c h a p t e r 38
Kinabukasan ng hapon, sinundo ako ni Rafael sa bahay. Sabi niya, lumabas muna kami, tutal, sembreak naman. Noong una, ayaw ko dahil naaalala ko ang pinangako ko kay Austin na iiwasan ko siya, pero sa tingin ko, kailangan ko rin ito.
Kailangan ko rin sigurong lumabas muna, baka sakaling makalimutan ko ang lahat.
Nag-iikot kami sa mall ngayon at gusto raw niyang mag-ice skating mamaya. Kanina pa siya nagkukwento sa akin at 'di ko alam kung ano ang mga sinasabi niya. Pakiramdam ko, lumilipad ang isip ko sa ibang lugar. Pakiramdam ko, wala naman talaga ako dito.
"Then, ayon. Ewan ko ba d'yan sa Austin na 'yan. I mean, bars and clubs are my lifestyle. Bawal na bang gawin 'yon para bigla niya akong suntukin kagabi? Hindi ko na nga lang siya pinatulan kasi alam kong magagalit ka, e. But I want to fucking punch him!"
Hindi ako sumasagot sa mga kwento niya. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko kasabay ng paghinto niya sa paglalakad kaya napahinto rin ako at tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"If you have a problem, we can talk about it for a while."
Nangilid ang mga luha ko sa sinabi niya.
How can he say such thing when my main problem was his worst enemy? How can he be this nice when all I do was push him away? Why did he always make me feel like he's always there for me when I don't have anyone to talk to?
"Kahit na ang pino-problema ko ay ang taong kinamumuhian mo?"
Ngumiti siya. "I don't care."
"Kahit na alam mo ang totoo kong nararamdaman para sa taong kinamumuhian mo?"
Again, he smiled. "I'll try my best not to care."
Lumapit ako sa kan'ya para yakapin siya. Naramdaman ko namang nagulat siya sa sa ginawa kong biglang pagyakap pero hindi ko na pinansin 'yon. Oras na mayakap ko siya, sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko.
"Why is it so hard to protect someone you love, Rafael? Why does it feels like I'm destroying him more than I'm protecting him?"
Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik ay pumikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko.
"Sometimes, the more you protect someone, the more you break and destroy them. Especially when the person you are protecting doesn't need or even want to be protected."
I sniffed. "If you are in his shoes, do you want to be protected?"
Naramdaman kong umiling siya. "No. And I understand Austin so well. Naiintindihan ko kung bakit ganoon siya sa 'yo. Sa totoo lang, tama naman siya, e. Ikaw ang mali. You keep on protecting the things that can't be repaired and keep on breaking the things that needs to be protected. You are selfish in that way, Vani. But I still like you, anyway."
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kan'ya dahil sa sinabi niya. "Why are you helping me when you know that it's him that I love in the first place?"
Kumalas siya sa yakap habang hawak ang mga balikat ko. "Hindi ko naman hawak ang puso mo para sabihan kong ako na lang ang gustuhin mo. At hindi ko naman masasabing gusto talaga kita kung hindi kita tutulungan sa mga oras na kailangan mo ng tulong, 'di ba? I know how much you love him, Vani. And I know that I am a jerk and asshole but I am not that asshole not to help you. I won't let you face your problems alone. I will always be here with you." He smiled sincerely.
I smiled too. "Thank you, Dino Rafael."
Naglakad-lakad na ulit kami sa mall at pumunta sa ice-skating range. Ngayon ko lang na-realize na hindi pala dapat ako sumama sa kan'ya sa plano niya dahil hindi naman ako marunong nito!
Yes, Austin and I tried pero siya lang ang natuto since siya ang madalas sa ibang bansa dahil nandoon ang tatay niya. Pero ako? What would you expect from me? Hindi ako marunong!!!
"Rafael, dito na lang ako, panoorin kita."
He chuckled. "No. We'll both go."
Umiling ako."No. Hindi ako sanay, Raf!"
"I'll teach you, then."
"Rafael, I will never learn this shit. Baka hindi mo alam kung ilang beses na akong nangungudngod nang dahil d'yan, ha?"
Naupo siya sa harap ko at isinuot ang sapatos na ginagamit for ice-skating. Bwisit talaga, wala na akong choice! Matapos niyang isuot sa akin ang parehong sapatos na 'yon, inalalayan niya akong tumayo at hinawakan ang kamay ko.
"I will always be by your side, and I will never let you go."
Matapos n'on ay hinila na niya ako papasok sa loob ng ice-skating range. Tili ako nang tili kasi nararamdaman ko na nadudulas ako at natatakot ako na baka nga tuluyan na akong madulas kahit na mahigpit naman ang hawak niya sa kamay ko habang siya ay masayang nag-i-skate! Austin did the same thing for me not to fall, but the fear just won't go!
Nag-i-skate siya habang hawak ang kamay ko at ako naman ay mahihigpit ang mga kapit sa braso niyang nakahawak sa akin. Masayang-masaya pa siya, huh?! Masaya ba siya na ganitong nanginginig ako sa takot?!
