c h a p t e r 40

   

Kinabukasan, maagang natapos ang klase ko dahilan para makapagpahinga ako nang maaga. Masaya sana ako dahil 2:30 p.m. pa lang wala na akong klase, pero pagkalabas ko, nakita ko ang dalawang lalaking naghihintay sa akin sa labas ng classroom. Nakatitig sila sa isa't isa na parang nagsusukatan ng tapang at galing.

Napabuntonghininga ako.

"Anong ginagawa n'yong dalawa dito, ha?" tanong ko sa kanila dahilan para makuha ko pareho ang atensiyon nila.

Tumingin sa akin si Austin nang nakangiti. "I'm here to pick you up. Mamayang 6:00 PM pa ang susunod kong klase. Let's date?"

Wow! Date, huh? Date, Austin? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?

Sasagot pa lang sana ako nang magsalita si Rafael. "Huh! Date, huh? Best friends don't date. They can only have friendly dates."

Napapikit ako ng mariin nang makita ko ang pagtaas ng kanang labi ni Austin. "We're not just best friends anymore, Gonzales. I'm his suitor. And we're going to have a date today." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palayo sa lugar na 'yon.

"Wait, no way! Vanessa, what's this? He's your best friend, right? Anong . . . Anong sinasabi niyang nililigawan ka na rin niya? I thought--"

Lumingon si Austin kay Rafael, dahilan para mapalingon rin ako. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Who told you that you are the only one allowed to court her? Wala. And I will make sure that I will win her, Gonzales. Remember that."

Mabilis niya akong hinila paalis doon at hindi ko na narinig pa ang sagot ni Raf. Sa mga normal na araw, hindi sila nagpapatalo sa isa't isa, pero sa nakita ko ngayon, Rafael totally lost to Austin. I saw how defeated he is that I almost pity him, not until I remember that I am not the prize they will get in their own competition.

"Ha! Double kill! That asshole's trying too hard to get you from me. Anong akala niya, maiisahan niya ako? At sa 'yo pa talaga, huh? No way!"

Napabuntonghininga na lang ako habang naglalakad kami sa hallway ng school. "Austin, am I a prize in the battle that you two are involved?" tanong ko nang mapag-isip-isip ko na naman 'yon.

Huminto siya sa paglalakad bago tumingin sa akin. Kita ko na naguguluhan siya sa sinabi ko. "Prize? Battle? I don't think so, Vani. Bakit? I am not competing with him. He's the one who's trying to knock me out by getting everything from me and I don't really care, though. Not until you're the one who's involved," he sincerely explained.

I shut my mouth for a few seconds, before I asked him again.

"Bakit pakiramdam ko, may labanang namamagitan sa inyo at ako ang nagmimistulang premyo n'yo?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala naman akong pakialam sa kan'ya. Wala naman akong pakialam sa kompetisyong binubuo niya sa pagitan namin. I don't know what's up with him. I just really hate it every time he's trying to get you away from me. Kahit na simpleng paglapit niya ay nanggigigil na ako, 'yon siguro ang dahilan kung bakit naisip niyang magtayo ng kompetisyon sa pagitan namin."

Muli niya akong hinila palabas ng school. Sumakay kami ng bus at nagpunta sa mall. Buti na lang, may dala akong extrang shirt, bwisit na 'to. Dadalhin pala ako sa mall, bakit 'di man lang ako pinagbihis?! Para akong tanga na nakasuot ng uniform ng Culinary. May toyo talaga 'to! Mag-aaya na lang ng date, palpak pa. Tss!

Nang makarating kami sa mall ay dumeretso kaagad ako sa CR para magpalit ng damit. May dala akong isang medyo manipis na dress, parang pambahay ko lang 'to, e. Pero maganda naman. Simple lang.

'Di lang talaga ako nagpapawala ng damit at flat sandals sa bag ko dahil lagi akong may biglaang lakad at malayo ang dorm ko para bumalik. Wala rin namang silbi ang locker ko dahil puro libro lang ang laman non at PE uniform noong may PE class pa ako. Ang liit naman kasi.

Pinalagay ko sa bag niya ang uniform at sapatos ko dahil malaki ang space sa bag niya. Pangit kasing tingnan sa bag kapag nilagay ko sapatos doon, daig ko pa naglayas sa sobrang lobo ng bag.

Nang makaalis na kami doon ay bumaling ako sa kan'ya.

"Ano bang gagawin natin dito? Pangit mo naman mag-set ng date, sa mall pa. P'wede namang sa amusement park. Tss!"

Napakamot siya ng ulo. "'Di naman talaga kita yayayaing mag-date, e. Alam ko kasing yayayain kang lumabas ni Rafael kaya inunahan ko na siya. I don't like you near that asshole."

Inakabayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad.

"Wow! So, kung hindi pa dahil sa nakita mo siyang malapit sa akin, hindi mo pa ako yayayaing mag-date?! Anong klaseng manliligaw ka, ha?"

Tumawa siya. "See? Gusto mo rin pala nang nililigawan kita, eh. You should've said earlier so that I could ask you out as many times as you want." He winked at me.

I snorted. "Who told you, huh?"

