka! Siyempre ay manliligaw mo siya, hindi ba?"

Napatampal ako sa noo ko bago ko isinara ang laptop. "Sige po, lalabas na."

Nagsuklay lang ako sandali ng buhok bago lumabas ng kwarto. Pagbaba ko, nakita ko si Rafael na nasa couch at may dalang bouquet ng red roses. Bigla kong naalala si Austin doon. Iniwas ko ang tingin bago ako umupo sa single couch.

"Gabing-gabi na Raf, ah?"

He smiled. "I just missed you. My course was giving me hectic sched and I can't find a little time to go to you."

Iniabot niya sa akin ang hawak niyang bulaklak.

"Thank you, nag-abala ka pa. Okay lang naman, Raf. You don't really need to do that. I'm fine."

Ngumiti siya at nag-iwas ng tingin. "You know, the time that I found out that Austin's courting you too, I find it so hard to accept it. He's the one you love so how can I compete with him? Talo na kaagad ako sa kan'ya pagdating sa 'yo."

Bigla akong kinabahan nang sobra sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako nang pinigilan niya ako.

"From the moment I found out what's going on between my family, I started building competition between Austin and I. Sa lahat ng bagay, gusto kong kalabanin siya. I know that his father wants him to be a lawyer and he doesn't like it, right? So I'm doing my best to become a lawyer someday. Just like his dad."

Tumawa siya nang mahina kasabay ng pag-iling.

"Lahat ng babaeng niligawan ko noong high school tayo, lahat ng 'yon ay ang babaeng sinubukang ligawan ni Austin. Pero wala siyang nakuha kahit isa. Bakit? Kasi I made sure that I'll get everything he wants. At isa pa, alam ko naman noon pa na hindi naman niya talaga gusto ang mga babaeng sinusubukan niyang ligawan. He's doing that to divert his feelings from you to another girl. Alam niya kasing hindi mo magugustuhan kapag nalaman mong mahal ka niya more than best friends.

"My high school world revolves around watching the both of you. I badly want revenge. But as the time goes by that I am with you, I suddenly forgot the main reason why I tried to get close to you. I suddenly forgot about taking vengeance to Austin, because I just fell in love with you."

He laughed again slightly. Hindi pa rin ako makapagsalita. Nanatili lang akong pinanonood siya habang biglaang ikino-confess sa akin ang lahat-lahat ng sinasabi niya ngayon.

This . . . this is so out of nowhere.

"I was a total jerk, and a total asshole back then. You are not wrong for your first impression of me. But you helped me become the best version of me. You made me feel the feelings I never got before. You made me feel appreciated just by saying thank you. You are the very first person to thank me sincerely."

Hindi na ako sumubok pang magtanong kung bakit gusto niyang maghiganti kay Austin dahil alam ko na kung sasabihin niya 'yon, dapat sinabi na niya. I respect privacies, so I won't ask him. I'll just let him be.

"I was an asshole; I tried to use you, but I can't. You are too precious to be used. And I won't do that. Never. Whatever happens tonight, wherever this talk would bring us, I'm prepared."

Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya. "Thank you for understanding me. Thank you for not forcing me to like you. Raf, I like you. But it's just because you are my friend. I like you as a friend, and I will always be thankful for everything you did to me. I will always be grateful for making me happy on my lowest point. I will always and forever be thankful for the help you've done to me. But you know too, that it's him that I love from the start, right? It's him that I love and will love until the end. I hope you'll understand too."

Ngumiti siya at tumango. "I understand it from the very start. I really like you that much that I'll still pursue you even if I don't have any hope." Nagbuntonghininga siya. "I still like you, though. And yes, my anger towards Austin will never fade, but I'll try not to punch him if ever I saw him." He laughed.

Naging curious ako sa kung anong ginawa ni Austin sa kan'ya noon pero kung hindi niya sasabihin ngayon, ibig sabihin hindi pa siya handa. Feeling ko, it's not a small thing.

I smiled genuinely. "Thank you."

"And I still believe that someday, you'll need my help. Just call me and I will help you in any way I can. I'm still hoping that I can date you for real someday, but for now, I will back off. Just don't forget that if ever he hurts you, I will punch and kick him to death, okay?"

I laughed. "Of course, sure. But, how about the necklace you gave me?"