Bwisit talaga, bwisit!
After a few minutes, binitawan niya ako at iniwan sa isang lugar.
"R-Rafael, ano ba?" I said, panicking.
Ngumiti siya habang nag-i-skate palayo sa akin.
"Rafael, hindi ako natutuwa, ano ba!" I shouted.
Nanginginig na ang mga kamay ko sa takot at nangingilid na rin ang mga luha ko. Iniwan niya kasi ako sa gitna ng ice-skating range! Paano ako makakaalis dito?! He told me that he'll never leave me, ano 'tong ginagawa niya ngayon?!
"Rafael!!!"
Tuluyan na akong umiyak nang tuluyan na siyang nakalayo sa akin. Nagpaikot-ikot siya, hanggang sa pinaiikutan niya na ako pero malaki ang layo niya sa akin. Sinusundan ko lang siya ng tingin habang tumutulo ang mga luha ko. Nakita ko pa ang mga ngiti niya sa akin habang ginagawa niya 'yon.
"Vanessa Anne!!!" malakas na sabi niya habang nagpapaikot-ikot siya sa may kalayuan sa akin.
Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko sa sobrang takot. Kitang-kita ko ang mga masayang ngiti niya habang nakatingin sa akin mula sa malayo.
"Wag ka nang umiyak! Gusto ko lang sabihin sa 'yo na wala man ako sa tabi mo, lagi kitang nakikita sa malayo! Lagi kitang tinitingnan, lagi kitang pinapanood!"
Kusang tumigil ang pagtulo ng mga luha ko sa mga sinabi niya at napakunot-noo habang nakatingin sa kan'ya. Ano na naman ba itong mga sinasabi niya?
Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa gilid ng mga labi niya. "Vanessa, gustong gusto kita!!!"
Narinig ko ang kantiyawan ng mga taong kasama namin dito dahil sa sinabi ni Rafael. Tumawa siya at bakas na bakas dito ang kaligayahan niya habang nakatingin sa akin.
"Gustong-gusto talaga kita! At wala akong pakialam kung may iba kang gusto. Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka!"
Nag-skate siya palapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Totoo lahat ng sinabi ko, Vanessa. Hindi ako nagmamadali. Alam kong hindi maganda ang pagkakakilala mo sa akin noon. Pero gusto kong sabihin sa 'yo na kahit na ganoon ako sa simula, oo, inaamin kong totoo ang lahat ng pagkakakilala mo sa akin noon. Totoo lahat 'yon, pero para sa 'yo, gagawin ko lahat . . . at susubukan kong magbago at maging mabuti para sa 'yo."
Hinila niya ako at niyakap. Napangiti ako at sunud-sunod na tumulo muli ang mga luha ko dahil masiyado akong naging masaya sa narinig ko mula sa kan'ya. Narinig ko naman ang mga palakpakan ng mga tao na kasama naming nag-ice skating dito.
"Thank you, Raf. Thank you."
Past 9:00 p.m. na nang maihatid niya ako pauwi sa bahay namin dahil may mga pinuntahan pa kaming ibang lugar. Nagpasalamat ako sa kan'ya dahil totoo naman na naging masaya ako sa date naming dalawa. Being with him makes me enjoy the day even when I started it with my tears falling. I guess, trying to like him will not be that bad.
Pagkarating ko sa loob ay nakita kong nandoon si Austin sa couch, nakaupo. Bigla akong kinabahan nang makita ko ulit siya dahil naalala ko na naman ang naging pag-uusap namin kagabi. Pero hindi ko ipinahalata sa kan'ya at kunwari ay masaya ako na makita siya.
"Oh, Pusit!!! Gabing-gabi na, ah?" Pabagsak akong umupo sa tabi niya pero may kaunting distansiya sa pagitan naming dalawa. "Ano palang ginagawa mo dito?"
He smiled a little. "I just had a talk with your parents. Nasa kwarto na sila, ang sabi nila, hintayin na lang daw kita dahil nag-text ka raw na pauwi ka na."
Nag-iwas ako ng tingin at saka ngumiti. "Oh? A-Ano namang pinag-usapan n'yo?"
Nagkibit-balikat siya bago humiga at ginawang unan ang lap ko. Ipinikit niya ang mga mata niya at ipinatong ang braso sa noo niya.
Nagbuntonghininga siya. "Ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat. Na . . . hindi pala dapat lahat ng gusto ng taong mahal mo ay kailangang sundin mo, kasi paano ka naman, 'di ba?"
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. "A-Austin--"
"You have your own life...your own world that needs to revolve. Hindi naman p'wedeng huminto 'yon dahil lang sinabi ng taong mahal mo na pahintuin mo ang pag-ikot ng mundo mo, 'di ba?"
Hindi ako nakasagot. Hindi ko man lang maibuka ang bibig ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kan'ya para sabihin nang biglaan ang mga ganitong bagay sa akin. Ano bang nangyayari sa kan'ya? Ganoon pa rin ang posisyon niya at hindi nagbabago sa bawat minuto at segundong lumilipas na nagsasalita siya.