Tumitig siya sa mga mata ko at ngumisi. "Eyes don't lie, Madison." Hinalikan niya ako sa ilong na siyang kinagulat ko bago kami sumakay sa escalator.

"Tsk! Saan ba kasi tayo pupunta?"

"We're going to watch a movie, idiot."

Wow! Ako pa talaga ang idiot, huh? Bwisit talaga!

"And don't frown in front of me just because I'm treating you the way I always treat you, Vanessa. Courting you doesn't mean changing everything between us. I'm courting you because I want to show you that I really love you. And this is my way of showing you that loving you means remaining best friends and becoming lovers at the same time. Nothing shall change, just as what you're scared about."

Nakarating kami sa Theaters at namili ng movie na panonoorin. Ayoko naman ng action dahil gusto ko romance. Siyempre babae ako kaya ako dapat ang masusunod.

"I'd like to watch this."

I pointed to the poster of a romance movie.

Umiling siya. "No. We're watching this."

Itinuro naman niya ang poster ng horror movie na ang nakalagay ay isang nakakatakot na manika. What? No, I'm not going to watch that!

"No, Austin. We'll not watch that!"

Ngumisi siya. "Why not? Ako naman ang magbabayad ng ticket."

I grinned. "Yes, and this is our date. Ako ang nililigawan kaya ako ang masusunod!" Hinila ko siya papunta sa counter. "Hi, Kuya. Dalawang ticket nga po ng Me Before You."

Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ako. Binayaran niya ang ticket at bumubuntonghiningang naglakad papasok sa loob ng sinehan. Natawa ako bago tumakbo papalapit sa kan'ya at kumapit sa braso niya.

Sa loob ng halos dalawang oras na nanonood kami ng pelikula, wala man lang akong na-enjoy kahit na isang scene! Ni hindi ko man lang naintindihan ang bwisit na palabas dahil sa sobrang KJ ni Austin. Asar talaga! Walang kwentang ka-date ang hayop na 'to, e!

"Bakit nakasimangot ka d'yan? Sinunod ko naman ang gusto mo na panoorin natin 'yon, ah?"

Inirapan ko siya. "Sa tingin mo napanood ko ng mabuti? Bakit kasi halik ka nang halik, parang tanga 'to!"

He laughed before putting his arm around my shoulder. "I can't help but to kiss you. Naiinggit ako sa nasa itaas natin, e."

"Austin, mag-boyfriend 'yon! It's normal for them to do those things--"

"-pero hindi sa loob ng sinehan. Come on, I'm really envious of them. Bati na tayo."

Umiling ako. "You're just courting me, Austin so you should know your limits!"

Umiling siya. "You can say yes now, Vanessa. So I can kiss you whenever we want."

Siniko ko ang tiyan niya. "You've had enough for this day. Don't let my fist kiss you." Iniwan ko na siya doon. Narinig ko naman ang pagtawa niya bago humabol sa akin at muling umakbay.

"It's just a kiss. There's this thing called fuck buddy, you can be my kissing buddy. I just badly want to kiss you," pangungulit niya gamit ang nagbibirong boses. Bwisit talagang mapang-asar na 'to, kapag siya inasar ko, paniguradong mapipikon 'to. "Ayaw mo talaga?"

Napapikit ako ng mariin habang naglalakad sa loob ng mall. If he just knew what I really feel, he'll laugh his ass off!

"Fine, fine. I'm just joking, baka seryosohin mo." He chuckled. "Kumain na muna tayo. Take out na rin para may pagkain ka mamaya, masyado pang maaga para mag-dinner."

Tumango na lang ako.

Nang matapos kumain ay nag-take out na rin kami para 'di na kami pupunta ng cafeteria para magdinner. Almost 7:00 p.m. na nang makasakay kami sa bus pabalik sa school namin. Mabagal talaga ang byahe kapag nag-commute ka, but bus is better than jeep. Air conditioned, eh.

After forty minutes, nakarating na kami sa school. Inihatid niya ako sa dorm ko bago siya bumalik sa dorm nila. Pero bago siya umalis ay nagpasalamat ako sa araw na 'to.

"Thanks for this epic date, Austin. I enjoyed it even if I didn't understand what we just watched."

Ngumiti siya at hinila ako sa likod at hinalikan sa labi na siyang ikinagulat ko. Ilang beses kong hinampas ang dibdib niya para pigilan siya, pero hindi siya nagpapigil. He just kissed me deeper and deeper like we own this place . . . like there's no one who will see us later if this kiss went longer.

And I unconsciously let go of my bag, closed my eyes and started kissing him back. And then, I realized that even though you deny the truth in front of everyone about your true feelings, your inner self just can't lie. Your inner self can't be controlled by your outside self when things like this happen.

After almost a minute of kissing, he finally broke it. He smiled and brushed his finger on my lower lip. "When I told you a while ago that I wanted to kiss you like what the couple did at the cinema, I really wanted it badly. I desperately want it." He smiled again. "I'm not rushing things between us. You can have all the time in the world to decide about us. But be sure that you will end up with me, okay?"

I just smiled, but I didn't answer . . . because up until now, this fear about Austin and I becoming us was still here. And I don't think it will go away . . . forever. There's just things that can't be.

My tears started to form before I entered our dorm.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top