He smiled a little. "Just keep it. It's yours in the first place. I asked the shop to make that kind of pendant, and you are the only person I think of while I'm drawing it. Just keep it and wear it any time you want."

And just like that, we sort our things out.

Kahit naman nakapili na ako sa kanilang dalawa, hindi naman ibig sabihin n'on ay kailangan ko nang sagutin kaagad si Austin. I still need time to think if I'm really ready to enter a relationship or not. Ayokong madaliin ang lahat, at isa pa, hindi rin naman siya nagmamadali. He said that I can take all the time in the world to think about us, basta daw kailangan, siya ang pipiliin ko at hindi ang iba.

Grabe talaga!!!

It's Christmas Eve and I received gifts from my parents and Manang. Mama gave me this new McBook, while Dad finally gave me a credit card! Aaaahhhh!!! This was the best gift I received from them! And Manang's gift for me was a perfume. Aahhh, ang bango!

As for my gifts to them, I gave Mama a navy blue dress, matched with a navy blue polo for my Papa. Pang-couple talaga 'yon. I saw that when I went to the mall to find gifts for them. Binigyan ko si Manang ng damit at isang set ng tatlong mug dahil mahilig siyang magkape.

Matutulog na sana ako nang biglang tumawag sa akin si Austin. Sinagot ko naman kaagad ito.

"Oh, Pusit?"

"Merry Christmas, Hotdog! Nasa harap ako ng bahay n'yo, labas ka na muna."

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko siyang nandoon, nakatayo. Kumaway siya sa akin nang makitang sumilip ako sa bintana. "Merry Christmas din. Sige, bababa na ako."

Pinatay ko na ang tawag at bumaba. Lumabas ako ng bahay at pinagbuksan siya ng gate. "Pasok ka na muna."

"'Di na, ibibigay ko lang naman 'to. Sabi ko kay Daddy, saglit lang ako, e."

Napatango ako. "Okay, ano ba 'yon?"

Kinuha niya sa bulsa ang isang maliit na box at binuksan iyon. Nakita ko na isa itong kwintas na ang pendant ay 'yung sign ng gender na girl, pero hindi siya basta ganoon lang dahil apat na maliliit na ganoon ang design ng pendant na pinuno ng mga makikinang na bato.

Lumapit siya sa akin at isinuot sa akin ang kwintas na 'yon. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko at ngumiti. "Ayan, bagay na bagay sa 'yo." Ipinakita niya ang suot niyang kwintas at nakita ko na ganoon rin ang pendant pero sign naman ng lalaki. "Ayan, bagay na bagay na talaga tayo."

"Psh, Paskong-Pasko, ang corny-corny mo!" sabi ko bago pinitik ang tainga niya.

"Aray naman!" Tiningnan niya ako ng masama. "Pinabili ko 'yan kay Dad sa America. At pera kong sarili ang pinanggastos ko d'yan kaya 'wag mong isipin na sa kanila pa ako umaasa ng pambili ng mga binibigay ko sa 'yo, ah?"

Tinawanan ko lang siya. "Sus. Kanino ba nanggagaling ang mga pera mo? 'Di ba sa Mommy at Daddy mo?" pang-aasar ko sa kan'ya.

"Hotdog naman, e!!!" pikon na rekasiyon niya. Napakapikon talaga!

Humagalpak ako ng tawa. "Oo na, sige na! Tss." Natawa na lang rin siya.

"Sige na, uuwi na ako." He smiled.

"Sigurado ka? Pumasok ka na muna, nagluto ng marami si Mama."

Ngumiti siya at umiling. "Busog na busog na ako sa dami ng pagkain sa bahay. Nandoon rin si Kyle, nakikipag-inuman sa akin pati sa dalawang pinsan ko na nandon nakatira. Kuhang-kuha talaga n'on ang loob ni Dad. Tss."

Sobrang boto kasi ang Dad niya kay Kyle para sa ate niya. Tinatanong na nga raw kung kailan ang kasal, e.

"O, sige na. Matulog ka na. Good night." Hinalikan niya ako sa noo bago niyakap. "I love you."

Nang kumalas siya sa yakap ay kinawayan ko lang siya bago umalis.

Pagtalikod ko ay napangiti ako habang hawak ang pendant ng kwintas at saka nagsalita nang mahina...

"Ako rin, Austin. Ako rin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top