"I have a confession to make . . ." Hindi ako makahinga. Ano ba 'to?! "Galit ako. Galit na galit ako. Vanessa, galit na galit ako sa 'yo."
Parang naubos ang hangin na nilalanghap ko sa sinabi niya.
Sa akin? Bakit? Anong nagawa ko para maging galit na galit siya sa akin?
"A-Anong--"
"How can you just reject over and over again the love I am offering to you? How can you reject me over and over again, when all I did was to love you?"
Nangilid ang mga luha ko at nag-iwas ng tingin sa mukha niyang nakapikit ang mga mata. I bit my lower lip upon hearing what he said. Right. He has all the rights to get angry on me.
"How could you let go of me just like that, like I don't have any emotions that I would feel after you do that? Like, I'm just a mere cigarette that you'll throw after you finish smoking it . . . like, I'm just a bottle of soda that you'll throw after drinking from it? Like...I'm just a glass that has no emotions and won't complain even if it shattered into tiny little pieces?"
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko sa mga huling narinig sa kan'ya pero hindi ko pa rin ibinabalik ang mga paningin ko sa kan'ya. I don't want to look at him then feel sorry because I hurt him so much. I am hurting too, he should know.
"Look at me, Vani." Hinawakan niya ang baba ko at iniharap ako sa kan'ya. He brushed off the tears on my cheek. "Open your eyes." I opened my eyes slowly, and I saw his sad eyes looking at me. "What did I do to deserve all these pain coming from you?"
If only I could tell him how much I really feel for him.
"Vani, can I not really love you?" kinagat kong muli ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagkawala ng mga hikbi. "How can you be so unfair? How can he shout to the world about his feelings for you, but I can't do the same? Why is he allowed, and why am I not?"
"A-Austin . . ."
Bumangon siya mula sa pagkakahiga at hinawakan ang kamay ko, pinagsasalikop ang mga daliri namin. Nanatili lang akong nakatingin doon.
"It's alright if you really can't love me back, Vanessa. I'm not asking everything in return. All I want is . . . please. Allow me to show everyone that I love you."
Umiling ako. "Hindi nga p'wede."
Nakita ko ang paggalaw ng mga panga niya. "Bakit ba hindi p'wede? P'wede bang bigyan mo ako ng magandang rason para pumayag ako sa gusto mo? Kasi hindi ko pa rin maintindihan."
Umiling ako at mas lalong bumilis ang pagtulo ng mga luha ko. "Masasaktan ka lang!"
"Bakit? Hindi pa ba ako nasasaktan ngayon? Sa tingin mo ba, maayos pa ako ngayon, Vanessa? I'm beyond wrecked! I'm beyond messed up! I am broken beyond repair if I'll let you keep on doing these to me! I am not fine, Vanessa! And I will never be fine so please, stop saying that!"
Tumulo ang luha niya matapos sabihin 'yon at wala akong maisagot sa huling sinabi niya.
Ako rin . . . ganoon din . . . and I don't have the right to tell him that because I am doing it for myself. I was the one who's hurting myself so I don't have any rights to complain.
"Sa buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin ka at ang mga gusto mo. Kapag sinabi mong pigilan ko ang nararamdaman ko sa 'yo, gagawin ko. Pipigilan ko kahit na gaano pa kasakit ang mararamdaman kong kapalit nito. Kapag sinabi mong huwag kitang mahalin, susubukan kong sundin . . . kahit na ikasira pa ng buhay ko. Kahit na ibig sabihin ay makita kitang masaya sa piling ng iba.
"Kaso na-realize ko, hindi pala gano'n kadali. Kasi ang ibig sabihin ng mga iniuutos mo sa akin na 'yon ay kailangang kalimutan at bitiwan kita. And then I also realized that I don't need to do that . . . and I won't do that."
He touched my face and gave me a small smile. "Simula ngayon, hindi mo na ako p'wedeng kontrolin pa tungkol sa mga nararamdaman ko para sa 'yo. Simula ngayon, wala na akong pakialam kung ano ang mga sasabihin at gagawin mo para lang pigilan ako sa pagmamahal ko para sa 'yo. No, Vanessa. I won't let you in any way."
Walang humpay sa pagtibok ang puso ko nang sobrang bilis habang nakatitig ako sa kan'yang seryosong mukha. Ngayon pa lang, madami na akong naiisip na mangyayari sa mga susunod na araw, ngayong sinabi na niya ang mga salitang kinatatakuhan kong marinig mula sa kan'ya.
"I won't let you be with that guy. I won't let you two be the end game. It should be you and me. It should be us. And I will do everything for us to happen."
Matapos niyang sabihin 'yon, ang kamay niyang kaninang nasa pisngi ko lang, ngayon nasa batok ko na para hilahin palapit sa kan'ya at angkinin ang mga labi kong matagal nang pag-aari niya.
He talked in between our kisses. He simply said, "It will be Austin and Vanessa, huh? I will make sure of that," that made my heart beat crazily.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top